Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

HINDI pa nag-si-sink-in lahat sa isip ni Sushi. 

Pier is here and now, he's telling her na ito ang lalaking pinili ng ama niya para sa kanya? My god! Was everything planned by her father? Nagpaka-cupid ba ang ama niya?

Bigla siyang nahilo sa dami nang mga pumapasok na scenario sa isip niya. She needed answers. Kailangan niyang kausapin ang ama. Like now na!

"Where's Lemuel Andres Costales?" Kumalas siya sa pagkakayakap kay Pier. Marahas na hinubad niya ang maskara at hinanap sa paligid ang ama.

Hinubad din ni Pier ang sariling maskara. "Sushi!"

Bago paman siya makaalis ay natuon ang spotlight sa kanilang dalawa ni Pier. Namatay ang music at halos ng mga tao ay napatingin sa kanila. What the hell is happening?

"As we celebrate the 41st Founding Anniversary of Costales," boses 'yon ng kanyang ama. Naibaling niya ang tingin sa makeshift stage sa harap. It was designed like a royal throne. Nakatayo ang ama roon. "I would also like to share my source of happiness, my dearest daughter, Sushmita Marigold Costales. Finally, after a decade of searching, I have finally found the perfect man for my heiress."

Nasisilaw siya sa spotlight, it's making her dizzy even more. Hinawakan ni Pier ang kamay niya. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Your hands are cold," puna nito. Sinipat nito ang mukha niya. She was not sure if she still looks okay on the outside dahil nanghihina na talaga siya. She's feeling a bit lightheaded. Hindi niya maintindihan ang sariling katawan. "Are you okay?"

Humugot siya nang malalim na hininga at mariing ipikinit ang mga mata. Napahawak siya sa braso ni Pier habang patuloy pa rin sa pagsasalita ang ama. Her mind is having a hard time processing all what her father is saying in front. She felt the world spin a little. Alam niyang siya lang ang nakaramdam nun. Kanina pa talaga masama ang pakiramdam niya – ilang araw na nga yata.

Muli niyang iminulat ang mga mata. Mas lalo lang siyang nahilo sa mga nakikita niya. Things around her seem hazy. She tried blinking her eyes a lot of times but it didn't really make her feel better.

"Sushi?" Pier's voice sounded from a far distance – it was close to fading.

"Pier –" her last word before she loses all her remaining strength in darkness.




LAHAT ay nag-alala kay Sushi. They rushed her immediately to the nearest hospital. He was in total shock when she fainted in his arms – tumigil yata sa pagtibok ang puso niya nang ilang segundo. He was so scared. Hindi niya alam kung anong nangyayari rito. He knew something was wrong with her. Matamlay ito at mukhang wala sa sariling isip. Kung hindi niya ito sinusundan kanina ay baka nahulog na talaga ito nang tuluyan sa hagdanan.

He didn't have proper sleep. Hindi siya umalis sa tabi nito simula kagabi. Sila Lolo Manuel at ang mga magulang ni Sushi ay umuwi muna para makapagpahinga. Hinihintay pa nila ang mga test results ni Sushi. Bumalik lang si Kuya Bert para dalhan siya ng pamalit na damit at pagkain.

Tulog pa rin hanggang ngayon ito. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makitang unti-unti nang bumabalik ang kulay sa mukha nito. The doctor said she's fine at baka stress lang daw ang cause, but they wanted to make sure. Kailangan lang muna nitong magpahinga. Bukas ng maaga ay babalik ito para tignan ang mga test results ni Sushi.

Nanlalim ang mga mata niya sa kakulangan ng tulog. But it doesn't matter, ang importante sa kanya ay masigurong mabuti lang ang kalagayan nito. She's been through a lot these days. Kaya siguro bumigay na ang katawan nito.

"Pier?"

Naiangat niya ang ulo mula sa pagkakayupyop sa gilid ng kama nang marinig ang paos na boses nito. Umayos siya ng upo at hinalikan ang likod ng kamay nito kung saan walang nakasaksak na swero.

"What happened?" paos nitong tanong.

"You fainted last night. Are you okay?"

Tumango ito at tipid na ngumiti. "Sina Mama at Papa?"

"They're outside. Hinihintay na lang namin ang doctor para malaman natin ang results ng mga lab test mo." Tumayo siya at binitiwan niya ang kamay nito. "I'll call them." Yumuko muna siya at ginawaran ito ng halik sa noo bago siya lumabas ng silid.

Pagbalik niya ay kasama na niya ang lolo niya at ang mga magulang ni Sushi. Lumapit agad ang ina nito at yumakap dito. Sumunod ang ama nito. Nakita niya kung gaano nag-alala ang ama nito kagabi. Tito Lemuel even blamed himself for what happened. If he was on his shoes, ganoon din ang mararamdaman niya.

Humalukipkip siya sa isang tabi at hinayaan na makausap ng mga magulang nito si Sushi.

"Okay ka lang, apo?"

May simpatya sa mukha ng lolo niya nang tignan siya nito.

"Okay lang ako, 'Lo. Babawi na lang ako ng tulog mamaya kapag nasigurado kong okay na talaga si Sushi."

Bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Emanuel Laroa. Ang family doctor ng mga Costales. May ngiti sa mukha nito.

"Good morning," bati ng matanda sa kanilang lahat. "Mabuti naman at gising ka na Sushi. How are you?"

"A bit better than yesterday," sagot nito na may tipid na ngiti.

Tinignan nito ang hawak nitong clipboard. "I've got all your results. It seems like the reason why you fainted is because of too much stress and malnutrition. Are you eating less for the past few days, Sushi?"

She slowly nods her head.

"Wala ho kasi akong gana."

"Well, it's normal in your condition."

"Condition? Is my daughter sick, Dr. Laroa?" tanong ni Tita Elena.

Lumapad ang ngiti ng doktor at umiling. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa siya o kakabahan.

"Your daughter is pregnant, Mrs. Costales."

Umawang ang labi niya sa pagkagulat. Wait! Did he hear the doctor right? Sushi's pregnant. Biglang bumalik ang sigla niya. Magiging ama na siya. Sushi's carrying their first child.

Ngiting-ngiti siya nang ibaling niya ang mukha sa lolo niya at sa mga magulang ni Sushi pero sandali lamang dahil sa uri ng tangin na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Parang ano mang oras ay sabay-sabay na babatukan siya ng mga ito.

Napalunok siya nang wala sa oras.

Of course, sino pa bang ama ng dinadala ni Sushi?

"Mag-e-explain po ako –"

"Luhod!" utos ng lolo niya.

Napangiwi siya. "Lolo naman," reklamo niya. Kitang-kita niya ang lihim na pagtawa ni Sushi. Putik naman oh! Ngayon pa talaga siya ipapahiya ng lolo niya.

"Lumuhod ka Pier at mag-sorry ka sa mga magulang ni Sushi." Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Lumuhod siya sa harap ng mga magulang ni Sushi. "Ang sinabi ko turuan mong mamuhay ng simple ang anak ni Lemuel. Hindi ang tubuan mo ng buhay ang tiyan niya. Diskyate kang bata ka! Ayusin mo ang pagluhod."

Napangiwi siya nang paluin siya ng lolo niya sa likod. Muntik nang ngumudmod ang mukha niya sa sahig. Pinagdikit niya ang dalawang palad.

"Patawad po. Pananagutan ko po ang anak ninyo."

"Lolo, tama na ho 'yan," awat ni Sushi. Natawa ito pagkatapos. Sa kabila ng pagkapahiya ay hindi niya mapigilan ang ngiti. He's going to be a father. At si Sushi ang magiging ina ng mga anak niya. "Wala hong kasalanan si Pier."

"Hindi ka ba pinilit nitong apo ko, hija?"

"Hindi po, Lolo. Promise."

"Patayuin mo na 'yang apo mo, Tatay Manuel. Ang importante ay pananagutan niya ang anak ko," nakangiting segunda ni Tito Lemuel. "At least ngayon, 'di lang ang mangga ang nagbunga sa apo mo." Tumawa ito pagkatapos.

Marahas na pinatayo siya ng lolo niya. "Mamanhikan na agad tayo."

"Opo, Lolo." Pasimple niyang kinindatan si Sushi.

"Oh, I almost forgot," napatingin silang lahat kay Dr. Laroa. "You might be carrying twins, Sushi." Natutop ni Sushi ang bibig sa pagkagulat. "We'll just have to make sure. Masyado kasing mataas ang level ng hCG mo. I'll forward your medical files to Dra. Ceniza. She's an OB-GYN, para ma-i-schedule ka niya ng prenatal check-up at ultrasound."

Kahit siya ay hindi makapaniwala. May posibilidad pang kambal ang anak nila.

"Luhod!"

Sinipa ni Lolo Manuel ang likod ng tuhod niya kaya muli siyang napaluhod. Tawang-tawa na ang lahat sa pampapahiya sa kanya ng lolo niya. Langyang buhay 'to oh.

"Hindi lang yata mangga ang pinagkakaabalahan mong pitasin at palaguin habang wala ako sa Guimaras! Hindi ka na nahiya sa Tito Lemuel mo. Hala! Pagnilayan mo lahat ng mga ginawa mo."

"Lolo naman!"

"Hindi kayo magtatabi ni Sushi hanggat hindi pa kayo naikakasal!"

"Lolo – aw!" Pinalo na naman siya nito sa balikat at likod. "Ay grabe! Lolo!"

"Matagal ka ngang nagkanobya pero tatlong buwan lang binuntis mo agad!"




HINDI maalis ni Sushi ang kamay sa kanyang tiyan. She still couldn't believe that probably two lives are growing inside her. She finds it possible dahil nasa lahi nila ang kambal. May kambal ang Lola Anastacia niya, ang ina ng kanyang ina.

She's actually scared and excited at the same time. Pero alam niyang makakaya niya dahil nandiyan ang pamilya niya sa tabi niya at si Pier.

They will build a family of their own and live happily in their palace.

"Anak," pumasok ang ama sa silid niya.

Lumabas muna si Mama. May bibilhin lang daw. Pier and Lolo Manuel went back to the hotel. Pinilit niyang umuwi muna si Pier para makapagpahinga ito. Buong gabi siya nitong binantayan. He needs to rest. Nabugbog pa naman 'yon ng lolo nito.

"I hope you're not angry with me."

Naupo ito sa gilid ng kama niya.

She playfully glared at her father. "Naiinis ako sa'yo."

Lalo tuloy na guilty ang papa niya. This time, tumawa siya, to lighten up the mood.

"You're forgiven." Niyakap niya ang ama. "Alam ko naman na ginawa mo 'yon para sa'kin. You want to make sure that Pier's love for me is real. I'm actually thankful that you sent me to Guimaras. Hindi lang pag-ibig ang natagpuan ko roon. The island taught me the true value of teamwork and family. It is something that I have been ignoring for the past years. If not for your scheme, Papa. I would have stayed as the grumpy and bitter heiress Sushmita Marigold Costales. I may have a lot of regrets in this lifetime than genuine happiness."

"I always believe that Pier will be a good influence on you. He's really a good man. His grandfather and his parents raised him well. Kaya alam kong magugustuhan mo rin siya." He paused for a moment before speaking again. "Alam ko ang mga pagkukulang ko sa'yo. I know, fixing those wouldn't be enough. I've already scarred your heart. Naisip ko na baka may taong pwedeng bumuo ulit sa'yo. At kailangan kong hanapin 'yon para makabawi ako. I have been praying that may you find the right man in this lifetime. Isang taong mamahalin mo at mamahalin ka rin. 'Yong hindi katulad ko. 'Yong marunong magpaka-ama. 'Yong may oras para sa pamilya niya."

"Papa..."

"It's okay, princess." It has always been his father's endearment to call her princess. "I've accepted the fact that I somehow failed as your father. Naisip ko na sapat nang pangalagaan ko ang Costales para sa kinabukasan mo. That as long as Costales is on top, nobody can harm you. But then again, dahil madalas, tagilid din ang mga desisyon ni Lemuel Andres Costales, mali na naman ako sa parteng 'yon." He heavily sighed and smiled after.

Humigpit ang yakap niya sa ama. She couldn't help but laugh. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila nang ganoong conversation ng Papa niya – maliban sa mga business topics na madalas nilang pag-usapan. Masarap pala sa pakiramdam 'yong hindi trabaho ang pinag-uusapan nilang mag-ama. Mas ramdam niyang papa niya ang kausap niya at hindi ang presidente ng Costales.

"I realize that I don't need to build a palace for my daughter because she only needs love from me that she can call home."

Sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. She felt the sincerity and love in those words. Her father may not be perfect, but he was still the best father for her.

"I'm a princess because my father is always been a king to me."

"Thank you, Sushi. Know that my love for you is something that never fades in time."

"I love you too, Papa."

Biglang bumukas ang pinto – ang mama niya. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito nang makita silang mag-ama.

"Wow! Ang sweet naman ng mag-ama ko." Inilapag muna ni Mama ang dalang paper bag sa mesa saka lumapit sa kanila. Pinagitnaan siya ng mga magulang niya. Her mother hugged her too. "Pero mas sweet kung kasama ako."

She missed this – her parents, being her parents.

"I love you, Mama."

"We love you too, baby. Always." Bigla namang naluha ang mama niya. "I can't believe that our princess will be going to be a mother soon. You will now have your own little princesses and princes."

"Elena, princess pa rin naman natin ang anak natin."

"Still."

Ngumiti siya. "Mama, Papa, wala namang magbabago. We'll just have a bigger family this time. Pier, Lolo Manuel and probably our twins." At excited siya sa bagay na 'yon.

"Hoy Lemuel, huwag mo na uulitin 'yon. Na-e-stress kami sa'yo," inis na sermon ni Mama kay Papa. Sabay na humiwalay ang dalawa sa kanya. "Si Pier lang pala ang gusto mo sa anak natin ang dami mo pang drama. Nanggigil ako sa'yo talaga."

Natawa siya. Actually, na bwesit din talaga siya roon.

"Hindi na nga ako uulit," nakangusong sagot ni Papa. Napakamot ito sa noo. Why didn't she saw this side of him? Ang cute ng papa niya. "Lesson learned, saka 'di ko naman sinagad. Pinaghiwalay ko man sila pero saglit lang naman at hindi ko naman pini-pressure. Kahit na alam kong dumadalaw si Pier sa Costales at madalas matulog si Pier sa penthouse. Hindi pa kasama 'yong nakita ko silang nag-di-date sa Mall. May narinig ba kayo sa'kin? Sabi ko lang, ipapakilala kita sa lalaking gusto ko para sa'yo. Pero pina-banned ko ba si Pier sa hotel at opisina? Hindi 'di ba?!"

Shock, literal na nanlaki ang mga mata niya. "Papa?!"

Tumawa lang ang Papa niya.

Bakit 'di niya agad naisip 'yon? May pagka-stalker talaga 'tong ama niya. But he's Lemuel Andres Costales, the most influential person in the world of business. Hindi na nakapagtataka kung madami itong nalalaman. She has belittled her father's stalking skills.

She couldn't contain her smile seeing her parents bantering each other because of her father's schemes. Ilang ulit nang sinusuyo ni Papa si Mama pero ayaw nitong magpatalo. It reminded her of Pier and her. Sa tuwing naiinis siya at sinusuyo siya nito.

She sighed with a smile.

She grew up having all the luxurious things around her. Her parents provided her with everything – even give her the most expensive gifts that she didn't even need. She saw envy in other people's eyes when they see her new bags or new toys, but it didn't make her happy, rather, it made her pity herself more.

She envies the smiles these people have when their parents are there to support them. She envies those laughs and proud moments these families have shared together. Those were priceless memories that she couldn't buy with all her saved money in her bank accounts. Her credit cards could only afford to buy her temporary happiness – things that depreciate over time.

She has longed for that attention and love from other people, but instead, they paid her kindness with betrayal. It scarred her heart. It broke her trust. It changed her.

Over the years she has managed to keep the wall she built to protect herself from other people... because she no longer wants to feel hurt ... because she no longer wants to feel that she's only good for other people's personal gain, but not good enough to be their true friend.

Pero tinuro sa kanya ni Pier ang magtiwala ulit... that there are still people worth risking for. Na hindi man lahat ng kabutihan ay napapalitan ng kabutihan, ang pagtulong ay dapat galing pa rin sa puso. 

You never know the effects of your help on those people's lives until you do it.

One bad experience shouldn't be embraced forever, rather, make it your guide to never commit the same mistakes again or have it as a foundation for a better version of yourself. Humble your heart in everything you do and say. Only then, you'll learn the true meaning of love and respect.




HINDI mabasa ni Pier ang mukha ng lolo niya. Magkaharap silang kumakain sa isang fast food restaurant. He was observing him. Alam niya ang tinging 'yon. Ganyan na ganyan ang tingin nito sa kanya kapag may ginawa siyang kalokohan pero pakakainin pa rin siya nito sa Jollibee kapag nasa Iloilo sila.

Nginuya niya muna ang kinakaing burger bago nagsalita. "Lo, alam ko na 'yang tingin mo. Alam ko, mali ako."

"May sinabi ba akong mali ka?"

"Papunta na roon."

"Masaya ka ba?" may lambing na sa boses nito.

Ngumiti siya. "Sobra."

"Matagal ko nang alam ang lihim mong pagkagusto sa anak ni Lemuel." Nanlaki ang mga mata niya. "Nakita ko ang kwadernong nililistahan mo ng utang mo." Inihit siya ng ubo. Mukhang alam niya ang notebook na 'yan. Mabilis na inabot niya ang baso ng soft drinks at uminom roon. "May mga larawan ka ni Sushi na ginupit mo pa yata sa mga dyaryo at magasin. Saan mo ba nakukuha ang mga 'yon?"

"S-Saan n'yo po nakita?"

"Sa ilalim ng kama mo kasi burara ka." May sumilip na nakakalokong ngiti sa mukha ng lolo niya. Natawa siya at napakamot sa noo. "Masaya ka na ngayon, lumabas na 'yong kras mo sa papel."

"Sekreto lang 'yon," he chuckled.

Noong college nagsimula ang lahat dahil madalas na talagang laman ng dyaryo ang pamilya nila Sushi. Kapag nakikita niya ang mukha nito sa mga pahayagan at magazine. Binibili niya 'yon at ginugunting 'yong mukha lang nito at idinidikit niya sa likod ng binder niya noon.

Nang makapagtapos siya, inilagay niya lahat sa isang notebook – 'yong listahan ng mga utang niya. Para may inspirasyon siyang magbayad at yumaman. Madalas tinatawanan lang niya ang ideya na baka pwedeng maging asawa niya ang isang Sushmita Costales. Alam niyang suntok sa buwan 'yon at masyado siyang ambisyoso.

Kaso wala e, na love at first sight talaga siya. Hindi na nawala sa sistema niya ang magandang ngiti nito. Muntik na siyang tumandang binata sa pagiging-loyal niya.

"Ito ba 'yong sinabi mong regalo sa'kin, Lolo?"

Naalala niya ang sinabi nito sa kanya bago ito umalis papuntang Maynila.

"Basta ang sinabi ko sa'yo, dapat maturuan mong makisama at mamuhay ng simple si Sushi. Kapag nagawa mo 'yon, may regalo ako sa'yo." He paused for a moment. "Nang sabihin sa'kin ni Lemuel ang plano niya para sa inyo. Pinag-isipan ko nang mabuti. Hindi ko alam kung tama ngang ipareha kayo. Hindi dahil sa malaking agwat ng estado n'yo sa buhay kundi baka masaktan n'yo lang ang isa't isa. Malaking risko ang gagawin namin kaya minabuti naming pagsamahin na lamang kayo sa iisang bubong. Pero walangyang bata ka, inangkin mo naman agad."

"Lo!" Tawang-tawa siya.

"Alam kong gusto ko ng apo mula sa'yo pero hindi ko inasahang mag-do-doble-kayod ka sa pagkakataong 'to. Akala ko pa naman ay susuyuin mo lang pero sinagad mo. May lakad ka ba? Nanggigil ako sa'yong bata ka."

"Pakakasalan ko naman si Sushi, Lo. Saka ngayon pa lang, excited na ako sa mga anak namin. Sobra-sobra na nga 'tong regalo para sa'kin."

"Binigay 'yan ng Dios sa'yo dahil nakita niya ang kabutihan sa puso mo. Lahat ng paghihirap at pagpupursige ng tao ay magbubunga ng maganda sa tamang oras na inaalaan Niya para sa'yo."

Napangiti siya. 'Yan ang isa sa mga aral na laging ipinapaalala sa kanya ng lolo niya - patience, kindness, and determination. A dream is impossible without actions. Do what you must need to do and God will do the rest for you.

"Ito ay payo ko lamang sa'yo, Pier. Hindi ka na binata. Magiging ama ka na. Ingatan mo lagi ang mag-ina mo. Mahalin mo sila at unawain. Ikaw ang magiging haligi nila kaya dapat protektahan mo sila. Maging mabuting ihimplo ka para sa mga anak mo. Maging mabuti at mapagmahal na asawa. Lagi kong pinapaalala sa'yo, na ang pagbuo ng pamilya ay parang pagpapalago ng isang punong mangga. Kailangang may pag-aalaga, may pagmamahal at may pagpapasensiya para lumaki at mamunga ng mga matatamis na mangga."

"Alam ko, Lolo. Tandang-tanda ko po." Inilapat niya ang isang palad sa kanyang bandang puso. "Nakatatak na 'yan dito."

Ngumiti ang lolo niya. Inilipat nito sa plato niya ang fried chicken at fries nito. Hindi niya mapigilan ang titigan ito. Lagi nitong ginagawa 'yon noong bata pa siya. Sa tuwing dinadala siya nito sa isang fast food restaurant ay mas madalas na ibigay nito sa kanya ang parte nito.

Tila ba nabubusog na ang Lolo niya kapag nakikita siya nitong masayang kumakain kahit na wala na itong makain.

"Ano pang gusto mong kainin? Burger? Spaghetti?" tanong nito.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Kahit na tumanda siya, hindi nagbago 'yon. He was still the little boy in his grandfather's eyes.

"Lo, okay na ako sa mga 'to."

"Hayaan mo lang ako, minsan lang naman kita naililibre. Lubusin mo na at sa susunod ang mga apo ko naman sa tuhod ang pakakainin ko."

"Walang bawian 'yan, ha? O-order talaga ako nang madami." Pasimple niyang pinunasan ang mga namuong luha sa mga mata. "Uubusin ko yaman mo."

Malakas na tumawa ito. "Hihingi naman ako sa'yo pagkatapos."

"'Yan tayo e."

"Utakan lang 'yan, apo."




"KAINAN NA!" sigaw ni Pier.

Inilabas nila ang mahabang mesa sa hardin ng mansion. Tinupad niya ang pangako niyang ipapasyal niya sila Ate Lita sa Maynila. Delayed lang ng ilang months. Supposedly kasi, siya ang dadalaw kaso malaki na ang tiyan niya. Pinagbawalan na siyang byumahe ng doctor. And the twins are giving her a hard time. Manang-mana sa kanya, sakit sa ulo.

Dumulog lahat sa mesa. Present si Amaya at ang mga magulang at ibang kapatid nito. Kuya Bert, Ate Lita and Gab. Nag-uusap pa rin sila Papa at Lolo Manuel sa 'di kalayuan, malapit sa infinity pool. Lumabas mula sa bahay si Mama na may dalang tray ng mga desserts. Nakasunod dito ang mga maids nila.

Pier was busy preparing the table kanina. Ayaw kasi siyang mapagod ng asawa niya. Alagang-alaga siya nito. Aba'y dapat lang. Hindi biro ang magbuntis ng kambal. Not that she's complaining. She loves their twins at excited na siyang makita ang dalawa soon.

She's already in her 7th month and they have been married for 4 months. They had a simple and intimate wedding. Hindi siya kasing grand tulad ng in-expect ng lahat. They invited a few – 'yong close friends and relatives lang to keep the solemnity. It was held in an old church in Buenavista, Guimaras – the Navaras Church.

Lumapit si Amaya sa kanya at yumakap sa baywang niya. "Ate Sushi, ang laki po ng bahay n'yo. Para pong palasyo."

Ngumiti siya rito at iniyakap ang isang kamay rito. "Kaya mag-aral ka nang mabuti. Ako nang bahala sa lahat hanggang sa makatapos ka." Sunod-sunod na tumango ito. Nanggigil na pinisil niya ang ilong nito. Amaya giggled. "Bibigyan pa kita ng trabaho sa Costales."

Namilog ang mga mata nito. "Gusto ko po 'yan!"

"Then study hard."

Gab and Amaya are already part with Costales Scholarship Program. Binago niya lang nang kaonti ang standard, as long as gusto ng batang makapag-aral at nakapasa naman ito sa exam, interview at nakikita naman nila ang kasipagan at dedikasyon ng isang bata, tutulungan ng Costales ang mga ito na makapagtapos.

"Amaya," masuyong tinapik ni Pier ang ulo ng bata, "kumain ka na roon. Kausapin ko muna ang Ate Sushi mo."

"Sige po!" Bumitaw ito at tumakbo papunta sa ina nito.

"Kanina ka pa nakatayo, 'di ka ba napapagod?" nakangiting tanong nito.

"Kakatayo ko nga lang." Napansin niyang may may hawak itong white envelope. "Ano 'yan?"

"Sulat galing kay Mariel?"

"Para sa'yo?"

"Para sa atin." Inilabas nito ang papel mula sa envelope. Pinikita nito sa kanya ang laman ng sulat. "Hindi siya sumama kasi nahihiya siya sa'yo. Nakapag-usap na kami noon. Humingi siya ng sorry sa'tin. Hindi ko naman din siya masisisi."

Ngumiti siya. "It's all in the past now." Inangat niya ang mukha kay Pier. "We're both happy now and I hope that she'll find her own happiness. Kapag nakabalik ako ng Guimaras, personal ko siyang kakausapin."

Inaamin niyang nainis siya sa ginawa ni Mariel. Pero ayaw niya nang magtanim ng galit. Lahat naman ng tao nagkakamali. She will give Mariel the chance to redeem herself.

Niyakap siya nang marahan ng asawa. Hinagod nito ang likod niya. She hugged him back.

"I'm always proud of you, Sushi. Noon pa man, tagahanga mo na ako."

"Alam ko," she giggled.

"You'll be a great mother to our kids."

Kumalas sila ng yakap sa isa't isa. Bahagya itong yumuko para haplosin ang malaki na niyang umbok na tiyan.

"Huwag n'yo masyadong pahirapan ang mama n'yo. Ang papa n'yo ang na-e-stress."

Natawa siya. Pero may bigla siyang naalala. "Pier?"

"Ano 'yon?" Nakangiting iningat nito ang mukha sa kanya. Umayos ito ng tayo.

"Sa tingin mo, good or rejected mango ako?" She suppresses a smile.

"Ano sa tingin mo?"

"Magandang mangga," may matamis na ngiting sagot niya.

Malakas na natawa ito saka siya siniil siya nang matamis at mabilis na halik sa mga labi.

"Magandang-magandang mangga," he added after their kiss.

"Tama na ang lambingan!" sigaw ni Kuya Bert. Kumalas sila mula sa isa't isa at sabay na naibaling ang tingin kay Kuya Bert na may hawak na ng mic. Inilabas nila mula sa bahay ang binili niyang karaoke machine. "Kantahan na!"

"Halika na," ni Pier.

Hinawakan nito ang kamay niya at sabay silang naglakad palapit sa mga ito.

Sakto namang paglapit nila ay inabot ni Kuya Bert ang microphone. Nag-play agad ang intro ng Kupido. Natawa siya nang malakas. Everybody started cheering her.

"Kuya Bert, ha?!"

"Kanta ka na Sushi, na miss namin ang golden voice mo."

"Sushi! Sushi! Sushi!"

"Oo na!" Nagsimula nang umilaw ang mga litra ng lyrics sa tv. Bumirit na siya ng kanta. Aarte pa ba siya? "Lagi kong naaalala ang kanyang tindig at porma. At kapag siya ay nakita kinikilig akong talaga. 'Di naman siya sobrang guwapo. Ngunit siya ang type na type ko. Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko?"

Ibinigay niya ang mic kay Pier. Agad naman itong kumanta.

"Minsan siya ay nakausap." Humarap ito sa kanya habang kumakanta habang hawak ang kanyang kamay. "Ako ay parang nasa ulap. Nang ako'y kanyang titigan sa puso ay anong sarap. Tunay na kapag umibig. Lagi kang mananaginip. Pag kasama mo siya ay ligaya na walang patid!"

Lahat ay sumayaw, si Kuya Bert na back up pa rin sa likod nila. This time, sila Gab at Amaya na ang kasama nito. Duet na kinanta nilang dalawa ni Pier ang chorus. Nakayakap ang isang braso nito sa kanya.

"Mr. Kupido! Ako nama'y tulungan mo. Ba't hindi panain ang kanyang damdamin at nang ako ay mapansin?! Mr. Kupido! Sa kanya'y dead na dead ako. Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso kooooo!"

Love never fails, rather, it grows. It grows to places we never thought existed. It blooms when the right time comes. It may not be for now, but someday, it will. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro