Kabanata 17
MAGKATULONG na naghanda sila ng makakain ni Pierce. Normal naman 'yong ginagawa nila. Minus lang 'yong mga kulitan at asaran nila. Panaka-naka niyang tinitignan ang ama at ang lolo ni Pierce na masayang nagkukwentuhan sa labas ng bahay habang nagkakape.
Halos patapos na rin naman sila. Ililipat na lamang niya ang mga nalutong ulam sa plato at mga mangkok. Si Pierce naman, busy sa paglalagay ng mga baso at plato sa mesa. Pinunasan niya ang mga basang kamay gamit ng tuwalya at lumapit kay Pierce.
"Sasabihin na ba natin?" mahinang tanong niya rito.
"Huwag muna, pakiramdaman muna natin sila."
Bumuntonghininga siya at malungkot na tinignan sa mga mata si Pier.
"I'm sorry," aniya.
She felt awfully guilty about their situation. Ang alam kasi ng ama niya ay buo na ang pagpayag niya na maikasal sa lalaking gusto nito para sa kanya. But life gave her a little detour in Pierce's life at ayaw na niyang bumalik sa boring at cynical niyang buhay.
"It's okay," ngumiti ito. "Hindi mo dapat pinoproblema 'to."
"Kakausapin ko si Papa."
"No, don't do anything yet. Ayokong mag-away kayo ng Papa mo dahil sa'kin. Ako ang mag-e-explain nang lahat. Ako ang unang na fall, kaya sagot kita, queen."
Natawa siya na naiinis. Napalo niya ito sa balikat. "Nakakahirit ka pa nang ganyan e caught in the middle na tayo."
"Pinapagaan ko lang ang nararamdaman mo. Masyado kang tense. 'Di naman kita tatakbuhan. Saka malay ko ba kung may nabubuo na riyan." Bumaba ang tingin nito sa impis niyang tiyan. Umawang ang bibig niya at napahawak siya roon. "Baka nakakalimutan mong 'di tayo gumagamit ng proteksyon."
"Pierce," sita niya rito sa mababang boses. Pinanlikan niya ito ng mga mata bago nilingon ang dalawang matanda sa labas. Thank God, busy pa ang dalawang matanda sa labas. Hindi niya naman mapigilan ang pag-iinit ng mga pisngi.
"Okay lang ba sa'yo 'yon?"
"Ang ano?"
"Na makabuo agad tayo?"
"If you're the father of my kids, then choosy pa ba ako?" Naglapat ang mga labi nito sa pagpipigil ng ngiti. Natawa siya sa mukha nito. Parang nagpipigil ng kilig. "Kinikilig ka ba?"
"Bawal ba?"
"Do you want me that much, Mr. Allede?" she teased.
"Sinong Allede ang tinutukoy mo? Si Lolo Manuel, si Papa o ako?"
She narrowed her eyes at him. "'Yong Allede na malakas ang loob na pinahiga ako sa karton –" Mabilis na tinakpan nito ang bibig niya ng kamay nito. Pilit niya 'yong tinanggal. "Annnbaa!"
"Nakakahiya."
Marahas na inalis niya ang kamay nito. "Ngayon ka pa nahiya? Wow."
Natatawang napakamot ito sa noo. "At least memorable ang first experience."
"Oo, sumakit 'yong likod ko."
At the back of her mind, ngiting-ngiti siya, true, 'yon ang pinaka 'di niya makakalimutan. Ang angkinin siya ng isang Pierce Kyries Allede sa loob ng jeep na punong-puno ng kaing ng mangga at tanging karton lang ang higaan at malong pa ni Ate Lita ang ginawa nilang kumot.
Hindi na nga yata naisauli 'yon. Itinago na lang niya. She highly commends Pier's resourcefulness in times of great need.
"SUSHI, anak, ikaw ba nagluto ng mga ito?" manghang tanong ng Papa niya sa kanya. Inilapag niya ang isang malaking bowl ng umuusok na sabaw ng baka sa gitna. Turo rin 'yon ni Ate Lita sa kanya. "At amoy masarap pa."
"Madalas po kasi si Sushi kina Ate Lita," sagot ni Pier para sa kanya. Naupo na siya sa tabi ng ama pagkatapos. "Kaya hayan, natututong magluto."
"At hindi na rin overcooked ang kanin kapag ako ang nagluto," proud niyang dagdag.
Bumakas ang paghanga sa mga mata ng Papa niya. She couldn't be more proud of herself. Hindi na siya mahihirapang ipagluto si Pier. 'Yon talaga ang goal niya.
Sabay-sabay silang nagdasal bago nag-umpisang kumain.
"Mukhang nagkakasundo na kayo nitong apo ko, hija," nakangiting basag na komento ni Lolo Manuel. Nagkatinginan silang dalawa ni Pierce. He was just sitting across her. "Naging mabait naman ba siya sa'yo?" Naibaling niya ang mukha kay Lolo Manuel.
Ngumiti siya. "Mabait naman po siya kahit bossy, Lo."
She saw Pier suppressed a smile. "Nahirapan akong putulin ang sungay niya pero nakaya naman," dagdag nito. "Dinaan ko sa tiyaga."
"Naku! Buti 'di nasira 'tong bahay sa kakaaway n'yo."
"Fortunately," sagot niya.
Iba ang pumasok sa isip niya na nasira - 'yong jeep lang yata.
"Lo, mahigpit ang bilin n'yo sa'kin na dapat mabait na 'tong si Sushi pag-uwi niya. Sinunod ko lang ang utos n'yo."
"Talaga? Wala kang ibang ginawa sa kanya?" diskumpyado pang tanong ng matanda.
"Wala!" kaila pa nito.
Hindi niya mapigilan ang lihim na matawa. Iba kasi talaga ang naiisip niyang sagot sa mga tanong ni Lolo Manuel. Mga sagot na hindi pwedeng sabihin sa ngayon.
"Totoo ba 'tong sinasabi ni Pier, hija?" baling na tanong ng matanda sa kanya.
She nodded. "He's right, Lolo. I admit, noong unang ilang araw ko rito, sobrang nahirapan ako. He's not spoiling me and tolerating my way of judgment. Naka automatic filter yata ang mga complains ko. Inuuna lang niya 'yong kailangan ko talaga. Kahit na masugatan ako, sinasabi niya lang sa'kin malayo 'yan sa bituka. I swear Pa, Lo, kamuntik ko na siyang isumpa. He's so annoying and heartless."
Naiinis siya kapag naalala 'yon noon pero ngayon natatawa na lang siya. Na realize niyang immature talaga 'yong mga reklamo niya at OA na minsan. Ayaw niya lang i-admit because she doesn't accept defeat. Pero deep inside her heart, inaamin niya ang pagkakamali kaya siya bumabawi sa ibang bagay.
"You don't seem mad, hija," puna sa kanya ng ama.
Of course, she was smiling while narrating those memories she used to despise the most but now hold a special place in her memory.
"Well kasi, na realize ko Pa, na tama talaga si Pier. Na tama ka, na masyado akong cold at heartless. Na masyado akong judgmental... and that... there are a lot of areas that need improvement in my way of managing people."
"Wow!" Pumalakpak ang ama niya. "Mukhang mission accomplished si Pier sa anak ko. Nawala ang sungay."
"Pwede nang mag-asawa ang anak mo, Lemuel."
Lumapad ang ngiti ng Papa niya. "Kaya nga sinusundo ko na 'tong si Sushi para makilala na niya ang lalaking gusto ko para sa kanya." Suddenly the air around them felt heavy. Bumalik ang tensyon na nararamdaman niya kanina.
Pati si Pier ay bahagyang natigilan. Bumagal ang pagkain nito. Ang kaninang masayang ngiti ay napalitan ng alanganing ngiti. She's sure, he felt the same heavy feeling.
"Naku, napakaswerte ng mapapangasawa ni Sushi."
"Kilala ko ba siya Papa?" hindi niya napigilang tanong.
"I think nag-meet na kayo noon pero hindi talaga kayo nagkausap."
"What's his name?"
"Sasabihin ko sa'yo kapag napakilala ko na kayo ng pormal. Hinihintay ko pa ang tawag niya. He's still in a business meeting outside the country."
Sino kaya ang lalaking 'yon? Hindi niya naman mapigilang tignan si Pier. Nakangiti pa rin ito pero alam niyang marami nang tumatakbo sa isip nito.
"Maiba ako, kailan naman magpapakasal 'tong si Pier?" Ibinaling ni Papa ang tingin dito. "May nobya ka na ba, hijo?"
"Naku! Ewan ko sa batang 'yan," ang lolo nito ang sumagot. "Trenta na pero hanggang ngayon walang nobya. Pinapareha ko nga sa kababata niyang si Mariel. Mabait na dalaga saka masipag."
Gusto niyang magprotesta kay Lolo Manuel. Honestly, nagseselos siya. Gusto niyang maisip din siya nitong perfect wife for his grandson. Sana makita rin nito na siya talaga ang gusto ng apo nito. Sa mga oras na 'yon, kahit na malinaw sa kanya na siya ang pinili ni Pier, hindi pa rin maitatangging si Mariel ang gusto ng lolo nito para kay Pier.
"Talaga ba?"
Tumawa si Lolo Manuel. "Aba'y matutuwa talaga ako kung si Mariel ang mapapangasawa nitong apo ko. Sabik na sabik na rin akong magkaapo."
Humigpit ang hawak niya sa mga kubyertos.
"Mamaya, ipapakilala kita, bumisita tayo sa manggahan," dagdag pa nito.
"Na miss ko na ang manggahan. Matagal-tagal na simula nang mapasyal ako rito. Malaki na ba pinagbago?"
"Malaking-malaki simula nang si Pier ang namahala. Mas madami nang puno at napagkakakitaan na ng mga tao rito."
Nawalan na talaga siya ng gana. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya - it was Pierce's.
"Will you give me a tour later, Pier?" her father asked.
"Opo, wala pong problema, Tito."
HALATA talagang gustong-gusto ni Lolo Manuel si Mariel. Pati ang babae ay natuwa nang makita ang matanda. Magiliw naman sa kanya ang lolo ni Pier. Madaldal din katulad nito pero ito pa kasi ang unang pagkakataon na nakilala niya si Lolo Manuel. She's not sure how to reach out without being too awkward or over friendly.
Her father was warmly welcomed. Inasahan na niya 'yon dahil matagal itong tumira sa Guimaras sa poder ni Lolo Manuel noong kabataan nito. She didn't insist na sumama sa kanilang dalawa ni Pier. Lolo Manuel stayed with Kuya Bert, nag-uusap ang mga ito sa mesa kung saan kumakain ang lahat tuwing tanghalian at meryenda.
While she, on the other hand, stayed inside the old jeep. Ayos na 'yon, ipinarada lang doon dahil may in-deliver kaninang umaga. She was actually sad and worried - yes, jealous. She realized that Pier was right. Kapag sinabi nila agad ang totoo sa mga ito ay baka magalit ang Papa niya at mag-away ang mag-lolo. She didn't want to end everything like that dahil mas lalong gugulo ang lahat.
She understand naman Lolo Manuel's hesitation towards her. Una dahil sa utang na loob. He was probably thinking that if Pier ask her hand in marriage magiging sobra na 'yon. Parang ang kapal na ng mukha ng mga Allede para pangarapin ng isang Pier ang mapangsawa ang nag-iisang anak ni Lemuel Costales.
Second, Lolo Manuel might have thought, she doesn't belong in Pier's world.
"Well puwede naman akong mag-adjust para sa kanya," mahina niyang bulong sa sarili.
Those thoughts have been occupying her mind the whole day and maybe the only solution that could lessen her stress is to feel Pier's arms wrapped around her. She's not exactly sure but having him around lessens her worries and stress. Para itong charger na sa tuwing drain siya sa pagiging over-thinker niya ay nagagawa nitong buhayin ang ngiti niya sa mukha.
But it all seems impossible now that her father and Lolo Manuel are around. All actions are in moderation. And the fact that she was leaving soon felt like a big hole in her heart.
PABALIK na sila ng bahay at sakay sila ng jeep. Si Pier ang nagmamaneho. Kasama ni Pier sa front seat sila Papa at Lolo Manuel. Siya lang mag-isa sa likod. Sa totoo lang kahit na wala siya sa mood ay ibang eksena ang tumatakbo sa isip niya kapag nakikita niya ang jeep na 'to o sakay siya nun.
Damn it Sushi! Kahit ba naman sa mga ganitong pagkakataon? Wala na, malaki na rin ang sentimental value ng jeep na 'to sa buhay niya.
"Ang tagal na nang jeep na 'to. Ito 'yong binili ni Roel na jeep 'di ba?" tukoy ni Papa sa ama ni Pierce.
"Ilang beses na 'tong pinaayos ni Pier pero nabubuhay pa rin naman," nakatawang sagot ni Lolo Manuel. "Matibay pa 'to kaysa sa kalabaw namin noon."
"Wala kayong balak palitan?"
"Hindi ko po papalitan, tito. May nakausap na akong may-ari ng second hand na 4 x 4 na delivery truck. Naisip ko kasi na mas maganda kung mga ganoong sasakyan ang bibilhin ko. Mas mabilis maipasok at mailabas ang mga delivery."
"Nakakahanga ka talaga, Pier. Napalaki mo ang manggahan ng pamilya n'yo. Ngayon may mga tao ka na ring nagtatrabaho para sa inyo."
"Sipag at tiyaga lang po."
Kaya nga Papa, bagay kami. Consider him, please!
"Alam mo, ganyan na ganyan ako noon. Mahirap pero kailangang mag-risk at magtiyaga. Tiwala lang, aangat pa 'yang negosyo mo. Makikita mo, hindi mo mamamalayan, nasa tuktok ka na pala. Lagi ko 'yang sinasabi kay Sushi. Na pangalagaan niya hindi lamang ang kompanya pati na rin ang mga taong nasasakupan niya. Success in business is a teamwork between the employer and the employees. Kapag umangat ang kompanya sabay-sabay rin tayong aangat."
"Lagi ko rin 'yang naririnig kay Pierce," singit niya.
Nahuli niya ang pagngiti nito. Isa 'yon sa mga bagay na proud siya kay Pier.
"Madami na rin siguro siyang naituro sa'yo." Higit pa sa inaakala n'yo Papa.
"Magaling ang batang 'yan pagdating sa pag-aalaga sa mga nasasakupan niya," dagdag ni Lolo Manuel. "Kaya hindi nakapagtataka kung nasusuklian ng mga tao niya ang pagtulong ni Pier sa kanila."
"See? That's what I'm talking about," sang-ayon pa ng Papa niya.
"Madami pa po akong dapat matutunan, tito."
"You'll be fine, Pier. Just keep your dedication and perseverance. All good things will follow, you just have to believe in yourself."
Ipinarada ni Pier sa harap ng bahay ang jeep. Nagulat siya nang bumungad sa kanya ang mukha ni Mariel na naglalakad papunta sa bahay nang bumaba siya. May hawak itong isang malaking plastic tupperware na lalagyan.
"O, Mariel, hija, ano 'yang dala mo?" ni Lolo Manuel.
"Magandang gabi po, nagluto po kasi kami ni Nanay ng mechado. Nagdala na rin po ako. Baka po hindi pa po kayo kumakain."
"Naku! Tamang-tama, nagugutom na rin ako."
"Salamat," aniya, kinuha niya ang tupperware mula rito.
"Halika, pasok ka muna," yaya pa ni Lolo Manuel rito.
"Ang swerte mo naman pala Pier," rinig na rinig niyang sabi ng ama niya kay Pier. Humigpit ang pagkakahawak niya sa tupperware. Sinusubukan talaga ang pasensiya niya. "Ligawan mo na. Mukhang tama ang lolo mo sa kanya."
"Wala pa po sa isip ko 'yon, tito," nakatawang sagot ni Pier. Pasimple itong tumingin sa kanya pero ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon. Naiinis na siya!
"Huwag na po, kailangan ko na rin pong umuwi, madilim na rin naman."
"Oh, siya sige, Pier, apo, ihatid mo muna si Mariel sa kanila."
"Po?"
"Mas mabuti pa nga," segunda ng ama. "Ihatid mo na."
Bago pa siya mainis nang husto pumasok na siya sa loob. Napansin yata 'yon ng Papa niya dahil tinawag siya.
"Sushi saan ka pupunta?"
"Magsasaing!"
Diyan na kayo, pag-agawan n'yo 'yang si Mariel!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro