
Intruder 2
SIDNEY
Ilang gabi kong pinagpuyatan at pinag-aralan ang architectural design ng subdivision na itatayo ni Andrew. I just discovered how rich he is. He has his own real estate business. He's also an architect! I also discover that he's not yet married.
I search his name on the web. He's a famous and one of the sought out bachelors in town. At kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon, single pa rin siya. He is now a playboy. Iba't ibang babae ang nal-link sa kanya. Kung hindi ko sinira ang wedding niya, siguro masaya na siya sa pamilya niya.
I sighed. Natapos ko na rin ang design na ilalaban ko sa bidding. I already estimated the cost. The materials I used in my designs are simple but elegant. Matibay rin ang mga furnitures at magarbo. Hindi masyadong mahal ang home furnitures ko kung ikukumpara sa iba. Of course, it is exclusively made by my furniture company. Sigurado akong may kalidad ang bawat furnitures na magmumula sa kumpanya ko. I think Andrew can afford the estimated cost for his subdivision. I hope he'll choose my company for this project.
Next week na ang bidding. Ready na ako. Ginagawa ko na lang ang powerpoint presentation na ilalatag ko sa kanila sa Lunes. I made it as presentable and convincing as I can.
Friday na ngayon. Nagawa ko naman nang maayos ang dapat kong gawin. I saved the presentation on my flash drive. Nagprint na rin ako ng mga hand-outs para sa mga directors na huhusga sa bidding. Inilagay ko lahat ng mga kailangan ko sa loob ng suitcase. I'm ready for Monday.
Inagaw ng mga katok sa opisna ko ang atensiyon ko.
"Pasok!" sigaw ko. Bumungad sa 'kin si Vina na nakangisi.
"It's friday night!" excited na sabi niya. I sighed. Close naman ako sa mga empleyado ko. Ang ilan pa nga sa kanila ay naging kaklase ko. Secretary ko naman si Vina. Alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig. Tiyak na may balak na naman siyang mag-bar hopping. Lalo na't may sweldo na.
Tiningnan ko ang relo ko. It's already six in the evening. "Okay. Wait for me outside," nakangiting sabi ko kay Vina. Natutuwang tumango siya at lumabas ng opisina ko.
Tinawagan ko ang kapatid ko at pinagbilinan dahil hindi ako makakauwi nang maaga. Malakas na ang pangangatawan ng nanay ko at naka-recover na siya sa sakit niya. Wala na akong dapat ipag-alala. Si Mama pa nga ang nag-aalala sa 'kin dahil sa tingin niya tatanda akong dalaga. I'm just twenty-six. Marami pa akong makikilala. Siguro hindi pa talaga oras para matagpuan ko ang lalaking nakatadhana sa 'kin.
Nag-eenjoy pa ako sa pagpapalago ng negosyo ko. Nag-aaral pa rin ang dalawa kong kapatid kaya hindi pa talaga ako pwedeng mag-asawa. Although, nakahanda na naman ang educational plan nila kaya wala na talaga akong problema.
Dinala ko ang suitcase ko. Diretso na ako sa company ni Andrew sa Lunes. Hindi na ako dadaan dito. Nakita ko sina Vina paglabas ko. Napangiti ako dahil nagbago na ang suot nilang damit. Handang-handa na talaga sila.
"We also have something for you," sabi ni Erica na may hawak pang paper bag. Isa siya sa mga interior designer ko. She's also my classmate. Karamihan sa interior designer sa kumpanya ko ay puro babae. Napailing ako dahil naisama rin nila si Mia na bagong hire pa lang. She's a junior interior designer. Napansin ko na tila naiilang pa siya dahil sa 'kin. Of course, ako ang boss nila kaya natural lang na maramdaman niya 'yon. But I don't want her to feel that way. Kapag nasa labas ng company, walang superiority.
Kinuha ko kay Erica ang paperbag. Napangiwi ako nang makita ang damit na ibinigay niya sa 'kin. Shorts and glittery black sleeveless shirt. May stilleto pa. Sumakay na kami sa elevator.
"Mia, beware of these two. They're bad influences for you," natatawang pagbibiro ko. Ngumiti naman si Mia na hindi malaman ang isasagot. Halatang naiilang pa talaga siya.
"Hindi naman kami bad influence! Dapat lang na magsaya tayo dahil weekend na!" energetic na sabi ni Vina. I roll my eyes. If I know, magb-boy hunting lang siya.
"Mia, huwag ka ng mailang kay Sidney. Mabait siya. Hindi siya nangangagat," natatawang pagbibiro ni Erica. Mahina ko siyang binatukan. Napapangiti lang sa 'min si Mia. Pumasok muna ako sa comfort room sa lower ground. Nagbihis na rin ako dahil ang baduy naman kung nakasuot ako ng pang-opisina. Napasipol si Vina nang lumabas ako sa comfort room. Nakangisi naman si Erica.
"Nice! Baka makahanap ka na ng boyfriend ngayong gabi!" excited na sabi ni Erica. Nagulat naman si Mia sa sinabi ni Erica.
"Walang boyfriend si Ma'am?" tanong niya. Halatang hindi siya makapaniwala.
"Yes! Since birth," pang-aasar ni Erica. Tumawa naman nang mahina si Vina.
"Hey Mia! Just call me Sidney," nakangiting sabi ko. Hindi ko na pinansin ang pang-aasar nina Vina at Erica. Kaya madalas akong niyayaya nina Erica at Vina sa bar dahil gusto nilang magka-boyfriend na ako. May mga nanliligaw naman sa 'kin pero hindi ko lang talaga type.
Nag-aalinlangan na tumango si Mia. Dumiretso na kami sa kotse ko. Inilagay ko sa loob ng trunk ang suitcase na dala ko. Pumasok naman sila sa loob. Nasa front seat si Erica. Nasa likod naman sina Vina at Mia.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Royal Bar. Balita ko maraming mayayamang pumupunta roon. Let's try the drinks and men too," Erica giggled. Napailing ako. Talagang pati lalaki susubukan nila? I sighed but I started the car's engine. Itinuro sa 'kin ni Erica ang direksiyon. Sinusunod ko lang siya. Kinukulit naman ni Vina si Mia tungkol sa lovelife niya. Mia is having an exclusive interview with Vina. Kab-break lang ni Mia at ng boyfriend niya kaya siya sumama sa 'min. Gusto niyang makalimot. Napailing ako sa mga kasama kong babae. Magaganda sila pero mga hopeless romantic na katulad ko.
Pagpasok namin sa Royal Bar, nabingi na agad ako dahil sa ingay. May live band sa first floor. Sa second floor naman ay may disco bar. Syempre, sa disco bar ako hinila ng mga kasama ko. Umorder agad sila ng bottomless margarita and unlimited chips and salsa. Sila na rin ang umorder para sa 'kin. Hinayaan ko silang uminom. Ako kasi ang maghahatid sa kanila pauwi kaya hindi ako masyadong umiinom. Patikim-tikim lang. Mahirap na ang malasing. Nakikinig na lang ako sa kwentuhan nila. Maya-maya lang ay nagsimula na silang mag-boy hunting. Naunang tumayo sina Erica at Vina. Sumayaw sila sa gitna ng dance floor.
Napailing ako sa pagka-hyper nila.
"Pagpasensiyahan mo na ang dalawang 'yon," nakangising sabi ko kay Mia. Sa tingin ko, nahihilo na siya sa ininom niya. Nakailang baso na agad siya ng margarita. Pero mukhang hindi siya sanay uminom.
"Ang saya nga nilang kasama eh!" Mia giggled. Napailing ako dahil alam kong lasing na siya. Hindi na siya nahihiya sa 'kin. Sumimsim ako ng margarita. Natigilan ako sa pag-inom nang may nahagip ang paningin ko. I saw a familiar man looking straight at me. Bigla akong kinabahan. Kahit minsan ko lang siya nakita, hindi ko maaaring kalimutan ang mukha niya. Because I ruined his wedding. Andrew Mendez is looking straight at me. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa nerbiyos.
I can feel my heart's beating. Sobrang bilis. Hinihiling ko na sana ay nakalimutan na niya ang mukha ko. Apat na taon na ang nakalipas. Hindi na niya matatandaan ang mukha ko. Iyon ang una't huli naming pagkikita. Imposible talagang maalala niya ako.
Mula sa rock music biglang naging slow ang kanta. Bumalik na rin sina Vina at Erica na halatang dismayado sa kantang pumailanglang. Muli nilang tinira ang margarita na nasa harap nila. Hindi ko na tinangkang tingnan pa muli si Andrew. Baka magsisi lang ako.
"Can I have this dance?" tanong ng isang lalaki na nasa gilid ko. Malalim ang tinig niya at maganda sa pandinig ko. Nakalahad ang isang kamay niya sa 'kin. Bigla namang napatili sina Vina at Erica.
"It's your time to shine girl!" hirit ni Erica. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa inasal niya. Nakakahiya sa kung sinumang lalaking ito. Nag-angat ako ng tingin upang kilalanin siya. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang nasa harapan ko na si Andrew. He's smiling meaningfully at me as if he knows me. Agad kong itinikom ang nakaawang kong labi. This can't be! Mukhang babangungutin yata ako sa ngiti niyang nakapagdududa.
"Go na!" sigaw naman ni Vina na halatang may tama na. Halos ipagtulakan na nila ako kay Andrew. Napilitan tuloy akong tumayo at humawak sa kamay ni Andrew kahit ayaw ko. Pero hindi ko alam kung paano ko siya tatanggihan. Inalalayan niya ako patungo sa dance floor. Hindi ako kinikilig dahil ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko. Gusto kong umurong at umalis na sa bar na ito. Gusto kong tumakbo at magtago. I'm kind of guilty.
Nagulat ako nang agad niya akong hilahin palapit sa kanya. Wala sa huwisyo na ipinatong ko sa balikat niya ang mga kamay ko. He harshly encircled his hands around my waist. Tumingala ako sa mukha niya habang nakaawang ang labi sa gulat. He grins devilishly. Halos magdikit na ang mga katawan namin. Pakiramdam ko nga wala ng hanging dumadaan sa pagitan namin.
"I finally found you, wedding intruder," he whispered. I could sense his silent anger. Nanigas ang buo kong katawan at nanlamig. Kilala niya ako! Natatandaan niya ang mukha ko! Kinalma ko ang sarili. Kailangan kong malusutan ito. Saan ako tatakbo? Pwede ba'ng tumakbo?
"What? Who's that? I don't know you. You're talking to the wrong person," matigas na sabi ko. Bahagya ko siyang itinulak palayo pero mas lalo niya akong niyakap palapit sa katawan niya. Gusto kong manghina dahil sa ginagawa niya.
"You fooled my family but not me. How can I forget your face? How can I forget someone who ruined my wedding?" he dangerously said. Hinaplos pa niya ang mukha ko gamit ang isang kamay. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok. Pinigilan ko'ng manginig. There's no sense in denying it now.
"What are you planning to do?" inis pero nanghihinang tanong ko. He grins from ear to ear.
"Well, I'm planning to ruin your life too," he said. Pakiramdam ko biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. He's dangerous. I should get out of here and run!
"Don't try to run. Madali na kitang mahahanap kahit saan ka magtago. Lalo na't alam ko na ang pangalan mo. Sidney Villanueva," mariing wika niya. He stares at me coldly. "By the way, where's our baby?" he sarcastically asked. He even touched my butt. Pinisil niya ito. I can't take this any longer! I gritted my teeth. Marahas ko siyang itinulak pero mas malakas siya. Mahina siyang tumawa dahil hindi ako nagtagumpay na ilayo siya sa 'kin. Inilapat niya ang labi sa tainga ko.
"I wan't to see my baby soon," he whispered seductively. Pakiramdam ko double meaning ang sinabi niya. Alam niyang wala kaming anak! Napapikit ako nang bitawan na niya ako at iwanang mag-isa sa dance floor. I won't let him ruin my life. Naaasar na bumalik ako sa table namin. Wasted na ang itsura nina Erica. Nagtatawanan na sila nang malakas.
"How's your dance?" excited na tanong ni Vina.
"A nightmare," I answered. Gusot na gusot ang mukha ko. "Let's go home. Ihahatid ko na kayo," seryosong sabi ko sa kanila.
"But the night is just starting to get wild," Mia giggled. Napailing ako. Tinawag ko na ang waiter at nagbayad na ako para sa inorder nila. Wala na silang nagawa kundi ang sumunod sa 'kin nang maglakad ako palabas sa bar. Nakasimangot silang lahat sa 'kin.
"KJ!" mahinang bulong ni Erica. I drive quickly away from the bar. Bigla silang nagmakaawa na bumalik kami sa bar pero hindi ako nakinig. Umiiyak pa sila. Every friday night ganito ang nangyayari sa mga lakad namin. I'm ruining everything. Hindi naman sila makapalag. Lalo na't ako ang driver nila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro