
Intruder 15
SIDNEY
Nagising ako dahil sa magagaang halik ni Andrew sa mukha ko. Iminulat ko agad ang mga mata at bahagyang lumayo sa kanya. Inaantok na tiningnan ko siya.
"Why?" inis na tanong ko dahil alam kong maaga pa. "Ano'ng oras na ba?" dagdag na tanong ko dahil mukhang madilim pa sa labas.
"4:30," he answered. I frowned. Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil maaga pa naman pala. Hindi ko alam kung bakit ginigising niya ako nang maaga.
He heaved a deep sigh. "Lalabas lang ako. I'll be back at 5:30. Be sure you're ready to go. Mamamasyal tayo," he said.
Marahan akong tumango at hindi na siya tiningnan. Ibinalot ko sa kumot ang katawan ko. Gusto ko pa talagang matulog. Isang oras pa.
Umangat ang kama dahil sa pag-alis niya. Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Siya na ang mahilig mag-exercise sa umaga! Naramdaman ko na hinila na naman ako ng antok. Hindi ko na namalayan ang oras at kung gaano ako katagal natulog.
***
Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Dahil inaantok pa ako, gumalaw ako at umiwas palayo sa tumatapik sa 'kin. Ang aga-aga!
"Kung hindi ka babangon diyan, ako na ang magbibihis sa 'yo!" sabi ng isang tinig. Gumalaw ang kama kaya bigla akong natauhan. Si Andrew! Napabalikwas ako ng bangon, hindi ko napansin na nasa harap ko pala siya kaya nauntog ang noo ko sa balikat niya.
"Aray!" daing ko dahil sa pagsakit ng ulo ko. Hinaplos ko ito. Ang lapad-lapad kasi ng balikat niya! Bahagya kong nilingon si Andrew. Nakahubad siya at pawisan. Napailing siya dahil sa nangyari sa 'kin.
"Masakit ba?" tanong niya. Napaigtad ako nang haplusin din niya ang noo ko. Parang concern siya. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya o totoo ang ipinapakita niya. Hindi ko maintindihan ang drama niya.
"Okay na ako," naiilang na sabi ko. Kinakabahan kasi ako sa ganitong ugali ni Andrew. Kapag patuloy pa siyang naging mabait, baka hindi ko na mapigilan ang sarili. Baka mahulog na ako sa kanya. At 'yon ang nakakatakot. My heart is at risk for this man.
"Go change," he said. Umalis na siya sa kama at pumunta muna sa maliit na terrace. I sighed. Kinuha ko ang mga gamit ko saka tumuloy sa banyo. Nagtataka na ako sa sarili ko kung bakit ko siya sinusunod. Kung bakit ako narito at kasama siya. Hindi ko ba talaga siya kayang takbuhan o takasan? Nagmadali ako sa pagligo. Baka mainip kasi si Andrew sa paghihintay.
Medyo see through ang suot kong damit. Suot ko ang swimsuit na pinili ni Andrew para sa 'kin. It is a black and white two-piece swimsuit. Nang lumabas ako sa banyo, siya naman ang pumasok.
Nang lumabas siya, sando at beach shorts ang suot niya. Tumingin siya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa tingin niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Let's go," he said. Tumayo na ako sa kinauupuan. Dala ko ang sling bag ko. Mabuti na lang nagdala rin ako ng camera. Kahit kinakabahan ako na kasama si Andrew, excited naman ako sa pupuntahan namin.
Umarkila ng isang bangka si Andrew. Ginawa niyang tour guide si Manong. Bago kami sumakay sa bangka, may iniabot na paper bag sa 'kin si Andrew. May snorkel, fins at snorkel vest. Pinagpalit niya ako sa isang comfort room.
Matapos nagpalit, sumakay na kami sa bangka. Una kaming dinala ni Manong sa Big Lagoon. It was a popular snorkeling spot in El Nido. Madalas may mga sea turtles dito ayon kay Manong. Sayang! Hindi water-resistant ang camera ko.
Bumaba kami ni Andrew sa tubig. Sabay kaming sumisid. Natuwa ako dahil may nakita akong mga sea turtles. Marami ring makukulay na isda ang lumalangoy. Kitang-kita rin ang mga sea weeds at corals.
Mukhang nag-eenjoy din si Andrew nang mapalingon ako sa kanya. Nag-thumbs up ako sa kanya.
Nang magtatanghali na, dinala kami ni Manong sa Whale island. Pumunta kami sa beach ng Dilumacad. Nagulat ako sa dami ng tao na kumakain sa mga restaurants doon. Kumain kami ni Andrew na walang gamit na kutsara at tinidor. Kamay lang. Noong una naiilang pa siya dahil hindi siya sanay. Ako kasi ang pumili ng restaurant na kakainan namin. Ilang segundo lang ay nasanay na siya sa pagkain gamit ang kamay. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil naaakit akong pagmasdan siya. Kumain na rin ako nang tahimik.
Nang matapos kumain, pumunta pa kami sa iba't ibang isla. Puro snorkeling ang ginawa namin at pareho kaming nag-enjoy. Nakakatuwa dahil may mga starfish pa.
Buong maghapon kaming namasyal. Minsan kumukuha ako ng mga pictures kapag naglalakad kami sa dalampasigan. Minsan sinasadya kong hagipin sa picture si Andrew. Stolen shots. Napapangiti ako dahil wala siyang kamalay-malay.
Matapos mamasyal, binayaran niya si Manong at bumalik na kami sa hotel. Saglit lang kaming nagpahinga. Nauna akong maligo sa kanya. Iniligpit ko na rin ang mga gamit ko dahil paalis na kami. Mamayang alas dose daw ang flight ni Andrew.
Nakaupo ako sa kama habang naghihintay sa kanya. Napalunok ako nang lumabas siya sa banyo. Nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya. Pinupunasan din niya ng face towel ang basa niyang buhok. Hindi ganoon kahaba ang buhok niya pero bagsak na bagsak ito.
Hindi sinasadyang napalingon siya sa 'kin. Ngumisi siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Nailang ako at namula rin ang mukha ko. Bakit kasi ang kisig ng pangangatawan niya?
"You're drooling," pang-aasar niya.
"I'm not!" defensive na react ko kaagad. He chuckled. Napaigtad ako nang tumabi siya sa kinauupuan ko. Niyakap niya ako mula sa likod. He kissed my nape. Wala sa sariling napaungol ako nang mahina.
"Andrew!" pilit kong saway sa kanya pero hindi siya nakinig. Gumapang ang halik niya sa gilid ng leeg ko. Nakagat ko ang labi dahil sa pagpigil na tumawa. He is biting and sucking my neck now. Impit akong napaungol.
Tumigil siya, he pushed me down the bed. Napalunok ako nang pumaibabaw siya sa 'kin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"I'll call you when you come back to Manila," he said. Hindi na ako nakapagsalita dahil hinalikan na niya ako. Nagpaubaya ako. Tinugon ko ang halik niya. Naramdaman ko ang kamay niya na humaplos sa dibdib ko kahit may damit ako. Shit! Napaungol ako. Kahit may saplot pa ako sa katawan, damang-dama ko ang init mula sa kamay niya.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon bago siya tumigil. He was panting heavily. Maging ako. Bumangon na siya. I sighed. Pakiramdam ko bibigay na ako sa kanya. Nagbihis na siya.
Tinulungan niya ako sa pagdala sa gamit ko kahit paperbag lang naman 'yon. Nag-check-out kami sa hotel. Dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya. Ihinatid din niya ako pabalik sa Puerto Princesa. Naglakad kami sa dalampasigan, malapit lang sa cottage. Mabuti na lang, hindi masyadong marami ang tao. Walang masyadong trabahador.
"Thanks pala," nahihiyang sabi ko. Ang awkward kapag hindi siya nagsasalita. I'm not good at opening topics either.
"No problem," he said. Tila malalim ang iniisip niya nang pasimpleng tingnan ko siya. Sa totoo lang, mahirap talaga siyang intindihin. Sabagay, hindi ko pa naman kasi siya lubos na kilala. Hindi ko talaga alam kung ano ang totoong ugali niya.
"You should go now. Baka ma-late ka pa sa flight mo," sabi ko na lang. Hindi ko talaga alam kung paano siya kakausapin. Nakakapanibago ang pagiging tahimik niya.
He stopped walking. Napatigil din ako na may halong pagtataka. Hinarap ko siya. Nagtatakang sumulyap ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Hinawakan niya ako at hinila papalapit sa kanya.
He lifted my chin up to face him. Binigyan niya ako ng magaang halik sa labi. He grinned. "I'll wait for you in Manila," he mischievously said. Napalunok ako. Nawala ang kaninang seryoso niyang mukha. Well, I preferred him this way. Hindi ko gusto kapag seryoso siya.
"Andrew, I have a question," lakas-loob na sabi ko. Kumunot ang noo niya. Hindi siya nagsalita pero naghintay siya sa tanong ko.
"What are you planning after getting me pregnant," diretso kong tanong. I am looking at him straight in his eyes. Tumigas ang ekspresiyon ng mukha niya. Hindi ko matukoy kung galit ba ang nakita ko sa mga mata niya. Hindi ko alam.
"I don't know," he answered. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. Binitawan niya ako. "I'll go now," he said. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang nakikita siyang naglalakad palayo. Maybe I already fall for him. And I'm afraid that he will leave when he gets what he wants from me. I clutch my chest. Naiinis ako sa puso ko na tumitibok para sa maling tao.
****
I worked hard for the whole week. Biyernes na bukas. Humingi ako ng leave kay Ayden para makapunta ako kay Ma'am Lina. Kinakabahan akong bumalik sa Maynila. Pero hindi ko maitatanggi na gusto ko ring makita si Andrew. Ang kaso lang, alam kong natatakot din ako. Alam kong hindi ko na siya matatanggihan. Gusto ko na siya. O mas tamang sabihin na mahal ko na siya.
I sighed. Inaayos ko na ang mga gamit ko. Ihinanda ko na lahat. Humiga ako sa kama at mariing ipinikit ang mga mata. Kung matututunan ba akong mahalin ni Andrew, mapapatawad na niya ako? Kakalimutan na ba niya ang mga kasalanan ko? Maybe. Pero mukhang mahirap siyang paibigin. He is too mysterious to understand.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro