Intruder 16
SIDNEY
Pagbalik ko sa Manila. Nakipagkita agad ako kay Ma'am Lina. Sa Lunes na ang balik ko sa Palawan. May ilang suggestions si Ma'am Lina kaya may ilang detalye na kailangang baguhin sa designs. Overall, nagandahan siya sa designs ko. Filipino culture and identity are the design's theme. Sa tulong ng mga wallpapers, curtains, paintings and furniture with the touch of Filipino arts, mas nabuhay ang design. Maaari ng simulan ang decorations next week. Sinabi ko sa kanya na ibang designer ang pupunta sa vacation house nila para mag-asikaso sa buong process. Naintindihan naman niya kaya pumayag siya.
Nang matapos ang pag-uusap namin, dumiretso ako sa opisina para kumustahin ang ginagawa nilang lahat. Nagulat ang mga tao sa opisina dahil sa pagdating ko. Agad silang lumapit sa 'kin at kinumusta ako.
"Girl! You're back! How's Palawan?" excited na tanong ni Ericka.
"Tapos na agad?" takang tanong ni Vina. Umiling ako. Gusto ko sanang magpahinga pero ang dami nilang tanong sa 'kin.
"Wala ka bang pasalubong, Ma'am?" tanong ng isa sa mga employee ko.
"Wala pa e. Babalik pa ako sa Palawan. Hindi pa tapos ang project. Nakipag-usap lang ako sa isang kliyente. Pagbalik ko na lang kasi nagmamadali akong umalis. By the way, sino ang available next week?" tanong ko kay Vina. Halatang nadismaya sila dahil wala akong dalang pasalubong pero mukhang naiintindihan naman nila. Dumiretso na ako sa mesa ko at umupo roon.
"Bakit?" tanong ni Vina.
"Kailangan ko kasi ng isang tao na mag-aasikaso sa vacation house ni Ma'am Lina. May aayusin lang ako sa designs. Iiwan ko na lang sa table ko," sabi ko kay Vina. Binuksan ko agad ang laptop ko at nagsimula na sa pagtatrabaho. Sumimangot naman si Vina.
"Napaka-workaholic mo. Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Hindi ka pa umuuwi sa inyo, ano?" she asked. Napailing siya nang tumango ako.
"Bahala ka. Tatanda ka talagang dalaga," she added. I frowned. Mukhang hindi ako tatandang dalaga. Bigla kong naalala si Andrew. Magiging single Mom ako. Umalis na si Vina upang maghanap ng pwedeng mag-asikaso sa project ko kay Ma'am Lina. Ilang oras din ako sa harap ng laptop. Napangiti ako nang matapos ko na ang designs.
Nagtaka ako nang tumunog ang cellphone ko. Napangiwi ako nang mabasa na si Andrew ang tumatawag. Talagang tinupad niya ang sinabi niya! Napatingin ako sa orasan. Alas kwatro na ng hapon. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Hindi pa ako nagtatanghalian. Hindi kasi ako sumabay kina Vina kanina.
"Hello?" I answered.
"Nasaan ka?" he asked. Kumunot ang noo ko.
"Why? Manila," I answered.
"Saan mismo? Susunduin kita. May pupuntahan tayong party," he said.
"What? Bakit ako ang isasama mo? Hindi rin ako ready," naiinis na sabi ko. Lagi na lang niyang ginagawa kung ano ang magustuhan. He's really inconsiderate. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit tumibok ang puso ko para sa kanya.
"Ako na ang bahala sa 'yo. Where are you?" iritableng wika niya sa 'kin. I sighed. Sinabi ko na nasa office ako. Hindi na siya sumagot pa at pinatay na ang tawag. Hindi tuloy malinaw kung susunduin ba niya ako o hindi.
Tinawag ko si Vina. Nakakuha na siya ng replacement ko. May ilang instructions akong iniwan sa designer na mag-aasikaso sa vacation house. Kinausap ko rin si Vina at sinabing ipaalam sa 'kin ang mga nangyayari sa opisina. Matagal akong mawawala. Two months. Ayon naman kay Vina, walang nagiging problema. May ilang busy sa mga projects na nakuha. Maganda pa rin ang takbo ng negosyo ng kumpanya. Mas lalong nakikilala ang designers namin.
May kumatok sa pinto ng opisina ko. Bumukas ang pinto at sumulpot si Ericka na parang kinikilig.
"Sid! May gwapong naghahanap sa 'yo sa labas!" mahinang sabi niya pero bahagyang tumitili. Napakunot-noo ako. Mukhang si Andrew na ang dumating.
"Sabihin mo, wait lang," sabi ko. Lumabas si Ericka. Muli kong tiningnan si Vina at ang designer. Si Vina halatang gustong magtanong pero hindi niya magawa. I sighed.
"Sige, 'yon na lang muna. Bumalik na kayo sa tables ninyo. Vina, papasukin mo na rito ang bisita ko," I said. Hindi na siya nagtanong pero nagmamadali siyang lumabas. Alam kong curious na siyang makita ang lalaking tinawag ni Ericka na gwapo.
Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Andrew.
"Busy ka pa?" tanong niya. Umiling ako. Inayos ko na ang mga gamit ko. Hindi na siya nag-abalang umupo. Tumayo na rin kasi ako.
"Saan tayo?" tanong ko. Seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakita muli kaya todo-todo ang kaba ko. Paano kung mahalata niya na may gusto na ako sa kanya? Tiyak na pagtatawanan niya ako.
"Sa party ng kakilala ko," he answered. Sumabay na siya sa paglalakad ko palabas sa office. Pinagtitinginan kami ng mga kakilala ko kaya nailang ako. Bahagya sana akong lalayo kay Andrew pero mukhang nahalata niya kaya inakbayan niya ako. Narinig ko pa ang impit na pagtili nina Vina at Ericka. Nilingon ko sila at pasimpleng pinanlakihan ng mga mata. Inaalis ko ang kamay ni Andrew sa balikat ko pero hindi natitinag ang kamay niya. Sumimangot na lang ako. Tiyak na tatawagan ako nina Vina upang tanungin ng kung anu-ano. Tiyak na daig ko pa ang nasa hot seat kapag nagkataon.
Dumiretso kami sa isang boutique. Sinabi niya na pormal ang party kaya kailangan kong pumili ng dress. Dahil nahalata niyang nag-aalinlangan ako, tinulungan niya ako sa pagpili. He chose a sexy turtle-neck black dress na backless. Ibinili din niya ako ng stiletto at purse. Dumaan kami sa isang salon at iniwan niya ako roon. I sighed. Nagsimula nang ayusan ang buhok ko. Maganda ang shades ng make up sa mukha ko kaya halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Suot ko na rin ang dress at stiletto ko. Bumalik na rin si Andrew. He wears a black coat and tie. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Yumuko siya at may inilagay sa leeg ko. It's a simple but elegant necklace. May oblong na red stone pendant ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang bumulong siya sa 'kin.
"You're beautiful," he softly whispered.
Humiwalay na siya sa 'kin kaya hindi ako nakapag-react. Nagbayad na rin siya. Inilahad niya ang isang kamay niya at inalalayan akong tumayo. Nakakawit ang kamay ko sa braso niya. Parang natatakot siya na mapatid ako dahil sa suot kong three-inches high heels. Sumakay kami sa kotse niya. Tahimik lang kami pero nararamdaman kong gutom na ako. Hindi na lang ako nagreklamo. Sana naman makakain ako nang maayos sa party.
Nang makarating kami sa isang hotel, pumasok kami sa isang hall. Sobrang dami ng tao. Puro love songs din ang musika na pumapailanglang sa paligid. Kinalabit ko si Andrew.
"Andrew, anong party 'to?" tanong ko.
"Engagement party," he answered.
Kumunot ang noo ko. "Kaninong party? Sa friend mo?" interesadong tanong ko.
Seryoso pa rin siya. "Yes? No? But I'm invited. Sa ex-fiance ko. Sa ex-bride ko," he answered. Hindi siya ngumingiti. Natigilan ako sa paglalakad dahil sa gulat. He looked at me. Nagtataka siya sa ikinilos ko.
"Bakit mo ako dinala rito?" gulat na tanong ko.
He grinned. "Ruin this occasion for me," he said. My eyes grew wider. I can't do that! Seryoso ba siya? Inalis ko ang kamay ko na nakakawit sa braso niya. Balak ko na ang umuwi. This is nonsense. Akmang maglalakad na ako palayo pero pinigilan niya ako sa braso. He chuckled.
"I'm just kidding. But I really need your company so don't let me down," he said sincerely. I sighed.
"Paano kung makilala niya ako?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Don't worry. She won't remember. It's been four years. Si Ayden nga hindi ka naalala, siya pa kaya?" he assured me. Tumingin ako sa kanya nang seryoso.
"Why did you come here? Hindi ka ba nasasaktan na ikakasal na sa iba ang bride mo noon?" tanong ko. Tumigas ang anyo niya. He looked away. Sa tingin ko nasasaktan nga siya.
"Our families are good friends. She's my childhood sweetheart. She wants me to be here. Alam kong gusto niyang gumanti dahil sa ginawa ko noon sa kanya. Mas magagalit siya kung hindi ako pupunta," he said but he didn't answer all my questions.
Napayuko ako. "I'm sorry. Kasalanan ko," I said. Sa totoo lang nasasaktan ako para sa kanya.
"Don't be. Just stay with me tonight," he said. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya akong maglakad. Tumigil kami nang may lumapit sa 'min na isang napakagandang babae. Kasama niya ang escort niya. Base sa suot niya, natitiyak kong siya na ang babaeng tinutukoy ni Andrew. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin nang mabaling ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko alam kung nakilala niya ako o hindi pero kinakabahan ako. Mahigpit na pinisil ko ang kamay ni Andrew. Hinila naman niya ako palapit sa kanya at inakbayan. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba.
"So you came," she said. "Who is she?" tanong niya kay Andrew.
"She's my girlfriend. She's Sidney. Congratulations for the both of you and best wishes," he said in a flat tone. But I think he's sincere with what he had said. Mapanuring tiningnan ako ng babae. Tila kinikilala ko.
"She looks familiar," she said.
"Maybe. She is a great interior designer. Maybe you've seen her in a magazine," Andrew said. "By the way, Sidney this is Claire. And her fiance Henry," he added. Inilahad ko ang kamay ko kay Claire pero hindi niya tinanggap. Nahihiyang nagbawi ako ng kamay. Seryoso naman si Henry at halatang ayaw niyang makita si Andrew sa okasyon na ito.
"Dumaan lang kami rito para batiin kayo. Aalis na rin kami," Andrew said. Halatang may gusto pang sabihin si Claire pero hindi na niya nasabi dahil hinila na ako palayo ni Andrew. At least, makakahinga na rin ako nang maluwag. Bumuntong-hininga si Andrew nang makapasok kami sa kotse niya.
"Bakit ka ba kinakabahan?" naiinis na tanong ni Andrew sa 'kin. Iritableng lumingon siya sa 'kin. Nainis na rin ako.
"Sino ba naman ang hindi kakabahan? Paano kung makilala ako? Paano kung sabunutan niya ako? May laban ba ako? Baka pagtulungan pa ako ng mga kamag-anak at kaibigan niya. Masisira ang beauty ko. Mag-isa lang ako, Andrew!" inis na sabi ko sa kanya. Inirapan ko rin siya. Sa dinami-rami kasi ng pupuntahan, sa party pa ng ex niya. Masokista yata ang lalaking ito eh.
"Hindi mo kailangang matakot. Kasama mo naman ako," napapailing na sabi niya.
"Edi lalo tayong pinagtulungan," nakasimangot na sabi ko.
He chuckled. "Sayang naman ang pagbili ko sa dress mo. Hindi na napakinabangan," he said. I glared at him.
"Babayaran ko na lang," naiinis na saad ko.
Natigilan siya na tila may naisip na kalokohan. "No need. Mukhang magagamit pa natin 'yan," he said. Pinaandar na niya ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi na ako nagreklamo pa.
"Gutom na ako," mahinang sabi ko pero mukhang narinig niya.
"Let's eat first," he said. Hindi na ako nagkomento. Napagod ako sa araw na ito. Gusto ko na ring magpahinga. Hindi alam ni Mama na narito ako sa Maynila. Nakalimutan ko na siyang i-text o tawagan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro