Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

"PIER!"

Nilingon siya ni Pierce, naglalaba ito sa likod bahay, sa may bomba ng tubig.

Actually, ngayon lang siya nakakita ng lalaking nakaupo na naglalaba. Usually, men just shove their clothes inside a washing machine, and then wait for it to be done. No effort done, but Pierce is different. Lahat yata ng ginagawa nito ay may hard work lagi. Mamamatay yata ito na hindi pinaghihirapan ang isang bagay.

"Bakit?"

"You seem busy. Anyway, mamaya pa naman."

"Ano 'yon?" patuloy pa rin ito sa pagkukuskos ng damit nito. "Patapos naman na ako. Babanlawan ko na lang ang mga 'to."

Lulunukin na talaga niya ang sariling pride. She wanted to do something for Amaya. A little reward for her effort. Okay, this is not something she does on a typical day, but she feels like, she has to really reward her effort in school. The kid deserves it at alam niyang it would motivate her more.

"Papasama sana ako sa'yo sa palengke. Bibili ako ng manok, gagawin kong fried chicken."

Naitigil nito ang ginagawa, in slow motion, nilingon muli siya nito, naniningkit pa ang mga mata. Tignan mo 'tong lalaking 'to. Minsan na nga lang siyang gumawa nang mabuti, pagdududahan pa siya.

"Marunong ka bang magluto?"

"Hindi," amin niya. She crossed her arms over her chest. She's not giving him any embarrassed face. It's a fact. It's not like, sobrang nakakahiyang sabihin na walang siyang alam gawin sa kusina. "Magpapaturo ako sa'yo."

"How sure you are tutulungan nga kita?"

"Mag-pi-please ako sa'yo kaya wala kang choice. Dalian mo riyan dahil susunduin ko pa ang bata sa school."

Malakas na natawa ito sa kanya. "Yes queen, para sa'yo, bibilisan ko ang paglalaba."

Nang ibaling na ulit ni Pier ang atensyon sa paglalaba ay lihim siyang napangiti. Minsan talaga okay 'tong kausap e. Minsan din hindi.





NAMILOG ang mga mata ni Sushi nang malasahan ang fried chicken na niluto nilang dalawa ni Pierce. Nasa sala si Amaya kasama ni Gab, naglalaro ang mga ito habang busy silang dalawa sa pagluluto.

"Masarap?" nakangiting tanong nito.

"Masarap is an understatement. Mas masarap pa 'to kaysa sa mga fast food restaurants na natikman ko. Where did you learn this recipe?" Takam na takam siya sa fried chicken. Iba 'yong lasa talaga. Hindi nakakaumay.

"Sa Mama ko," he answered, smiling. Isinalin na nito lahat sa malaking bowl ang mga naluto na. "Hindi kasi namin afford kumain sa mga mamahaling restaurants noon. Kapag birthday ko o tuwing recognition day, 'yan ang reward ng Mama ko sa'kin. It's a family recipe."

"Hindi n'yo naisip na pagkakitaan?"

"Actually noon, oo. Meron kaming carenderia sa palengke, kaso nang magkasakit si Mama, 'di na namin naalagaan. Busy rin kasi sila Papa sa pagpapalago ng manggahan."

"Sorry to ask this, pero na saan na pala ang mga magulang mo? I'm assuming in my mind already, I just want to confirm it."

"It's okay," nakangiti pa rin nitong sagot, "matagal na silang patay. High school ako nang mamatay ang Mama ko. Hindi ko alam eksakto kung ano ang dahilan, basta lagi siyang nilalagnat pero 'di kami makapunta-punta ng ospital dahil nga lagi niyang sinasabi na mawawala lang 'yon. Hanggang sa lumala na ang sakit niya at umakyat na nga raw sa utak niya ang bacteria. Nang isugod namin siya sa isang ospital sa Iloilo, isang araw lang at binawian na rin siya ng buhay."

Nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito habang nagku-kwento.

"Ang Papa ko naman, namatay siya isang buwan bago ang college graduation ko. Lumubog ang sinasakyan niyang pumpboat pabalik ng Guimaras. Masama rin talaga ang panahon na 'yon." Napabuntonghininga ito. "Malungkot man pero kailangan pa ring magpatuloy sa buhay."

"That's tough."

"Kung hindi sa lolo ko baka wala rin ako. Lumaki ako sa mga pangaral at palo niya sa'kin." Natawa ito nang bahagya. "Sakit din naman ako sa ulo. Madalas na hindi ako nakikinig sa kanya, but as I grew older, na realize ko na tama pala siya. Wala akong mararating kung iisipin ko lagi na hindi ko kaya. Hindi ko mababago ang buhay ko kung palagi akong nakatago sa malungkot na sitwasyon ko. Mahirap na nga ako, pinahirapan ko pa sarili ko lalo dahil sa makitid na pag-iisip ko."

"Gaano ba kakitid ang pag-iisip mo noon?"

"Hmm," ilang segundo itong nag-isip, "actually, sobra. Alam mo ba na wala akong mga pangarap dati. Okay lang sa'kin na dito lang ako. Na magtanim lang ako ng mangga at mag-araro ng mga kalabaw sa sakahan. Binatukan ako ng lolo ko dahil doon." Tawang-tawa ito sa sarili. Sabagay, kahit siya 'yon din ang gagawin niya. Babatukan din niya ito nang malakas.

"Buti natauhan ka, mukha ka namang matalino."

"Matalino talaga ako, madalas, 'di lang ako nag-iisip ng tama." Magkatulong na inihanda nila ang mesa. "But that's the younger Pierce. Simula nang mamatay ang mga magulang ko, na realize ko na hindi talaga basta-basta ang buhay. Sabi ko, paano ako kapag nawala na lahat sa akin? Sigurado akong pagsisihan ko lang lahat nang mga sinayang kong panahon."

"Hindi ba nakapagtapos ang papa mo?"

Umiling ito.

"Hanggang high school lang. Nabuntis kasi ni Papa si Mama nang maaga, kaya napilitan siyang maghanap ng trabaho para sa amin. Growing up, laging pinapaala sa'kin ni Papa na magkaroon ako ng pangarap sa sarili ko. Na huwag akong gumaya sa kanya. Hindi naman niya pinagsisihan na dumating ako nang maaga sa buhay nila, pero nalulungkot siya sa ideya na hindi niya maibigay sa amin ang magandang buhay. Ang depinasyon niya kasi ng magandang buhay, mapag-aral ako sa isang private school, maibigay lahat ng mga magagandang damit at sapatos sa akin, mapakain kami sa isang magandang restaurant at maitira sa isang mala palasyong bahay."

"Pero para sa'kin, hindi ko naman na kailangan 'yon. Masaya na ako na kompleto kami sa bahay, kumakain ng tatlong beses sa isang araw at may bubong ang bahay namin. Napaka-ipokrito ko siguro kung sasabihin kong ni minsan hindi ako naiinggit sa mga mayayamang bata sa bayan. Inaamin ko, oo, may pagkakataon, pero laging sinasabi sa'kin ni lolo, na kaya raw hindi tayo nakukuntinto sa buhay natin dahil palagi tayong naghahangad nang higit pa – not realizing, we already have enough reasons to be happy and contented."

"Acceptance, 'yon kasi ang kulang. Hindi natin matanggap ang sitwasyon natin lagi dahil madalas tayong in denial. Actually, pwede naman kasi nating baguhin ang sitwasyon natin kung magkukusa lang tayo at magtatrabaho nang maagi. Lagi kasi tayong nagmamadali. Gusto natin may resulta na agad bukas. Kaya 'di natin na-a-appreciate ang progress natin."

"That's deep."

Ngumiti ito sa kanya. "Magaling lang akong magsalita Sushi pero lahat nang 'yan 'di ko pa na-a-apply sa buhay ko. Natutunan ko lang pero 'di pa talaga fully nakatarak dito," turo nito sa utak at puso nito, "so I'm not an exemption to many."

"At least you have that thought running in your mind."

"Malaki rin ang tulong ng ama mo sa akin. Siya ang nagpa-aral sa akin hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo."

"You graduated in UP, dapat din siguro magpasalamat ka sa bayan."

Natawa ito. "Loko ka talaga! Anyway, it's also good to see you like this." It was her turn to be baffled. Kumunot ang noo niya rito. "Let's talk later. Masamang pinaghihintay ang pagkain."

"I hate it kapag iniiwan ako sa ere bigla."

"Masakit ba?"

Dumiin ang hawak niya sa tinidor, akmang itutusok niya 'yon dito.

"Asar ka talaga minsan."

Pierce chuckled.




SUSHI felt oddly happy. It's overwhelming in a way na hindi niya mabigyan ng magandang description ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Iba 'yong nakita niyang saya sa mata ng bata nang makita ang dami ng pagkain na inihanda nila sa mesa. Para siyang na proud sa sarili niya. Natutuwa kasi talaga siya sa achievement na nagawa nito sa school.

The reward was meant to encourage Amaya to do well more.

Nasa labas sila ni Pierce, nakaupo sa kawayang upuan. Ramdam niya ang malamig at preskong hangin ng gabi sa mga pisngi. Tulog na sa itaas si Amaya. Pareho naman silang hindi pa makatulog ni Pier, alas otso pa naman din.

Iba sa probinsiya, alas sais pa lang halos kumakain na lahat at tulog na bandang alas otso. Maagang gumigising para simulan ang araw. She usually wakes up at eight in the morning, pumapasok siya ng 10 am sa opisina. Minsan late pa, no, madalas late siya. She owns her time anyway.

In her mind, as long as nagawa na niya lahat ng dapat niyang gawin, she's good.

"Ikaw 'yong klase ng boss na walang pakialam sa mga empleyado mo, 'no?" basag mayamaya ni Pierce.

She raised an eyebrow at his sudden accusation. "What made you think that?"

"Ikaw 'yong klase na inaasa ang lahat sa mga HR at head nila ang lahat."

"Because it's their job."

"Sumasama ka ba kapag may team building sila? Nakikipaghalubilo sa ibang empleyado? Feeling ko nga takot sila sa'yo e."

"Alam mo –"

"Sure akong madami silang pinangalan sa'yo."

"You can't please anyone."

"Stop defending yourself, queen."

She squinted her eyes at him. "So saan papunta ang usapan na 'to?"

"I'm just saying, you expose yourself more with your people. Hindi lang sa mga head ng mga departamento mo pati na rin sa pinakamababang posisyon ng kompanya mo."

"Malaki ang Costales. Alam mo ba kung ilang empleyado ang meron kami?"

"Sinabi ko bang gawin mo 'yon ng isang araw? You have all the time in the world to know them. Konting chika-chika lang ganoon. Kumustahan."

"Hindi naman ako kakandidatong mayor."

Natawa ito.

"Ang dami mo talagang rason lagi. Just do it, one step at a time, you'll see, mas personal mong makikita ang mga pangangailangan ng mga empleyado mo. Mas maiintindihan mo sila at kung ano pa ang dapat i-improve sa working environment nila. Madalas kasi na nag-re-resign ang mga magagaling na empleyado hindi dahil kulang ang kompanya ng mga benepisyo kundi dahil sa isang toxic manager or environment."

"Lahat naman yata ng kompanya ganyan. Hindi naman talaga maiiwasan 'yan."

"Ayaw mo bang umalis sa grupo ng 'lahat'? Pwede ka namang maging best kaysa maging better lang. Sayang din kasi ang potential ng mga empeleyado mo. Let's take for example, Amaya. You saw potential in her, right?"

Tumango siya.

"And what you did made her realize her full potential. Mas nagkaroon siya ng kompyansa sa sarili niya dahil in-encourage mo siya. Hindi ko sinasabing i-baby mo siya dahil 'di 'yan matututo. And I like to commend how you push Amaya. Pinangaralan mo siya na naayon sa edad niya. Tinuruan na may pasensiya kahit na ilang ulit mo nang in-explain sa kanya ang proseso."

"E paano kung wala namang pagbabago sa kanila?"

"At least ginawa mo lahat. Dalawa lang naman resulta ng effort ng tao. Success at failure lang. Ang kabutihan naman kasi ng tao hindi naman 'yan laging nasusuklian. Kusa mo lang din 'yong ginagawa dahil gusto nating makatulong. Nasa kanila pa rin naman ang desisyon kung babaguhin nila ang buhay nila o hindi."

"Mag-i-effort pa ako?"

"Oo, mag-i-effort ka sa isang bagay na walang kasiguraduhan."

"Ayoko nang walang assurance."

"Diyan ka mali, queen. Ang problema kasi sa'yo, gusto mo lagi may good result ang mga ginagawa mo. You cannot apply that in all the areas of your life. Minsan kailangan mo ring sumugal para mas lumawak ang pang-unawa mo sa ibang bagay."

Napatitig siya kay Pierce.

I hate how this man thinks. Kapag lagi itong nagsasalita feeling niya lagi ang sama-sama niyang tao. Well, she's not perfect, mukha lang.

"I'll think about it."

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Alam mo mabait ka naman e. Hindi ka lang aware na meron ka no'ng kabaitan na 'yon."

"Naiinis ako dahil lagi kang nakangiti. Hindi ka yata marunong magalit. Tao ka pa ba? Kapag yata namatay ka, running for sainthood ka na."

Naningkit ang mga mata nito sa pagtawa.

"Nalulungkot ka rin ba Pier?"

"Oo naman, sino ba namang hindi?" he chuckled.

"Ba't mukhang hindi naman?"

"Alangan naming umiyak ako sa harap mo para maniwala kang nalulungkot din ako. May problema rin naman ako."

"Tulad ng?"

"Ikaw, problema kita." Malakas na tumawa ulit ito. She rolled her eyes in annoyance. Bwesit din talaga ang lalaking 'to e.

"Ang gulo mong kausap." Tumayo na siya at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. "Matutulog na ako. Bahala ka sa buhay mo. Kausapin mo ang mga puno."

"Goodnight, queen."

"Whatever!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro