Kabanata 4
"SI SUSHMITA nga pala," pakilala ni Pierce kay Sushi sa lahat.
Nagtaka naman siya nang titig na titig ang lahat sa kanya. Naipilig niya ang ulo sa kanan. Ah, I know, they find me very pretty and beautiful. She always looks pretty when she dresses well. Good thing, she brought all her beautiful dresses. At least man lang may magandang nakikita ang mga tao sa bayan na ito.
She wore a two-piece white off-shoulder butterfly printed maxi dress with ruffle sleeves. The long skirt had a two-inch slit just above her knees down to her ankles. She matched it with her brown gladiator sandals and brown summer hat.
I don't think I'm overdressed.
"May lakad ba siya?" tanong ng isang babae.
She seems to like her age. Or mas bata pa sa kanya? Whatever!
"Wala, ganyan lang talaga siya mag-ayos," nakangiting sagot ni Pierce. "Siya 'yong tinutukoy ni Lolo Manuel na magbabakasyon muna rito sa atin. Anak siya ng kaibigan ni lolo sa Maynila."
"Kinagagalak ka naming makilala Sushi." Lumapit ang isang may edad na babae sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Nagulat siya sa ginawa nito. "Aba'y ang ganda mo pa lang dalaga. Para kang artista."
"Si Kuya Bert." Turo ni Pierce sa may edad na lalaki. Kagaya ng mga tao sa harap niya ay simple lamang ang suot nito. Kupas na pantalon at white t-shirt. "Siya ang pinagkakatiwalaan ko rito sa manggahan kapag nasa Iloilo ako. Asawa siya ni Ate Lita."
"Ako 'yon," pakilala ng babaeng nakahawak pa rin sa kamay niya.
"Mariel," taas kamay ng unang babaeng nagtanong sa kanya kanina. Isang simpleng orange t-shirt at kupas na pantalon lang ang suot nito.
Si Ate Lita naman, isang kupas na pink na blouse at peach floral na mahabang saya. Medyo chubby ito at morenang-morena. Siya lang yata ang maputi sa lugar na 'yon.
"Gab po, Ate Sushi," malaki ang ngiti na pakilala ng matangkad at payat na binatang lalaki.
"Anak nila Ate Lita at Kuya Bert," dagdag pa ni Pierce. "Sila ang katulong ko sa pagpapalago ng manggahan namin ni Lolo Manuel. Kapag peak season na makikita mo na ang ibang mga tao ko. Part time job kung baga kung sa Maynila."
Malaki ang lupain nito, ilang lakad lang din mula sa bahay nito dahil nasa likod lang naman ito ng bahay ni Pierce. May bakod ang sakop ng lupain at sa entrada nito. Pagpasok niya pa lang sa farm ay binati agad siya ng luntiang tanawin at lilim ng mga punong mangga. Hindi ramdam ang init sa loob dahil natatakpan ng mga puno ang sinag ng araw.
"Gaano kalaki ang mango farm n'yo?" tanong niya kay Pierce nang i-tour siya nito sa lugar.
Abalang naghahanda pa sila Ate Lita sa pananghalian nila. May mahabang wooden table roon na nilalatagan ni Mariel ng mga banana leaf. Tumulong din sila Kuya Bert at Gab. Iniwan muna nila ang mga ito.
"Five hectares," sagot nito. Wow! "It's big right? Namana pa namin ang lupain na 'to sa mga ninuno namin. Madami na ang lumapit sa amin para bilhin ang farm pero hindi kami pumapayag ni lolo. Mahalaga sa amin ang manggahan kahit na hindi naman kami kumikita nang malaki."
"Will you sell it to me then?"
Nakangiting umiling ito. "I won't."
"Why? I can double the price."
"As I said, malaki ang pagpapahalaga namin sa lupain namin. It's the only treasure we have na pwede naming ipamana sa mga magiging anak namin. Second, I don't want to see this farm ruined by infrastructure or gawing park and whatsoever. Third, malaki ang naitutulong ng farm na ito sa mga tao rito. Nabibigyan ko sila ng trabaho at napapakain ng farm na ito ang mga pamilya nila."
"Bakit 'di ka na lang kaya tumakbong mayor sa bayan na 'to?"
Malutong na natawa ito. "I don't think I'm qualified."
"You have passion and dedication. I think it will suffice." Iginala niya ang tingin sa paligid. May mga bunga ng mangga na. "But please study political science or proceed to law before entering politics. You should at least be prepared. There are so many dramas in politics. It's kinda draining."
"Na-e-stress ka ba sa government ng Pilipinas?"
"I hate how unruly and unjust they are most of the time, lalo na sa corporate world. It's always about connections and how much you can offer and blah blah blah."
"Well, good thing about here, mangoes are well taken care of. Dahil nga sa Guimaras matatagpuan ang pinakamasarap at pinakamatamis na mangga sa Pilipinas ay pinaglayun ng isla ang mabuting pag-aalaga ng mga puno ng mangga. We have The Bureau of Plant Industry's National Mango Research and Development Center. On going ang mga research for new developments na maaring makatulong sa mabilis na produksyon nang hindi naapektuhan ang quality ng mangga. They even provide seminars for starters, tours and demonstrations for better understanding."
"Why aren't you investing in factories or machinery yet?"
"We are the traditional type."
"Paano kayo kikita ng malaki kung hindi n'yo babaguhin ang sistema n'yo? The farm has potentials. You have people whom you trust. You need to be a little aggressive Pier. Competitions are inevitable and maapektuhan ang produksyon n'yo kapag mabagal kayo."
"I've thought about that already." Napakamot ito sa noo. "Kulang pa ako ng budget. May nakausap na rin naman ako, still in the process of bargaining, kung saan mas makakamura nang hindi apektado ang quality ng machine."
"Well, Guimaras mangoes are without a doubt, the best and the sweetest, tiyak ang kita, based from your stories, it seemed like the mango trees here are cultivated to perfection by Filipino's love and hard work. Even the world loves it and the royals I assumed. I did a little research before though, I'd like to confirm it later, but I suggest you venture to something new and profit beneficial. I don't know kung pwede ba ang ketchup made of mangoes or any mango made foods or pasalubongs. Surprise me?"
Kumunot ang noo niya nang mapansing titig na titig sa kanya si Pierce pagbaling niya rito. May nakita siyang amusement sa mga mata nito. He seemed taken aback and amused at the same time. Let me guess, he judged me pretty negatively. It almost hurt his conscience.
"What?"
"You know what; I could use a little help from you."
"Mahal ang labor ko."
He chuckled. "Tama nga si lolo, matalino ka, kailangan lang ayusin ang ugali mo, but we can work on that along the way."
She made a face. "Bakit ba iniisip n'yong masama ang ugali ko?" Umayos siya ng tayo sa harap nito. Inilapat niya ang isang palad sa dibdib. "Mr. Allede, mabait ako. Mukha lang hindi pero mabait ako. I fired people because of their unproductive habits and toxic political dramas. Parang rejected mangoes lang 'yan. If you won't separate that from your best mangoes it will get the same disease."
"I know."
"Alam mo naman pala e. Bakit pa ako nandito?"
"Para malamin natin kung rejected mango ka ba o best mango." Lumipat ito sa likod niya at mula doon at itinulak na siya palakad. "Let's go, nagugutom na ako."
"Did I give you the permission to touch me?!" she hissed at him. Pilit na inalis niya ang mga kamay nitong nakalapat sa likod niya. "Don't touch me!"
"I'm not, sa damit mo ako nakahawak."
"It's still the same!"
Tinawanan lang siya ng loko. What kind of mind does this man have? Hindi nakakaintindi ng salitang don't touch. Do I need to elaborate or put some e.g. just so he can vividly visualize the whole definition of those two darn words?! Argh! This is really stressing me out. Ayaw niya talaga ang napipiga ang pasensiya at utak niya para sa mga simple-minded people.
"Nope, it's not. C'mon, queen, your king is hungry."
"I dislike being paired with you. I'd rather be a queen without a man beside me."
"Ang lungkot naman nun, mag-isa ka lang."
"I don't mind,"
"Wala kang choice, hanggat nandito ka sa kaharian ko, ako ang king mo."
She groaned in annoyance. "King ina mo!"
"No profanity in my land, Queen Sushi."
I don't care!
SHE couldn't believe it. My precious hands! Ang mga magaganda niyang kamay ay punong-puno na ng sugat due to cheap dishwashing liquid. Back in the states, she hired a cleaner to clean her apartment, do her dishes, and laundry when she's out.
Pero sa lugar na 'to, she's doing all the maid works.
"Hindi ako pinanganak para maging katulong lang ng isang Pierce Kyries Allede." Nanggigil na nilapatan niya ng ointment ang mga blisters niya sa kamay. "Ipapa-persona-non-grata talaga kita sa Maynila."
"Pier?"
Naibaling niya ang tingin sa nakabukas na pinto. Pumasok si Mariel na may dalang isang malaking tupperware ng pagkain.
"Naliligo pa si Pierce," sagot niya. Bumaling ito sa kanya. "May kailangan ka?"
"May niluto si mama na caldereta. Nakapagluto na ba kayo?"
Pinihit niya ang ulo sa direksyon ng wall clock sa sala. Napasinghap siya at napatayo. Mag-a-alas-dose na. "Omg! Hindi pa." Napangiwi siya sa isip. Malilintikan na naman siya ng walangyang 'yon. Kapag 'di siya nakapagluto, do-doble ang gawaing bahay na iuutos nito sa kanya. Baka pag-uwi niya ng Maynila laspag na laspag na mga kamay niya.
Iniwan niya si Mariel at mabilis na pumunta sa kusina. Tinignan niya ang sinaing sa rice cooker. 'Yon lang ang alam niya. Mabuti na lang merong rice cooker ang lalaking 'yon. Nakatago pa. Hindi naman aabot sa isang milyon ang electric bill nito sa paggamit lang ng rice cooker.
"O, no!" Natutop niya ang bibig nang hindi naluto ang kanin. Bumaba ang tingin niya sa naka ilaw na orange na may nakalagay na WARM. "Bakit hindi naluto?"
"It should be hot, Sushi –" Napasinghap siya nang marinig ang boses ni Pierce sa isang tainga niya. Napalingon siya rito para lang mapakurap-kurap sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Bahagya itong nakayuko sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok at amoy malinis. "Gumamit ka pa ng rice cooker hindi ka naman pala marunong gumamit niyan. Tinuruan kitang mag-saing gamit ang kalan pero 'di mo naman ginawa."
"E bakit ba? Mas madali ang rice cooker. Isasak-sak mo lang –"
"At itataas mo ang cooking lever from warm to hot para maluto ang kanin."
Hindi niya binawi ang tingin niya. Oo, she made a mistake. Pero hindi niya ugali ang magpa-intimidate kahit na siya ang mali.
"E 'di mali ako. Sorry."
"Tsk, sige na, ako na rito." Tumabi siya at ito na ang nagtaas ng lever from warm to hot. "Magluto ka na sa likod."
"Huwag na kayong magluto," basag ni Mariel. "May dala akong ulam." Nakalapag na pala sa dining table ang food tupperware na dala nito. Inalis nito ang takip at agad kumalat sa buong paligid ang mabango at masarap na amoy ng caldereta. "Nagluto si mama, napadami nga lang."
"Sarap naman!" Lumapad ang ngiti ni Pierce sa tabi niya at animo'y takam na takam na. "Pakisabi kay Nay Perla na salamat. Hulog nawa siya ng langit sa kumakalam kong tiyan." Pasimple siyang tinignan ni Pierce. She can't help but grimace. "Ito kasing kasama ko sa bahay, hindi marunong magluto, maghugas, maglinis at maglaba. Nakakaawa ang magiging asawa ng babaeng 'to."
"I would like to disagree –" Natigilan siya nang bigla siya nitong akbayan sa isang balikat. The angst of this man! Pasimple niyang iginalaw ang balikat para alisin ang braso nito pero dumikit yata nang husto at hindi maalis-alis.
"Sige na kumain na kayo. Babalik na ako sa bahay."
Hindi niya mapigilang tignan ang nakangiting mukha ni Mariel. Kumikislap ang mga mata nito habang nakatitig kay Pierce. Oh! So Mariel likes this busabos? Naingat niya naman ang mukha kay Pierce. Pero mukhang manhid ang isang 'to. How tragic!
"Thanks."
"Sushi." Pero nang ibaling nito ang tingin sa kanya nawala ang malamlam na ekpresyon ng mukha nito. Mariel was discreetly giving her the sharp look. Oh, nagseselos siya? "Mauuna na ako."
Anong problema ng isang 'yon? Dinadamay siya sa unreciprocated love nito kay Pierce. Hello, Pierce and Shushi are canceled. Hindi sila bagay. Pierce is a commoner. Wala siyang mapapala rito maliban doon sa lupain nitong mangga.
"Alam mo bang masarap magluto ang nanay ni Mariel?"
"Kung alam ko 'di sana hindi mo itatanong?" Inalis niya ang nakasampay na braso nito sa balikat niya. "Please don't talk to me like we're close. Know your boundaries Mr. Allede."
"Hey, queen!" Nameywang ito sa harap niya. He squinted his eyes at her na tila ba bata siyang paslit na malakas ang loob na sumagot-sagot sa nakakatanda. "You don't talk to your king like that."
Humalukipkip siya at naglabanan sila ng tingin. "This is a free country, we are entitled to do things and say what we want."
"But with limitations, kaya tayo may batas na sinusunod."
"Makukulong ba ako sa pagsagot sa'yo? As of a matter of fact, I can even file a case against you, sexual assault dahil masyado kang touchy. I'm not even giving you the right to do so."
Naglapat ang mga labi nito. Still, he was not giving her the defeated look she wants to see from him.
"Fine, hindi na kita hahawakan, I'll ask permission kung kailangan talaga. Okay na tayo?"
Bakit ba ang lambing pa rin ng boses nito kahit na halata namang naiinis na ito sa kanya? Na halatang labas naman sa ilong ang pagkakasabi. Na saan ang hustisya?
"You don't even sound sincere," giit pa niya.
Marahas na bumuntonghininga ito. "Sorry na." Lumamlam ang ekpresyon ng mukha nito. Napatitig siya sa magandang kulay ng mga mata nito. It was turning golden brown. "Sanay lang talaga akong close ko ang mga taong kasama ko."
"Even to women?"
"Well, hindi naman ako ganoon ka touchy sa mga babae –"
"Anong tingin mo sa akin lalaki?!"
Natawa ito sa halip na itama ang pag-a-assume niya. God, I can't believe this! Napa-iling-iling siya.
"Alam mo, gutom lang 'yan." Naniningkit pa rin ang mga mata nito sa pagpipigil ng tawa. Akmang hahawakan ulit siya nito pero hindi nito itinuloy. "I shouldn't lay a finger on my queen. Ayokong makulong dahil lang sa hindi ko mapigilan ang hawakan ka." May naglalarong pilyong ngiti sa mukha nito. Bahagya itong umatras sa kanya. "I'll keep my distance. No more touching." Itinaas nito ang kanang kamay sa ere. "Promise."
"Dapat lang!"
Bumaba ang tingin nito sa mga kamay niya. "Nasugatan ka?" Tila nahabag ito sa nakita nito. Dapat lang, tubuan kamo ito ng konsensiya.
"Bakit?" pagtataray pa rin niya. "Gagamutin mo?"
"Hindi." Inosenteng umiling ito.
Kumunot ang noo niya. "E bakit nagtatanong ka pa?!"
"Napapansin ko kasi. Huwag kang mag-alala, malayo 'yan sa bituka. Masasanay rin 'yang mga kamay mo. Makikita mo, after three months, makakapaghugas ka nang plato ng hindi nasusugatan. Maliban na lamang kung may mabasag ka. Which I highly doubt dahil puro plastik lang naman ang plato at baso namin dito."
"Tragically poor," ismid niya rito.
"Meron kaming babasagin sa cabinet pero kapag may bisita at handa lang namin inilalabas."
"How sweet!" sarkastiko niyang balik.
"I know," he chuckled. "Sweet talaga akong tao."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro