Chapter 9 It's good to be killed
POV Azalea
Kring kring kring~~~
Uhmmmm
Kring kring kring ~~~
Ano ba yan, bat ang ingay? Napabangon na lang ako sa ingay. Ah Oo pala nagalarm ako may pupuntahan pala kami Azalea di ko nga alam kung saan.
Ilang araw na pala akong nandito sa bahay nila at ilang araw rin akong nagiisip sa mga nangyari at ang pagiwan nya sa akin. Ang pagiwan nya at ang pagbalik nya. Sa ngayon si Papa muna ang priority ko hahanapin ko sya .Ilang araw na rin kaming naghahanap sa kanya kahit wala ako sa sarili nahahanap parin.
Umalis nako sa higaan at pumunta na sa salas. Nagtataka kayo kung bakit parang akin na itong bahay nila azalea diba? Well mabait kase ako kaya ayon pero joke lang sabi kase nya magkaibigan na kami kaya ang bahay nya bahay ko na rin, gamit nya gamit ko na rin oh diba?.
"Gising ka na pala? Kain na" sabay ngiti nyang sabi.
"Oo ehh hindi ba halata?"tanong ko na may pagka sarcastic.
"Pilosopa mo talaga kain na at may pupuntahan tayo"
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Secret malalaman mo lang pagnandoon na tayo" sana yung tatay ko yun.
"Papa ko ba yun?"tanong ko. Lumungkot naman ang mukha nya. Bakit ganon?
"Secret nga!" ayon tumaas naman boses nya.
.
.
.
.
.
.
Nakasakay na naman ako sa sasakyan yaaahh tapos may butas pa sa taas nito ang hangin naman!
"Oy saan ba talaga tayo pupunta?" Kanina ko pa to kinukulit eh bakit ba ayaw nya pang sabihin sa akin? Wala naman akong clue ehh kainis naman.
"Kanina ka pa lea, malalaman mo rin naman yan mamaya pag dumating tayo" kung malalaman ko rin naman pala mamaya bakit di nya pa sabihin saakin ganon parin yun hayst.
"Ano ba yan" ayon nanahimik na lang ako. Wala rin naman akong mapapala pagpinapatuloy ko pa to masasayang lang laway ko. Bigla namang huminto ang sasakyan kaya nauntog ulo ko.
"Alora huwag ka namang ganyan magmeneho baka ano pang pangyari sa atin eh" sabay batok sa kanya. Kainis eh.
"Sorry naman nandito na pala tayo" napatingin naman ako sa labas ng sasakyan. Bakit nandito na naman ako? Ang laki parin nito.
"AHH Alora ano palang pangalan dito?"
"Hospital to di mo ba alam ang lugar na ito" pano ko malalaman isang beses lang ako nakapunta dito.
"Hindi ehh , bakit pala tayo pumunta dito" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Malapit mo ng malaman pagnakapasok na tayo". At nagsimula na syang maglakad, sumunod naman ako baka iwan pa nyako dito. Ng makapasok na kami tinignan ko naman yung inupuan ni lola nong nakita ko sya baka nandoon pa sya kaso sa masamang palad wala akong makita ni isang lola doon:< Nagpatuloy narin kami sa paglalakad hanggang sa napunta kami sa ay harapan ng pinto nakalagay sa itaas nito ang numerong 256.
"Pasok na tayo" nagaalangan nyan sabi.
"Mauna ka" sani ko naman. Kaya ayon naglakad na sya papasok.
Pagkapasok pa lang namin , bumungad kaagad sakin ang isang bagay na nakatakip ng isang puting tela.
"Alora ano yan?" Tanong ko.
"Maiwan na muna kita lea, babalik lang ako mamaya" nagtaka naman ako sa inasal nya. Bakit nya di sinasagot mga tanong ko? Napabaling naman ako sa bagay na iyon. Dahan dahan akong lumapit. Para itong isang katawan na tinakpan. Unti unti ko namang inalis ang tela sa may mukha ng katawan. Ewan ko lang pero parang nakaramdam ako ng pagkalamig na parang may nakayakap sa akin at naramdaman kong tumatsas ang mga balhibo ko. Buhok pa lang ang nakikita ko pero agad akong nawalan ng lakasat napaluhod, pakiramdam ko may bagay na nawala sa akin. Kaya sinikap kong tumayo uli at sawakas naman ay nakatayo na ako ng maayos.
Unti unti kung inalis ang telang nakakagay. Sa buhok pa lang nito halatang lalaki ito. Di ko mapigilang kabahan dahil ayokong isipin ang lalaking iyon ay ang lalaking pinakamamahal ko. Pero nilakasan ko ang aking loob at kaagad na inalis ang nakatabon sa mukha nya.
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nakita. Diko alam ang gagawin. Diko matanggap ang mukhang nakikita ko. Ayoko syang makita dyaan. Biglang tumulo ang mga luha ko ng di ko namamalayan, di ako makagalaw. Gusto ko syang hawakan pero ayoko. Gusto ko syang yakapin dahil miss na miss ko na sya. Ayos lang sa akin na nawawala sya dahil may chance pang magkikita kami pero ngayon malabo na. Malabong malabo na.
Hinawakan ko ang kamay ng tatay ko. "Tay bakit ikaw pa ang nandyan"
"Tay diba natutulog ka lang?"
"Diba tay hinahanap pa kita?"
"Tay sumagot ka naman" hawak ko parin ang kamay nyang napakalambot.
"Tay pansinin mo naman ako. Tay di nato biro."
"Seryoso po ako"
"Taay"
"Tay diba sasamahan mo pa ako?"
Hinawakan ko ang puso nya. Pero wala akong madamang kahit na isang pintig ng puso. Napayakan na lang ako bigla.
"Tay bakit moko iniwan?"
"Ang sakit sakit lang tay, iniwan na ako ng isang nanay ko tapos iiwan mo lang din ako?"
"Ang unfair mo po ,wala na akong tatay. Tatay na nagaaruga sa akin. Tatay na katuwang ko sa buhay . Tatay na minahal ako. At ang tatay na mahal na mahal ko." Naghahagugul nako sa kakaiyak dito.
"Tay sumagot ka naman sa dami dami kong sinabi wala ka man lang sinagot"
"Tay ano ng gagawin ko ngayon? Yung hinahanap ko wala na pala ngayon. Parang wala na rin kwenta ang buhay ko."
"Mabuti pang mamatay na lang" bigla kong nasabi ng walang dahilan. Napaisip naman ako.
Bakit ko ba yun naisip yun? siguro para makawala sa realidad. Para wala ng problema. Wala na ring mamromroblema. Napaupo na lang ako sa pagod sa kakaiyak.
Ekkkkk biglang bumukas ang pinto di ko namang pinansin ang pumasok. Ipinikit ko ang mga mata ko. Rinig ko parin ang hikbi ko. May naramdaman naman akong kamay na nakapatong sa likod ko. Itinaas ko naman ang ulo ko.
"Water oh parang kailangan mo to" tiningnan ko ang kamay nya at inabit ko naman ito.
"Lalabas muna ako, hihintayin lang kita sa may bench doon sa labas pagtapos ka na dito." Tumango na lang ako. Lumabas naman sya kaagad.
Mga kalahating oras bago ako nakalabas doon at nakita si alora na mahimbing na natutulog sa may bench.nilapitan ko naman at nakitabi. Mamaya ko na kang sya gigisingin. Bigla naman syang gumalaw at parang nagigisning na.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong nya sakin.
"Hindi, kakarating ko lang"
"Ayos ka na ba?"
"Siguro" mahina kung sabi.
"Sige alis na tayo"
"Pano yung tatay" iiwan kang namin sya dito?
"May magaasikaso na sa libing ng tatay mo huwag kang magaalala."
"Ahh... pano mo pala nakita tatay ko?"
"Diba hinahanap mo ang tatay mo? Habang naghahanap ka naghahanap na rin ako. Noong isang araw ko pa nakita ang tatay mo at nalaman ang nangyari kaso wala ka sa sarili kaya minabuti kong ipagliban muna."
"Ahhh"
"Sige alis na tayo may pupuntahan rin pala tayo. Bukas na rin ililibing ang tatay mo"
"Bukas kaagad?" Gulat kong tanong.
"Yezz, It's been 4 days ng makita ko sya dyan"
"Ahh salamat pala alora kung di dahil sayo di ko na makikita tatay ko" malungkot kong sabi.Sa ngayon pupunta muna ako sa libing mo tay tapos susunod ako ako sayo pangako po.
"Its Ok lea kaibigan narin kita kaya its nothing" napabuntong hinihngan na lang ako.
"Sige alis na tayo." Sabay hawak sa braso ko para makaalis na. Bumalik na naman kami sa sasakyan.
Mga 1 pm na pala. Ang tagal rin namin dito.
"Saan tayo pupunta alora?" Tanong ko. Pinaandar nya naman ang sasakyan
"Secret" kinakabahan ako sa tuwing sinasabi ang word na yan. At nagsimula ng magmaneho.
"Anong secret ba yan alora? Baka mamaya masama na naman yan" naiinis kong sabi.
"No! Iba to sasabihin ko na nga, Mageenroll ako sa school" naguguluhan ako.
"Tapos?" Sabay pataas ko sa aking kilay.
"Syempre kasabay ka" naguluhan naman ako.
"Hoy Ok nako sa buhay ko na to"
"Anong ok? Gusto mo bang makapagtapos?"
"Di pa nga ako nakakapagaral"
"Kaya nga magaaral ka"
"Kakausapin ko lang sila"
"Ayoko"
"Oo"
"A Y O K O"
"Pagsinabi kong Oo, Oo lea. Period" sabay
Wala na talo na talaga ako sa kanya. Napatingin naman ako sa kalsada. Ang daming puno dito ahh. Ang ganda para akong sumasakay paikot lang sa hardin.
"Wow" nasabi ko lang ng makita ko ang mga gintong bulaklak. Parang kumikislap ito pagnatatamaan ng sinag ng araw. Parati na lang ako namamangha sa tuwing nakakakita ng mga bulaklak. Mga labinlimang minuto rin kaming tumatakbo ng may malaking nakapaskit sa kanang bahagi ng kalsada ang nakita ko "100 meters hereto" no yun?
Alam ko bitin sorna po.
Nga pala need ko feedbacks nyo para baka may nakalimutan ako o baka nagiba yung story di ko lang namalayan di kase ako nagbabackread.
By the way thanks for reading my story.
I appreciate it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro