Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

FROM Guisi Lighthouse they've visited other tourist spots. It's not a lot, pero na-e-enjoy niya ang lugar kahit sa simpleng road trip lang ang ginawa nilang dalawa ni Pier. Napaka-simple lamang ng pamumuhay ng mga tao roon. Malayo sa malalaking gusali ng Maynila. Ni wala ngang polusyon. Malinis na malinis ang nalalanghap niyang hangin.

It was such a beautiful day. The sun is up with a purpose. The blue waters glisten like little diamonds under each boat that sails. The trees are warmly green. The heat of the sun radiates; making everything around her crafted in perfection. Napapangiti siya sa tuwing tumatama ang mabining hangin sa kanyang pisngi.

"Oh!" Bigla siyang napakapit nang husto sa baywang ni Pierce nang lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo ng motor. "Ano ba?!" sita niya rito. "Wala ka namang kalaban sa daan!"

"Ang luwag-luwag kasi ng pagkakapit mo. Effective naman e. Humigpit," nakasigaw na sagot nito sabay tawa.

"Manyak ka talaga!"

"Ayoko lang mahulog ka." Napamaang siya nang higpitan pa lalo nito ang pagkakayakap niya rito gamit ng isang kamay. "Hold on to me tightly, queen."

"Na saan na 'yong usapan natin na bawal akong hawakan ng walang dahilan?"

"I'm breaking rules to assure your safety, my queen."

Hindi na siya nakapalag pa dahil binilisan pa nito lalo ang pagpapatakbo ng motor.

"Pierce Kyries!!"

"TRY that with hot sauce." Pinadaanan ni Pier ng hot sauce ang sliced mango pizza na share niya. Nasa Pitstop restaurant sila. "The sweetness of the mango compliments the hot sauce."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Masarap ba 'to?"

"Mas masarap ako." Binato niya ito ng tissue. Tawang-tawa naman ito sa sarili. "Kidding aside, masarap 'yan. Isa ang mango pizza sa dinarayo rito sa Guimaras." Kumuha ito ng tissue para mahawakan ang isang sliced pizza. Iniumang nito 'yon sa bibig niya. "Try mo, masarap talaga 'to."

"I can eat. Bakit kailangan mo pang pakainin ako?"

"Kailangan ba may sagot ang mga bagay na ginagawa ko para sa'yo?"

"Yes, 'cause I might get the wrong perception."

Ngumiti ito. "Nagdududa ka ba sa'kin? Narinig ko na nga ang utot mo." Pinandilatan niya ito ng mata. "Ganoon na tayo ka close."

Nanggigil siya rito. Ang sarap sapakin ng 'sang 'to. Mabuti na lamang at wala silang katabi sa kabilang table. Pasimple niyang kinurot sa braso si Pierce. May gigil pa 'yon kaya masakit talaga. Nabitiwan nito ang pizza sa sobrang ngiwi.

"'Ray naman! Ang sakit mo naman mangurot."

"Shut your mouth."

"Kailangan ko bang taihin ang labi ko para sa'yo?"

"If that's the only way to stop you from blabbering. Yes, please."

"Paano ba 'yan, queen. Hindi mo kasi pag-aari ang mga labi ko. Gagawin ko lang 'yon if my lips are officially yours." He leaned one elbow on the table. Sinalo ng palad nito ang kanang pisngi at ngumiti. "Kaya pasensiya ka muna."

"May times talaga na gusto kita at may times na gusto kitang sipain."

"Oy, gusto ko 'yong may times na gusto mo ako." Dalawang palad na nito ang sumalo sa magkabilang pisngi nito. Sa itsura nito mukha itong nag-aabang ng kwento. "Madalas ba o madalang lang nangyayari?" Ngayon lang talaga siya nakatagpo ng lalaking madaldal at straightforward pagdating sa sariling iniisip.

Tinikman niya ang pizza. Saka na niya sasagutin ang lalaking 'to. While munching, naisip niya, ang weird na kumain ng mango pizza pero habang tumatagal, nasasarapan na siya sa lasa nun. The sweetness of the mango, plus the melted cheese and hot sauce really complimented each other.

Napangiti siya. "Ang sarap."

"Ako?"

"'Yong pizza!"

Natawa ito. "Buoin mo kasi ang sentence mo."

"I-adjust mo kaya ang pag-a-assume mo."

"Queen, tapusin mo 'yong kwento mo, gaano mo kadalas gusto ako?"

"Bakit ba? Importante ba 'yon? At least alam mo na may pagkakataon na hindi ako naiinis sa'yo." Nakaubos yata siya ng dalawa pang pizza. She tried the carbonara as well. Namilog ang mga mata niya. Kakaiba ang lasa ng carbonara nila. She loves it! Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang kumain. "Ang sarap din nito!"

"Alam mo, lalo kang gumaganda kung lagi kang nakangiti." Naiangat niya ang mukha kay Pier. "Hindi matatakot sa'yo ang tao at hindi sila magdadalawang-isip na makipagkaibigan sa'yo."

"Magmumukha akong baliw kung lagi akong nakangiti."

"Hindi ko naman sinabing 24 hours kang ngumiti. At least, once in a while or kapag nasa tamang pagkakataon ngumiti ka. You don't always have to look tough all the time. May oras naman para sa mga seryosong bagay. Kailangan mo ring mag-let-go sa stress at pagiging mistress of evil."

"Alam mo ba na pwede kang abusohin ng mga tao sa pagiging sobrang mabait mo?"

Umayos ito ng upo. "Oo naman. Hindi naman 'yan maiiwasan. Pero mapipigilan 'yan kung may limitasyon ang kabaitan. Hindi naman lagi na nagpapaubaya tayo. May pagkakataon na kailangan din nating humindi sa mga gusto ng ibang tao. Hindi porke't 'yon ang tama, gagawin mo. Iisipin mo pa rin kung may mabuti ba 'yong maidudulot sa'yo at sa taong pagbibigyan mo. Not all goodness is answered with a yes. Sometimes it's a no."

"And they will take it against you. How will you handle that?"

"Then wala na akong magagawa kung magalit sila sa'kin. Mabait ako Sushi. Tutulong ako sa mga taong kailangan ng tulong ko. Pero hindi ako tanga. May limitasyon ang kabutihan ng tao. Hindi nila 'yon mauunawan agad pero everything will make sense someday on why I had to say no. Kung tatanungin mo ang ibang tao kung gaano nila ako kakilala? Kung mabait ako o hindi? Ang sagot diyan, depende sa taong magkukwento."

"Kahit naman kasi magpakita ka ng kabutihan kung pangit ang tingin ng tao sa'yo, pangit ka talaga. Pero huwag mong dibdibin ang bagay na 'yon. May mga bagay rito sa mundo na hindi na magbabago pa. May toxic na tao, hindi 'yan mawawala. Oo, may mapang-abuso. Ikaw na nga nagpaubaya, ikaw pa masama. Pero buhay mo 'yan. Live your life in accordance to how you want it to be. Mahirap i-filter ang mga negative opinions ng tao pero huwag mong hayaang diktahan ka nila sa kung ano at hindi dapat mong gawin. Dahil kasiyahan mo naman ang at stake at hindi ang kanila."

"Do you think you're an exemption to those toxic people? Iniisip mo na mali ang way of living ko at itinatama mo ako."

"Sa tingin mo toxic akong tao, Sushi?" It was odd to still see him smiling despite her on-point question. "You told me you fired people because of their unproductive habits and toxic political dramas." Natigilan siya. Does he still remember it? "Na para silang rejected mangoes. If you won't separate them from your best mangoes it will get the same disease."

"I remember, of course."

"If you were a rejected mango, sa tingin mo ba, hahayaan kitang mag-stay rito?"

Napatitig siya sa mga mata nito. In all honesty, she gets his point. Hindi man nito i-explain nang maayos. Nakuha niya ang gusto nitong sabihin sa kanya. Pierce really knew what he was doing.

And those lines made her speechless.

"But I remember you answered, titignan mo kung rejected mango ako o best mango."

"Because I don't personally know you, Sushi. Sino ako para husgahan ka?"

Sa pagkakataon na 'yon, nakuha na ni Pierce ang loob niya.

"Kung may nasasabi man ako sa'yo na para bang nahuhusgahan kita, it's because I'm trying to confirm if ganoon ka ba talaga. May defense mechanism tayo, we only show what we want others to see about us. How will I know the real Sushmita Costales if hindi ka mati-triggered sa'kin?"

Tinawanan siya nito pagkatapos.

She squinted her eyes at him. Of course, she was not mad. Ayaw niya lang ipakita rito muna na nakuha na nito ang loob niya. Maybe when that right time comes.

"Hindi ko alam kung maiinis ako sa'yo o hindi."

"Mas gusto kong matuwa ka sa'kin. Love is lifer than hate." Kumain ulit ito ng pizza. "Order pa tayo nito. Ang sarap talaga."

"Basta libre mo."

"Ito naman ang barat. KKB na lang."

"What's KKB?"

"Kanya-kanyang bayad."

"You're so poor."

Malakas na natawa ito. "I know."




"KANINA ka pa tingin na tingin kay Sushi ah." Naibaling ni Pierce ang tingin kay Kuya Bert. Tumabi ito ng tayo sa kaliwa niya. Nasa plantasyon sila ng mangga. Madalas na tumutulong na kasi si Sushi kina Ate Lita at Mariel. "Iba ang tingin. Malagkit," tukso pa nito. "Kasing tamis pa ng mangga ng Guimaras."

"Tinitignan ko ang puno, hindi si Sushi," kaila pa niya.

"Lokohin mo na ang mga kambing Pier pero 'di mo ako maloloko. Alam ko na may crush ka kay Sushi. Bakit 'di mo ligawan? Bagay naman kayo."

"Ikakasal na siya sa iba, Kuya Bert. Saka hindi naman ako ang tipo na magugustuhan niya. Pagkatapos ng tatlong buwan niya rito. Uuwi siya at babalik sa buhay niya sa Maynila."

"Hindi ganyan ang kilala kong Pierce. Ang Pierce na kilala koy ay kailanman hindi sumusuko sa buhay. Tagilid ka pala sa ligawan."

"Ayoko lang magulo ang relasyon namin ni Sushi. Saka simpleng crush lang naman 'to. Makaka-move-on din ako. Ang task na ibinigay sa'kin ay ilabas ang kabaitan niya na pilit niyang pinipigilan. Hindi kasali roon ang mahalin siya."

"Iniisip mo bang hindi kayo bagay dahil sa malaking agwat ng estado n'yo sa buhay?"

"Teka nga, hindi ako na inform may interview pala ako ngayon patungkol sa love life ko."

Natawa ito. "Sinasabi ko lang Pier na lahat pwedeng magmahal. Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Saka ilang taon ka na ba? Sa edad mong 'yan, dapat nag-aasawa ka na. Ni hindi ka nga yata nagka-nobya."

"Kuya Bert, ang pagmamahal kusa 'yang darating sa tamang panahon."

"Pier, ang pagmamahal nararamdaman 'yan. Kung sa tingin mo, siya na, subukan mo. Huwag mong hintayin na mauna ang pagsisisi dahil 'di 'yon mangyayari. Nasa huli lagi ang pagsisisi." Tinapik siya nito sa balikat. "Mabait kang bata. Madami kang natulungan na taga rito. At ang hangad lang namin sa'yo ay sana makatagpo ka ng babaeng tunay na magpapasaya sa'yo."

Napangiti siya sinabi nito. "Salamat Kuya Bert. Huwag kayong mag-alala. Mahahanap ko rin siya."

Sakto namang pagbaling nila ulit sa pwesto nila Sushi ay tumingin ito sa kanya. Ang hindi niya inasahan ay ngumiti ito sa kanya. Feeling niya, literal na nahulog ang puso niya sa pagngiti nito.

"Ikaw lang ang nagpangiti sa dalagang 'yan, Pier. Ni hindi 'yan ngumingiti nang dumating 'yan rito. Hindi rin masyadong lumalabas at nakikihalubilo sa ibang tao. Pero tignan mo ngayon, hindi na masyadong ilag sa atin."

"Wala namang problema sa kanya, Kuya Bert. Kailangan lang niya ng isang kaibigan na matatakbuhan at magpagsasabihan ng mga problema niya sa buhay. Sa sobrang busy siguro ng mga magulang niya. Nasanay yata siyang kumilos at mamuhay mag-isa."

"Sabagay," sang-ayon nito. "Iba rin kasi talaga ang buhay ng mayayaman."

"Kaya ipaparamdam natin sa kanya na masaya magkaroon ng tunay na mga kaibigan."

"At iparamdam mo rin sa kanya kung paano magmahal ang isang Pierce Kyries Allede."

Natawa lang siya sa turan nito.

Hay nako, panindigan mo talaga 'yang nararamdaman mo Pier.




HABANG naglilinis ng sala napansin ni Sushi ang mga nakasalansan na mga DVD cases ng mga Disney movies. Lahat ay original. Inilabas niya 'yon sa mula sa cabinet dahil bahagya nang maalikabok ang loob.

Sumalampak siya ng upo sa sahig at isa-isang pinunasan ang mga DVD cases. Mahilig pala sa mga pambatang movies si Pier? Hindi halata. Sabagay, madami naman talagang shocking informations about him na hindi halata rito.

Hawak niya ang case ng Aladdin nang maramdaman niya ang presensiya ni Pier sa likod niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito.

Pag-angat niya ng tingin ay sobra siyang natigilan. Napalunok siya sa gahiblang distansiya ng mukha nila. Napatitig siya sa light brown nitong mga mata. 

Gosh! Why did she find him handsome at the moment? Sure, she often compliments his physical looks but not with malice. Sushi, get a hold of yourself!

"I'm cleaning," sa wakas ay sagot niya.

Sumalampak din ito ng upo sa tabi niya. "Naks naman!"

Iniwas niya ang mukha at ibinalik ang atensyon sa mga DVD cases. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga Disney movies."

"Personal collections ko ang mga 'yan. Noong bata kasi ako, lagi 'yang topic ng mga kaklase ko na may kaya sa buhay. Lagi akong nahuhuli at nababasa ko lang ang kwento sa libro sa library. Sabi ko, kapag lumaki ako at nagka-pera papanoorin ko lahat." Nakangiti lang ito sa buong kwento nito.

She saw a genuine smile in him.

"Hindi nawala sa'yo ang kagustuhan na 'yon?"

"Hindi naman. Mas nag-e-enjoy nga ako sa mga cartoons na palabas. Kumbaga, 'yong mga pinagsawaan na ng iba, ngayon ko pa lang na-e-enjoy." Kinuha nito mula sa kanya ang Aladdin na DVD. "This is one of my faves."

"Aladdin?"

Tumango ito. "The King of Thieves."

"Bakit?"

"I like Genie. Nakaka-relate din ako kay Aladdin in a lot of ways. Naalala ko kay Genie si Lolo. Aladdin reminds me of myself. Makulit at curious sa mundo. Malaking impluwensiya sa kanya si Genie para maging mabuting tao."

She felt gnawing distress of Pierce's childhood. She grew up having all the things she likes in a snap. Ni hindi niya 'yon pinaghihirapan. Isang sabi niya lang, bibilhin agad 'yon ng mga magulang niya. To make up with those times na wala ang mga ito sa bahay because of business trips.

Pierce, on the other hand, had to wait and work hard 'till he has all the resources to finance his wants. He was deprived of material things, but he grew up with love and guidance from his grandfather. He lived a simple and wistful life.

Gusto niya tuloy itong i-pamper ng lahat ng gusto nito sa buhay.

"O, bakit?" may pagtataka nitong tanong.

Nagtataka siguro kung bakit titig na titig siya rito.

"Na-e-stress ako sa buhay mo. Gusto kong ibigay sa'yo ang isang mall na pag-mamay-ari namin."

Natawa ito sa sinabi niya. "Grabe siya."

"Seryoso ako. Ibibigay ko sa'yo ang mall na 'yon kung gusto mo."

Natigilan siya nang umangat ang isang kamay nito para tapikin nang marahan ang kanyang ulo. His smile did not leave his face. Puno ng amusement ang mga mata nito.

"Ituloy mo na ang paglilinis. Magluluto muna ako para makapag-lunch na tayo." Tumayo ito at iniwan siya.

"Ayaw mo talaga?" Pinihit niya ang katawan sa direksyon ng kusina kung saan ito nagpunta.

"Gutom lang 'yan, Sushi."

Napasimangot siya. "Seryoso ako."

Malakas na tawa lang ang sinagot nito. Hay naku! Mahirap talaga i-bribe ang 'sang 'yon. Ibinalik niya ang tingin sa Aladdin na DVD at naalala ang simpleng buhay ni Pierce sa Guimaras.

Napa-isip siya. Minsan kaya, pinangarap ni Pierce na maging king?

Sa lifestyle kasi na nakikita niya rito, sobrang simple nitong tao at sobrang down to earth. But not all kings are lavish. Pierce could pass as a great king dahil mahusay itong leader at mabuting tao.

"Bilhan ko kaya ng laruan si Pier? Buong Toy Kingdom or 'yong Toys R Us na company? Kaso mahal niya ang plantasyon niya ng mangga. Patayuan ko kaya siya ng factory? Ano kayang maganda? 'Yong matutuwa siya."

Sige, mag-iisip ako mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro