Kabanata 12
"NASAKTAN na siya. Susugal pa kaya siya sa'kin?"
Nagtama ang mga mata nila. Hindi naman siya tanga. She's claiming it. Lahat ng mga parinig nito ay mukhang para sa kanya talaga.
"Do you like me?"
Halatang natagilin ito sa naging tanong niya. Even the color of his light brown eyes shifted from light to darker. Suddenly she felt his uneasiness. Guilt flashed through his eyes.
"Gusto mo ba ako Pierce?" ulit niya.
Napansin niya ang pagbaba at pagtaas ng adam's apple nito. Mayamaya pa ay bigla itong bumuntonghininga. Ibinaling nito sa hawak na supot ng marshmallow ang mga mata.
"As if I have a chance with you," amin nito sa mababang boses. Ramdam niya ang dismaya at lungkot sa boses nito.
"Kailan pa?" manghang tanong niya.
It's weird. Tila nagsasaya pa ang puso niya na malaman na may gusto si Pierce sa kanya. Their love and hate relationship was toxic to start with. And honestly, she never really thought, Pierce, will be fond of her.
Nakangiting ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Tatawanan mo lang ako e."
"Bakit naman kita tatawanan? Do you think I'll take your affection towards me as a joke?"
He pursed his lips as he continued playing with the marshmallow's plastic in his hand.
"Sa totoo lang, nagkita na tayo noon, but we were not properly introduced. Pumunta ako ng Costales building noong college ako para personal na pasalamatan ang Papa mo sa pagtulong niya sa pag-aaral ko."
"And you saw me there?"
Tumango ito. "I saw you in the lobby. You were smiling habang nagbabasa ng isang children's book – 'yong Aladdin. Naisip ko na ang cute tignan ng isang dalagang ngiting-ngiti habang nagbabasa ng children's book. It's very rare and you seem like you're enjoying it."
Sinubukan niyang alalahanin 'yon. "I think I remember." She gasped after. "Huwag mong sabihing na love at first sight ka sa'kin?"
Napakamot ito sa noo. "Yata?"
Namilog ang mga mata niya. "Hanggang ngayon?"
"Well minsan, na-di-discourage na rin dahil sa ugali mo kaso wala e. Tinamaan talaga yata ako sa'yo. Pang-loyalty award yata 'tong feelings ko sa'yo."
Natawa siya. "How can you still say that with a straight face?"
"You already got me. Alangan namang itago ko pa? 'Di naman tayo puwede. Your father will surely not be in favor. Sa lahat nang naitulong niya sa amin tapos ganito pa ang isusukli ko. Isa na si Lolo. Magagalit siya sa'kin at saka mukhang 'di mo naman ako gusto. So sige lang, hayaan mo lang ako masaktan."
Lalo siyang natawa. "Ang OA mo para sa isang lalaki."
"Nasasaktan na nga ako may lait ka pang kasama. Sige na, matulog ka na. Malalim na ang gabi."
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. Sure, she was beginning to like Pierce but she was not sure if it could be considered mutual with his romantic feelings. She doesn't want to hurt him. A fixed marriage is waiting for her when she gets home.
"I hope nothing will change between us, Pier," mayamaya ay wika niya.
Umangat ang isang kamay nito sa buhok niya at masuyong hinaplos 'yon. His usual smile was still there. "I'll be fine, Sushi. Nailabas ko na, siguro madali na lang para sa'kin na mag-move-on. Don't worry too much about me. I'll live."
Sa pagkakataon na 'yon, ngumiti na siya.
I'm really sorry Pierce for breaking your heart like this.
SA MGA sumunod na araw wala namang nagbago sa pakikitungo nito. He was still the same happy and bossy Pierce to her. Pero alam niya at ramdam niyang dumidistansya ito sa kanya nang kaonti and she didn't like it.
Lalo na't mas madalas na kausap nito si Mariel at mukhang masaya pa ang dalawa. Naninibugho siya. As if she usually used that term. Lumalim pa Tagalog niya. She shouldn't be acting like this.
Ending, umuwi siya ng bahay at hinugasan ulit lahat ng mga nahugasan na niyang baso at pinggan. Isinama niya pati kawali at lahat ng mga kubyertos. Pampatanggal stress. Ilang buntonghininga na ba ang nagawa niya? She couldn't count anymore.
Pagkatapos niya ay umakyat siya sa itaas pero hindi siya dinala ng mga paa niya sa sariling silid. Instead, she found herself inside Pierce's room. His familiar scent filled her lungs. Amoy pinagsamang puno at mangga talaga ang 'sang 'yon. Which makes him the Pierce Kyries Allede she had known.
Padapang humiga siya sa kama nito at niyakap ang unan. Ang weird na sabihin that she missed him e sa iisang bahay lang naman sila. But honestly, she really missed their banter. 'Yong walang awkward moments and all.
And now, everything and this whole complicated situation of them is stressing her out.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
NAGULAT si Pierce nang maabutan si Sushi na mahimbing na natutulog sa itaas ng kama niya. He could feel his heart drop from the mere sight of her beautiful form. May halong lungkot ang pagngiti niya.
Lumapit siya rito at tahimik na naupo sa gilid ng kama. Inalis niya ang ilang hiblang buhok na tumabing sa mukha nito. 'Yong minsan na nga lang siya magkagusto sa isang babae. Hindi pa puwede at hindi pa siya gusto.
Pero ganoon yata ang buhay, some things or persons in this world are not always meant for us to keep.
Akmang tatayo na siya nang maramdaman niya ang paghawak ni Sushi sa kamay niya. "Pier..." mahinang tawag nito sa pangalan niya. Mariing nakapikit ang mga mata at nakakunot-noo.
"Shsh, I'm here. I'm here," alo niya rito.
Sa gulat niya ay hinila siya nito pahiga at niyakap. Tumigil yata ng ilang segundo ang pagtibok ng puso niya sa ginawa nito. Isiniksik pa lalo ni Sushi ang sarili sa kanya. Humigpit pang lalo ang yakap nito sa kanya.
"Huwag... huwag kang umalis..." anito sa paos na boses. "Dito ka... lang... Pier..."
Sa huli ay napabuntonghininga na lamang siya.
Kung ganito ay paano pa ako makakaalis?
PAGGISING niya ay mag-isa pa rin si Sushi. Bahagya nang madilim sa labas. Wala pa rin ba si Pier? She was not sure if it was real or a dream, but she felt Pierce's warm body beside her – yakap – yakap din siya nito habang tulog siya.
Masama na talaga ikot ng utak at puso niya. Suddenly, she was no longer sure about her feelings for him. You've been there Sushmita. Stop committing the same mistake all over again. Oo, iba si Pierce but let's not complicate things.
Pababa na siya ng hagdan nang malanghap niya ang masarap na amoy ng ulam. She learned to love tuyong isda na may kamatis, suka at toyo. Masarap 'yong pang-ulam sa mainit pa na kanin. Nagutom siya bigla.
"Gising ka na pala," nakangiting bati sa kanya ni Pierce. "Tamang-tama, nakapagluto na ako. Maupo ka na rito."
"Kanina ka pa nakauwi?"
"Mga isang oras pa lang. Umuwi ka bigla?"
"Nakalimutan kong may gagawin ako sa bahay. Nagpaalam naman ako kay Ate Lita kasi busy ka." Busy sa Mariel mo. Inagaw niya rito ang hawak na plato. "Ginising mo na lang sana ako para 'di ka na nahirapan. Okay na ba 'yang kamay mo?"
"Thanks. Kaya ko naman e." Natanggal na ang cast ng kamay nito. "Saka hindi ko naman 'to ginagamit kapag may inaangat akong mabigat."
"Mabuti, dahil babalian ulit kita kapag 'di ka nakinig sa'kin."
Natawa ito. "Brutal mo naman, queen. Kumalma ka lang."
"Seryoso ako."
"Oo na! I know you care."
THE NEXT FEW DAYS was torture for Sushi. Sa tuwing kumakain sila ng lunch sa manggahan ay halos sila Mariel at Pierce ang tinutukso. Lagi pang nagtatabi ang dalawa. Hindi siya sanay. Naiinis siya. Oo, nasasaktan na siya. Hindi na siya natutuwa.
Nagiging-emosyonal siya, which isn't really her character. For the past 10 years, she has mastered living without any emotional feelings attached to her decision-making. She has molded herself to prioritize her logic instead of her heart.
Emotional feelings could lead to something else – something bad. In order to prevent her from disappointments, inauunahan na niya 'yon. It works better for her. Kaya wala siyang pinapapasok sa buhay niya. Kaya may trust issues siya.
And now, all of those principles hit her like a boomerang.
Hindi na siya natutuwa. Naiinis na siya sa sarili niya. Hindi na siya masaya. Naisip niyang madami pala siyang nilagay na limitasyon sa buhay niya. For once, she wanted to set her free from all of those.
Kaya nang busy ang lahat umalis siya.
Sobrang bigat na nang dibdib niya. Hindi na siya makahinga. Gusto niya lang umalis. Lumayo sa mga ito. Sa totoo lang walang kasalanan si Pierce o si Mariel. Walang kasalanan ang mga taong nakilala niya sa Guimaras.
Siya ang naglagay sa sarili niya sa ganoong sitwasyon.
At nang masigurong nakalayo na siya, saka lamang niya iniyak lahat.
She suddenly felt tired of everything. Bumuhos lahat ng luha niya. Nagtago siya sa isang puno at umupong umiiyak. The last time she broke down like that was when she was eighteen. Noong na realize niyang hindi pala totoo ang mga itinuring niyang mga kaibigan at nagpakatanga pala siya sa kunwaring pagmamahal ni Dion sa kanya.
Simula nang araw na 'yon, she never lets anyone get close to her in any form or way that they can use her for their personal gain.
But still, in the end, she was still miserable.
"Sushi?" Narinig niya ang boses ni Pierce.
Mabilis na pinunasan niya ang mga luha at tumayo. "Pierce, bakit? May kailangan ka ba?" Paano siya nito nasundan?
"Nakita kitang umalis. Hindi ka nagpaalam at hindi rin sa direksyon ng bahay ang dinaanan mo. Nag-alala lang ako." Akmang hahawakan siya nito nang talikuran niya ito.
"I-I'm fine," aniya, but still, her voice broke. "I'm okay." Her lips trembled from keeping herself from crying.
"Umiiyak ka ba?" Umiling siya. "May problema ba?" Umiling ulit siya. "Sushi, harapin mo nga ako." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinihit paharap dito. His eyes showed worry when he saw her state. "Bakit ka umiiyak, queen?"
"N-Naiinis ako..."
"Naiinis ka dahil?"
"Naiinis ako kasi lagi na lang kayong tinutukso ni Mariel," iyak na amin niya. "Naiinis ako kasi lagi kayong magkasama."
"Bakit ka naman maiinis dahil doon?"
"Naiinis ako dahil feeling ko ang layo mo na sa akin."
"Queen –"
"I hate feeling this way. Naiinis ako na lumalayo ka. Naiinis ako na hindi ka akin. I want you by myself. Selfish na kung selfish pero gusto kong sa akin lang ang atensyon mo." She buried her face on her palms. "Buwesit! Naiinis talaga ako."
Naramdaman niya ang biglang pagyakap nito sa kanya. "Ang possessive naman natin, queen." Then she heard him chuckled.
"Gusto rin kita," amin niya. Iniyakap niya ang dalawang braso rito at itinago ang mukha sa dibdib nito.
"Your father will hate me for this." Iniangat niya ang mukha rito. May lungkot sa mga mata nito sakabila ng ngiti nito. "I'm not the man he has chosen for you."
"Pero ikaw ang gusto ko. I'm sure he will understand. Kasalanan niya rin naman. Pinatapon niya ako rito."
"We'll think of other ways of telling them. Pero sure ka na ba? Ilang araw pa lang ang lumipas bago 'yong pagtatapat ko sa'yo."
"Sa tingin mo iiyakan kita kung 'di ako sigurado?"
"Ni minsan hindi ko naisip na iiyakan ako ng isang Sushmita Costales."
"Swerte m –" Before she could finish her sentence, he suddenly claimed her lips. Nagulat siya sa biglang paghalik nito sa kanya. It took her a few seconds before she could respond to his kisses. She closed her eyes and kissed him back without any hesitation.
Sinapo ng isang kamay nito ang mukha niya para pailaliman ang halik hanggang sa maramdaman niya ang matigas na katawan ng puno. Naisandal na siya nito roon nang hindi pinuputol ang halik.
Hinapit pa niya ito lalo sa katawan niya.
It was her first real kiss.
Natigil lamang sila nang marinig ang boses ni Mariel sa paligid. "Pier?!" sigaw nito. "Pier?"
Payakap na isiniksik pa lalo nilang dalawa ang katawan sa puno para hindi sila makita ni Mariel. Dinala ni Pierce ang isang daliri sa labi bago bahagyang sumilip sa likod niya.
"Na saan na ba 'yon? Dito ko lang 'yon nakita e."
Napalunok siya.
Bumalik naman ang mukha nito sa kanya. "Umalis na siya."
"We can't tell them yet," aniya. "Baka makarating 'to sa Lolo mo at magalit siya sa'yo." Lumamlam ang ekpresyon ng mukha nito. Naipikit niya ang mga mata nang gawaran siya nito ng masuyong halik sa noo. "Mag-isip muna tayo ng paraan kung paano natin ipagtatapat sa kanila ang totoo."
"Huwag mo munang isipin. Ako na ang bahala roon."
"Pero –"
"No buts, Sushi. I should take responsibility for you. Just give me more time, okay?" Muli siya nitong niyakap. "We'll be fine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro