WAKAS
YEARS PASSED but their love for each other is still as sweet as how she remembered it eight years ago. Sa walong taon na 'yon, bumuo sila ng pamilya ni Pier. She supported Pier's dreams. And she felt the love and support from her husband as well. His patience for her is what she admires the most.
He was still the same Pierce Kyries Allede. The same poor charming whom she fell in love with because of his genuine heart and smile.
Naging successful ang Lokal Delicacies na ni launch ng mga ito 3 years ago. Her father was so proud of Pier. Humanga ang mga board of directors sa galing at kasipagan ni Pier. Imagine, running Costales and his mango plantation in Guimaras simultaneously. Even she, couldn't help but be proud of her husband's achievements in just a span of 8 years.
May sarili na ring factory si Pier sa Guimaras. Madalas pa rin itong dumadalaw sa Guimaras kahit na may mga pinakakatiwalaan na itong mga tao habang wala ito roon. Si Kuya Bert ang katulong nito na ngayon ay mataas na rin ang ranggo sa mango plantation ng mga Allede.
As for her, she is now the President of Costales Group. Pier is the vice president, ang asawa niya ang tumutulong sa kanya para protektahan at palaguin ang empire na binuo ng pamilya nila.
But despite their busy schedules and responsibilities.
Naglalaan talaga sila ng vacation leave para makapag-bonding silang anim.
Family comes first before anything else.
"Prynce, bantayan n'yo ang kapatid n'yong si Prima!" sigaw niya sa apat na naghahabulan malapit sa isa sa mga windmills. Bangin na ang unahan at baka mahulog pa ang makulit nilang bunso.
Nakaupo siya sa may pinto ng lumang jeep ni Pier habang kumakain ng mangga. Madalas talaga silang mag-road-trip kapag nasa Guimaras silang anim. Tanaw na tanaw sa puwesto nila ang mga windmills. Mahangin na sa bahaging 'yon dahil bundok na.
"Gutom na ba ang mga bata?" Pier asked. Umisod siya para magkasya sila sa kinauupuan niya. Inabot niya rito ang isang sliced mango mula sa hawak niyang plastic tupperware. "Thanks."
"Mukhang hindi pa naman. Mamaya kapag napagod ang mga 'yan lalapit 'yan at hihingi ng pagkain."
Lenuel Prynce and Sea Pearl, their twins, parehong eight years old. After 2 years, nasundan ang kambal ni Petals Emerald at ang bunso nilang 3 years old na si Precious Marigold. At sa tuwing nakikita niya ang apat nilang anak, walang pagsidlan ang saya niya.
Pearl is the girl version of Pier. Prynce is the boy version of her. Mix naman sina Petals at Prima sa kanilang dalawa. Makukulit at sakit sa ulo pero mahal na mahal niya naman ang apat na bubwit.
Pareho silang nakatingin ni Pier sa apat. Ang lalakas ng tawa ng mga ito. 'To talagang si Pearl ang pinaka-bully sa apat. Prynce is protecting Petals and Prima.
"Alam mo ba kung bakit ganyan ang mga pangalan ng mga anak natin?" basag nito mayamaya. If she remember it clearly, si Pier ang nagpangalan sa apat. Lahat ng pangalang in-suggest niya ay hindi nito sinunod.
The angst of this man!
"Bakit nga ba?"
"Gusto mo malaman?"
"Duh! Of course."
Tumawa ito at hinawakan ang isa niyang kamay. Pinaghugpong nito ang mga kamay nila kung saan nakasuot ang mga wedding rings nila.
"No distance can stop a love that is bound to be fulfilled." Napapatitig siya rito. He smiled and continued. "You're my pearl in the deepest part of the sea. In a place where emerald trees and grass lives, we meet. Love blooms and petals started to grow. Right here, my queen, I found precious gold in the form of you."
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mukha. "Korni mo!" biro pa niya. Malutong na tumawa ito. Sinapo nito ang likod ng ulo niya at ginawaran siya ng halik sa noo. But deep inside, kinilig talaga siya. Sobra! "Pero na saan si Prynce?"
"Lenuel, the two cupids who made us believe in true love."
"And the Prynce?"
"Well, he's our only prince."
Natawa siya. "Nakalusot ka pa rin." Tinapik niya ang isang pisngi nito. "That's sweet, Pier. At least alam ko na pinag-isipan mo talaga ang mga pangalan ng mga anak natin."
"Even after 8 years, I still couldn't believe that I'm married to the heiress of Costales. Pinaglaban ko yata ang kalayaan ng Pilipinas noong nakaraang buhay ko. Kabilang siguro ako sa grupo nila Andres Bonifacio," nakatawa nitong pahayag.
"Kapag may tiyaga may nilaga."
"Hindi, kapag may tiyaga may mapipitas na matamis na mangga."
Natawa lang siya. "Ewan ko sa'yo."
"Bumalik na tayo at malayolayo pa naman 'to sa bahay. Sa loob mo na lang pakainin ang mga bata habang bumabyahe tayo."
Tumango siya. "Mabuti pa."
Tumayo sila at dumiretso si Pier sa driver's seat. "Prynce, Pearl, Petals, Prima, hali na kayo, uuwi na tayo."
"Ma, mamaya na po, please?!" sigaw ng apat.
"Hindi, sa bahay na kayo maglaro."
Karga ni Prynce si Prima na lumapit ang mga anak sa kanila. Nasa tabi na niya ulit si Pier. May malapad na ngiti itong sinalubong ang mga anak nila. Kinuha nito si Prima mula kay Prynce at ginulo ang buhok ng tatlo.
"Umuwi na tayo. May inihanda ang lolo n'yo sa inyo sa bahay."
Their faces lit up. "Talaga po, Papa?"
"Oo, ice cream at spaghetti."
"Yehey!"
Nagkatinginan silang dalawa ni Pier. "Tara na?"
Ngumiti siya. "Let's go."
Inabot nito si Prima sa kanya. "Prynce, sa front seat ka, Petals at Pearl sa loob kayo, samahan n'yo mama n'yo."
"Opo, Papa!"
"Mama, gutom na po ako," ni Petals.
"It's okay, baby. May snacks naman akong dinala. Akyat na kayo."
Inilalayan niya ang tatlo na makapasok sa jeep saka siya sumunod. Nasa front seat na si Prynce at pinaandar na rin ni Pier ang makina ng sasakyan.
Malayo-layo na sila nang biglang tumirik ang sasakyan.
"Sabi ko na nga ba e!" asik niya. "Bakit ba kasi 'to ang dinala natin? May maayos naman tayong kotse."
"Relaks, konting tulak lang 'to." Tinapik nito si Prynce. "Anak, samahan mo ako sa likod. Itulak natin 'tong jeep." Nilingon siya nito pagkatapos. "Ikaw muna mag-drive. I-seatbelt na lang muna natin si Prima."
"Aandar ba talaga 'to, ha?"
"Oo nga. Matagal na sa'kin 'to. Hindi ako bibiguin ng jeep na 'to."
"Fine! Pearl, Petals, tulungan n'yo ang Papa at kuya n'yo." Bumaba siya ng jeep kasama si Prima at lumipat sa front seat. Pagkatapos ikabit ang seatbelt sa katawan ng bunso nila ay humawak siya sa manibela at marahang tinapakan ang isang paa sa clutch at ang isa naman sa gas. "Okay na?!"
Tinignan niya mula sa side mirror sila Pier. Nakapuwesto na ang apat.
"On my count, kids. One, two, three, push!" Magkatulong na itinulak ng mga ito ang jeep. "Isa pa! Malakas na tulak."
"Papa, dapat kasi pinalitan n'yo na 'to e!" reklamo ni Prynce.
"May sentimental value 'tong jeep na 'to. Kung wala 'to, wala rin kayo. Kaya ayusin mo pagtutulak. Isa pa! Tulaaaak!"
Baliw talaga ang 'sang 'to.
Ilang beses niyang sinubukang paandarin ang jeep. It took her five tries bago ito umandaar ulit. Napasobra ang pag-apak niya sa gas kaya humarurot ang jeep. Napasinghap siya nang maiwan ang mag-ama niya.
"Sushi!" sigaw ni Pier habang patakbong humahabol. Kinarga nito si Petals at nakasunod naman sila Pearl at Prynce.
"Mama, wait for us!"
"Akala ko ba walang iwanan, mahal ko? Anyaree?!"
Natawa siya. "Baliw!" Inihinto niya ang jeep at inilabas ang ulo sa bintana. "Sumakay na kayo. Ako na mag-da-drive."
"Kaya mahal kita e." Nag-flying kiss pa ito sa kanya.
She winked at him. "I know. I love you too."
Once upon a time, I was the spoiled, heartless, and insensitive heiress, Sushmita Marigold Costales. Until I met Pier Kyries Allede, the poor charming who changed my life forever... and for the better. My best friend, my husband, and my king.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro