Kabanata 22
NAIGALA niya ang tingin sa maliit na kwarto ni Pier. He's staying in a travel inn na hindi siya pamilyar. The room looks clean enough with minimal interior designs and furnitures. Ang meron lang yata sa silid nito ay isang kama na medyo malaki para sa isang tao, table, bedside table with drawers kung saan nakapatong ang lamp shade at isang maliit na banyo.
Sa totoo lang mas malaki pa banyo niya kaysa sa kwarto nito.
"Magkano per night mo rito?" basag na tanong niya.
"Huwag mo ng itanong basta mura lang," nakatawang sagot nito. Naupo siya sa gilid ng kama nito. May maliit na TV pala across the bed. She thought design lang. "Maliligo lang muna ako tapos ihahatid na kita sa inyo." Nag-insist siya kanina na gusto niyang makita kung saan ang hotel nito. She wanted to know if he's place was okay to stay in.
"Dito na ako matutulog," deklara niya.
Marahas na nilingon siya ni Pier. Ibinaling niya ang tingin dito. "Hindi ka magiging komportable rito."
"I experienced worst than this." A mischievous smile slipped on her face. Alam niyang alam nito kung ano ang tinutukoy niya. The jeep was smaller than his room. She can live. "Saka masyadong malaki ang penthouse para sa isang tao," dagdag niya. "Alam ko namang 'di ka sasama sa'kin kaya ako na mag-a-adjust. I'm staying here with you." She gives her a look that says, don't argue, end of discussion.
He sighed. "Fine, but just for tonight."
"Okay," nakangiting tumango siya. Tumayo siya at lumapit sa closet nito. "May spare clothes ka ba? I only have my working clothes in my car. Wala akong pantulog."
"Sushi!" biglang sigaw nito.
Nabuksan na niya ang closet nito at ang unang-una niyang nakita ay ang box of condom sa itaas ng nakasalansan nitong pantalon.
Napakurap-kurap siya. "Bakit may condom ka rito?" She suppresses a smile. Kinuha niya ang maliit na box ng condom at hinarap ito. Nakita niya ang pamumula ng mga pisngi nito. She composed her face - trying hard not to laugh.
"Hindi sa'kin 'yan," kaila pa nito. Try harder, Pier. "May namimigay roon sa sidewalk kahapon. Naitago ko lang." Tinaasan niya ito ng kilay. She don't think may magbibigay ng isang box. "Akin na -" Akmang kukunin nito 'yon mula sa kanya nang itago niya 'yon sa likod. Ngayong magkalapit ang mga mukha nila ay mas hindi nito naitago ang pagkapahiya.
"We don't need this."
"Ha?" he looks surprised.
Nagtama ang mga mata nila. She smiled. "I want to bear your child, Pier." Iniwan niya ito at hinanap ang trash bin. "Kaya itapon na lang natin 'to."
"Sushi..."
Itinapon niya ang maliit na box sa trash bin sa banyo saka niya binalikan si Pier na kanina pa siya sinusundan ng tingin. She was once again greeted with his genuine smile. She love the radiant glow in Pier's eyes. Ngumiti siya at dumiretso ng yakap dito. Agad itong gumanti ng yakap sa kanya.
"What did I do to deserve you?" he whispered in her ear.
"You don't need to always protect me, Pier. I have my ways of protecting you as well. No one can harm you as long as I'm alive. We'll be a team, okay?" She cupped his face. "Ang laban mo ay laban ko rin. I always got your back."
Ipinatong nito ang mga kamay sa likod ng kamay niya. "Wala na, mas lalo tuloy akong na-i-in-love sa'yo."
Natawa siya. "Well then, very good."
"I love you." Bigla siya nitong hinalikan sa mga labi. Mabilis lamang 'yon dahil agad itong lumayo sa kanya at tinungo ang direksyon ng banyo. "Maliligo muna ako. You can use some of my clothes."
Mayamaya pa ang narinig na niya ang tunog ng shower. May kapilyahang nabuo sa isip niya. Walang ingay na naglakad siya sa direksyon ng banyo. Lalo siyang napangiti nang hindi naka-lock ang pinto. Pinihit niya pabukas ang knob ng pinto at bumungad sa kanya ang hubad na katawan ni Pier.
Nakagat niya ang ibabang labi.
"Sushi!" sigaw nito nang malingunan siya. Natawa siya nang yakapin nito ang sarili pero nang mapansing may hindi pa nakatago ay hinila nito ang shower curtain para matakpan ang katawan nito. "Anong ginagawa mo?"
Nagsimula siyang maghubad. "Makikiligo," nakangiti niyang sagot. "Ang OA mo para namang 'di ko pa 'yan nakita." Nang mahubad na niya ang suot ay lumapit siya rito. Agad siyang nabasa dahil hindi naman pinatay ni Pier ang tubig. She cursed under her breath when she felt the coldness of the water. "Wala ba silang hot water?"
"Kanina ko pa pinipihit kaso mukhang sira yata."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Maliligo tayo sa malamig na tubig?"
"Ginusto mo, 'di ba?" may panunukso sa ngiti nito.
"Pier!"
"Then let's make you warm."
Siniil siya nito ng halik sa mga labi na agad niyang tinugon. Warmth emanates within her the moment she felt his solid form pressed intimately on her body. Humaplos ang mga kamay niya sa ulo nito pababa sa leeg at dibdib ni Pier as they kiss each other hungrily this time. Naramdaman niya ang malamig na pader sa likod niya when he pinned her down. Bumaba naman ang halik nito sa kanyag leeg.
Damn, she's feeling hot and aroused already. She never thought that there's warmer than taking a hot shower.
Umakyat ang halik nito sa likod ng tenga niya. "You sure about this, queen?" bulong nito, giving her butterfly kisses on her neck.
Iniyakap niya ang braso sa leeg nito. "Siguraduhin mo lang magbubunga 'to." He stopped and buried his face on her neck and laugh. "Pierce!" palo niya sa balikat nito.
Umangat ang mukha nito sa kanya, cupped her cheeks and started showering her face with warm kisses.
"Papakasalan na talaga kita. Dami ko nang pananagutan sa'yo," he chuckled.
"Madami na talaga kaya umayos ka."
Bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya. She once again opened her mouth for him to devour and taste. Walang matutulog hanggat hindi nasisiguro ang future ng Costales at ng mga Allede.
"NA i-set ko na ang dinner date n'yong dalawa ng lalaking gusto ko para sa'yo, Sushi," pahayag ng ama. Nasa opisina niya ito. "Kababalik lang niya ng Pilipinas. Free your schedule next weekend."
Naitigil niya ang ginagawa. "Pa -"
"Hindi na magbabago ang isip ko Sushmita."
Bumuntonghininga siya. Mariin niyang naipikit ang mga mata at nahilot ang sentido. Konting tiis muna Sushi. Kapag natapos ni Pier ang business proposal nito makakausad din sila.
"I'll think about it," sa huli ay sagot niya.
"Madalas ka yatang maagang umaalis ngayon?" pag-iiba nito. Pinanatili niya ang tingin sa screen ng laptop niya. "Bakit 'di ka pa rin umuuwi sa bahay?"
"I already told you the reason."
"Don't do things behind my back, Sushi. Malalaman at malalaman ko pa rin 'yan."
"HOW WAS IT?" Inilapag niya ang tasa ng kape sa mesa kung saan nagtatrabaho si Pier.
"Thank you." Ngumiti ito and sipped on his cup.
Nasa penthouse niya ito ngayon. Tinutulungan niya itong matapos ang business proposal na ginagawa. Mula sa likod ay binasa niya ang page na ni-ri-review nito. "I've already read that part. It's really tempting, actually. Kung ako, I'll risk on this project."
"Sinasabi mo ba 'yan bilang girlfriend ko o bilang Vice President ng Costales Group?"
My, why did she find him hot with those glasses? Kanina pa siya nag-fa-fangirl sa look na 'yon ni Pier. Kahit siguro sako lang ang damit nito ay bagay pa rin. Focus, Sushi! Time to work.
"Bilang Vice President of course." Inihilig niya ang likod sa mesa paharap kay Pier. Hawak niya sa kamay ang sariling tasa ng tea. "Sa tingin mo ba i-sa-suggest ko 'to kung 'di ko 'to nakitaan ng business potential? Straightforward ako when it comes to business, i-po-point out ko agad ang mga downside ng proposal pagkatapos kong i-review. In terms of approval, mas mahirap akong makumbinse kaysa ni Papa. Mag-ri-risk ako kung alam kong malaki ang mababawi ko mula sa ilalabas kong pera. I always mean business, Allede. Always."
"Ini-imagine ko tuloy paano kung hindi tayo magkakilala, will you still risk with me?"
"If you give me the same proposal you're working on now, yes."
Ngumiti ito. "Nasabi ko na ba sa'yo na nakaka-proud ka?"
Napatitig siya rito at umiling. "Bakit?"
"I love how strong, will-driven and independent you are when it comes to business. Sa tuwing nakikita kitang nagtatrabaho pa rin kahit na wala ka na sa opisina mas lalo akong humahanga sa'yo. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na ang layo ng reklamador na Sushi na nakilala ko si Guimaras sa Sushi na kilala bilang heiress ng pinakamalaking kompanya sa Pilipinas."
Napangiti siya. "It was the first time na narinig kong may nag-compliment sa'kin na hindi labas sa ilong. Thank you."
"I'm sure your parents are proud of you. Imagine? Running an empire this big? Kapag nag-resign ang ama mo. Ikaw na ang mamahala ng lahat ng business ninyo. Mas lalaki ang responsibilidad mo."
"Kapag kinasal tayo hindi kita iniobliga na pamahalaan ang Costales. I can take care with that. Mag-focus ka lang sa mango business mo at dahil mas busy ako, ikaw na mag-alaga sa mga anak natin."
Natawa ito. "Halika nga." Hinila siya nito paupo sa mga hita nito. Inilapag niya ang tasa sa mesa bago ibinalik ang atensyon kay Pier. "Puwede naman nating pag-usapan ang bagay na 'yan. Sabi mo nga, team tayo." Marahang hinaplos nito ang buhok niya. "I can be your king and knight at the same time. Alam kong kaya mo pero hayaan mo akong tulungan ka para mas gumaan ang trabaho mo. Ayokong mawalan ka ng oras para sa mga anak natin." Bumaba ang kamay nito para hawakan ang isang kamay niya at pinisil-pisil 'yon. "If you're tired, I'll let you rest. If you want to take a break from work, I'll cover it for you. If you wish to escape from pressure and stress, I always got your back. Hindi mo kailangang kayanin ang lahat dahil nandito naman ako para saluhin lahat ng problema mo kapag pagod ka na. I will give you comfort when the world is being tough."
Hindi niya napigilan na yakapin ito. Tumagos sa puso niya lahat ng mga sinabi ni Pier. For the past 10 years, she has molded herself to be strong and independent. She hated being weak and vulnerable. She didn't like the idea of being dependent on someone dahil madalas, kapag nasanay, mas humihina ang isang tao.
But with Pier, she found comfort and understanding. He didn't want her to change everything about herself. If it's good, then she can have it her way. She will have his support.
At kung mapagod man siya, alam niyang nasa likod lamang niya ito. And yes, may back up siya pagdating sa bugbugan.
"Thank you," aniya.
Humigpit ang yakap niya rito.
"You're always welcome, queen."
KUNG kinakabahan si Pier mas kinakabahan siya. Nasa labas ito ng coffee shop at kausap ang ama niya sa cell phone. Nakipag-set ito ng meeting sa Papa niya.
Yesterday morning, Pier sent his business proposal to her father. It took them a day before her father responded with a call.
Mula sa mesa kung saan siya nakapuwesto ay kitang-kita niya ang madalas na pagseryoso ng mukha nito. Hindi niya tuloy malaman kung positive or negative ba ang feedback ng papa niya kay Pier.
Sa totoo lang, she was really anxious since yesterday. Torture ang paghihintay ng feedback mula sa papa niya. Pinagdadasal niya talaga na bigyan nito ng chance si Pier. He really deserved it. Sa ilang gabi na wala itong tulog para matapos lang ang ginagawa nitong proposal at presentation. She saw how determined Pier and driven to have her father's approval.
Naniniwala siya sa kakayanan nito. Nabasa na niya ng buo ang proposal sana nga lang talaga bigyan ng chance ni Papa si Pier kahit na not in good terms ang dalawa.
Wala nang kausap sa telepono si Pier pero nanatili itong nakatayo sa labas - nakatingin sa hawak na cell phone. Hindi siya nakatiis. Lumabas siya ng coffee shop at nilapitan ito.
"Anong sabi ni Papa?" tanong niya agad.
Tinitigan siya nito nang mahigit limang segundo bago siya sinagot. "He scheduled me a meeting tomorrow."
"Oh my god! Really?!" pigil niya ang tili.
Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya.
Parang hindi pa rin makapaniwala si Pier. "Sush, hindi ko alam ang mararamdaman. Kinakabahan ako... na masaya... na ewan..."
"Pier, you can do this!" Inabot niya ang dalawang kamay nito. "Binasa ni Papa ang proposal, meaning, nakita niya ang potential. Bukas kailangan mo lang i-explain sa kanya ang lahat at sagutin lahat ng mga tanong niya. Close the deal. Nakasalalay sa'yo ang kinabukasan ng mga tauhan mo."
"Do you think I can do it?"
Worries showed on his face. Ngumiti siya, cupped his face at hinuli ang tingin nito.
"I'm Sushmita Marigold Costales, I embody the whole Costales. Ako nga humanga sa'yo. Alam kong mapapahanga mo rin ang papa ko. Kaya galingan mo bukas."
Hinalikan siya nito bigla sa labi. Nabigla siya roon pero natawa lang din. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at hinalikan 'yon ng tatlong beses.
"I love you! I will give my all. Gagawin ko 'to para sa'yo."
Ngumiti siya at niyakap ito. "Pero kahit ano pa man ang maging desisyon ni Papa. Maganda man o hindi. Tandaan mong nandito lang ako para sa'yo. Okay?"
"I know."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro