Kabanata 3
ISANG simpleng floral green off shoulder jumpsuit short ang suot ni Sushi nang bumaba siya. Sumilip siya may kusina. Wala roon ang lalaki pero may mga nakahanda nang mga plato at baso sa pang-apat na upuhang mesa.
Nakabukas ang back door at may nakikita siyang usok mula sa labas. Mukhang sa labas nagluluto ang makulit na lalaking 'yon.
Hindi niya naman maiwasang tignan ang mga picture frames na naka display sa pader sa sala. May iilang framed certificates doon, may wood laminated pa nga, 'yon ang uso noon. May isang bahagi ng sala na puno ng mga medals at honorary ribbons. Lahat ay nakapangalan kay Pierce Kyries Allede.
"Matalino naman pala ang lalaking 'yon," bulong niya sa kawalan. Hindi nga lang halata dahil mukhang may pagka-engot. "Magna Cum Laude pala siya sa UP? Double degree, Business Management and Agriculture." Naipilig niya ang ulo. Sumagi sa isipan niya ang ayos ng binata. "Ba't hindi siya naghanap ng trabaho sa Maynila? Tsk." Napasimangot siya. "Sinasayang niya lang pinag-aralan niya. Nag-MBA rin siya sa UP at with Latin Honor ulit."
Why is he wasting all the good opportunities that await him in the city?
Mas madami ang larawan nito kasama ang lolo nito kaysa sa mga magulang nito. Pinakititigan niya ang graduation picture nito. He has this big smile on his face.
"Alam mo matalino ka sana e," kausap niya roon sa picture. "Kaso 'di ka nag-iisip nang maayos."
"I'll take that as a compliment."
Napasinghap siya nang magsalita ang larawan - este 'yong totoong Pierce Kyries sa likod niya. Natutop niya ang dibdib nang lingunin niya ang binata. He was not smiling but she was sure he was earlier. She can vividly see the traces of his smile on his face.
Kumunot naman ang noo niya nang makita ang ayos nito. Pier has a smudge of charcoal powder on his cheeks.
At hindi pa ito nagpapalit. Hinubad lang nito ang denim jacket nito kaya 'yong gray sando na lamang ang suot nitong pang-itaas. Tumaas ang isang kilay niya. Okay, this guy has nice, toned and firm broad shoulders. His built is well proportioned and it seem like he has a strong arm.
She doubt if nag-gi-gym ito. No one would build a gym in a rural area like this. Sinong magiging customers? Mga kambing? Kalabaw? The mango trees, perhaps?
"Bakit ka nakatitig sa'kin?" inosente nitong tanong. "May dumi ba ako sa mukha?" Hinawakan nito ang pisngi. Kumalat lang ang dumi sa pisngi nito. Tsk!
"What are you a kid?" sikmat niya rito.
"Bakit ba? Tinatanong lang naman kita ah. Oo at hindi lang ang isasagot mo." Tila nainis ito sa kanya nang bahagya. Bahagya lang, alam niya ang itsura ng taong sagad na ang galit sa kanya. "Pinagluto na nga kita. Tapos ginaganito mo pa ako." Tinalikuran na siya nito at tinungo ang direksyon ng banyo. "Pwede mo namang sabihing may dumi ako sa mukha!" sigaw pa nito mula roon.
Napabuga siya ng hangin.
"You're welcome!" sigaw niya.
Tsk, that man! Parang bata. Ibinalik niya ang tingin sa graduation picture nito. Tumaas ang gilid ng labi niya. Inambahan niya ito ng suntok.
Nanggigil na ako sa'yo!
"DO you have salad?"
Inangat nito ang tingin sa kanya. Pati sa pagkain napakabusabos ng isang 'to - nakakamay pa. Mayroon namang spoon and fork. May palayok sa harap nila. Nagluto ito ng tinolang isda. Hindi niya rin gusto ang amoy ng bagoong at ang daing.
"Salad? Naku wala," sagot nito kahit na may laman pa ang bibig. "Tuwing pasko, meron. Saka kung may birthday."
She can't help but roll her eyes at him. "Not the fruit salad." Idiot!
"Ah!" Natawa ito. "'Yon bang salad na puro dahon lang?"
"Hindi lang 'yon dahon, ano ba? Can't we have a proper conversation?"
"Ano bang problema sa pag-uusap natin? Hindi mo ba ako maintindihan? Kailangan ko rin bang mag-Ingles para magkaintindihan tayo? Kumain ka na." Nilagyan nito ng kanin ang plato niya. "Hindi ka tataba sa kaonting kanin. Payat-payat mo na nga nag-da-diet ka pa."
"Can't I have my own preference for the food I want to eat?"
"Hindi kita bibigyan ng preference maliban na lamang kong allergic ka sa pagkain na 'yon. Sushi, lahat ng mga pagkaing nasa hapagkainan ay biyaya. Madaming tao sa mundo na walang kinakain."
Tinitigan niya lamang ito.
"Gusto mong subuan pa kita?"
Hinawakan niya ang mga kubyertos. "No thanks, I can manage."
"Very good!" Napabuntonghininga siya. "Sushi, hindi pinagbubuntonghininga ang mga pagkain. Mag-sorry ka sa kanila."
Namilog ang mga mata niya. Seriously? "Why would I do that?" kunot-noong tanong niya.
Umayos ito ng upo at inihilig ang likod sa back rest ng silya nito. "May pakiramdam ang mga pagkain."
"No, they don't."
"Nakikita mo 'yang isdang 'yan?" Itinuro nito ang pira-pirasong katawan ng isda sa loob ng palayok. "Namatay 'yan para may makain ka."
"Bakit 'di natin pagawan ng rebulto sa bayan?"
"Mag-sorry ka na lang."
"Fine!" She held a sigh. "Sorry tinolang isda. Salamat sa pagkakabayani mo at may makakain kami ng lalaking kasama ko." Naningkit ang mga mata niya nang may ma-realize siya. Marahas na hinuli niya ang mga mata nito. "Bumuntonghininga lang ako pero pinatay mo siya."
Napamaang ito sa huling sinabi niya. He seem like he was taken aback by her sudden accusation.
"Patay na siya nang binili ko."
"Murderer!"
Pero sa halip na mainis ay tinawanan lang siya nito. And for a lot of times, wala bang nagpapagalit o nagpapa-inis sa isang Pier?
"Kumain ka na Sushi," mayamaya ay sabi nito. Nagpatuloy ito sa pagkain. "Pagkatapos magpahinga ka. Bukas na lang kita kukulitin."
"Ano bang gagawin ko rito kung wala naman pala si Lolo Manuel?"
"Madami kang pwedeng gawin dito."
"Tulad ng ano? Tumunganga? E wala ngang signal dito. Wala pa kayong wifi. May tv kayo pero ilang channel lang naabot ng antenna n'yo?" Inabot niya ang baso ng tubig at uminom doon.
"A little change wouldn't hurt that much. Madami kang pwedeng gawin dito. Mga bagay na alam ko na hindi mo pa nagagawa."
"O, please, you don't even know me. Stop being silly."
"Problema ba 'yon? May tatlong buwan tayo para makilala ang isa't isa."
"Let's be honest here. Have you talked with my father, Lemuel Costales?"
"Hindi ako, pero 'yong lolo ko, oo."
"Did your lolo mentioned why my father sent me here?"
"Sabi niya lang turuan kitang maging tao."
Bumagsak ang mga balikat niya. "I'm perfectly normal. Why are they insisting that there is something wrong with me?"
"Hindi ka ngumingiti."
"And what does it to do with me as a vice chairman? I don't think smiling is necessary. We all have our own preference in life. I happened to like to maintain a civil relationship with people. Me, doing my job as the vice chairman of Costales, and them as our employees. I've given them enough benefits, salary increase and health insurance. Pero ako pa rin ang masama?"
"Pero minsan ba Sushi, naisip mo, paano kung tinuturing mong kaibigan ang mga empleyado mo? Paano kung imbes na takot sila sa'yo, ay iniidolo ka nila? May malaking pagkakaiba sa empleyado ka lang sa pursigido at dedicated na empleyado."
"WALANG tubig?!" gigil na sigaw ni Sushi nang wala man lang tumulong tubig sa gripo. Wala ring naka-imbak na tubig sa malaking drum. Lumabas siya sa maliit na banyong 'yon at hinanap si Pier. "Pier! Na saan ka ba?"
"Nandito ako!"
Natagpuan niya ito sa likod ng bahay na nagbubunot ng damo. "What are you doing?!"
"Landscaping." Kumunot ang noo niya. "In Tagalog, nagbubunot ng damo. Pinasosyal ko lang." Madami-dami na rin itong nabubunot. Tagaktak na ang pawis nito sa katawan at sa gilid ng mukha nito. Tumayo ito at lumapit sa kanya. "O, bakit sumisigaw ka? Ang aga-aga pa galit ka na naman."
Maliit na bolo lang ang gamit nito sa pati-trim ng mga damo. At hawak pa rin nito 'yon. Hindi naman siguro siya nito sasaksakin nun, 'di ba?
"Walang tubig!"
"Ahh..." Napakamot ito sa noo. "Sorry, 'di ko nasabing madalas mawalan ng tubig dito sa amin. Hindi ako nakapag-imbak kagabi," kalmado nitong sabi. Isa sa mga napansin niya sa tono ng pananalita nito. May lambing at sobrang kalmado. 'Yong kahit na minsan papunta na sa inis ang tono nito, may lambing pa rin. "Hindi 'yan problema."
"Paanong hindi problema? Paano ako makakaligo?"
"'Yon oh." Itinuro nito ang poso ng tubig sa malapit. "Mag-igib ka roon."
Umawang ang labi niya. "Ako ang mag-iigib?"
"May sinabi ba akong, ako?"
Marahas na napabuga siya ng hangin at nahilot ang sentido. "Pag-iigibin mo ako?"
"Oo," nakangiti nitong sagot.
"Bisita mo ako rito!"
"Correction, estudyante kita at ako ang guro mo. Pinapunta ka rito ng ama mo para turuan kitang makisama at baguhin ang mga pangit na pananaw mo sa buhay. Ako ang gumawa ng mga gawaing bahay kahapon dahil kadarating mo lang. Pero ngayon, ituturo ko na sa'yo lahat ng mga kailangan mong matutunan para mabuhay rito ng tatlong buwan."
"This is crazy!"
"May tabo at balde sa banyo. Kunin mo. Punuin mo na rin 'yong drum para may magamit tayo mamaya. 'Yong mga nagamit mo nang damit. Ilagay mo sa labahan. Binilhin kita ng basket, pink 'yong sa'yo, akin 'yong luma. Ilagay mo roon at sa Sabado tuturuan kitang maglaba dahil mukhang 'di ka naman marunong."
Napaamang siya. "Wow!"
"Magluluto ako ng agahan natin pero ikaw na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin at may pupuntahan ako. Mamayang tanghalian sa labas tayo kakain."
Naglapat ang mga labi niya. A glint of hope, maybe? Na may restaurant sa malapit? Kahit na alam niyang imposible.
"Sa labas? You mean restaurant?"
Umiling ito. "Doon sa manggahan, ipapakilala kita sa mga pinagkakatiwalaan kong mga tao. Doon kami kumakain ng tanghalian kapag nasa trabaho ako." Lumapit pa ito sa kanya at walang pasabing hinaplos ang buhok niya. "Masaya kapag may kasama kang kumakain. You should try it sometimes."
Marahas na pinalis niya ang kamay nito. "Your hand is dirty!" akusa niya rito.
Tinawanan lang siya ng lalaki bago ibinulsa ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito. Naiinis siya dahil tila nag-e-enjoy pa ito sa mga paghihirap niya.
"A little dirt won't kill you, Queen Sushi." Kinindatan pa siya nito bago ito pumasok sa loob ng bahay.
Dumako ang tingin niya sa direksyon ng poso. Bigla siyang nanghina kaso wala siyang mahawakan. Hindi tuloy siya maka-emote. God, huwag na lang kaya akong maligo? Nakagat niya ang ibabang labi at mariing napapikit. Second day, and I already feel like dying.
NANGANGALAY na ang mga balikat ni Sushi sa kakabomba. Hindi naman siya sanay at nahihirapan pa siya. 'Yong lakas niya, kaonting tubig lang ang nailalabas. Aabutan yata siya ng gabi sa kakabomba para lang mapuno ang drum ng tubig sa banyo. Tagagtak na ang pawis niya dahil mataas na ang sikat ng araw.
Ilang mura na ba ang nabanggit niya sa isip? God! Hindi siya nag-aral sa magandang eskwelahan para lang pagbombahin ng tubig sa poso.
"Kailan ka pa ba matatapos riyan?"
"Tumahimik ka!"
Malakas na tumawa si Pier. "Lakasan mo kasi sa pagbomba. Masyado kang malamya. Konti lang ang lalabas na tubig kong ganyan ka kahina."
Tumigil siya at umayos ng tayo para lang mapangiwi. Rinig niya ang pagtunog ng mga buto niya sa likod at balakang. "Ouch," ngiwi niya.
"Tuturuan na kita."
"Huwag na – " Natigilan siya nang makitang wala pala itong suot pang itaas maliban sa kupas nitong pantalon at tsinelas. Napakurap-kurap siya. Hindi niya maiwasang mapatingin sa maganda nitong katawan.
No Sushi! Don't you ever compliment that arrogant's body.
"No!" bawi niya. "I can handle this."
"I insist." Hindi na niya napigilan ang lalaki. Mabilis na naka puwesto ito sa likod niya. Humawak ulit siya sa bomba at ganoon din ito. Nakulong siya sa mga bisig nito dahil dalawang kamay din ang ginamit nito. "Dalawang kamay na gamit mo pero 'di mo pa rin kaya."
"Kasalanan ko bang mabigat 'tong bombahin?!" asik niya.
"Puro ka kasi reklamo. Lesson number one, matutotong gumamit ng poso." Ito ang unang bumaba ng hawakan. Ni hindi nga ito nag-exert ng effort. Nanlaki ang mga mata niya nang madaming tubig ang lumabas. "See? Kailangan mo lang lakasan. Ibuhos mo lahat ng lakas mo."
"Paano kung hanggang doon lang talaga ako?"
"Test your limit. Huwag mong i-baby masyado ang sarili mo. Kaya 'di mo nagagawa kasi iniisip mo na ayaw mo. Kaya 'di ka mag-e-exert ng effort kasi nasa isip mo na hanggang doon lang kaya mo. Pinapangunahan mo lagi ang sarili mo. Why don't you try it first bago ka mag-conclude?"
Magkasabay na nag-bomba sila. Ramdam na ramdam niya ang tigas ng dibdib nito sa likod niya. Kitang-kita niya ang paglitaw ng ugat sa mga kamay nito sa tuwing napupwersa 'yon. Naiilang siya sa lapit ng mga katawan nila. Napaka-touchy talaga ng lalaking 'to.
"Thanks," aniya.
"Kaya mo na ba?"
"Oo, kaya ko na." Lumayo ito sa kanya at lumipat sa harap niya. "Iwan mo na ako. Magluto ka na lang," pagtataboy pa niya.
"Tawagin mo na lang ako kapag napuno mo na ang balde. Ako na ang magbubuhos nun sa drum. Nanginginig na 'yang mga braso mo."
"Ikaw na lang kaya gumawa nito?"
"Alam mo –"
"Ano?"
"Maganda ka, pero 'di mo ako madadaan sa ganda mo."
'Yon lang at iniwan na siya nito. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Alam niyang maganda siya pero, hello? Hindi kaya siya nagpapa-cute rito. Why would he say that she's using her charm to bargain?
She can't help but made a face.
"Hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo. Like never!"
"'Yong dalawang drum ang punuin mo Sushi!"
"What the -" naikuyom niya ang mga kamay sa inis at naipadyak ang mga paa. "Arggh! I hate you! I hate you!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro