Kabanata 19
"I'M SORRY," hinging pasensiya niya kay Pier.
Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at ngumiti. Hinatid sila nito hanggang sa airport sa Iloilo. At hanggang ngayon ayaw pa rin kausapin ng Papa niya si Pier. Pati rin si Lolo Manuel ay medyo dismayadado sa apo nito. Naawa siya nang sobra kay Pier.
"Sushmita," mariing tawag sa kanya ng ama. Nasa labas pa sila ng airport. "Let's go."
"Pier?"
"Susunod ako." Umangat ang isang kamay nito sa kanyang ulo at marahang hinaplos ang buhok niya. "Kakausapin ko ang papa mo."
Yumakap siya rito. "Hihintayin kita. Tawagan mo ako."
"Sushmita!"
Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Hinubad ni Pier ang suot nitong denim jacket at ipinatong 'yon sa kanyang mga balikat.
"Take that with you instead."
Sa sinabi nito ay hindi niya napigilan ang sariling mga luha. She will really missed him. She will missed her time in Guimaras. Lahat ng mga taong nakasama niya sa tatlong buwang pamamalagi niya sa islang 'yon.
Ang bigat sa loob na umalis.
"Take care, my queen." Bagamat nakangiti ay ramdam niya ang lungkot sa mga salitang binitiwan ni Pier para sa kanya.
"Umalis na tayo Sushmita."
Kahit magalit pa ang Papa niya ay gagawin pa rin niya ang kanina pa niya gustong gawin. She threw her arms around his neck and kiss him on the lips. Yumakap ang mga braso nito sa kanyang baywang at mas lalo siyang hinapit sa katawan nito. He responded to her kiss with the same longing and sadness... the same hope and love.
Mabigat man sa puso ay kumalas siya rito at lumayo nang bahagya. Titig na titig ito sa kanya. At sa huling pagkakataon bago niya iwan pansamantala ang kasintahan ay ngumiti siya.
"Goodbye, for now, king."
Pinulot niya ang nahulog na denim jacket sa sahig at tumalikod na. Nauna na ang kanyang ama papasok sa departure entrance. Niyakap niya nang mahigpit ang jacket ni Pier habang pinipigilan ang tuluyang mapaiyak. Sinikap niyang huwag na muling lingunin si Pier at baka 'di na niya magawang umalis pa.
Hihintayin kita, Pier. Sana dumating ka.
YEARS AGO
HINDI makapagsalita si Pier habang titig na titig sa isang magandang dalaga sa lobby ng Costales. Nakaupo ito sa sofa sa lounge area, may binabasang fairy tale book. Madalas ay kunot-noo ang reaksyon nito pero bigla-bigla na lang itong ngumingiti sa mga pahinang nakakapagbigay ng saya rito.
Hindi niya magawang lapitan ang babae. Takot siya na baka makaabala siya rito o masira niya ang saya nito. He found himself contented just by looking at her from afar. Palabas na sana siya ng building nang makita niya ito.
The girl was wearing a pastel yellow dress. She has short hair na hanggang sa leeg lang nito ang haba. She was really cute with that little pearl hair clips on her hair. Ito na yata ang pinakamagandang babae na nakita niya sa tanang buhay niya. He just couldn't take away his eyes off of her.
Gustong-gusto niya ang kunot-noo nito.
But she's lovelier when she smiles. Tila ba lumiliwanag ang paligid nito.
"Pier." Natauhan siya nang marinig ang boses ni Lemuel Costales. Naramdaman niya ang pagtapik nito sa balikat niya. Nakasunod pala ito sa kanya dahil pababa rin ito. May kinausap lang ito kanina kaya nahuli ito. "Thank god, she don't seem mad."
"Ho?"
"Ayaw na ayaw nang batang 'yang pinaghihintay. She didn't really have that much patience," Tito Lemuel chuckled after.
Sinundan niya ang tingin nito. Nakatingin ito sa babaeng tinitignan niya kanina. Pagbaling niya ng tingin sa matanda ay nakangiti ito.
"She's my daughter," dagdag nito. "Sushmita."
Sushmita, ulit niya sa isip. Ibinalik niya ang mukha sa dalaga. Napangiti siya. The name suits her – a queen indeed.
"Halika, ipapakilala kita sa kanya."
"Po?!" Mabilis na hinarap niya si Tito Lemuel. "Saka na ho." He waved his hands dismissively in front of him. Bigla siyang inatake ng kaba at pagkatorpe. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. "Aalis na ho ako. Baka ma traffic pa po ako pabalik ng airport."
"Ihahatid ka na namin –"
"Huwag na po. Salamat po sa lahat. Mauuna na po ako."
"Sigurado ka?"
"Opo."
"Sige, mag-ingat ka, hijo. Ikamusta mo na lang ako sa lolo mo."
"Sige po."
Mabilis na tinalikuran niya ang matanda at dire-diretsong naglakad sa exit. Pero bago paman siya makalabas nang tuluyan ay hindi niya napigilan ang sarili na muling tignan ang dalaga. Sakto namang naingat nito ang mukha sa direksyon niya. He felt his heart drop when he saw her beautiful smile again.
"Aw!" napangiwi siya nang tumama ang mukha niya sa glass door. Damn it! Magkakabukol pa siya pauwi ng Guimaras. At sa halip na mapahiya sa sariling katangahan ay natuwa pa siya.
Ang ngiti nito ay napalitan ng tawa. Nakatingin pala ito sa kanya. Lihim siyang napangiti. Nagawa niyang mapatawa si Sushmita.
"HINDI magiging madali ang gusto mo Pier," seryosong sabi ng kanyang Lolo Manuel. "Hindi basta-basta ang pamilya nila Sushmita. Bagama't matagal na kaming magkaibigan ni Lemuel at anak na ang turing ko sa kanya ay hindi ko hawak ang desisyon niya pagdating sa unica hija niya."
"Ikaw na nga ang nagsabi sa'kin, Lo, na hindi dahilan ang malaking pagitan ng estado ng katayuan ng tao pagdating sa pagmamahal."
"Alam ko, pero binalaan pa rin kita. Apo, ayokong masaktan ka. Higit sa lahat ay maipit si Sushi sa pagitan n'yong dalawa ng ama niya."
"Pero mahal namin ang isa't isa. Oo, hindi tayo mayaman. Malayong-malayo tayo sa mga Costales. Pero magsusumikap ako para sa kanya... para mabuhay ko siya at ang magiging mga anak namin."
"Hindi ikaw ang magde-desisyon nun kundi ang ama ni Sushi. May lalaking nang napili si Lemuel para sa anak niya at hindi ikaw 'yon, Pier. Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lamang si Su –"
"Kalimutan?" tumawa siya ng pagak at napailing. He can't believe this. "Lolo, alam mo ba kung gaano kasakit 'yang gusto mong ipagawa sa'kin?"
"Dahil 'yon ang tama, Pier." Kalmado man ay mariin ang pagkakabitaw ng mga salita nito. "Magkaiba ang mundo n'yong dalawa. Ano bang hindi mo maintindihan doon?"
"Kung hindi siya puwede sa mundo ko. Ako ang pupunta sa mundo niya."
"Pierce!" tumaas na ang boses nito.
"Lolo, simula pagkabata sinunod ko lahat nang mga pangaral at gusto n'yo. Hindi n'yo ako narinig na ipagpilitan ang isang bagay na gusto ko. Ngayon lang na may hiningi ako sa inyo na gustong-gusto ko. Sana sa pagkakataon na 'to hayaan mo na ako."
Naglabanan sila ng tingin ng lolo niya. Hindi niya isusuko si Sushi. Gagawin niya ang lahat matanggap lang siya ng ama nito. Kung kailangan niyang iwan ang Guimaras para rito ay gagawin niya.
"Iiwan mo ang mga tao mo rito? Paano na ang hanapbuhay nila?"
"Hindi ko nam –"
"Mag-isip ka nga nang maayos Pier. Huwag kang padalos-dalos. Madaming umaasa sa'yo rito – sa manggahan natin. Alam mong matanda na ako."
"Alam ko –"
"Hindi kita papayagang umalis hanggat hindi mo ako nabibigyan ng tamang resolusyon ang lahat ng mga plano mo. Hindi kita pinalaking ganyan, Pier. Pag-isipan mong mabuti ang mga hakbang mo."
Tinalikuran siya ng lolo niya at dire-diretsong lumabas ng bahay.
Mariin niyang nahilot ang sentindo. Sumasakit ang ulo niya. Damn it! Walang pumapasok na maganda sa isipan niya. Hindi siya makapag-isip nang maayos.
SUSHI heavily sighed.
Pang-ilang butonghininga na nga ba niya 'yon ngayong araw? She could no longer count. Tambak ng mga folders at binders ang mesa niya. Madami siyang kailangang basahin at pirmahan na mga documents. Not to mention how many unread emails she has in her inbox. Punong-puno rin ng meeting ang schedule niya ngayong linggo. She has been in and out of the office for client meetings.
But what stresses her the most, hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Hindi pa tumatawag si Pier. Kahit text man lang ay wala siyang natatanggap. Ang huling text nito ay noong isang araw pa – nang makabalik siya ng Maynila. Hindi na 'yon nasundan pa. Alam niya namang mahina ang signal sa lugar nito pero alam niyang mag-e-effort itong makakuha ng signal para sa kanya.
Hindi pa rin niya makausap ang Papa niya. Her father is avoiding the topic. Maliban sa mga business related concerns na dapat talaga nilang pag-usapan ay hindi siya nito hinahayaang maisingit ang tungkol sa kanila ni Pier.
She's already considering a fake pregnancy para mapapayag ang ama niya. Pero alam niyang mas lalo lang magagalit ang ama niya kay Pier. She don't want that to happen. There may be a big possibility that she might be pregnant with Pier's child pero ayaw niyang pangunahan ang sariling katawan at baka sa huli ay mali pala siya.
She wouldn't risk it.
Naitigil niya ang ginagawa. She glanced at her phone on the table. Should she call him now? Will he pick up? She was turn between calling him or not. Mahigpit ang bilin ng kanyang ama na huwag itong tawagan. He had her phone monitored. Nakikita nito ang mga tinatawagan niya at lahat ng mga pumapasok sa message sa inbox niya.
Calling Pier would only make things worse.
"Argh!" she groaned. Marahas na pinindot niya ang intercom. Mabilis na sumagot ang secretary niya sa kabilang linya. "Lheng, come inside. Bring your phone, please."
"Sige po, Ms. Sushi."
Mayamaya pa ay pumasok sa opisina niya ang sekretarya niya.
"Lheng –"
"Iko-confiscate n'yo po ba ang cell phone ko, Miss Sushi? Sorry po, hindi na po ako makikipag-chat kapag office hours. Hindi na rin po ako magbabasa ng online novels."
Kumunot ang noo niya rito. "What are you talking about?"
"E, kasi po, pinapadala n'yo sa'kin ang cell phone ko."
"It's not that." Ngumiti siya na siyang ikinagulat nito. Natawa tuloy siya sa gulat na mukha nito. "Will you relax. Maupo ka." She gestured the seat in front of her table. "Makikitawag lang naman ako. It's something important. If maabutan ka ni Papa rito at may tinanong siya sa'yo. Please cover for me. Sabihin mong wala akong pinapagawa sa'yong hindi work-related."
"Hindi ko ho maintindihan."
"It's a long story. I just need to call someone. Pwede ko bang hiramin ang phone mo? In return, bibigyan kita ng monthly allowance para sa load mo. Will that be enough for you?"
"Monthly allowance ng load? Seryoso po?"
She nodded with a smile. "Just help me, Lheng, please?"
"Miss Sushi, wala ka naman sigurong dinaramdaman sa katawan, ano?"
Natawa siya. "I know you'll say that."
"Sorry po, e kasi, ang weird n'yo po. Una, nag-abala pa po kayong bilhan kami ng mga pasalubong. Hindi lang ako, pati na rin ang lahat ng department at kahit sa sa mga housekeeping nabigyan din. Nagpakain rin po kayo sa amin. Hindi n'yo po kasi 'yon normal na ginagawa noon."
"A little positive change wouldn't hurt."
"Saan po ba kayo galing ma'am at ang dami n'yo pong realizations in life?"
"Alam mo ba Lheng kung bakit hin-hire kitang secretary ko?" Umiling ito. "I admire your confidence. Madalas ka mang takot sa'kin pero natitiis mo pa rin ako. Minsan pa nga ay nagagawa mong punahin ako, but you didn't quit your job gaya noong mga nauna kong mga secretaries."
"Naku ma'am, ilang beses ko pong pinagdadasal na sana huwag n'yo po akong i-fire sa tuwing nasasagot ko po kayo. Imagine sa tuwing nakiki-chika po ako sa HR Department, hinahanap ko lagi ang pangalan ko sa listahan ng mga gusto n'yong patalsikin."
Natawa siya. "Nagiging hassle na ang madalas na pagpapalit ko ng secretaries simula po noong nagsimula ako bilang marketing manager ng Costales. I guess that's one of the main reasons why I didn't fire you. I hate the work transition process."
"Thank you po. Ito na po." Inabot ni Lheng ang cell phone nito. "Tawagan n'yo na po ang gusto n'yong tawagan. I-delete n'yo na lang po sa log calls pagkatapos para safe po tayong dalawa." Ngumiti ito.
"Thanks."
"Saka ma'am, nagpapa-schedule po kasi ng meeting si Sir Luigi, kasi po nagkaproblema po tayo sa renewal ng contract ni Crosoft para sa Costales Mall."
Kumunot ang noo niya.
Si Crosoft ang brand image ng Costales Mall. Crosoft D'Cruze is a famous international celebrity na nakabase na sa Pilipinas. He's actually gay but now a happily married man to his girl best friend na isang film director.
Ano na naman kayang gusto ng isang 'yon ngayon?
"Ayaw po kasing i-renew ni Crosoft ang contract. Pipirma lang daw siya if papayag kayong maging ninang ng anak niya."
"Pang-ilan na ba 'yan?"
Natawa si Lheng. "Pangatlo at pang-apat na po. Kambal po kasi ang anak niya ngayon. Isang babae at isang lalaki."
Talaga naman, dami talagang request ng 'sang 'yon lagi. Malaki rin talaga ang ambag ng popularity ni Crosoft sa Costales Mall. Having him as CM's brand image, the foot traffic increased to at least 50 percent. Mas lalo pa 'yong tumaas every year. Ang galing naman kasi mag-advertise ng lalaking 'yon. He isn't just a brand image of Costales' but also one of her dear friend - kaibigang masakit sa ulo.
"I'll call Crosoft. Tell Luigi to prepare the contract again."
"Saka po ma'am, ang sama ng ugali ni Sir Luigi."
"O, bakit na naman?"
"Namimigay nga ng pagkain puro expired naman. Ang buraot! Dami-daming nagbibigay sa marketing, sinosolo lang niya."
"Sige, kakausapin ko rin siya patungkol diyan. Bumalik ka na sa table mo. May pinapatapos pa ako sa'yo."
Ngumisi si Lheng. "Sige po, ma'am."
Napapangiting napailing na lamang siya sa pagkamadaldal ng secretary niya. Kaya alam niya ang in and out gossips sa buong Costales dahil dito. Hindi lang pakpak ang may balita. Pati na rin bibig nitong si Lheng.
I-denial niya ang numero ni Pier. Nadismaya siya nang hindi man lang nito sinasagot ang mga tawag niya. She tried three times pero hindi pa rin nito sinasagot. Okay, taken na baka ayaw lang nitong sumagot dahil unknown number.
Sa huli ay nagpadala na lamang siya ng message.
Ibinigay niya ang direct landline ng opisina niya at kung saan siya pwede nitong tawagan. Sana lamang ay sumagot na ito. She really missed him. It's been a week already. Sana naman hindi siya pinapaasa ni Pier. Masasaktan talaga siya nang sobra.
She leaned her back on her seat and stare blankly at her laptop screen.
"What happened to you, Pier?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro