Kabanata 21
"CLEAR all my schedules today," agad na utos niya sa secretary niya nang lumabas silang dalawa ni Pier mula sa private office niya. Nakasunod ito sa kanya dala ang Hermes hand bag niya. "If Papa looks for me, tell him may meeting ako sa labas."
"Bagay ba sa'kin?" nakangiting tanong ni Pierce kay Lheng. He was referring with her hand bag on his arm. "Magkano kaya 'to?"
Natawa naman si Lheng. "Five hundred thousand po yata o one million."
"Ginto ba 'to?" halos pasigaw nang tanong sa kanya ni Pier.
"That bag is their latest design. The diamonds intricately adorn in this bag. No, it's not as expensive as gold but it's still valuable as any jewelry."
"Sinong bibili ng gan'to ka mahal?"
"Si Ma'am Sushi po, Sir Pierce."
Tinignan niya ang dalawa. There is something off with these two. "Wait, magkakilala ba kayo?" That makes sense now. She never mentioned Pierce with Lheng nor showed her a photo of him. How come?
"Ah... eh... kasi po..." Alanganing tumingin si Lheng kay Pier.
"Pier?" baling niya rito.
"I'll explain later. Halika na." Hinawakan nito ang kamay niya. "Thanks Lheng, I owe you this one."
"No problem Sir Pierce, basta po ayusin n'yo po pag-explain kay Ma'am Sushi. 'Yong klaseng explain na hindi po ako masisisanti."
Natawa si Pier. "Don't worry, I got you."
Napaglipat-lipat ang tingin niya sa dalawa kahit na inaakay na siya ni Pier palabas.
"What was that? What did I miss?"
"You missed me," nakangiting sagot ni Pier sa kanya na may kasama pang kindat. Imbes na mainis ay natawa lang siya. Bwesit talaga 'tong lalaking 'to minsan e. Well truth be told, she really missed him. "Huwag mo ng dalhin 'tong mema mong bag baka ma snatch pa 'to sa daan."
"Anong mema?" kunong-noong tanong niya.
"Memahaling bag," tawang-tawa ito sa sagot nito.
"Ewan ko sa'yo!"
Ang 'sang to, ang daming pun na nalalaman.
PIER insisted to drive her car. Hindi nito kabisado ang daan pero magtulungan na lang daw sila. Ito magda-drive, siya ang taga-instruct ng direksyon. They're headed in Costales mall. Nagpapasama itong mamili ng formal suit. She's not sure kung saan nito 'yon gagamitin. He hasn't explained anything yet.
"Sorry kung 'di ako nagparamdam sa'yo nitong mga nakaraang araw –"
"Let me correct that," putol niya, "hindi days, but almost two weeks po."
"I know, but kinakamusta naman kita mula kay Lheng." Sa tuwing nagsasalita ito, he would occasionally glance at her. "Don't scold your secretary. It was my request not to tell you. I assumed na busy ka talaga dahil sa mga pending works na naiwan mo. Ayoko ring makaabala sa'yo."
"Hindi ka abala sa'kin."
He smiled. "I know, but something came up." Nakita niya ang pagseryoso ng mukha nito. Mukhang malaki ang problema nito ngayon. "Halos lahat ng mga kliyente namin ay nagdesisyong huwag na sa amin bumili ng mangga. It was pretty normal at first, may mga ganoong instances naman talaga. Masyado akong naging kampante. My fault. I reviewed our book, doon ko napansin na may mali. I had to compare it with your written observations and realize na mas mababa ang kita ngayon at madaming nag-decline na umangkat ng mangga."
"And what do you think is the root?"
"Isa sa mga tao ko ang nag-exploit ng information sa isa sa mga kalaban ko sa negosyo." Tumiim ang panga nito. Napansin niya rin ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. "I was too lenient, masyado siguro akong nagtiwala. I didn't realize na habang mabuti ang pakikisama ko sa kanya ay sasaksakin niya ako sa likod. Pinipirata niya ang mga kliyente namin na lumipat. Gets ko naman na may kamahalan ang presyo namin pero kung quality lang naman, walang halong chemicals ang pagpapalago ko ng mga punong mangga."
"Tuso ang negosyo, Pier. Alam mo 'yan."
"I know, I just can't help it." This time, his face softened. "Wala na akong magagawa pa. I tried talking with our clients, pero hindi 'yon enough to save the farm for now. Kapag nagpatuloy, kailangan kong magtanggal ng mga tao, na isang bagay na pinakaiiwasan ko. Ang manggahan ang tanging pinagkukunan nila ng pera para buhayin ang pamilya nila. My success is their success. My failure is also their failure."
Nalungkot siya. Alam niya kung gaano ka importante ang manggahan nila Pier sa mga tao roon. Ayaw niya ring magtanggal ng tao si Pier kung kaya pa namang salbahin.
"You've mentioned your father's interest in venturing business in local delicacies. Is it still available?"
Bahagya niyang pinihit ang katawan paharap dito. "Do you have a business proposal with you?"
"'Yon 'yong ginawa ko sa Guimaras. Hindi ko pa masyadong tapos, pero puwede mong basahin. Baka may maidagdag ka."
Saktong nag-red signal kaya malaya siya nitong tinignan. She smiled. "Alam ko na ayaw mong kausapin ko si Papa tungkol sa business proposal mo. Kilala kita." Umangat ang isang kamay niya para haplosin ang kaliwang pisngi nito. "I know you can have my father's approval even without my help."
Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "Sa tingin mo pag-aaksayahan niya ng oras ang business proposal ko?"
"My father has an eye for potential business. He will listen. Saka hindi ka naman haharap bilang manliligaw ng anak niya. Haharap ka para manligaw sa Costales." Bumaba ang kamay niya sa kamay nito at marahan 'yong pinisil. "Don't worry about us, unahin mo muna ang mga tao sa Guimaras. We can do it simultaneously or have it later. Basta walang iwanan."
"Kaya mahal kita e. Lakas ng paniniwala mo sa'kin."
"Mataas ang standard ko sa lalaki. I don't fall in love with a man with low quality."
"Naks! Define mo nga ang low quality?"
"Dion."
Tawang-tawa naman ito sa sagot niya.
Well, it was the truth.
SHE'S skimming through the pages of a fashion magazine habang hinihintay si Pierce na lumabas sa fitting room. They're inside a famous men's boutique in one of the exclusive wings in Costales Mall. May brown leather sofa sa labas ng fitting room. Nahirapan pa siyang ipasok si Pier sa store. Masyado raw mahal. Wala sa budget nito.
But she insisted, she loves the tailored suits in that store. The fabrics used is a plus for her. She only wants the best for Pierce.
"How do I look?"
Bigla niyang naiangat ang mukha kay Pier. Stunned, she stares at Pierce's whole form in awe – ogling may be the perfect word for it. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong nagsuot ng formal suit.
Siya pa mismo ang pumili ng design at kulay. It was a navy blue slim-fit two-piece suit. Dalawa lang ang butones ng blazer na hindi pa nito sinarado. Underneath it is a plain white long-sleeve shirt and a navy blue necktie. The dark brown leather shoes complete Pier's transformation.
With one exemption, he needs to cut his hair a little bit. Okay, fine! Ang guwapo, masaya na Sushmita? Ayaw maalis ang mata? Naka-glue?
"Guwapo na ba ako? Ba't 'di ka makapagsalita?"
"Mukha ka ng tao," nakangiting biro niya.
Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "Wow, ha?"
Natawa lamang siya. "Kidding aside, bagay sa'yo. Parang ibang Pierce Kyries ang nakikita ko." Tumayo siya para ayusin ang medyo natabinging necktie nito. "Bilhin mo na 'to. I pick two more for you."
"Ba't ang dami naman? May change outfit bang magaganap?"
"You need more. Kung ako masusunod, I'll buy you everything."
"I don't need more," he trailed off. Nagtama ang mga mata nila. "You're enough." The huskiness in his voice made it sound so sexy. Argh!
Pigil niya ang mapangiti – ang kilig. Damn it, Pier! Wala talagang itong pinipiling oras at lugar. Narinig niya ang hagikhikan ng dalawang babaeng staff. Mukhang kinikilig din sa sinabi ni Pier.
Dinaan niya sa palo ang kilig.
Malakas na palo sa dibdib nito na tinawanan lang nito.
PIERCE'S transformation is something she didn't expect. Guwapo na ito na simpleng t-shirt, kupas na pantalon at sneakers lang pero may igagwapo pa pala ito kapag nabihisan. Ginuputin lang nang kaonti ang bahagyang mahabang buhok nito at inayos. The new haircut suits him. Mas lumitaw ang kagwapohan nito.
He looks like a prince dressed in a commoner's clothing.
Binilhan niya lang ng bagong denim jacket si Pier. Tinanggap naman nito 'yon dahil regalo niya at saka nilalamig na raw ito. Natawa siya sa sinabi nito sa kanya kanina. Nagpapaka-strong lang daw ito pero lamig na lamig na raw. Loko talaga! Hindi niya kasi dala ang denim jacket nito. She left it in the penthouse.
Hindi na nga lang siya natutuwa sa mga babaeng napapatingin kay Pier. May kasama na nga e. Tingin pa rin nang tingin. Ibato niya kaya 'tong mamahalin niyang heels sa mga ito. Sa inis niya ay nakipag-holding-hands siya kay Pier. Mabuti na 'yong nagkakalinawan na off limits na ito.
"Hindi pa pala tayo nagkakaroon ng pormal na date," basag nito.
"I consider those days na sinasamahan mo ako mamalengke at kapag nagkukwentuhan lang tayo sa bahay as dates. Mas nakilala natin ang isa't isa roon." Inangat niya ang mukha rito at ngumiti. "Lalo na kapag nagluluto tayong dalawa. 'Yong normal lang na ginagawa natin. I missed those days, actually."
"Alam mo minsan nalulungkot ako."
"Bakit naman?"
"Kasi 'di ko maibigay sa'yo ang isang magandang date. 'Yong mailibre ka sa isang mamahaling restaurant at mabilhan ka ng mga bagay na gusto mo." Ramdam niya talaga ang lungkot sa boses nito kahit na nakangiti ito.
"Hindi ko naman kailangan 'yon e. Saka napag-isip-isip ko na babawasan ko na 'yong mga luho ko. Bibilhin ko na lang 'yong mga bagay na kailangan ko talaga."
"Huwag mong tipirin ang sarili mo kung deserve mo naman. You've worked hard for it."
"Walang kulang sa'yo, Pier. Para sa'kin, buong-buo ka. Hindi mo kailangang ibigay sa'kin ang mundo. Sapat na 'yong alam kong nandito ka lang para sa'kin at mahal na mahal mo ako." Binitiwan niya ang kamay nito at yumakap sa braso nito. "Kung tutuosin walang katumbas na pera ang saya na nararamdaman ko kapag may ibinibigay ka sa'kin. Kasi alam ko pinaghirapan mo talaga 'yon at pinag-ipunan. Napakaburaot mo pa namang tao."
Malutong na tumawa si Pier. Hindi niya tuloy napigilan ang tawa rin.
"Oy, totoo kaya!"
"Grabe ka naman. Ang galanti ko nga sa'yo."
"Talaga?"
"Oo, kaya halika na, manood tayong sine. Libre ko na."
"Date?"
"Date!"
NAALIW siyang tignan at pakinggan ang babaeng kumakanta sa makeshift stage sa food park exhibit ng mall. Ang alam niya ay every Friday 'till Sunday lang ang set up na 'yon sa malawak na garden area ng mall nila. Dati nang may string light bulbs ang lugar. May fountain sa gitna at mga wood benches at iilang vintage lamp post sa paligid.
Sayang naman ang area kung tatambayan lang so the marketing and leasing department suggested to turn it as a food park every weekend. Hindi niya ito na appreciate noon. Bumisita lang siya once. Okay naman ang set up, so she let them.
Pero ngayong nakatambay talaga siya, maganda pala. Nature friendly at romantic for dates. She couldn't help but smile habang nakikinig sa magandang boses ng singer. Puro acoustic love songs ang kinakanta nito. Enjoy na enjoy din siya sa kinakaing libreng bbq ni Pier sa kanya.
"I miss you."
Naibaling niya ang mukha rito. "Ha?"
"Seryoso, na miss talaga kita."
Ngumiti siya pero agad ring nawala ang ngiti niya pagkatapos. "Akala mo ikinatuwa ko 'yon, ha?"
"Sorry na talaga." He clasped his hands in front of her. "Hindi na ako uulit."
"Kung hindi lang kita mahal hindi na talaga kinakausap ngayon. I don't have that much patience, Pierce, alam mo 'yan. Pero nag-adjust ako para sa'yo." Idinuro niya rito ang stick ng papaubos na niyang bbq. "Kaya umayos ka."
"Tumatawag ako kay Lheng kapag nami-miss ko ang boses mo." Napatitig siya rito. "I asked her a favor kung puwede ka niyang kausapin para marinig ko saglit ang boses mo." Kaya pala minsan napapansin niyang dala ni Lheng ang cell phone nito kapag kausap niya ito. "Baka kapag kasi kinausap kita, ubosin ko na lang load ko para sa'yo."
"Napakaburaot mo talagang lalaki ka!"
Tawang-tawa naman ito.
"Queen," tawag nito mayamaya.
"Bakit?"
Are those your eyes? Is that your smile? I've been lookin at you forever. But I never saw you before.
"Sayaw tayo!" Hinila siya bigla ni Pier patayo at dinala sa gitna. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Napatingin ang mga tao sa kanila.
"Pierce!" asik niya. "Nakakahiya."
Are these your hands, holdin' mine? Now I wonder how I could have been so blind...
Pero hindi ito nakinig sa kanya. He pulled her in an embrace and slowed dance with his arms wrapped around her. Sa huli ay napangiti siya at yumakap sa baywang nito. She leaned her head on his chest.
"Can this be real? Can this be true?" sabay nang kanta ni Pier. She really likes his voice. Husky yet sexy and sweet. "Am I the person I was this morning? And are you the same you? It's all so strange, how can it be? All along this love was right in front of me."
Pero mas tama sigurong siya ang kumanta nun.
Such a long time ago! I had given up on findin' this emotion... ever again. But you here live with me now. Yes, I've found you somehow. And I've never been so sure.
The lyrics say it all.
For the first time, I am looking in your eyes. For the first time, I'm seein' who you are. I can't believe how much I see. When you're lookin back at me. Now I understand what love is... Love is... for the first time...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro