Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Intruder 11

SIDNEY

Third day in Palawan. Napuyat ako kagabi dahil ginawa ko na ang drafts ng design na ipapakita ko kay Ma'am Lina.

Kahapon kinulit din ako ni Kath dahil sa eksena namin ni Andrew sa dining hall. May nakakita rin sa 'min na naghahalikan sa dalampasigan. Hindi ko akalaing sikat na sikat si Andrew sa mga kasama ko. Siguro dahil sa negosyo ni Andrew. Marami rin kasing interior designers ang gustong makakuha sa projects ng company ni Andrew. Hindi ko alam kung paano ko itatanggi na wala kaming relasyon dahil sa mga nangyari. Kahit ano'ng sabihin ko hindi sila naniniwala na wala kaming relasyon.

Maaga pa. Malapit ng sumikat ang araw nang lumabas ako sa cottage. Tulog pa ang mga kasama ko. Mangilan-ngilan pa lang ang tao sa paligid. Umaahon na rin ang mga mangingisda na pumalaot kaninang madaling araw. Marami na ang naghihintay sa mga nahuli nilang isda. Naghikab ako at nag-unat-unat ng katawan. Pakiramdam ko masakit ang katawan ko dahil bugbog at subsob sa trabaho.

Nakakailang dahil tinulungan ako ni Andrew sa designs na gagawin ko. He gave me ideas yesterday. He's acting kind and strange. At mas nakakatakot 'yon. Mas kinakabahan ako sa inaakto niya. Is he trying to deceive me? I don't know.

"Hey!" May malalim na boses na nagsalita mula sa likod ko. I am bending my body sideways and having an exercise. Halos tumalon ang puso ko sa pagkagulat. Hindi dahil nagulat ako kundi dahil alam ko na boses 'yon ni Andrew. Agad akong tumayo ng tuwid at humarap sa kanya. Awkward. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya ako hinalikan kahapon. Mabuti't nakapagtrabaho pa ako nang matino kahapon. I'm glad he's not bringing up the topic.

He looked at me from head to toe. Tila sinusuri ang buong katawan ko. Nailang ako. Buti na lang nakapag-toothbrush ako at nakapagsuklay ng buhok. He is wearing jogging pants and jacket. Mukhang katatapos lang niyang mag-jogging dahil pawisan pa siya. Alagang-alaga niya ang katawan niya. I wonder what his body looks like. Siguro ang firm ng muscles niya.

Natauhan ako sa nai-imagine ko. I'm just wearing shorts, oversized t-shirt and flip flops.

"Come here," he commanded. Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit naman ako lalapit sa kanya? Saka sino ba siya para utusan ako? I frowned.

"Bakit?" nagdududang tanong ko.

"Basta lumapit ka," naiinip na sabi niya.

"Paano kung ayaw ko?" naiinis na sabi ko.

"Then you'll be punished," he grinned. Napalunok ako sa sinabi niya. Kinabahan ako. Sumeryoso na ang mukha niya nang hindi ako natinag sa kinatatayuan. Hindi ako gumalaw pero hindi na siya nakapaghintay. Siya na ang lumapit sa kinatatayuan ko. Napaurong ako nang mapansin na nakatayo na siya sa harapan ko. Pero hinapit niya ang baywang ko at hinila palapit sa kanya.

"Why can't you just follow my orders? Mahirap ba talaga?" naiinis na tanong niya. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa hindi na ako nakapagsalita. Kapansin-pansin din na mabango siya kahit pawisan. Nakakainis naman! Gumamit ba siya ng papa cologne? Pinigilan kong tumawa dahil sa kung anu-anong kalokohang pumapasok sa utak ko.

He lowered his head on my neck, he started to sniff my scent. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko mapigilang makiliti. It's the most sensitive part of my body. Nakagat ko ang labi ko. Gusto kong pigilan ang pagtawa. He planted small kisses on my neck. I am a little conscious because I'm not yet taking a bath. Pero nakikiliti talaga ako. I let out a soft chuckle. It almost turn up into a moan.

"Shit!" impit na daing ko. Bumibigat na ang paghinga ko. Dahil hindi na ako nakatiis, hinawakan ko na ang magkabilang pisngi niya at inilayo sa leeg ko. Naaaliw na tiningnan niya lang ako.

"Is it good?" nang-aasar na tanong niya. Hindi ko alam kung bakit bahagyang hinihingal ako dahil sa ginawa niya. Nakakainis naman! Bakit kasi may kiliti pa ako sa leeg! Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

"It's not," naiinis na sagot ko. "Don't do it again. Lalo tayong mai-issue dahil sa ginagawa mo," saad ko.

"I don't care," he said and shrugged his shoulder. Inalis ko na ang kamay niya na nakapulupot sa baywang ko.

"Hindi talaga kita maintindihan. Bakit kailangan mo pa 'tong gawin? Wala kang mapapala sa ginagawa mo," naiiling na sabi ko.

Sumeryoso ang mukha niya. "Alam mo kung bakit. At ako ang magdedesisyon kung may mapapala ba ako o wala," he said. "Anyway, kailangan ko na palang bumalik sa Maynila ngayon," mahinahong sabi niya. Muling nag-iba ang tono ng pananalita niya. Lalo akong naguguluhan sa ginagawa niya. May double personality ba siya?

"Hindi mo kailangang sabihin sa 'kin 'yan," nakasimangot na sabi ko. Pero deep inside masaya ako dahil aalis na siya. Wala ng manggugulo sa 'kin. Wala na akong dapat ikabahala.

"By the way, I'll come back here next week. Saturday and Sunday. That are your days off right? You'll spend those days with me," he said.

Nanlumo ako sa sinabi niya. Sana hindi na lang siya bumalik. "Why are you deciding for me?" naiinis na tanong ko.

Hindi niya pinansin ang pagrereklamo ko. "And don't get close with Ayden. You don't know him," he warned me.

"Hindi rin kita kilala," naiinis na sabi ko.

"Kung ganu'n naligaw ka lang sa kasal ko?" salubong ang kilay na tanong niya sa 'kin. Nakagat ko ang labi ko. Kung alam lang niya, pinagkakitaan ko ang kasal niya.

"Just follow me," seryosong sabi niya nang hindi ako magsalita. "Will you follow me?" he asked for assurance. He lifts my chin up to face him. He is waiting for an answer. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nagulat ako nang yakapin niya ako. He puts his lips near my ear.

"Come on. Don't disobey me," he whispered. Unti-unting humigpit ang pagyakap niya sa 'kin. Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ito hindi na ako makakahinga.

"Andrew!" sigaw ko dahil pakiramdam ko mababali ang buto ko sa ginagawa niya. Bahagya ko siyang itinulak. He sighed and loosen his hug. But he didn't let me go.

"You know. I really want to crush your body now. But I'm afraid that you might break. You're as fragile as glass," matalim na wika niya. I can't sense any emotions from his voice. Ngayon ko napatunayan na hindi talaga siya mabait. Nakakatakot siya.

Kumalas siya sa pagyakap sa 'kin. "Be a good girl," he said while he's looking intently in my eyes. Iniwan niya akong natitigilan. Hindi na niya ako hinayaang magsalita pa. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Buong maghapon na hindi ko nakita si Andrew. Mukhang bumalik na talaga siya sa Maynila. Bahagya akong nakahinga nang maluwag. Ipinagdadasal ko na wala na sanang Saturday at Sunday sa kalendaryo para hindi na siya bumalik. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa muling pagbabalik niya. Siguro dahil baka pagbalik niya, tuluyan na niya akong gawan ng masama. Sana naman hindi. Kawawa naman ang future husband ko kapag nagkataon!

***

Lumipas ang mga araw na si Ayden ang nakakasama ko. Madalas siya ang kinukonsulta ko sa designs ko. Humihingi rin ako ng ideya kung paano mas mapapaganda ang designs na ginawa ko. Sinabi ko rin sa kanya na ang ilang furnitures na inilagay ko sa designs ay mula sa furniture company ko. Well, kailangang tumakbo ang negosyo kahit ano ang mangyari.

Hindi naman nakakatakot si Ayden. He's actually kind and the perfect opposite of Andrew. He's cheerful too. Wala naman siyang kakaibang ginagawa para lapitan ako. Mukhang hindi naman talaga siya interesado sa 'kin katulad ng sinabi niya noon. Now, we're good friends.

Naiilang kasi ako sa ibang designers kasi parang umiiwas sila sa 'kin. May nagawa ba akong hindi maganda? I wonder why. It seems like we're on a competition.

"Sidney," tawag ni Ayden sa 'kin nang makita niya akong naglalakad sa hallway. Tumigil naman ako at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Why?" takang tanong ko.

Ngumiti siya sa 'kin. "May lakad ka ba bukas?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. Wala akong kahit anong lakad. I am just planning to finish my designs.

"Ano ba'ng araw na bukas?" takang tanong ko.

"Saturday. Gusto mong mamasyal?" he asked.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya. "S-Saturday?" gulat na gulat na tanong ko. Hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. Natampal ko ang noo ko. Darating si Andrew.

"P-Pero si Andrew kasi," nag-aalinlangang sagot ko.

Biglang nawala ang ngiti niya. "Darating siya?" takang tanong ni Ayden.

"Sabi niya," hindi siguradong sagot ko.

"I see. Girlfriend ka ba niya?" diretsong tanong ni Ayden. Agad akong umangal at nagreact.

"No! Hindi niya ako girlfriend!" halos napasigaw na sabi ko sa kanya.

Kumunot-noo siya. "Ano pala? Nanliligaw ba siya sa 'yo?" interesadong tanong niya. Tila kuminang ang mga mata niya na parang may binabalak na masama.

"No! Hindi rin. Basta mahirap ipaliwanag. Kumplikado," tanging nasabi ko na lang.

"Okay. Hindi na ako magtatanong. But if you need some friendly advice, just ask me," he smiled kindly. Tinapik niya ang balikat ko bago umalis. Napasimangot ako. Pupunta nga ba bukas dito si Andrew? Maybe not. Busy siya sa buhay at negosyo niya. Pero gusto kong mamasyal! Dapat pumayag na lang akong sumama kay Ayden. I sighed. Dumiretso ako sa kwarto ko at isinubsob ang sarili sa paggawa ng designs. Kung matutuloy si Andrew, tiyak na hindi na ako makakapagtrabaho sa weekends.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro