Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

KANINA pa masama ang pakiramdam ni Sushi. This should be a special day for everyone but none of it mattered to her now. She doesn't have the energy to pull herself up for tonight's founding anniversary of Costales.

She's too heartbroken to even convince herself to smile.

Nasa sariling silid siya habang nakaupo sa window seat - nakatingin sa hardin ng mansion nila.

The house she used to call her palace is now a prison to her. Her father had locked her down in her room. No cell phones. No internet. Everything was taken down by her father. She hasn't heard from Pier ever since his last message to her.

Napangiti siya nang mapait at niyakap nang husto ang nakatiklop niyang mga binti mula sa kanyang dibdib.

I guess, he did give up on me this time.

Tears welled up in her eyes. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib sa kanina pa niyang pagpipigil ng mga luha. She has been crying for days already. Nobody in this house understands her pain - her true happiness. Nobody wants to listen to her. She felt so tired and hopeless.

She wants to run away, but will Pier meet her on her way and run away with her? I guess, not.

She heard a knock outside her room. Naibaling niya ang mukha sa pinto. Bumukas 'yon at pumasok ang kanyang ama. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Muli niyang ibinalik ang tingin sa labas.

"Bakit hindi ka pa nag-aayos?" Hindi siya umimik. "Sushmita, pinag-usapan na natin 'to. Susundin mo lahat ng gusto ko. This is for your own good."

"May narinig ka ba sa'kin na hindi kita susundin?" kalmado niyang sagot.

Pagod na siyang makipag-argumento sa kanyang ama. She's doing this for Pier... para sa mga naging kaibigan niya sa Guimaras. They deserve a better future. Importante ang manggahan para sa mga ito. She wouldn't mind having herself as a sacrifice.

Even if it would mean losing Pier and her freedom.

Siguro nga hindi talaga sila para sa isa't isa ni Pier. She hopes that one day, the heavens would give them a happy ending in their next lives. But for now, as long as she's the heiress of Costales, she will vow that no one can harm her Pierce Kyries Allede.

"You will meet him later," tukoy nito sa mapapangasawa niya.

As long as she agrees to all her father's demands, Pier will be fine. The mango farm will be secured - walang mawawalan ng trabaho.

"I know."

"I will formally announce your engagement with the man I've chosen for you later. Kaya magbihis ka na."

Nakagat niya ang ibabang labi at pasimpleng pinunasan ang mga luha. "Opo."

"You will be fine, Sushi. I know you will thank me for this."





PUNONG-PUNO ng mga kilalang tao ang glasshouse event hall ng Hotel Costales para sa 41st Founding Anniversary ng Costales. The glasshouse was turned into a middle eastern garden. The theme was Arabian Nights Masquerade. All were dressed in different royal traditional middle eastern clothing with masks on their faces. Even the songs were a rendition of middle eastern music.

Lahat ay nagkakasiyahan habang patuloy sa pagtugtog ng instrumental music ang grupo ng mga musician sa isang panig ng bulwagan, still, dressed according to theme.

All eyes were on her habang pababa siya ng hagdan. Nasa mezzanine siya kanina dahil ayaw niyang makipag-usap sa mga bisita. Pero alam niyang kailangan din niyang bumaba. She kept her golden mask on her face - trying her best to hide her true identity. Pero alam niyang alam na ng mga ito na si Sushmita Marigold Costales ang babae sa likod ng gintong maskara at korona.

She's wearing an emerald and gold floral sequin embroidery lehenga and net dupatta. It was inspired by Princess Jasmine's dress in the movie Aladdin. She ought to look like a royal middle eastern princess. Lehenga is what the dress is famously known for - a full ankle-length skirt from the Indian Subcontinent. Dupatta is a shawl-like material that is worn as a scarf or head covering that is also essential clothing in Asia and the Arab States.

Her lengeha was designed like an off-shoulder half-sleeve crop top and a skirt that reaches her ankle, adorned with all the pieces of jewelry that made her more look like a royal princess. Her dupatta was worn across her chest. She matched it with her gold block-heeled sandals.

Bumuntonghininga siya.

Her life will be forever chained with Costales.

She used to enjoy these kinds of grand events but at the moment, she couldn't even find any single reason to enjoy it. Ngayon niya gustong hilingin na sana bumilis ang oras at matapos na ang araw na 'to.

Kanina pa masama ang pakiramdam niya.

Pinipilit lang niya ang sarili.

Nasa huling baitang na sana siya nang dumiretso ang mga paa niya sa landing. She gasped when she realizes she's about to fall on her feet when a pair of strong arms held her on her waist. Napahawak siya sa mga balikat nito at nagtama ang kanilang mga mata.

He was dressed in ivory and gold sherwani and a white feathered turban. He reminded her of Aladdin as Prince Ali. He was also wearing a mask but it didn't hide the color of his eyes.

Those familiar pair of golden-brown eyes.

Pier?

"Sushmita!" boses 'yon ng kanyang ama.

Maingat na binitiwan siya ng lalaki. "Be careful," anito sa pamilyar na malambing na boses na kilala niya. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi nito bago siya iniwan.

Pinihit niya ang katawan sa direksyon na tinungo nito pero mabilis itong nawala sa paningin niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Pier 'yon. Naramdaman ulit niya ang lungkot sa puso niya. She felt hot tears on her eyes. O baka, ibang tao. Ano namang gagawin ni Pier dito?

Alam niyang hindi 'yon papayagan ng ama niya.

"Sushi, hija." Lumapit sa kanya ang ama. May kasama itong lalaki - si Iesus, base na rin sa asul na mga mata ng lalaki mula sa maskara nito. "I want you to meet Iesus."

"Finally, we've meet." Inilahad ng binata ang kamay sa kanya.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "It's a surprise to finally meet the mysterious heir of de Dios Properties."

"I came here with an important role."

"Maiwan ko muna kayo," paalam ng ama. "Babalikan ko lang ang mama mo, Sushi. Iesus, please take care of my daughter. I'll be back."

"It's an honor, Tito Lemuel." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "May I have this dance?" He held his hand at her.

Hindi niya namalayang halos lahat ng mga magkakapareha ay nasa gitna at nagsasayaw sa saliw ng malamyos na musika.

"Of course," sagot niya sabay hawak sa kamay ni Iesus.

Dinala siya nito sa gitna. Itinaas niya ang isang kamay sa balikat nito. Iesus' free hand wrapped on her waist as they slowly moved their bodies in a dance. Pero ang mga mata niya ay wala rito kundi sa paligid. Hinahanap ang misteryosong lalaking sumalo sa kanya kanina. Still hoping, he was Pier.

"You're waiting for someone?"

"Sorry, I thought I saw someone familiar earlier."

"Your boyfriend?" Naiangat niya ang mukha rito. A smile slipped on Iesus' face. "It's okay, Sushi. We still have a lot of time to know each other. I'm not rushing you anyway. And besides, I've heard so much about you from Tito Lemuel. I think that would suffice for now."

"Iesus –"

Ibinaling nito ang tingin sa kaliwa nito. "They're exchanging partners," ibinalik nito ang tingin sa kanya na may ngiti, "but if you're not comfortable, I wouldn't insist."

"It's okay. Let's not spoil the moment."

"Best answer. Enjoy the night, Sushmita. See you later."

He gently spin her around on his right before letting go of her hand slowly. Napasinghap siya nang lumapat ang mga palad niya sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Pag-angat niya ng mukha ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang bumungad sa kanya ang kaparehong maskara na suot ng lalaking sumalo sa kanya kanina.

Those familiar pair of golden brown eyes.

Napakurap-kurap siya.

Sa pagkakataon na 'yon napalitan ng pamilyar musika ang paligid - an instrumental version of For The First Time.

"Pier?" it barely came out as a whisper.

Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "Hi, queen."

Bigla-bigla ay isa-isang naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Iyak. Tawa. Ngiti. 'Yon na lang yata ang nagawa niya. Good grace! Buti na lang waterproof ang makeup niya or else magmumukha siyang bruha kapag hinubad niya ang maskara niya mamaya.

Pier wrapped his one arm around her and held her other hand. Humawak siya sa balikat nito habang isinasayaw siya nito.

Isa pa sa nagpapaiyak sa kanya ang kanta na pinapatugtog ng mga oras na 'yon. She love that song. Naalala niya ang unang beses na isinayaw siya nito sa kantang 'yon sa Food Park. It was so magical.

"Saan ka na naman nagpunta, ha?" iyak na tanong niya.

"Hush, don't cry, I'm here." Payakap siya nitong isinayaw sa pagkakataon na 'yon. Hindi na siya nagdalawang-isip na yakapin din ito. "I'm sorry, it's your father's order."

"Anong pinagawa sa'yo ni Papa?"

"I have to wait 'till the 41st Anniversary of Costales before he formally gives his daughter's hand to the man he had chosen." Naiangat niya ang mukha rito. His smile didn't leave his face. "He will explain everything to you. Sana huwag kang magalit sa kanila." Natawa ito pagkatapos. "'Yong, I'm sorry na text ko, para 'yon sa ilang araw na pag-iwan ko sa'yo pansamantala. Pero bakit kita naman ang pusod mo sa suot mo? Kabagin ka na naman niyan."

Natawa siya. "Hindi kita pusod ko." Itinaas nito ang saya niya pero wala na talaga 'yong itataas. Kita pa rin ang tiyan niya. "Hayaan muna. Sinisira mo ang OOTD ko." Tinampal niya ang mga kamay nito. "Saka sinong nila?"

"Nila lolo, Kuya Bert... Papa mo... at si Iesus din."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sinasabi ko sa'yo, Sushi, ang lakas ng trip ng Papa mo."



"LEMUEL?" gulat na salubong ni Tatay Manuel sa kanya. Ngumiti siya at lumapit sa naging tatay-tatayan niya noong kabataan niya. Niyakap niya ang matanda. "Ginulat mo ako. Anong ginagawa mo rito sa Guimaras?"

"May business meeting ako sa Iloilo. Mabilis natapos kaya dumalaw na lang ako tutal narito naman na ako." Kumalas siya rito at iginiya siya ng matanda sa loob ng bahay. "Mag-isa ka lang ba? Na saan si Pier?"

"Nasa loob, may binalikan, pero babalik din 'yon sa manggahan. Halika, pasok ka muna."

"Sir Lemuel," nakangiting bati ni Pier sa kanya. Agad itong lumapit at nagmano sa kanya. Gustong-gusto niya talaga ang batang 'to. Mabait at masipag. "Napadalaw po kayo?"

"Sumaglit lang baka matagal pa bago ako makabalik. At saka huwag mo na kasi akong tawaging sir, Tito Lemuel na lang." Tinapik niya ito sa balikat. "Sa manggahan ka na ba?"

"Opo, peak season e. Kailangang mag-double-time. Kape po?"

"Huwag na, ako na magtitimpla."

"Naku, okay lang po 'yon. Mabilis lang naman. Maiwan ko muna kayo."

"Ang sipag talaga niyang apo mo, Tay," nakangiting komento niya sa apo ni Manuel. Naupo sila sa kawayang upuan sa sala. "Ilang taon na ba si Pier?"

"Kaka-bente-otso lang ng batang 'yan. Ewan kung may balak 'yang mag-asawa. Ni anino ng babae ay wala akong makitang kalandian niyan."

Natawa siya at pasimpleng sinilip ang binata sa may kusina. "So wala siyang girlfriend ngayon?"

"Tigang 'yang batang 'yan."

"Lo, ano na naman 'yang sinasabi n'yo riyan." Inilapag ni Pier ang dalawang tasa ng kape sa mesa sa harap nila. "Sinisiraan n'yo na naman ang apo n'yo." Ngiting-ngiti pa rin ito.

Naaliw siya sa masayahing ugali ng batang 'to.

"Sinasabi ko lang ang totoo."

"Tito, huwag po kayong maniwala riyan. Ang pag-ibig kusa lang 'yang darating. What is meant to be will always find its way."

"Oo, tatanda ka talagang binata," kontra ni Tatay Manuel sa apo nito. "Pakasalan mo na lang ang mga puno ng mangga. Tanggap ko naman nang mangga lang ang magbubunga sa'yo."

"Si lolo talaga!" Natawa silang dalawa ni Pier. "Alis po muna ako," paalam nito pagkatapos. "Balikan ko po kayo mamaya, ihahatid ko na kayo sa port."

"Salamat Pier." Sinundan niya ng tingin ang paglabas nito ng bahay. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mukha.

"Maiba ako, Lemuel." Naibaling niya ang tingin dito. "Si Sushmita ba ay may asawa na? Ilang taon na nga ang anak mo?"

"Twenty five, pero nag-ma-masters pa sa ibang bansa."

"May nahanap ka na bang lalaki para sa anak mo? Nabanggit mo sa'kin na hahanapan mo ng mapapangasawa ang unica hija mo."

Ngumiti siya. "Pwede kaya ang apo mo?"

Naibuga ni Tatay Manuel ang iniinom nitong kape. Natawa siya. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Ang apo ko?"

"Madami na akong nakilala pero hindi ko sila gusto para kay Sushi. Alam mo naman ang batang 'yon, may sariling isip, nangangain ng tao. I need someone who can calmly tame my daughter. Alam ko namang madami akong pagkukulang bilang ama niya pero hangad kong makakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at iingatan siya."

"At ang apo ko iyon?"

"Matagal ko nang ini-obserbahan si Pier. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa kanya. Alam kong magiging mabuting impluwensiya sa anak ko ang apo mo."

"Naku Lemuel, pag-isipin mo 'yan nang maagi. Walang kasiguruhang magkakagustuhan ang dalawang magkaiba ang mundo."

"Subukan lang natin. Malay natin, magkasundo ang dalawa."

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang ngiti ni Pier noong makita ang anak niya. Totoong-totoo at namumula pa ang pisngi nito nang sabihin niyang ipapakilala niya ito kay Sushi. Right there and then, he knew, that Pier will have a special role in his daughter's life.

And he wouldn't mind playing the cupid for them.

"Babalik ako. Kaya bantayan mo ang apo mo. Pagbawalan mo munang mag-asawa." Natawa ito. "Seryoso ako, Tay."

"O, siya, sige! Balikan mo ako kapag nakabalik na si Sushi. Tignan natin kung may magbubunga nga maliban sa mangga."





"TAY!" May ngiting sinalubong niya sa airport si Tatay Manuel. "Kumusta ang b'yahe?"

"Mabuti naman. Ngayon lang ulit ako nakabalik ng Maynila. Maalikabok at mausok pa rin." Natawa siya. Kinuha niya ang mga gamit nito at iginiya sa direksyon ng kotse na nakaparada na sa labas. "Si Sushi?"

"Nasa bahay. Bukas ang flight niya papuntang Guimaras. Si Pier?"

"Nasabihan ko na ang batang 'yon. Alam na niya ang gagawin." May malokong ngiti sa mukha ng matanda. "Huwag kang mag-alala. Tatawag sa atin si Bert. Laging magkasama ang dalawang 'yon. Walang sekretong maitatago si Pier kay Bert. Kaya malalaman natin kung nagpapatayan na ang dalawa o nagmamahalan na."

Hindi niya mapigilan ang ngiti. "Sa tingin n'yo Tay, sapat na ang tatlong buwan?"

"Tignan natin."

"Extend ko na lang kapag hindi."

"Magandang ideya."





"IF YOU love my daughter, I'm sure you only want the best for her, 'di ba, Pier?"

"Yes sir, as long as it's for her good."

"And as her father, I know what's best for her."

Kitang-kita niya ang takot at kaba sa mukha nito. Still, he saw how this young man loves and respected his daughter. His patience and respect for them - as Sushi's parents. He admire Pier's honesty. Nakaya siya nitong harapan at kausapin nang ganoon. Kung iba siguro 'yon, sumuko na.

He likes how Pier handled the situation. He waited for the right time to face him. His actions are well thought of. Hindi nito hinayaang mag-away sila ng anak niya nang sobra. Kahit na minsan, nasasagot siya ni Sushi, still, her actions are no longer because of her irritation and anger.

Sushi already knows how to control her emotions and how to manage her people.

Yes, Pier was the right choice.

"Congratulations, Pier." Ngumiti siya rito. "Your proposal is approved. You can also marry my daughter. Half of the Costales will be under your name."

Nanlaki ang mga mata nito. "Po?" Natawa siya sa naging reaksyon nito. Madali naman talaga siyang kausap. Naninigurado lang siya para sa unica hija niya.

"I always wanted you for my daughter. Nasobrahan ba? Pasensiya na. Sinubukan ko lang kung hanggang saan mo kayang ipaglaban ang anak ko. At salamat Pier dahil 'di mo ako binigo."

"God, I can't believe this."

He saw tears in Pier's eyes. Mas lalo niyang nasiguro na nasa mabuting kamay ang anak niya. Na totoo ang pagmamahal nito kay Sushi.

"You deserve my daughter. At ako na yata ang pinakamasayang tatay kapag naikasal kayong dalawa. Salamat sa mga updates ni Bert natutukan namin ng lolo mo ang pag-usbong ng love story ninyong dalawa?"

"Si Kuya Bert?!"

"Sabi ko na nga ba't matagal mo nang gusto ang anak ko." Napatitig ito sa kanya. "Na love at first sight ka pala noong dumalaw ka sa'kin dito noong college ka pa. Sana talaga pinakilala na kita sa kanya. 'Di sana ngayon, may apo na ako." Tumawa siya.

Napakamot ito sa noo. "Napansin n'yo po pala."

Napansin niya rin ang ngiti at saya sa mukha ni Sushi nang makita nitong tumama ang mukha ni Pier sa glass door sa kakatingin nito sa anak niya. It was a beautiful sight.

"Isa lang ang hiling ko sa'yo, Pier. Pahalagahan n'yo lagi ang isa't isa. Alam kong may pagka-moody 'yang anak ko pero pagpasensiyahan mo na. Nakulangan yata sa breastfeeding 'yan noong baby."

Pareho silang natawa.

Excited na siyang magkaroon ng anak na lalaki. He has been dreaming of this day. Sana pala talaga inagahan niya ang pag-match sa dalawa. But on the brighter side, maybe this was really the perfect time for Sushi and Pier to meet.

"Huwag po kayong mag-alala, ako po ang bahala sa anak ninyo."

"Aasahan ko 'yan." Tumayo siya. "Halika," sinenyasan niya itong lumapit. Agad itong tumalima. Inakbayan niya si Pier. "Anak, alam kong isusumpa na talaga ako ng prinsesa ko sa gagawin ko pero paghihiwalayin ko muna kayo. Mga ilang araw lang naman."

Kumunot ang noo nito. "Bakit po?"

"Wala lang naman," susubukan lang niya si Sushi. Tatapusin niya muna ang villain role niya hanggang sa founding anniversary. "Trip ko lang."

Natawa ito sa kanya. "Sushi will really kill us, tito."

"Don't worry, sagot naman kita. Doon ka muna sa Hotel Costales at iuuwi ko muna ang anak ko. In-expect ko ang proposal mo sa founding anniversary. Make me proud, son."

"Mahal na mahal ko po talaga ang anak ninyo."

"I know." Tinapik niya ito sa balikat. "Sundiin mo muna ang lolo mo at sila Bert. Kailangan nilang um-attend sa Founding Anniversary ng Costales. Pormal ko nang i-a-announce ang engagement n'yo. Kailangang complete casting tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro