Kabanata 20
WALANG pagmamadaling naglakad sa lobby si Sushi papunta sa direksyon ng elevator.
She has her cup of coffee in one hand while carrying her pastel yellow handbag on her other arm. She didn't have the energy to look for nicer clothes today. Just a simple white plunging v-neck button-down tied flared sleeve blouse, that was tucked in her pastel yellow high waist bow pencil skirt. Her closed high-heeled shoes match the color of her skirt and bag.
She didn't have enough sleep for the past couple of days. Plus, Pier is not answering her messages and calls. It was really frustrating. Almost two weeks na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. In-extend lang niya ang pasensiya niya. Kilala niya si Pier, hindi siya nito bibiguin. He's not as jerk as Dion.
Bumukas ang elevator. Umangat ang mukha niya sa lalaking empleyado na may gulat na ekpresyon sa mukha – not gulat, more like takot. Ilang beses na ba niya itong nakakasalubong? She couldn't count already. Kaya naalala na niya ang mukha nito.
May kung ano itong pinindot sa loob bago lumabas nang tuluyan sa elevator.
Tumayo ito sa gilid. "G-Good Morning... M-Ma'am Sushi..."
Ngumiti siya sa lalaki. "Good morning," bumaba ang tingin niya sa ID nito, "Charles," basa niya. His eyes widened. Ito ang unang beses na binati niya ito pabalik. It must have been a shock to him. Inangat niyang muli ang mukha sa empleyado. "I'll go ahead, thanks. Have a nice day."
Pinindot niya ang floor level button ng opisina niya at sumara na ang pinto ng elevator.
In instant, nawala ang ngiti niya. She really missed Pier. His smile. His laugh. Ang malambing na tuno ng boses nito. His natural scent na madalas humahalo sa amoy ng mga mangga. Their banters and his korni jokes.
Pag-akyat niya sa office niya ay bumungad sa kanya ang uneasy expression ni Lheng. Kahit hindi pa ito magsalita alam niyang may tao sa loob ng office niya. As much as she want to fantasize its Pierce, alam niyang hindi.
"Who's inside?" tanong niya.
"Ang Papa n'yo po."
Kumunot ang noo niya. Simula nang bumalik siya ay madalas siyang hindi umuuwi sa bahay nila. She's staying in Costales, ang five store hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila. The penthouse is exclusively hers.
"It's fine, mag-break ka muna, be back after 30 minutes."
"Sige po, ma'am."
Mabilis na kinuha ni Lheng ang wallet at umalis. Pumasok siya sa loob ng opisina niya. Agad na sumalubong sa kanya ang seryosong mukha ng Papa niya. Nakatayo ito sa harap ng mesa niya.
"Do you need anything?" she calmly asked, trying her best not to sound disrespectful.
Dumiretso siya sa kanyang upuan at inilapag ang mga dala sa mesa. Naupo siya sa kanyang swivel chair pagkatapos.
"Bakit hindi ka umuuwi sa bahay? Nag-aalala na ang Mama mo sa'yo."
"Madami akong tinatapos na trabaho. I have to stay in the office 'till 11 pm. Mas malapit ang Hotel Costales kaysa sa bahay. It saves me more time. Bumibisita naman ako kay Mama kapag wala akong trabaho."
"Are you still waiting for Pier?"
Natigilan siya. Parang may mabigat na bagay na nahulog sa puso niya. Even the mere mentioning of his name hurts her deeply.
"He will come."
"How sure you are?"
Sinalubong niya ang mga mata nito. "Mahal ako ni Pier, Papa. Hindi niya ako basta-basta isusuko."
"Hindi si Pier ang gusto ko para sa'yo. I like him, yes, but Costales doesn't need him."
"I can run the company on my own. Pier doesn't need to work with Costales or be part of it. I just want him beside me."
"You can't run this company alone, Sushi. You need someone that will be an asset to Costales. A man who can pave our way to international opportunities –"
"I get it. You'll have me as your capital for your future business ventures. Did you raise a daughter or an investment?"
Dumilim ang mukha ng ama. "We've already talked about it, Sushmita. You agreed to it. At dahil lang sa apo ni Manuel ay mag-aaway tayo."
"Minsan ba naitanong n'yo sa sarili n'yo, kung masaya ba ang anak n'yo? Kung okay lang ba siya? O kung nasasaktan ba siya? And now that I've found someone who listens to me without any hint of judgment and took care of me despite my unpleasant personality, gusto n'yong piliin ko pa rin ang taong wala namang pagmamahal sa'kin? Mama's family is not as rich as Costales pero pinakasalan mo pa rin siya. Was it love, Pa? O baka business lang din 'yon para sa'yo dahil sa pharmaceutical company nila Mama?"
"Sushmita!"
"Hindi ko haharapin ang lalaking gusto mo para sa'kin. Kung hindi lang din si Pierce Kyries Allede ang ipapakasal mo sa'kin. I'd rather remain a queen without a king."
LAMP SHADE lang ang iniwan niyang nakabukas sa kwarto niya. Nakaupo siya sa carpeted na sahig, nakahilig ang likod sa paanan ng kama. Inabot niya ang denim jacket ni Pier mula sa itaas ng kama at ipinatong 'yon sa mga balikat saka niyakap ang mga nakatiklop na mga binti.
Umuulan sa labas at malamig ang aircon sa loob ng kwarto niya. Only half of the floor to ceiling glass panel wall were covered by curtains kaya nakikita niya pa rin ang malakas na buhos ng ulan sa labas. It was already past 12 am and she couldn't convince herself to sleep. It was raining hard the whole day, and so was her heart. Ilang beses niyang pinigilan ang huwag umiyak sa opisina. She really missed him. Often, she wonders if Pier misses her too?
Pero ngayong mag-isa siya. Mas lalong bumibigat ang nararamdaman niya. Kung kailan niya binago ang sarili saka naman pinagkait sa kanya ang maging masaya. Totoo nga siguro ang kasabihan. You can't have everything in this lifetime.
She may have all the luxurious things in the world and lavish life, but happiness and love are not something she can buy and beg from him. Kung hindi 'yon ibibigay sa kanya ni Pier, wala siyang magagawa roon.
She buried her face in her knees and cried.
Nasaan ka na ba Pier? Bakit hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa'yo? Are you giving up on me already? Nagbago na ba ang desisyon mo? Did you choose Mariel this time?
Sa mga naisip lalo lang siyang naiyak. Her chest felt so heavy. Para bang may nakabara sa dibdib niya. And the only way for her to lessen the pain is by crying her heart out.
Pier, mahal mo pa ba ako?
"YOU look pale, hija," puna ng kanyang ina. Hinawakan nito ang kanyang mga pisngi. She visited her mother. Sinadya niyang naka out of town ang Papa niya. She didn't like to see him for now. "Are you okay? Are you even eating on time?"
She smiled. "I'm fine, Ma. Medyo masama lang ang pakiramdam ko lately. Nag-a-adjust pa siguro ako. Masyado kasing polluted ang Manila."
"Halika, maupo ka muna. Linda, please take Sushi's grocery bags."
Dumating si Manang Linda, ang katiwala nila at kinuha mula sa kanya ang dalawang malalaking brown paper bags.
"Thank you, manang," pasasalamat niya.
Ngumiti lang ang matanda bago sila iniwan.
Iginiya siya ng Mama niya paupo sa sofa sa sala. "Honey, you don't need to buy those by yourself. Pwede naman nating utusan ang mga maids."
"It's okay, Ma. Hindi ko lang maiwasan," she chuckled. "Nasanay kasi ako sa Guimaras na ako ang namamalengke at nagluluto. I even do the house chores and laundry." Kahit na may naglilinis naman sa penthouse ay hindi niya maiwasang mag-ayos at maglinis. She missed cooking for other people. She missed the simple life she had in Guimaras.
Her mother's eyes widened, natutop nito ang bibig. "Your father let you do those things?!"
"Para raw matututo ako."
"Ang lalaking 'yon talaga. Pagsasabihan ko nga 'yon."
Ngayon lang niya naikwento ang tungkol sa experience niya. Wala kasi talaga siya sa mood nang mauwi siya. Her mother didn't insist on asking why. Alam kasi nito na hindi rin siya magsasalita.
"How are you?" bumakas ang pag-aalala sa boses nito. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at marahang pinisil 'yon. "I've heard from your father about what happened. Ang tungkol sa inyo ni Pier."
Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng iyak. She's been too emotional lately. Hindi niya maiwasang isipin na baka may ginawa ang Papa niya para hindi siya contact-in ni Pier. But thinking that Pier might have betrayed her sound so unfair. What if he didn't? It felt so wrong to doubt him.
Or maybe she loves him too much that she could trust her life to it?
"I-I don't know anymore, Ma," amin niya sa garalgal na boses. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya. "Ayaw akong pakinggan ni Papa."
"What about Pier?"
Sa pagkakataon na 'yon ay tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya. "I don't know. He's not picking up my calls." Hindi niya napigilan ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha niya. "Ma!" Niyakap niya ang ina. "Ma... b-bakit ang sakit?"
"Sushi, anak..."
"Kapag ba iniwan ko si Pier... at sinunod ko si Papa... m-magiging masaya pa rin ba ako?"
Masuyong hinagod nito ang kanyang likod. "Gusto mo bang kausapin ko ang Papa mo?"
"Will he listen to you?"
"I'll try." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Her mother gently cupped her face and smiled. "Basta anak, tandaan mo, lahat nang ginagawa ng ama mo ay para sa kabutihan mo. You may not understand it for now, but someday, everything will make sense." Her mother wiped the tears on her face with her thumb. "At kung mahal ka nga ng Pier na 'yon. Haharapin niya nang buong tapang ang ama mo."
"Mama?"
"Only then, you will know, how much Pier cared and loved you. Your father isn't as cruel as you think of him. Iniisip niya lang ang kapakanan mo. Hindi naman pwedeng pagmamahal lang lagi ang meron kayo. Love should have attachments included in it. One is to trust. The second is to be faithful to each other. Third, understanding - give and take. Fourth, braveness to fight all the obstacles that may come in your way. Last but not least, seek guidance through prayer."
Hinaplos ng Mama niya ang buhok niya at ngumiti.
"It may be hard as of the moment, but I want you to trust his love, he will come back for you."
"What if he wouldn't?"
"Then he's not the right man for you."
NAHILOT ni Sushi ang sentido nang marinig ang katok mula sa labas ng glass door. "Lheng, 'di ba sabi ko tumawag ka muna bago ka pumasok sa loob?" iritado niyang sabi. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Hindi pa siya tapos sa ginagawa pero masakit na naman ang ulo niya.
"Sorry," natigilan siya sa pamilyar na boses nang nagsalita. "Naistorbo ba kita?"
Naimulat niya ang mga mata at mabilis na naiangat ang mukha sa harap. "Pier?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita itong nakasilip ang kalahati ng katawan nito sa frosted glass door.
Alanganing ngumiti ito. "Hindi ko alam kung welcome ako sa opisina mo pagkatapos ng ginawa ko. Pero kung ayaw mo akong makita, aalis na lang ako –"
"No!" pigil niya, sabay tayo. "Don't go."
Sa pagkakataon na 'yon ay tuluyan na itong pumasok sa loob. Namulsa ito mula sa kupas nitong pantalon. As usual, he was still the handsome poor charming she met in Guimaras. How she missed his rugged fashion sense. He matched his faded jeans with a white shirt and black sneakers. He was still the same Pierce Kyries Allede that she has fallen in love with.
"Kukunin ko lang 'yong denim jacket na binigay ko sa'yo."
And when he smiled, doon na nangilid ang mga luha niya. Umaapaw ang masasayang emosyon sa puso niya. Is he real? Talaga bang si Pier ang nasa harap niya?
"Ang denim jacket lang?"
He shook his head. "Busy ka ba?"
Kumunot ang noo niya. "Ha?"
"Kung hindi ka busy. Pwede bang kunin din kita?"
"Baliw!" Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at niyakap si Pier. Iyak lang siya nang iyak. Naramdaman niya ang pagyakap nito pabalik sa kanya. "B-Bakit ang tagal mo?"
"I miss you, queen."
Humigpit ang yakap niya rito. Pier buried his face on her neck. "Akala ko 'di mo na ako susundan?" she sobbed. "Akala ko... si Mariel na ang pinili mo... akala ko –"
"Akala mo lang 'yon," putol nito sa kanya. Napalo niya ito sa braso. "Aw!" daing nito na sa huli ay naging tawa.
Marahas niya itong itinulak palayo mula sa mga balikat. "Nakakainis ka! Alam mo ba?"
Umangat ang isang kamay nito sa luhaan niyang pisngi at ngumiti. Bumaba ang mga kamay niya. They stared at each other for a moment before he answered her.
"Alam ko."
He leaned down and brushed his lips to hers. Agad niyang naipikit ang mga mata. Umangat ang isa pa nitong kamay sa kanyang pisngi – cupping her face completely with his hands. The kiss started slow and soft, taking his time. It was comforting all her worries for the past days – receding all the negative thoughts that haunted her even in her sleep.
Her arms sneak her way to his spine as she pressed herself on his warmth. She could feel his heartbeat against her chest as they shared that passionate kiss.
Finally, her king is in her arms.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro