Kabanata 16
"GUMISING ka na," narinig niyang bulong ni Pierce sa tenga niya. Still, she keeps her eyes shut. Inaantok pa talaga siya. "Ayaw mong gumising?" pangungulit pa nito. Now, he started giving her butterfly kisses on her bare and exposed back. Bumaba 'yon sa kanyang leeg, she slightly giggled without opening her eyes.
"Inaantok pa ako..." taboy niya rito sa paos na boses. Itinaas niya ang isang kamay para itulak ito palayo and rolled down on the other side of the bed. Inayos niya ang nakatakip na kumot na tumakip sa hubad niyang katawan. "Ikaw na muna magluto. Wala pa akong energy bumangon."
Natawa lang ito sa kanya. "Bumangon ka na." Hinawakan siya nito sa magkabilangbalikat at pilit na pinabangon. "Alas nuebe na. Kumain na tayo. Nakapagluto na ako." Iniyakap niya nang maayos ang kumot sa katawan at pilit na iminulat ang mga mata. Bahagya pa siyang nasilaw.
"Maliligo lang muna ako."
Umangat ang isang kamay nito sa kanyang buhok at masuyong hinaplos 'yon. Nakapagbihis na pala ito at mukhang bagong ligo pa. Saan ba nito nakukuha ang lakas para bumangon nang maaga? They slept late last night. Actually, mga ilang gabi na rin silang inuumaga ng tulog. Simula noong may nangyari sa kanila sa jeep.
Ramdam niya ang biglang pag-iinit ng mga pisngi. Damn it, Sushi! Stop thinking about those romantic late nights you and Pierce have been fond of doing lately.
"You're blushing," nakangiting puna nito.
"I'm not!" kaila pa niya. As if?! Hinawakan niya ang magkabilang pisngi. "Nangudngod lang ang mukha ko sa mga unan."
He eyed her suspiciously; suppressing a mischievous smile. "Dahil?"
"Dahil makulit akong matulog. Ano pa ba?" Itinulak na niya ito gamit ng dalawang kamay. "Sige na, iwan mo muna ako. I'll freshen up first." Tumayo na ito mula sa kama.
"Kahit 'di ka maligo, mabango ka pa rin naman."
Pinigilan niya talagang huwag ngumiti. Sakit sa panga magpigil ng ngisi. "Ewan ko sa'yo!" At nang akala niya ay aalis na ito ay bigla itong bumalik. Lumuhod ito sa kama at inabot ng isang kamay nito ang batok niya para siilin siya ng halik sa mga labi.
Naipikit niya ang mga mata as she passionately responded to Pierce's surprise morning kiss.
Pinagdikit nito ang mga noo nila nang kumalas sila sa isa't isa. She can't help but bit her lower lip as they stare at each other eyes.
"I love you," he mouthed, smiling.
"I love you, too."
"IBA ang sigla ni Pierce nitong mga nakaraang araw," komento ni Ate Lita. Halos sabay nilang inilapag ang basket ng mga inihanda nilang pananghalian kina Pierce sa mahabang kawayang mesa sa manggahan. "Natural na masayahin at palabiro ang batang 'yan pero ngayon parang sumobra ang energy." Napailing-iling ito habang nakatingin sa grupo nila Pierce sa 'di kalayuan na nagbibilang ng mga kaing ng mangga.
"Napansin ko rin ho," dagdag pa ni Mariel. "Parang ang saya-saya niya nitong nakaraang araw."
Tinignan niya si Pierce. She couldn't help but smile. Habang tumatagal lalong naging makasig at gwapo sa paningin niya ang nobyo. Lalo na kapag kasama niya ito at inaalagaan siya. Minsan, mukha na siyang tanga sa kakapuri kay Pierce sa isip niya. Parang 'di siya nagsasawang mag-fangirl dito. 'Yong pagmamahal niya yata rito ay kasing sarap at tamis ng mga mangga ng Guimaras. See? Ganoon na siya kakorni.
"Ikaw rin Sushi."
Natigilan siya. Biglang nawala ang ngiti niya. Naibaling niya ang mukha kina Ate Lita at Mariel.
"Po?"
"Nitong mga nakaraang araw ay masyadong maaliwalas ang mukha mo. May salita 'yon e. Ano nga ba 'yon sa Ingles, Mariel? 'Yong gumaganda ang babae kapag gumagamit ng pampakinis na sabon sa mga komersyal sa TV."
"Blooming po?"
Pinitik nito ang mga daliri. "Oo! 'Yan nga. Blooming! Blooming ka nitong mga nakaraang araw. Saka mas madalas kang nakangiti ngayon. Hindi ka na rin mabilis mainip at mainis." Sa pagkakataon na 'yon, may panunuksong ngumiti ito. "Oy, aminin. Kayo na ni Pier, no?"
Inihit siya ng ubo.
"Nagtapat sa'yo si Pier?" seryosong tanong ni Mariel. Hindi nakaligtas sa kanya ang sakit at dismaya na dumaan sa mga mata nito.
Hindi niya gusto si Mariel, not the super hate type, civil lang talaga sila. Ramdam niya kasing hanggang doon lang talaga ang level of relationship na gusto nito. And she's respecting that. Second, alam niya ang pakiramdam na umaasa sa wala. It's awfully painful.
"Hindi ah!" kaila niya. "Ba't naman ako magkakagusto sa kanya? Pierce is not my type." Sa isip niya, ilang beses na siyang napalunok. Huwag sana siyang marinig ni Pier. At huwag kamo siyang tamaan ng kidlat. "Matagal na akong blooming, Ate Lita. Kung masaya man ako at mas madalas nang nakangiti 'yon ay dahil nag-e-enjoy ako sa company ninyong lahat dito. Ito 'yong mami-miss ko sa pagbalik ko ng Maynila."
Bumuntonghininga naman si Ate Lita at biglang nalungkot. "Magtatatlong buwan ka na pala rito sa Guimaras. Nabanggit nga sa'kin ni Bert na aalis ka na nga raw."
"Hindi pa naman, may ilang linggo pa po."
"Hindi ka na ba babalik dito?" tanong ni Mariel.
"Gusto kong bumalik at bisitahin kayo. I'll find time po."
"Magiging busy ka na ulit baka makalimutan mo na kami." Hindi siya nagdalawang isip na yakapin si Ate Lita. Isa ito sa mga sobrang hinangaan niya. Madami rin siyang natutunan dito na alam niyang magagamit niya sa Maynila. "Ma-miss ko ikaw, inday."
"Malayo pa naman e." She smiled. "Mamiss ko rin kayo. Kapag libre kayo, ipapasundo ko kayo para makapasyal kayo sa amin. All expense paid by me plus accommodation. Wala kayong gagastusin. I'll make sure na mag-e-enjoy kayo."
"Talaga ba?"
"Oo naman po."
"Sige, sige gusto ko 'yan."
Inisang brasong yakap niya ito. "Planohan natin 'yan at baka masermonan ako ng boss n'yo dahil pinag-cutting-work ko kayo sa kanya." Natawa silang pareho. Tipid na ngumiti lang si Mariel. "Akong bahala sa bakasyon grande n'yo."
"SIGLA-SIGLA natin ah?" puna ni Kuya Bert kay Pierce.
Natawa lang siya. "Masigla naman talaga ako, Kuya Bert." Sininyasan niya si Lito na pagsamahin na ang mga tapos nang i-check at bilangin na mangga. Kailangan ma-i-deliver na 'yon pa Iloilo bukas ng madaling araw. "Salamat." Tinapik niya ang binata sa braso bago nito ginawa ang pinag-uutos niya.
"Hindi e. May kakaiba sa'yo. Iba ang saya mo. Kilala kita. Umamin ka na ba kay Sushi?" may panunukso sa boses nito.
"Ano namang aaminin ko?"
"Na gusto mo siya."
"Hindi nga ako type ni Sushi," nakangiti niyang sagot.
"May basted bang masaya pa rin? Hindi mo ako maloloko, Pier. Alam na alam ko ang mga ngiting ganyan." Naiangat niya ang mukha rito. "Pinagdaanan ko rin 'yan noong kabataan ko."
Bahagyang lumapit siya rito. "Halata ba ako masyado?" mahina niyang tanong.
"Halatang-halata ka, pero mukhang alam na alam ni Sushi paano umarte nang maayos." Malakas na tumawa ito. "Kayo na ba?"
Napangiti siya at humalukipkip. Halos sabay silang napatingin sa direksyon nila Sushi. Mukhang nagkakasayahan ang tatlo. Magkayakap sila Sushi at Ate Lita. Mukhang okay naman din sila Mariel at Sushi.
"Ang laki nang pinagbago niya, 'di ba, Kuya Bert?"
"Iniiba mo ang usapan."
He chuckled. "Kahit hindi ko sabihin alam kong alam mo naman na."
"Nang dumating 'yang si Sushi rito hindi 'yan ganyan kapalakaibigan at palangiti. Malaki rin ang tulong ng mga suhistiyon niya sa atin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang pamilya nila ang pinakamayan dito sa Pilipinas."
"Beauty and brains."
"Tiyak ako na magugulat ang mga taong nakakakilala sa kanya sa malaking pagbabago niya."
"Expected na raw niya 'yon. Baka nga raw isipin nang mga tao niyang may stage 4 cancer siya kaya siya bumait."
"O 'di kaya, tinamaan ng kidlat."
Natawa lang silang dalawa.
Proud siya sa naging pagbabago nito. Hindi naman talaga masamang tao si Sushi. Her strict personality is her defense mechanism. Alam kasi nitong malambot ang puso nito at madali itong maawa at bumigay kapag may humingi ng tulong. Sushi's naïve and vulnerable personality is a weakness for her. Kaya noon madalas itong naabuso.
And when she had enough, mas pinili nitong magtayo ng pader mula sa ibang tao. Inuunahan na nito ang mga 'yon so she can prevent herself from extending too much help, effort and kindness – na madalas hindi nasusuklian ni kahit ang salitang, salamat.
Ang iniisip kasi lagi ng ibang tao. If a person has enough, helping is no longer compassion but a must. Na okay lang 'yan, 'di naman mababawasan ang yaman nila. Maliit lamang 'yong hiningi kumpara sa ari-arian at net worth ng mga ito. People tend to generalize everything. Hindi naman lahat masama ang ugali at mayayabang. Hindi naman lahat ng tulong ay pakitang-tao. Madami pa ring tulong na buong pusong ginagawa.
Whether it's for a show of compassion, one must always learn to say thank you and one should never use other people for their own gain.
"PIER, ano 'yong I love you sa salita n'yo?" tanong ni Sushi habang naglalakad sila pauwi.
Sinamahan siya nitong mamalengke para sa ihahanda niyang dinner mamaya. Na-flat kasi ang gulong nung sinakyan nilang traysikel pauwi. Buti na lang medyo malapit na lang kung lalakarin nila.
"Bakit?" nakangiti nitong balik tanong.
"Wala lang, gusto ko lang malaman. Bawal?"
Natawa muna ito bago siya sinagot.
"I love you, palangga ta ka o guina higugma ko ikaw," anito sa malambing na boses.
'Yon ang isa sa gusto niya kay Pier. Kapag nagsasalita ito ay may lambing at kalmado. Kahit na nagsusungit na o galit, may lambing pa rin.
"Alin doon madalas gamitin n'yo?"
"Depende lang, kung alin doon kami komportable."
Tumango-tango siya. "Palangga ta ka," nakangiti niyang baling dito. Lumapad naman ang ngiti nito. "E 'yong, I like you?"
"Naluyag ako sa imo."
"Naluyag ako sa imo," ulit niya sa sinabi nito na may lambing.
"You're melting my heart, Sushi. Stop that."
"Am I making your heart beat faster?" tudyo pa niya.
He reached for her hand and laced his fingers with hers. "Huwag mo akong dinadaan sa mga ganyan. I'm fragile when it comes to that." Nasa kabilang kamay nito ang bayong ng mga pinamalengke nila.
Kumunot ang noo niya. "Fragile?"
"In Tagalog, marupok."
Natawa siya. "Pinasosyal mo lang e."
"Oo naman, para may class. I'm fragile."
"Cute mo!" pinisil niya ang pisngi nito.
"Palangga ta gid ka, Sushi." Lalo siyang napangiti. "Palangga kaayo ta ka."
"Ano 'yong ikalawa?"
"Mahal na mahal kita."
"Iki-kiss kita pag-uwi natin, huwag lang sa labas. Baka may makakita sa'tin." Hinila na niya ito. "Kaya dalian mo na riyan."
"PIER! PIER, APO!"
Ramdam niya ang pangbalikwas ng bangon ni Pier sa tabi niya. Naalimpungatan siya pero may naririnig siyang sigaw mula sa labas ng bahay. Pikit ang mga matang bumangon siya at inimulat ang isang mata.
"Pierce, buksan mo ang pinto! Na saan ka bang bata ka?" sigaw na naman mula sa labas. "Alas nuebe na, 'di ka pa gising?" Boses 'yon ng isang matanda.
"Sushi, anak! Si Papa mo ito."
"Lolo?!"
"Papa?!"
Halos sabay silang napatingin sa isa't isa ni Pierce. Kung kanina, antok pa siya. Ngayon gising na gising na ang diwa niya. Nasa silid siya ni Pierce at suot pa niya ang t shirt nito. Seryoso ba 'to?
Lumipas na ba ang tatlong buwan?
"Dali magbihis ka muna." Tinulungan siya ni Pier na makatayo. "Ako muna ang bababa." Mabilis na humagilap ito ng maisusuot na t-shirt at pantalon mula sa cabinet. "Sumunod ka na lang."
Pero imbes na sundin ito ay nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kama. Bigla-bigla ay nakaramdam siya ng kaba at takot. Anong ginagawa ng Papa niya rito? Uuwi na ba siya? May isang linggo pa naman siya ah.
"Pier..." tawag niya rito.
Lumapit ito sa kanya. "Bakit?" may pag-aalalang tanong nito. He cupped her face at hinuli ang mga mata niya. "Baby, it's okay. We'll be fine." Mariin siya nitong hinalikan sa noo. "I'll find ways."
Yumakap siya rito. "Ayoko pang umuwi."
"Shshs," alo nito sa kanya. "Let's talk about it later. Sige na, magpalit ka muna. Ako na ang magbubukas ng pinto."
She simply nodded.
"Let's just act normal for now."
"Kaya mo kaya?" biro pa niya despite the tension.
Natawa ito. "Susubukan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro