Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

ANG kaninang kunot nang noo ni Sushi ay lalo lamang kumunot. Isang green mango pa lang ang nababalatan niya. No, she's not even halfway done with her mango. But Amaya's jarring professional mango peeling skills made her jaw drop. Her competitiveness is once again put into the test.

"How do you do that?"

"Po?"

"Bakit ang dali para sa'yong balatan 'tong mangga?"

Naka-tatlo na ito. Si Pier naman kain nang kain sa nabalatan nang mangga. Nasa labas sila ng bahay, nakaupo sa mahabang kawayang upuan sa ilalim ng isang puno.

"Madali lang po 'tong gawin, Ate Sushi." Ipinakita nito kung paano nito hawakan ang kutsilyo at mangga. Ginaya niya rin. "Hawakan n'yo lang po nang maayos ang kutsilyo saka huwag po kayong matakot na masugatan. Basta malayo 'yong mga daliri n'yo po kapag nag-sa-slice kayo."

Napansin niyang nakadantay rin sa itaas ng blade ang daliri nito. Kanina pa niya iniisip kung nasasaktan ba ito o hindi. Hindi siya humawak doon dahil blade pa rin 'yon. She might cut her fingers.

"Hindi ka ba nasasaktan?" she point out.

Agad naman nitong naintindihan ang tanong niya. Natawa si Amaya. "Ate Sushi, hindi po matulis ang itaas ng blade. 'Yong pang-slice lang po kaya okay lang po na hawakan 'yon."

"Pati ba naman 'yan queen, 'di mo alam?" May naglalarong mapanlokong ngiti sa mukha ni Pier. Inagaw nito ang hawak niyang kutsilyo at pinadaanan ng isang daliri ang itaas na blade ng knife. "Sa ilang taong nilagi mo sa mundong 'to ngayon mo lang nalaman na hindi nakakasugat ang hawakan ang parteng 'to? Wow!"

Umasim ang mukha niya kay Pierce. "Saya-saya mo e. What if hindi nga? Ikamamatay ko ba 'yon?"

Malutong na tumawa ito. "Hindi naman, na amuse lang ako sa'yo."

"Okay lang 'yan Ate Sushi. Ako nga dati nahirapan din po. Pero kapag lagi kang nagbabalat ng mangga, madali na lang po siya."

"Puwede ba 'yong yellow mangoes na lang ang balatan ko? Patikim nga." Nakatakam na siya sa manga. It was not that sour, tama lang. "Sarap."

"Queen, may gagawin ka ba mamaya?"

Naniningkit ang mga mata na ibinaling niya ang tingin kay Pierce. "Depende po sa'yo kung may ipag-uutos ka po, mahal na hari."

"Wala naman, pasyal tayo."

"Sama po ako."

"Hindi, uuwi ang nanay mo ngayon." Nanghaba ang nguso ni Amaya. "Hihiramin ko 'yong motor ni Kuya Bert para 'di tayo mahirapan."

"Isasakay mo ako sa motor?"

Namilog ang mga mata nito at napakurap-kurap. "Bakit saan mo ba gustong sumakay? Sa puso ko?"

"Ayiee," panunukso ni Amaya. "Si Ninong Pier nagpapalipad hangin."

Ginulo ni Pier ang buhok ni Amaya. "Shshs, bawal sumabat sa mga nakakatanda."

"Ang korni mo," komento niya rito.




WALANG choice si Sushi kundi simplehan ang suot. She wore blue jumper pants and a black blouse underneath. She matched it with her overused sneakers na binili ni Pier para sa kanya sa palengke. She had no choice; she needed those shoes to survive.

Mabuti na lamang at pinahiram sa kanya ni Pier ang denim jacket nito kanina. Okay lang daw rito na mabilad sa init dahil obviously sanay naman ito.

Exactly, her sentiments as well.

"We're here," anunsyo nito nang ma-i-park ang motor nito sa isang tindahan.

Naigala niya ang tingin sa paligid. "Where are we exactly?"

"We're in Guisi lighthouse. C'mon, queen, let's go up." Umagapay siya rito. May nadaanan silang mga tindahan ng mga souvenirs. Huminto sila roon. "Masarap 'tong ice candy nila dito. Ate, pabiling dalawa."

She checks some souvenir designs, most of which are boats, fish, and mangoes. May key chains at ref magnets din.

"How much po?"

"Pwede pong fifteen pesos isa nitong key chain. 'Tong ref magnet, ibibigay ko na lang tatlo, pipte pesos po."

"These are cheap, ha?"

"Alam mo 'yong hack ng pagbili ng mga pasalubong?" Inabot nito ang isang ice candy sa kanya. "Mas mura kapag sa gilid-gilid mo lang binibili. Kapag kasi sa mga magagandang stores na, ginto na ang presyo. At least dito, pwede ka pang humingi ng discount. 'Di ba Manang?"

Ngumiti ang matandang ginang na nagbabantay sa stall nito. "Oo naman!"

"Manang, balik kami mamaya, iakyat ko muna 'tong maganda kong kasama sa itaas."

Itinulak na siya ni Pier mula sa likod paakyat.

"Manghihingi ka pang discount ang mura na nga."

Tinawanan lang siya nito.

May kahoy naman na hawakan and to be honest, nakakahingal siya in all fairness. From stairs to more elevated up hill road. Gosh, kulang na yata siya ng exercise.

Nang makaakyat ay bumungad sa kanila ang lumang-luma nang gate ng lighthouse. What left there is a destructed state of what seems to be the best lighthouse in its time. Ruins na lamang ng Spanish structure ng lighthouse ang nagsisilbing panghatak nun sa mga turista. Vines of leaves and flowers are intimately embraced in most of the remains.

May maliit na wishing well din sa gitna.

Nonetheless, the place radiates history despite its desolate state, it is still beautifully taken care of by nature. Inabot niya kay Pier ang cell phone niya.

"Picture-ran mo nga ako," aniya.

In short, magandang pang-post sa social media.

"Later." Hinawakan siya nito sa pupulsuhan at hinatak papasok sa ruins. Maganda yata ang timing nila dahil wala silang kasabay na turista. "Guisi Point or lighthouse is the second oldest lighthouse in the Philippines."

"Mag-i-exam ba tayo nito?" Hinawakan niya ang buhok gamit ng libreng kamay dahil masyadong mahangin sa lugar na 'yon.

"Hindi, pero sinasabi ko lang sa'yo in case you're interested. Itinayo ito noong 1894 to 1896, that time, sinasakop pa tayo ng mga kalahi mong spanish bread."

She rolled her eyes at him. "As if naman mukha kang purong pinoy."

Natawa lang ito sa naging komento niya.

"I'll take that as a rare compliment from you, queen. Anyway, mabalik tayo, Faro de Punta Luzaran is the Spanish name of Guisi Lighthouse. Guisi is napunit in Tagalog. Ang sabi kasi nila, noon daw, may Spanish Galleon na dumaan dito at napunit ang layag ng barko nila, kaya siguro nakilala ang lugar na 'to as guisi. Mahilig naman kasi magpangalan ang mga expeditionist ng kung anu-ano sa mga lugar na nadaanan nila noon, so most likely, 'yon nga siguro ang origin ng pangalan ng lugar. Hindi ko na rin naman yata kailangang i-explain kung ano ang purpose ng lighthouse dahil mukhang alam mo naman na. Review na lang 'to."

He chuckled afterward.

"Ba't 'di ka na lang kaya nag-tour-guide?"

"Hey, dapat nga magpasalamat ka kasi libre ko na 'tong ginagawa. Nilibre na nga kita ng sakay at ice candy saka may taga kwento ka pa. Thank you lang, okay na ako."

Tinangala niya ang kinakalawang nang lighthouse. May spiral stairs paakyat pero may mga nakasulat na hindi niya maintindihan sa katawan nun. Napansin naman agad 'yon ni Pier kaya mabilis na in-translate nito ang nakasulat.

"Bawal umakyat, delikado na dahil sa kalumaan."

"Anong makikita sa taas?"

"Want to look at it?"

"Bawal nga umakyat, 'di ba?"

Natawa na naman ito sa kanya. "Wala namang nagbabantay e. Saka kapag nahulog ka, nandito naman ako, sasaluhin kita."

"How sweet," puno ng sarkasmo niyang sagot.

"Akyatin natin, pero mauna ka, ako sa likod mo, kung bumigay ang hagdan, ako ang mauunang mahulog. Safe ka pa rin."

"Akala ko mas matutuwa ka kung mas mauna akong mahulog sa'yo," kumunot ang noo niya, parang mali ang construction of sentence niya, "no, I mean, kaysa sa'yo."

"Grabe siya, 'di ko naman ugaling manakit."

"Whatever!" dismissed niya.

Maiangat na umakyat siya. Nakasunod naman si Pier sa kanya. Nang nasa pinakatuktok na sila ay binati siya ng asul na asul na karagatan at mga bangka. Ang ganda! It was astonishingly breathtaking. What a sight!

"Maganda 'di ba?"

Ramdam niya ang malamig na hangin na tumatama sa kanyang mukha. Hindi niya maalis ang tingin sa buong paligid. Madami na siyang napuntahan na lugar. Hindi niya inasahan na may worth to visit pa palang lugar sa Pilipinas.

"Lagi ka ba rito?"

"Hindi naman, ngayon nga lang ako nakabalik." Kumuha siya ng ilang larawan mula sa cell phone niya. "Halika na bumaba na tayo. Marupok na kasi 'to, baka ma fall na talaga tayo."

"Iba 'yong pagkaka-intindi ko sa sinabi mo." Inilalayan siya nitong makababa. "Pier, nakapunta ka na ba ng Maynila?"

"Oo naman, pero mga ilang araw lang ako roon. Hindi kasi ako sanay, parang ang daming tao doon saka matrapik."

"So habang buhay ka na lang dito sa Guimaras?"

"Siguro," he shrugged. "Nandito naman ang source of living ko saka hindi ko pwedeng iwan ang lolo ko. Sa Guimaras na siguro rin ako mamamatay."

"E ba't 'di ka pa nag-aasawa?"

"Wala pang nagkakamali."

"Walang nagkakamaling mahalin ka? I doubt. Hindi mo ba napapansin na gusto ka ni Mariel? Ikaw yata ang manhid e."

"I know, pero hindi ko lang in-entertain dahil bilang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Ayoko rin siyang umasa."

"Choosy mo rin e. Tatanda kang binata niyan."

Natawa ito. "Masyado kang concern sa love life ko, e ikaw nga riyan?"

"Pagbalik ko ng Maynila may ipapakilala si Papa sa'kin. Bata pa lang ako, alam kong ipagkakasundo ang kasal ko."

"At okay lang sa'yo 'yon?"

Naupo na sila sa isa sa mga bintana roon. Tinatapos ang pagkain ng ice candy na hanggang ngayon 'di pa rin nila ubos dahil sa kadaldalan nilang pareho.

"Well, yes. Mas madali para sa'kin ang no emotional attachment. Marriage for convenience lang, at least wala akong i-expect sa kanya, no promises and all."

"Parang 'di naman yata masaya 'yon."

"I'm just not fond of romanticizing the idea of meeting someone you'll unexpectedly fall in love with. Para kasi sa'kin, hindi para sa lahat ang romance at love."

"Masyado ka lang cynical sa usaping pag-ibig dahil 'di ka pa nagmamahal. Hindi ka ba nagkaka-crush man lang?"

Ibinaling niya ang mukha kay Pierce at umiling na nasa bibig pa ang ice candy.

"Ang tigas naman ng puso mo kung ganoon."

"Siguro nga matigas ang puso ko."

"Takot ka lang sigurong magkamali. You seem like the kind of person who hates regrets. You want to be always right. 'Di naman kasi laging ganyan. Hindi mo malalaman ang pakiramdam kapag 'di mo susubukan. Loosen up, queen. Your life is too perfect. Hindi naman maling lumabag ka ng ilang rules sa buhay mo. It makes you more human."

"So you're saying, I don't act human?"

"More like a robot. Ang boring ng buhay nang ganoon. Kapag tumanda ka, babalik lahat ng mga what ifs mo noong bata ka pa, siguro sa mga panahon na 'yon, magsisisi ka na kung bakit mas pinairal mo ang ganoong mindset."

"Sinasabi mo bang pag-isipan ko ang mga bagay-bagay sa buhay ko?"

Tumango ito. "Hindi ko eksaktong sinasabi pero parang ganoon na nga." Inagaw ni Pier mula sa kanya ang hawak na cell phone. "Selfie tayo." Itinaas nito ang cell phone niya para magkasya sila sa screen.

"Bakit 'di ka bumili ng bagong cell phone?"

"Aksaya lang naman ng pera saka may pinag-iipunan ako, mas importante 'yon."

"Gusto mo bilhan kita?"

Ibinaling nito ang mukha sa kanya at nakangiting pinisil ang ilong niya. "I appreciate your kindness, queen, but no." Nagulat siya nang akbayan siya nito. Idinikit nito ang mga mukha nila. Ang touchy talaga ng lalaking 'to kahit kailan. Tsk! "Ganda ng kuha ng cell phone mo, halatang mamahalin."

"It's the latest release in the market."

"Yaman mo talaga."

"I know."

Tinawanan lang ulit siya nito bago maka ilang beses na nakipag-selfie sa kanya gamit ng cell phone niya. Napuno rin yata ng mukha nito ang gallery niya. The angst of this man!

At habang aliw na aliw ito sa pag-scan ng mga photos sa gallery ay hindi niya mapigilang titigan ito. She's starting to admire Pierce way of thinking. Para bang wala itong dinadalang malaking problema sa buhay o sadyang magaling lang ito magtago ng nararamdaman?

Aside from that, he's the simplest and the humblest man she has met so far. Kaya siguro hindi siya gaanong naiinis dito. She can now tolerate his animated character. Not to mention, he was quite a talker.

Lihim siyang napabuntonghininga.

Ilang beses na may nag-attempt na manligaw sa kanya pero siya na mismo ang gumagawa ng paraan para itaboy ang mga ito. Actually, there is a grim part in her past that she doesn't want to look back.

She lied when she told Pierce she hadn't fallen in love yet.

"Bagay pala tayo, no—" Binatukan niya ito. "Sh–t!"

"Huwag ka nang umasa."

"Ang sakit naman nun. Alam ko naman, queen. Langit ka, lupa ako. Pero may ibang paraan naman para maabot ang langit."

"Oo, magpakamatay ka."

Humagalpak ng tawa si Pier. "'To naman, 'di na mabiro. Bigla-bigla ka kasing nalungkot diyan." Umangat ang isang kamay nito para haplosin ang buhok niya. A smile peered on his face. "Huwag mong dibdibin lahat nang mga sinabi ko sa'yo. Baka kasi kapag dinibdib mo, ako na lang lagi ang iisipin mo."

Marahas na pinalis niya ang kamay nito, tawang-tawa lang ito.

"Alam mo, panira ka rin ng moment."

"O 'di ba? 'Di ka na malungkot."

"Oo, dahil nabu-bwesit na ako sa'yo."

"You're welcome," he chuckled. "Pasa mo sa'kin tong picture natin ah. Ipapa-frame ko sa bahay."

"Bakit naman?"

"Bawal? Proud ako e."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro