Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

"HINDI pala kumakanta ah?"

Tawang-tawa pa rin siya. Nag-enjoy talaga siya sa birthday ni Kuya Bert. Hindi lang sa isang kanta natapos ang lahat. Nasundan pa 'yon ng limang kanta. 'Yong isa duet na sila ni Kuya Bert.

Pauwi na sila ni Pierce sa bahay. Tahimik na ang buong paligid dahil alas onse na nang gabi. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Iba talaga ang gabi sa probinsiya. Sobrang presko at masarap sa pakiramdam. Walang halong polusyon.

"Magpapabili ako nun," aniya. Magkaagapay silang naglalakad ni Pierce. "Papalitan ko 'yong boring naming karaoke set sa bahay nung maiangay na karaoke machine na nirentahan ni Kuya Bert." Hindi maalis ang ngiti niya sa mukha.

"Out of place 'yon sa bahay n'yo."

"I don't mind though." Masayang napabuga siya ng hangin. "Ngayon lang ulit ako nag-enjoy sa mga ganoong salo-salo. I realized na boring pala ang mga gatherings ng mga mayayaman." She glance at him. "Mas masaya kapag kasama mo lang 'yong mga taong na-a-appreciate ka rin."

Ngumiti ito. "Wala naman 'yan sa kung gaano ka grande o ka low budget ang isang celebration. As long as nandoon ang spirit of love and happiness, okay na 'yon. It's always the thought that –" Natigilan ito nang iyakap niya ang isang braso sa braso nito.

"Counts," dugtong niya sa sasabihin nito.

Lalong lumapad ang ngiti nito. "Cute mo."

"Hindi ako cute. Maganda ako. Anyway, gusto ko lang itanong. Kasi naku-curious ako sa pangalan mo. It's so foreign kumpara sa mga pangalan ng mga tao rito. Where did your parents got that? Tunog prinsipe kasi."

"Prince naman talaga ako," he chuckled. "Prince of mangoes."

"Loko!" Natawa na rin siya. "So bakit nga? What's the history behind your prince like name?"

"Nakita lang 'yon ni Mama sa isang family list of names sa isang lumang bahay sa Bacolod. It's now a museum. My mother was born and raised in Bacolod. Nagkakilala lang sila ni Papa sa Iloilo. Nagustuhan ni Mama ang pangalan na 'yon kaya tinandaan niya. Kapag daw kasi nagkaanak siya ng lalaki, Pierce Kyries ang ipapangalan niya."

"So your name was written in history?"

"Siguro," he shrugged and smiled. "Kaya noong mapasyal ako ng Bacolod, pinuntahan ko 'yong ancestral house na sinabi niya sa Silay. Akalain mong nandoon talaga ang pangalan ko."

"Parang gusto kong puntahan ang ancestral house na 'yan."

"Kaso malayo, kapag nagka-oras tayo. Ipapasyal kita sa Bacolod." Nakangiting tumango siya rito. "Your turn, bakit Sushmita ang pangalan mo? Sa tingin ko 'di pa sikat ang pangalan na 'yon nang ipanganak ka."

"1994 'yon nang manalong Miss Universe sa Sushmita Sen. Mas nauna ako." Natawa siya. "Kita mo? Pang queen talaga ang pangalan ko."

"Ayoko nang kumuntra at baka maitulak mo pa ako."

"My grandfather named me Sushmita. He's a world history researcher and professor in Santo Tomas. Isa sa mga great fascination niyang pag-aralan ang history ng India. I don't know why exactly - maybe because of the caste system, their gods, or something else that ignites his great interest. He died a month before I was born."

"That's sad."

"I know." Mapait na ngumiti siya. "My mother was a daddy's girl and my grandfather's only wish is to name me Sushmita. He had a dream daw na babae ang magiging anak ni Mama at maganda raw ang ngiti ng batang babae sa panaginip niya. Suhsmita means radiant smile or beautiful smile. Marigold, because I'm worth more than riches in the world - Mary's Gold. It was taken from an old ancient story of Christians, sa halip na coins or money ang in-offer sa altar ay mga yellow flowers na tinatawag ngayong Marigold."

"That's really interesting. Kaya pala lalo kang gumaganda kapag nakangiti."

Umasim ang mukha niya. "Ew, Pierce!"

Malakas na tumawa ito. "Ew ka riyan! I'm giving you compliments. You should at least thank me."

"Ayoko nang mga ganyan. Kinikilabutan ako." She cringed at the thought.

Tanggap niya namang sweet si Pierce pero hindi lang talaga siya sanay sa mga ganoong linya. Ang weird. Masyadong baduy.

"But honestly Sush, you're really beautiful when you smile." His voice was calm and gentle now. Wala nang halong biro. "Lagi ko 'yang sinasabi sa'yo."

"Oo, alam ko."

Matamis siyang ngumiti rito.

"Sushmita."

"Hmm?"

"I said you have a beautiful smile," nakangiti nitong sagot.




HABANG tumatagal nasasanay na siya sa simpleng buhay sa probinsiya. Hindi na siya madalas nagrireklamo. Mas naging madali na rin ang daily routine niya na sobrang hirap para sa kanya noong nakaraang buwan. Maarte pa rin naman siya pero slight na lang. Mas madalas na rin siyang makipaghalubilo sa ibang tao ngayon.

She find it very surprising to see herself smiling and laughing with other people. Hindi niya ugali ang makinig sa mga kwento ng ibang tao at lalong lalo na ang mag-share ng experiences sa iba, but guess what? Ginagawa na niya 'yon ngayon.

Sumasama siya mamalengke kina Ate Lita at nagpapaturo rin siya ng iba pang recipe na alam nito. Gusto niya kasing maipagluto si Pierce ng ibang lutong bahay. Hindi na rin nasusugatan ang kamay niya sa tuwing naglalaba siya. Saktong-sakto na rin ang pagkakasaing niya ng kanin. No more charred dishes from Sushi.

Kapag may meeting sila Pierce at ng mga tao nito sa manggahan ay sumasali siya. Nagbibigay rin siya ng mga suggestions na pwedeng magamit ng mga ito. In all honesty, she admires Pierce's leadership and management. Magaling ito sa usaping negosyo at alam na alam nito ang mga gagawin – na sobrang kina-proud niya sa nobyo.

Nakikita na niyang matutulungan din siya nito sa pagpapatakbo ng Costales. He's a great asset to their company at alam niyang mapapatunayan niya 'yon sa ama. At makukumbinse niya itong tanggapin si Pierce bilang boyfriend niya.

The only thing that lacks in his business is budget. Wala itong enough funds to finance his future business plans. Considering kung gaano kamahal ang mga machines ngayon for a faster production. Pierce needs to build his own factory pero sa kinikita nito ngayon sa manu-manong produksyon ng mga mangga ay talagang mahihirapan ito.

It wouldn't suffice.

Pinag-aralan niya ang income at production growth and loss nito. Napapangiwi siya sa tuwing nakikita na madaming beses na nag-reach ito ng break-even point – just enough to cover up the cost from quantity to revenue. Madugo 'yon, actually. Kapag laging break-even parang wala ka ring kinita. Naibalik lang 'yong ginastos mo pero walang sobra.

Mas swerte na kapag peak season dahil in demand ang mangga. The second reason is competition. Hindi lang naman si Pierce ang may negosyong ganoon. He needs to catch up with the demand and even on those months na hindi peak season. Kailangang may alternative goods na pwedeng i-produce kung 'di naman high ang demand ng fresh mangoes.

Kaya ngayon nag-iisip siya kung paano matutulungan si Pierce.

"Ano 'yang ginagawa mo?" boses 'yon ni Pierce.

Naupo ito sa tabi niya.

Mag-isa siya kaninang nakahilig ng upo sa lilim ng punong mangga. Medyo malayo 'yon sa mga kasamahan nila na ngayon ay nagsi-siesta muna. Ginagawa nila 'yon pagkatapos makapagtanghalian ang lahat. Mga isang oras din ang pahinga.

She's writing her business proposals for Pierce in her notebook.

"Mga business plans for you," nakangiti niyang sagot nang hindi ibinabaling ang tingin dito.

She's still computing the cost and the years it may take bago maibalik ang full investment na mailalabas – running the financial ika nga. Naramdaman niya ang pagsilip nito sa isinusulat niya. Hiniram pa niya 'yong calculator nitong lagi nitong dala.

"I computed the cost, income na magi-generate and loss na pwedeng mangyari in the next few years. Nandiyan na rin ang probable income na makukuha mo kung may mata-tap kang mag-i-invest sa business mo at kung mas pipiliin mong mag-cash-loan."

Ibinigay niya rito ang notebook.

"Ginawa mo 'to para sa'kin?" manghang ibinaling nito ang tingin sa kanya.

"Nilagay ko rin diyan na pwede kang makipag-set ng meeting kay Papa para i-propose ang business proposal mo. If I have remembered it correctly, nabanggit sa'kin ni Papa noon his great interest in producing our own brand of Filipino delicacy na pwedeng pampasalubong. I think, pwedeng ikaw ang maging partner namin doon."

Umawang ang bibig nito sa amusement. Napakurap-kurap ito ng ilang beses sa kanya. Natawa naman siya sa reaksyon nito.

"Am I blabbering? Pasensiya na, kapag talaga business napag-uusapan, medyo madaldal ako."

"No, I think you're amazing."

"I'm the only heiress of the number one business empire in the Philippines, Allede. I know how to -"

Sa gulat niya ay bigla na lamang nitong sinapo ang batok niya at siniil siya ng halik sa mga labi. Agad naman niyang naipikit ang mga mata at gumanti ng halik nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito sa kanya. The kiss started fierce pero biglang bumagal ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Nibbling her lips slowly - more like teasing her.

God, Pierce!

Mahuhuli talaga sila nito. Mabuti na lamang at medyo mataba at malaki ang punong 'yon. Walang makakakita sa kanila.

They both let out a soft moan as they kiss each other with the same need and passion - deeper this time. Hindi niya alam kung paano nito nagawang mapaupo siya sa gitna ng mga hita nito. Her legs were on top of his thighs – straddling him completely. Nakayakap ang mga braso niya sa leeg nito habang yakap naman siya nito sa baywang.

The kiss was making her lose control. Tila ba wala siyang pakialam kung mahuli sila sa ganoong eksena. Totally out of her reserved and conservative Sushmita Costales character. All her inhibitions and fear fleeted as soon as he felt his soft warm lips claiming hers.

And it seems like neither of them wants to end that kiss kahit na ramdam niyang nauubusan na siya ng hangin.

"Ate Sushi?!" boses 'yon ni Amaya. "Ate Sushi nandiyan ka ba?"

Mabilis na lumayo silang dalawa sa isa't isa. God, she's a big mess. Nagulo ang buhok niya pati na rin ang damit. Nagpalitan pa sila ng tingin ni Pierce kung paano nila malulusutan si Amaya. Nag-aaway sila nang walang lumalabas na boses sa mga bibig. Puro tingin, iling ng ulo at kunot-noo lang.

Sa huli ay pinahiga niya si Pierce at itinakip ang notebook sa mukha nito – marahas na pinahiga to be precise. Mahina siyang natawa nang marinig ang malutong at mahinang mura nito. Tumama kasi ang likod ng ulo nito sa puno.

"Sorry," aniya sabay halik sa pisngi nito bago tumayo. Nahuli pa niya itong ngumiti. Damn it! These stolen moments are making her crazy. Lumabas siya ng puno at hinarap si Amaya. "Amaya!?" She was almost breathless. Huminga muna siya nang malalim. Sana ay 'di nito mapansing hinihingal pa siya. "Hina...hinahanap mo ako?"

"Ate may kasama ka po ba riyan?" Sumilip ito sa likod niya. Pasimple siyang napangiwi nang makita ang mga paa ni Pierce. "Si Ninong Pierce po ba 'yan?"

"Oo, natutulog." Lumapit siya rito at inakbayan ito. "Halika, doon tayo mag-usap baka magising natin ang ninong mo." Iginiya niya ito sa ibang direksyon. "Ano nga 'yong sasabihin mo?"

Phew!




PASADO alas diez na nang makita niyang lumabas ng bahay si Pierce. Saktong dumungaw siya sa bintana. Isasara niya sana 'yon dahil masyadong malakas ang hangin. Mapulang-mapula ang langit, tanda na mukhang uulan na mayamaya.

Pero saan naman pupunta si Pierce ng ganoong oras?

Mabilis na bumaba siya mula sa kwarto at kinuha ang flash light. In-lock niya lahat ng pinto bago siya umalis at ibinulsa ang mga susi sa hand pocket ng suot niyang gray cardigan na ipinatong niya sa suot na duster na pantulog. Duh! Wala na siyang oras para magbihis.

Isinuot niya ang medyo nasira niyang strapped sandals. Araw-araw niyang gamit 'yon saka madalas maputikan, nasira tuloy.

"Shuks!" Babalik sana siya para balikan ang payong pero kapag bumalik siya baka 'di na niya maabutan si Pierce. "Ah bahala na!" She groaned at mabilis na sinundan ito. Huwag muna sana umulan.

Nasundan niya si Pierce sa manggahan. Kumunot ang noo niya. Anong ginagawa nito roon? Kakain ng mangga? Maghahanap ng multo?

Nagtago siya sa isang puno nang huminto ito. Naramdaman siguro nito ang presensiya niya kaya ito napalingon. Nang walang makita nagpatuloy ito sa paglalakad palapit sa nakaparadang jeep nito roon.

Kaninang hapon, tumirik na naman ang lumang jeep nito. Saktong nakabalik na ito pero hayon nga, kailangang iwanan na lang doon at medyo malayo-layo kung itutulak pabalik ng bahay. Saka medyo malaki talaga ang jeep na 'yon.

Pumasok ito sa loob ng jeep. If she's not wrong, those are thick jeep covers? He pulled down all the transparent window curtains. Pati na rin ang sa both sides ng front seat. Itim naman ang takip sa may pinto ng jeep.

Naalala niyang ilang beses niyang sinabi kay Pierce na palitan ang jeep na 'yon dahil mukhang luma na at madalas na yatang tumitirik pero lagi nitong pinagtatanggol ang jeep na 'yon.

Malaki siguro talaga ang sentimental value ng jeep na 'yon kay Pier?

Lumabas siya mula sa pagkakatago at lumapit na sa nakaparadang jeep. Nasa loob pa rin si Pierce. Hindi niya alam kung ano eksakto ang ginagawa. Hinintay niyang lumabas ito pero mukhang mauuna pang bumuhos ang ulan bago ito lumabas.

And damn, she was right!

Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Impit siyang napasigaw at pumasok sa loob ng jeep. Bahagya siyang nabasa.

"Sushi?!" gulat na tawag sa kanya ni Pierce.

Alanganing ngumiti siya. "Hi?"

"Anong ginagawa mo rito?"

"That, I can explain."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro