Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

INILAPAG ni Pierce ang tasa ng kape na tinimpla nito para sa kanya. He sat down beside her and sip on his own cup of coffee. Halatang nakangiti ito habang umiinom. Natatakpan lang ng tasa. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"What?!" basag niya.

Nagpipigil talaga ito nang malaking ngiti. Halatang-halata kasi lumulubo ang pisngi nito. She find it very cute of him.

"Hindi lang ako makapaniwala na girlfriend na kita," sagot nito.

"Ako rin, 'di ko in-expect na magkakagusto ako sa isang dukha." She suppressed a smile. She meant it as a joke, of course. Kahit na ano pa man ang trabaho ni Pierce. Tanggap niya 'yon nang buong puso.

Napamaang ito. Bahagyang ipinihit ang katawan sa direksyon niya. "Grabe naman 'to."

"You're my poor charming," bawi niya na may ngiti.

"So kailan mo pa na realize na mahal mo na ako?" Hinila nito palapit ang silya lalo sa kanya. Kumunot ang noo niya rito. Para itong batang sabik makarinig ng bedtime stories.

"Bakit ko naman sasabihin 'yon?" She gently sipped on her cup.

"Gusto ko malaman para kiligin ako lalo."

Natawa siya. "Para kang babae. Ayoko nga. I'm not comfortable telling you that. Marupok lang ako pero hindi ako open book. Basta gusto kita. Period."

"Gusto lang?" prolong nitong tanong sa tuno ng panunukso.

"Ikaw!" Dinuro niya ito.

"Gusto lang ba?"

Napabuga siya ng hangin. "Fine! Mahal. Happy ka na?"

Sunod-sunod na tumango ito. "Sobra."

"Ano bang nakita ko sa'yo?" Napailing-iling siya pero nakangiti. "I'm already 28 but I'm still acting like a teenager."

"Magsasalita pa ba ako?" Natawa ito. "I'm already 30. Dapat sa mga edad na 'to may dalawa na akong anak. – Oh! may dumi ka rito –" Tumaas ang isang kamay ni Pierce sa mukha niya. Naramdaman niya ang paglapat ng hinlalaki nito sa gilid ng labi niya.

Nasa labi niya ang mga mata nito habang nakatingin naman siya sa mukha nito. She couldn't help but smile. She's feeling weird, pero wala talaga siyang maisip kung bakit gusto niya itong titigan. Her mind occupied the idea that Pierce is really handsome when he smiles. 'Di nakakasawang tignan.

"Kapag 'di mo pa inalis ang tingin mo sa'kin hahalikan na talaga kita."

Nagitla siya. Natauhan bigla. Napahawak siya sa ulo at inayos ang 'di naman magulo niyang buhok. Hayan ka na naman Sushi. Bumabalik ka na naman sa mga kabaliwan mo kapag may gusto kang tao.

Akmang iaangat niya muli ang mukha rito nang bigla siya nitong halikan sa labi. Literal na nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. It was just a quick kiss on the lips pero nagawa pa rin nitong magulo ang sistema niya.

Ngiting-ngiti naman ito pagkatapos.

"Pierce!" sita niya sa pigil na sigaw. Iginala niya ang tingin sa paligid. Nakabukas ang mga bintana lalo na ang pinto. "Baka may makakita sa atin."

"Huwag kang mag-alala, walang dumadalaw sa akin nang ganitong mga oras." Hinila siya nito paupo sa kandungan nito. Ipinulupot nito ang isang braso sa baywang niya. "Kaka-alas-sais pa lang. Mamaya pa 'yong mga alas syete."

She wrapped her arms around his neck. "Kaya pala malakas loob mo, Allede?" she asked teasingly.

"Kapag alam kong tama ako."

Sinapo nito ang isang pisngi niya para siilin siya ng halik sa mga labi. Sa pagkakataon na 'yon, ipinikit na niya ang mga mata. Inilapit niya pa lalo ang sarili rito habang tinutugon ang halik nito. Ramdam niya ang parehong pagngiti nilang dalawa sa pagitan ng halik. It was a slow and passionate kiss. Walang pagmamadali. Tila ba lahat ng oras ay sa kanila.

"Pierce?!"

"Shit!" he cursed.

Halos mahulog na siya sa sahig sa sobrang gulat nilang dalawa. Pero hindi 'yon ang issue niya. Itinulak siya ni Pierce! His eyes widened in disbelief; probably realizing na marahas siya nitong itinulak palayo.

"What the hell?!" she mouthed.

"I love you. I'm sorry," pabulong na ulit nito habang tinutulungan siyang makaupo nang maayos. "I love you, baby. Sorry muna."

Shuks! Ang sakit ng siko niya. Tumama 'yon sa silya. Lumingon ito sa direksyon ng sala. Saktong sumilip na ang mukha ni Kuya Bert.

"Kuya Bert!" Tumayo ito at naglakad papuntang sala.

"Maayong aga, Pierce, Sushi." Silip nito mula sa likod ni Pierce.

Tumayo siya at nagligpit na lang ng mga tasa. "Magandang umaga rin ho, Kuya Bert. Ang aga natin ah?"

"Oo, eh, i-invite ko lang kayo sa bahay mamaya pagkatapos ng trabaho. May kaonting salo-salo lang, birthday ko kasi," nakangiting sagot nito.

"Happy birthday po Kuya Bert," bati niya.

"Salamat Sushi."

"Mamayang gabi pa pala 'yan. Bakit ang aga mo namang nag-imbeta Kuya Bert?" reklamo pa ni Pierce.

"Excited ako e. Saka parang 'di ka sanay. Maaga naman talaga akong pumupunta sa bahay mo kapag may sasabihin ako. Busy ka ba? May ginagawa ka ba kanina?"

"Wala. Sige na!" Itinaboy na ito ni Pierce. "Mamaya, pupunta kami."

"May karaoke kami mamaya, Sushi. Kanta ka, ha?" silip pang hirit ni Kuya Bert. Natatawa siya sa siglang nakikita niya sa matanda. Ang cute lang!

"Opo, Kuya Bert, kasi birthday n'yo. Saka pakisabi kay Ate Lita, wala ho akong gagawin ngayon. Tutulong ho ako sa kanya."

"Sige, sasabihin ko. Pero marunong ka bang magluto?"

"Paghugasin n'yo na lang 'yan ng pinggan." Pinaningkitan niya ng mata si Pierce. Tawang-tawa ito kanina pero nang tignan niya nawala ang ngiti nito. "Magaling ho 'yang magluto. May specialty ho 'yang si madam."

Madali naman palang kausap e.

"Ay talaga ba? Sige! Sige!"




"HINDI ko alam na marunong ka pa lang magluto Sushi," manghang komento ni Ate Lita sa kanya habang nagluluto ng fried chicken. "Mukha 'yong manok sa Jollibee e. Amoy masarap pa. Naku! Madaming mga bata rito na matutuwa riyan sa luto mo."

"Turo ho sa'kin ni Pierce," nakangiti niyang sagot. "Recipe ng Mama niya. Hindi ko lang ho alam kung kasing sarap din ng luto ni Pier."

"Itinuro niya 'yon sa'yo?" biglang tanong ni Mariel. She glance at her surprise expression. Pati si Ate Lita ay bahagyang nagulat din.

"Bakit ho?" tanong na niya.

"Alam mo ba Sushi na matagal nang hindi nagluluto ng fried chicken si Pier simula nang mamatay ang mama niya?"

Natigilan siya.

"At walang nakaalam ng recipe na 'yan kahit si Lolo Manuel," dagdag ni Mariel.

"Ang tanong ko lang," ni Ate Lita. "Paano mo nagawang maituro sa'yo ni Pier ang recipe na 'yan?"




NAGKAKASAYAHAN na ang lahat pagkatapos kantahan ng Happy Birthday si Kuya Bert. Lahat ay nasa harap ng bahay. May naka set up na mga mesa para sa mga bisita at para sa mga nakahandang pagkain. Hindi mawawala ang nirentahan na karaoke machine ni Kuya Bert.

Malakas ang volume ng karaoke machine dahil 'yon ang ginamit na background music. Kitang-kita na enjoy ang lahat sa pagkain at pagkukwentuhan. Tumulong siya para mabigyan ng softdrinks ang mga bisita.

Ganito pala 'yong simpleng handaan lang. Iilan lang ang bisita pero halos lahat masaya – tunay na masaya. Hindi 'yong um-attend lang dahil family friend or because of business relationships na dapat i-maintain. Usually, intimate events like this nahahaluan ng business or politics. It sort of an opportunity for another business venture.

Natutuwa siya sa reaksyon ng mga bisita lalo na kapag natitikman 'yong iniluto niyang fried chicken.

"Kain na." Humarang sa harap niya si Pierce. Iniangat nito ang paper plate na hawak nito. Actually, he was holding two paper plates in both hands. Lahat may pagkain. "Busy na busy ka ah."

"Salamat."

Tumabi sila at kinuha niya rito ang paper plate. May kasama na 'yong plastic spoon and fork.

"Sarap ng manok na niluto mo," basag nito mayamaya.

"Speaking of that, alam mo bang na hot seat ako kanina nila Mariel at Ate Lita."

"Bakit naman?"

"Hindi ka na raw nagluluto nun simula nang mamatay ang Mama mo."

"That's true," nagulat siya sa kaswal nitong sagot. Parang 'di issue para rito ang ginawa. E, halos 'di na siya lubayan ng tingin ni Mariel kanina.

"Pero bakit itinuro mo sa'kin 'yong recipe?"

"Kasi nakita kong gusto mong pasayahin si Amaya kahit na alam mong 'di ka talaga marunong magluto. I saw your effort and perseverance. And I remembered my mother – her main reason why she invented that special fried chicken for me. 'Yong kagustuhan niyang mapasaya ako at mabigyan ng reward sa tuwing nakaka perfect ako sa exam o 'di kaya kasama sa top 10. I saw that same perseverance and care in you, Sushi."

Touched. Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Nakita mo pa 'yon kahit na nagmamaldita ako?"

"Your actions speak so."

"Mabait talaga ako."

"Hindi lang halata."

"Wow, ha?"

"Okay lang 'yan," inilapit nito ang mukha sa kanya to whisper, "sa'yo naman napunta si Pierce Kyries Allede."

"Do you even realize how much you really worth?"

He chuckled, "Maliit lang ang net worth ko pero kaya naman kitang buhayin at ng mga anak natin in the future."

"My net worth couldn't even compare to your real worth in my life, Pier."

Natigilan ito sa sinabi niya.

Ngumiti siya.

"'Di ko in-expect 'yon ah." Inilapat nito ang isang kamay sa dibdib nito. "Tumagos dito e."

"Kumain ka na nga!"

Tinawanan lang siya nito. "Buo na araw ko sa sinabi mo."

"Gabi na."

"Buo na rin gabi ko."




"SUSHI!" tawag ni Kuya Bert sa kanya.

She immediately waived her hands dismissively. Hawak-hawak ni Kuya Bert ang microphone. Ilang kanta na ang naubos nito. Salitan na lang ng mga kakanta, nagkataong hinuli ang birthday boy dahil kapag daw ito ang mauna, wala nang makakakanta.

"Halika na, nangako ka sa'kin ng kanta kaninang umaga."

"Hindi ho ako kumakanta, Kuya Bert! Si Pierce na lang ho." Inilapat niya ang isang palad sa likod ni Pierce at bahagya itong itinulak. Gulat na ibinaling nito ang tingin sa kanya.

"O, bakit ako?" turo pa nito sa sarili.

"E hindi ka pa kumakanta."

"Ikaw ang ni request. Hindi ako." Lumipat ito sa likod niya. Hinawakan siya sa magkabilang-balikat at itinulak siya sa harap. "Kaya kumanta ka na lang."

Pinahawak sa kanya ni Kuya Bert ang mic. "Kuya Bert 'di talaga ako kumakanta." Ano ba? Ba't pa kasi siya nangako kanina? Hindi niya naman inasahan na totohanin pala 'yon ni Kuya Bert.

"Okay lang 'yan Sushi. Lahat tayo rito singer."

"Pero kasi –"

"Sushi! Sushi! Sushi!" sigaw na ng mga bisita na kilala na rin niya dahil madalas niyang makita ang mga ito sa manggahan.

Nakagat niya ang ibabang labi. "Sige na nga. Mukhang wala na akong choice."

"'Yon!"

Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan. Natawa siya. Akalain mong may fans pa siya. Hindi naman pangit boses niya, madalas lang talaga flat 'yong timbre ng boses niya. Pero hindi naman papasang tone deaf siya. Hello! Nag-voice-lesson kaya siya noong bata. Perks of being rich, duh!

Inabot sa kanya ni Pierce ang makapal na song book. Actually, wala siya gaanong alam na kantang OPM. Wait! Nakita niya ang title ng kantang laging binibirit ng yaya niya noon. Sauludo na niya 'yon hanggang ngayon dahil halos araw-araw na lang din 'yon kantahin ng yaya niya.

"'Yan na lang," turo niya sa title.

"Sure kang alam mo 'yan?"

"Kakanta ba ako kung 'di ko alam. Sige na! Isalang mo na."

"Okay."

Lumapit si Pierce sa karaoke machine at pinindot ang mga numero ng kanta. Kanina pa siya aliw-aliw sa tuwing sinasabi ng machine ang mga napindot na numero. Lalo na kapag lumalabas na ang score may palakpak pa. Hindi ganyan ang karaoke set nila sa bahay. Masyadong tahimik.

Puwede niya kaya 'yong dalhin sa Maynila?

Mayamaya pa ay nagsimula na ang kanta. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mic at naghintay na magsimula ang lyrics.

"Lagi kong naaalala... ang kanyang tindig at porma... at kapag siya ay nakita kinikilig akong talaga. 'Di naman siya sobrang gwapo... ngunit siya ang type na type ko. Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko?"

Natawa siya sa ginawa ni Pierce. Nakataas ang dalawang kamay nito sa ere at nakawagay-way. Kasama nitong ginawa 'yon with Kuya Bert and Gab sa gilid.

"Minsan siya ay nakausap ako ay parang nasa ulap... Nang ako'y kanyang titigan sa puso ay anong sarap. Tunay na kapag umibig lagi kang mananaginip. 'Pag kasama mo siya ay ligaya na walang patid!"

Ngayon naman may sariling dance steps na ang tatlo. Mga baliw talaga! Naka-inom na rin kasi 'yang si Pierce at Kuya Bert.

"Mr. Kuuuupido!" binirit na talaga niya this time. May kasama nang sayaw. At sa pagkakataon na ding 'yon nasa likod na sila Pierce, Gab at Kuya Bert na naging back up dancer na niya. Nakangiti lang siya habang kumakanta. "Ako nama'y tulungan mo. Ba't hindi panain ang kanyang damdamin at nang ako ay mapansin?! Mr. Kuuupido! Sa kanya'y dead na dead ako. Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso kooooo!"

'Yon yata ang unang pagkakataon na nag-perform siya sa isang birthday event at nag-enjoy pa siya nang sobra.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro