Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

"HINDI mo na ako kailangang ihatid pauwi."

Ngumiti si Pierce kay Mariel. "It's okay. Gabi naman na," sagot niya.

"Na miss ko si Lolo Manuel. Ang tagal niyang nawala. Halos tatlong buwan rin, 'di ba? At least nakapagpahinga siya at nakapagbakasyon..."

Hindi niya maiwasang isipin si Sushi. Ang reaksyon nito kanina at ang kakaibang pananahimik nito buong araw. He's well aware of how these whole situation is making her anxious. Kilala na niya ito. She tends to overreact even on the simplest things. Marami na agad tumatakbo sa isipan nito.

Pero sa pagkakataon na 'yon. Nako-control na nitong huwag mag-react sa mga bagay kahit hindi nito gusto. She may be protesting at the back of her mind but she's trying her best to reign herself from reacting out of spur that may lead to a more complicated situation.

He's so proud of his girl.

Come to think of it, hindi pa niya nayayakap si Sushi ngayong araw. Damn, she missed her body close to his. She missed her sweet scent. Those knotted foreheads and narrowed eyes. Or even when she looks at him and glares. Those piercing eyes could kill people's confidence in an instant but he's very fond of her mad expression – naaliw siyang pagmasdan.

Sushmita will not be his Sushi without those impatient eyes.

Now he's missing her even more. Kasama nga niya ito pero ang layo-layo naman nila sa isa't isa. Kailan kaya siya makakanakaw ng sandali para mahalikan ang nobya?

"Pier, nakikinig ka ba sa'kin?"

Napakurap-kurap siya. "Ha?"

"Hindi ka nakikinig sa'kin." Tumigil sila sa paglalakad. Pagbaling niya ng tingin kay Mariel ay nabasa niya ang dismaya sa mga mata nito. "Sino ba ang iniisip mo? Si Sushi?"

"No, may iniisip lang ako, pero hindi si Sushi. I'm sorry, ano nga 'yong sinabi mo?"

"Kayo na ba?"

"Sino?" Kumunot ang noo niya.

"Kayo na ba ni Sushi?"

"Mariel –"

"Hindi naman ako manhid. Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa. Sabay tayong lumaki. Alam ko ang mga gusto at hindi mo gusto. Nababasa ko 'yon sa mga kilos mo."

Bumuntonghininga siya. "Mariel, I'm sorry. Hindi ko pa masasagot ang tanong na 'yan."

"Hindi kayo bagay, Pier. Iba ang mundo niya sa mundo natin." Lalong kumunot ang noo niya rito. Kahit kailan hindi pa napatid ni Mariel ang pasensiya niya. Pero sa mga sinabi nito parang naiinis siya. "At alam kong 'yon din ang sasabihin sa'yo ni Lolo Manuel."

"Halika na," aniya at nagpataloy sa paglalakad.

Adding fuel to the fire won't do him good. Kapag sinagot niya ito ay baka ano pa ang masabi niya. It's better to let this pass.

"Kailan mo ba ako makikita na higit pa sa pagiging kaibigan, Pier?"

Hinarap niya si Mariel. "Please, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin 'to," pakiusap niya sa kalmadong boses. "Halika na, ihahatid na kita."

"Ano bang meron sa Sushi na 'yan? Bakit gustong-gusto n'yo siya? Isa lang naman siyang spoiled brat na mayaman –"

"Mariel!" galit na niyang tawag dito.

"Aalis na siya. At imposible na mapapayag mo siyang piliin ang buhay na mayroon ka rito sa Guimaras. Hindi isang katulad natin ang babagay sa mga mayayamang katulad nila. Gumising ka nga, Pier! Huwag mong pangarapin ang isang taong alam mong hindi naman pwede para sa'yo."

Mapait siyang ngumiti. "So ganito pala ang pakiramdam na masampal ng katotohanang hindi ako sapat para sa taong gusto ko."

"P-Pier?"

"Ihahatid na kita." Nauna na siyang maglakad dito. Galit siya, oo, pero hindi naman siya ganoon kasama para iwan ito roon na mag-isa.




"MAGANDA rito, 'di ba?" boses 'yon ng Papa niya.

Napatingin siya rito. Tumabi ito ng upo sa kanya sa kawayang upuan sa labas ng bahay. Malamig ang simoy ng hangin. Inayos niya ang pagkabalabal ng sarong sa kanyang mga balikat. She simply give him a smile. Ibinalik niya ang tingin sa harap.

"How are you?" mayamaya ay dagdag nitong tanong.

"So far, so good, I survived."

"I can see that."

"This place changed me. Malaki rin ang tulong ni Pier – unfortunately." Natawa siya. If not for Pierce, she would still probably be the same Sushmita Marigold Costales. "I realize a lot of things during my stay here. I had a hard time accepting my faults but it is something that I have to properly address and fix with... or else, I won't be able to redeem myself."

"Costales misses you." Naibaling niya ang mukha rito. "Your mother misses you. And I missed you, Sushmita." The longing in her father's voice reaches her heart.

Truth, her parents may not always beside her physically but they have always been good and caring. They often call and ask her whereabouts which she greatly appreciates. Ang pagkukulang lang ng mga ito sa kanya ay oras at family bonding. They never had that chance. Kaya naiinggit siya sa mga kaklase niya noon na laging may family outing at nakakadalo sa mga parent's meeting or school events.

She may have been born with a golden crown on her head but her crown couldn't weigh the same with the warmth of love, time, and effort she longed for from her parents. No physical things and luxuries can exceed the value of a parent's effort to make time for their children.

Ngumiti siya at niyakap ang Papa niya. "I missed you too, Papa." Despite that, she still loves them. Hindi perpekto ang mga magulang niya but she knows, she's well appreciated and loved by them. They gave her the world even if she only wanted their love and time.

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "We'll be leaving after Pier's birthday."

Marahas na kumalas siya sa yakap nito. Taken aback, her eyes widened.

"Birthday ni Pier? Kailan?"

"Hindi mo alam?" Sandali siyang nag-isip. Gosh! She didn't even ask that part of him. They did more than a kiss but she had no idea about the exact date of her boyfriend's birthday. Shame on you, Sushi! "Birthday ni Pier bukas. So we're leaving the next day."

"Today is 28, so August 29."

"Sa 30 ang alis natin."

"Agad-agad?"

"I need my daughter back in Costales. It's time to go home, my heiress."




"BAKIT hindi mo sinabi na birthday mo ngayon?" may inis na tanong niya kay Pier.

Naglalakad sila papasok ng cemetery. Hindi na sumama ang Papa niya at si Lolo Manuel. Ang mga ito raw ang maghahanda ng pagkain. So with that being said, her job is to distract Pier.

"Hindi ka naman nagtatanong," nakatawang sagot nito. "And besides, hindi ako naghahanda kapag birthday ko. Madalas sila ang naghahanda para sa'kin dahil alam nilang hindi ako magpapakain."

"Bakit ayaw mong mag-celebrate?"

"Sini-celebrate ko naman. Kaso habang tumatanda ako, naalala kong matanda na pala ako."

"You don't look your age. Thirty-one ka pa naman. Saka, you look younger."

"Sabi nga nila, baby face ako."

Natawa siya. "Wow! Ang hirap mong kumbinsihin."

"Basta ikaw ang magko-compliment maniniwala agad ako."

"Happy birthday," nakangiti niyang bati rito. Hinalikan siya nito sa noo at lalo siyang napangiti. "Ako na siguro 'yong pinakamaganda mong gift."

"Naks! Tayog ng confidence."

Huminto sila sa isang nakarehas na museleo. May padlock 'yon at binuksan 'yon ni Pier. May dalawang magkatabing puntod. In loving memory of Roel Pierro Allede and Maria Helena Allede. Inilapag niya sa harap ng mga puntod ang mga bulaklak niyang dala.

Naikuwento na nga sa kanya ni Pier ang mga magulang nito noon. He lost his mother when he was a child and years after, a month just before his college graduation, lumubog ang bangkang sinasakyan ng ama nito.

"Kapag birthday ko," basag nito. "Bumibisita ako sa kanila. Pero halos linggo-linggo naman talaga akong dumadalaw. Depende kung kailan ako hindi masyadong busy." 'Yon siguro ang mga araw na biglang nawawala si Pier kahit wala naman itong ginagawa.

"Nami-miss mo sila?"

"Lagi," nakangiti nitong sagot. "Lalo na kapag birthday ko. Tuwing birthday ko kasi lagi silang naghahanda. Si Mama, lagi siyang nagluluto para sa'kin. Tapos si Lolo nagagawan niya ng paraan para magkaroon ako ng cake kahit maliit lang. Minsan magpi-picnic kami o 'di kaya literal na kakain sa labas." Natawa ito nang bahagya. "'Yong ilalabas lang ang mesa at kakain sa labas."

Napangiti siya. "That's really sweet."

"Nakakamiss lang ang mga ganoon. 'Yong kahit simple lang basta kompleto, okay na." Nahahabag siya sa nakikitang lungkot sa mga nito sakabila ng ngiti ni Pier. "Nakakamiss 'yong mga panahon na buo kayo."

Niyakap niya ito. "I'm sure they missed you too."

"Sayang hindi mo sila nakilala."

Kumalas siya sa pagkakayakap niya rito. Umangat ang isang kamay niya para haplosin ang pisngi nito. "Will they like me?"

"Magugustuhan ka nila."

Ibinaling niya ang mukha sa mga puntod. Patingkayad na umupo siya at kinatok ang mga nitso.

"Hello po, ako po pala si Sushi. Huwag na po kayong mag-alala. Ako pong bahala sa unico hijo n'yo. Bubuo ho kami ng isang malaki at masayang pamilya. Huwag din po kayong mag-alala dahil malaki po ang ipon ko sa banko. Mabubuhay ko ho ang anak ninyo."

Narinig niyang tumawa sa likod si Pier.

"Madami rin ho akong negosyo at may life at health insurance din akong fully paid na. Secure na secure na po ang anak n'yo sa'kin. Hindi pa po kasama ang mga mamana ko sa mga magulang ko."

"Pinapamukha mo naman sa mga magulang ko na palamunin ako," nakatawang komento ni Pier.

Tumayo na sa siya at hinarap ito. "Alam ko naman na may pera ka. Barat ka lang kaya ayaw mong gumastos." Lalo itong natawa.

She cupped his face and tiptoed so their lips could touch. Naramdaman niya ang pagkagulat ni Pier pero madali naman itong nakahuma. She continued and closed her eyes as she wrapped her arms around his neck. Pier started kissing her back as his arms circled her waist and pressed their body closer. She opened her mouth for him and kissed each other more passionately this time.

"I love you," anas nito sa pagitan ng halik.

"I love you, too."

They stayed like that and kiss more.




KANINA pa masama ang tingin ni Mariel sa kanya. Hindi niya 'yon nagugustuhan. Umaandar ang pagkamaldita niya. She didn't really like it when people look at her as if she did something unlawful. The look is nonsensical, to be honest. If Mariel has something to say, she better confront her.

Kung hindi lang birthday ni Pier baka kausapin na niya ito. She doesn't want to ruin his day. At saka may problema pa siyang inaalala. She was not sure if it was a good thing na never na mention ng Papa niya ang pag-alis nila bukas. Now, she has to suffer alone in the aftermath of her father's silence.

She doesn't want to ruin a perfect day for Pier. C'mon Sushi! Think! Think! Nakagat niya ang ibabang labi. Nasa kwarto siya. Hawak-hawak ang isang envelope na may naglalamang sulat niya para kay Pier. It was a love letter.

Wala siyang ibang maisip na ibigay rito. Wala siyang pera, obviously, all her cards are in the position of his father. Naisip niyang mag-e-effort na lang siya. And she does hope, Pier wouldn't find it funny.

The Costales heiress could only afford a handwritten letter as a gift – for now. Pero babawi siya.

Mayamaya pa ay may kumatok na sa pinto.

"Sushi?" tawag sa kanya ni Pier.

Maingay sa labas dahil nagkakasayahan ang lahat. May inihandang konting salo-salo para kay Pier. She took this time para makapag-usap sila habang busy pa ang lahat.

"Bukas 'yan," sagot niya.

Pumasok si Pier at isinara ang pinto sa likuran nito. Nakangiti itong naglakad palapit sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kama.

"Pinatawag mo ako?"

Tumabi ito ng upo, bahagyang nakaharap sa kanya. "Wala akong maisip na gift para sa'yo. At saka hindi ko rin alam kung anong bibilhin ko." Inabot niya rito ang isang pink envelope. Bumaba ang tingin nito sa hawak niya. "I remember may dala akong stationary. I know it's not much pero as a birthday gift... I wrote you a love letter."

"Sinulatan mo ako ng love letter?" halos hindi makapaniwalang tanong nito.

He looked amused.

Napasimangot siya. "Alam kong cheap pero –"

"Thank you." Tinanggap nito ang envelope. "You have already given me more than I could ever imagine, Sushi. In this letter, you poured your time, effort, and heart into writing this for me. I should feel honored. If I know, puro business letters lang sinusulat mo." Tumawa ito pagkatapos.

Napanguso siya. "Hindi kaya! May romantic bones din naman ako."

"Pwede ko bang basahin na?"

Akmang bubuksan nito ang envelope nang pigilan niya ito. "No! Huwag muna. Saka na kapag patulog ka na." Ngumiti siya. "Pier..."

"Sige na, alam kong may sasabihin ka."

Kilalang-kilala talaga siya nito. Wala na siyang maitago.

Bumuntonghininga siya. "Uuwi na kami ni Papa bukas," amin niya.

"Alam ko."

Nanlaki ang mga mata niya. "Alam mo?"

"Narinig ko ang papa mo at si Lolo na nag-uusap kahapon," malungkot nitong sagot.

"Sabihin na natin." He reaches for her hand and gives it a little squeeze. "Pier?"

"Kakausapin ko ang Papa mo bukas. Hihingi ako ng permiso na ligawan ka ng pormal. Kung hindi man siya pumayag, gagawan ko ng paraan." Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. "Susunod ako sa Maynila."

"Paano ang Lolo mo?"

"I'm sure he will understand. Wala pa naman akong hinihingi sa kanya na para sa sarili ko – ngayon lang."

Niyakap niya ito. "Tell me everything will be okay?"

"Everything will be fine."

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Still, she felt the big hole in her heart again. Kahit pa susunod si Pier sa kanya. Hindi niya alam kung agad-agad o aabot pa ng ilang araw. Iniisip pa lang niya nami-miss na niya ito.

"C'mon, queen, don't give me that look. Birthday na birthday ko malungkot ka."

"I just can't help it. I'm sorry."

Hinila siya nito palapit sa katawan nito. He cupped her face and look straight in her eyes. "Smile," pakiusap nito. Tipid siyang ngumiti. "Smile more." She sighed before smiling a little bigger this time. "Kapag hindi ka pa ngumiti nang malaki hahalikan na kita."

"I like the threat more than the task you're asking me to accomplish."

Natawa ito sa kanya. She said that with narrowed eyes. She like the kiss more. Inalis niya ang mga kamay nito at ngumiti na.

"Much better." Hinila siya nito paupo sa mga hita nito. "Pero no kissing –" Nagulat ito nang halikan niya ito sa pisngi. Ngumiti ulit siya pagkatapos. He look surprised but amazed at the same time. "Okay, sige, wholesome kisses, I accept." Muli niya itong hinalikan sa pisngi, sa kabila naman. She giggled after. "Sarap naman nun."

Iniyakap niya ang mga braso rito. She pressed her cheek on his cheek. "I love you," she whispered in his ear and kiss him on the lips.

"Sorry!"

Natigilan silang pareho nang marinig ang boses ni Mariel at ang pagbukas ng pinto. Ganoon na lang ang gulat nila nang makitang hindi ito nag-iisa. Nasa likod nito sila Papa at Lolo Manuel na parehong bumakas ang gulat sa mukha.

Napatayo siya, pati na rin si Pier.

"Papa, I can explain."

"Magpapaliwanag po kami Tito, Lolo."

Dumilim ang mukha ng kanyang ama. "Bukas nang madaling araw uuwi agad tayo Sushmita. Magligpit ka na nang gamit mo."

"Pero Papa!"

"Iuuwi kita sa ayaw at sa gusto mo!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro