Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

"OKAY lang kami, Lolo. Huwag kang mag-aalala sa'min. Sushi is fine. I'm –" Inagaw ni Sushi mula kay Pierce ang cell phone.

"Lolo, he's not fine!" dugtong niya. Nanggigil na pinanlakihan siya nito ng mga mata. She raised an eyebrow and smirk. "Nagpaka-hero na naman po ang apo ninyo."

"Pierce!" She put him in a loud speaker. "Ano na namang nangyari sa'yo?"

Napakamot sa noo si Pierce. "Konting galos lang po."

"Galos lang?"

"A broken arm," sagot niya para rito.

"Diskyateng bata ka! Bubong o puno naman ngayon?" Oh, so madalas pala talagang naaksidente ito?

"Bubong po lolo." Naglapat ang mga labi nito.

It's kind of weird but his vulnerable reactions after he was exposed amuses her. Para itong batang umaamin. Who would have thought na may ganoong side pala ito? Lolo lang pala ang katapat ng isang Pierce Kyries Allede.

"Ipatingin mo 'yan sa doktor agad."

"Opo."

"Sige na, tatawag ulit ako. Sushi, hija, ikaw na muna bahala sa apo ko. Pasensiya ka na."

"Sige po Lo," sagot niya. "Enjoy your vacation with my father."

"Salamat, ingat kayo riyan."

Pagbaba na pagbaba niya ng cell phone ay agad na nagsalita si Pierce.

"Bakit mo sinabi?!" nanggigil na tanong nito, in a moderate but loud enough voice.

A smug smile curved on her face. "So you have a weakness, Mr. Allede?"

"Don't start, Sushi," he said firmly.

"Takot ka pala sa lolo mo e."

"Hindi," bumuntonghininga ito, "ayoko lang mag-alala siya."

"I don't think so."

"Samahan mo na lang ako sa ospital. Ipapa-check-up ko na 'tong braso ko at baka ikamatay ko pa 'to." Tinalikuran na siya nito. Sa gulat niya ay bigla nitong inihagis sa kanya ang isang susi na may key chain ng mangga. "You drive the car for me."

"Do you even have a car?"

Nilingon siya nito mula sa mga balikat. "No, but I have a jeep," nakangiti na nitong sagot. Her jaw drop. That old jeep?!

"Are you kidding me?!"





LITERAL na sumakit ang braso, likod at kasukasuan ni Sushi sa pagda-drive ng jeep ni Pierce. For Pete's sake! She knows how to drive a manual type vehicle but she prefers the convenience of automatic cars. At hindi niya alam kung ilang century na 'tong manual jeep ni Pierce. Hindi lang katawan niya ang naalog pati na rin utak niya.

Hapong-hapo siya nang makauwi sila.

"Queen, okay ka lang?" he asked. Nasa likod lang niya ito habang papasok sila ng bahay.

"Don't ask. I'm tired. I wanna rest." Agad siyang humilata sa matigas na sofa. "I hate your jeep."

She heard him laugh. "At least na experience mo. Kung wala kang magawa sa Maynila pwede ka nang mamasada."

She groaned. "I'd rather sulk in the four corners of my office."

Naupo ito sa dulo ng sofa. Napasinghap siya nang maramdaman ang isang kamay nito. Bigla nitong iniangat ang dalawa niyang binti sa kadungan nito.

"Pierce!" bangon niya. She propped her elbows as support. "What are you doing?"

"Hindi ako makaupo nang maayos," inosenteng sagot nito.

"Pwede naman akong mag-adjust for you."

"Talaga mag-a-adjust ka for me?"

She roll her eyes at him. "Duh!" Akmang tatayo siya nang mariing mahawakan nito ang dalawang binti niya ng isang kamay. "Pierce! Ano ba?"

"Queen may kiliti ka ba sa paa?" Kumunot ang noo niya. "Check natin –" Bago paman siya maka-react ay nagawa na nitong kilitiin ang mga daliri niya sa paa at ang talampakan niya.

"God! Pierce." Napahiga siya ulit sa sofa. She couldn't help her giggle and laugh. But in her mind naiinis siya. Damn you Allede! "Ano ba?!" Inabot ng isang kamay niya ang likod nito at pinalo. "Tama na!" Ayaw na ayaw niyang hinahawakan ng ibang tao ang paa niya. Nakikiliti siya.

"So you have a weakness, ha, queen?"

Bumangon siya para hawakan ang isang kamay nito. Ramdam niya ang pamamasa ng sulok ng mga mata niya sa kakatawa. "Tama na! Kung wala lang 'yang cast mo... sinipa na kita..." Hiningal siya sa katatawa. "Lakas ng trip mo."

"Pinapatawa lang kita. Masyado kang stress. Galit ka na naman sa mundo."

Napatitig siya rito. He was still smiling. "E ano naman?" pagtataray pa rin niya. "Problema ko na 'yon."

"Ayoko kasing nakikita kang naiinis at nakabusangot." Gamit ng dalawang daliri nito ay pinilit nitong pangitiin siya. "Gusto kong nakangiti ka lang. Gusto ko masaya ka lang."

"Bakit?"

"It suits you best when you're genuinely smiling. Lalo kang gumaganda." Bigla-bigla ay malakas na kumabog ang puso niya. Halos mabingi siya sa lakas nun. It had been a while since she has heard that familiar beat. "Lalo na kung ako ang dahilan ng 'yong pag-ngiti."




KANINA pa mainit ang mata ni Sushi kay Mariel at Pierce. Panay kasi ang alalay ng babae kay Pierce kahit 'di naman na kailangan. Humigpit ang hawak niya sa tungkod na kahoy na nakita niya kanina. Nagwawalis siya kanina sa paligid at ilang basura na ang naisako niya pero may basura pa siyang gustong isako.

"Ako na riyan, Pierce," presinta na naman ni Mariel.

"Okay lang, Mar. Si Kuya Bert na gagawa. Magpahinga ka na lang muna."

"Dapat magpahinga ka na habang buhay," she whispered to herself; indirectly suggesting it to her.

"Okay naman, baka ko, mahirapan ka. Hindi pa masyadong magaling ang braso mo."

Girl, malapit na 'yang gumaling. Ayaw niya pa lang ipaalis ang sling kay Pierce just to make sure.

"Sushi, okay ka lang ba?" tanong sa kanya ni Aling Lita. Syempre, matalim ang tingin sa harap. Nakabusangot na nakaupo sa kawayang upuan. Mahigpit pa hawak sa tungkod na para bang may sasaktan siyang tao. "Naiinitan ka na ba?"

Umiinit na mga mata niya sa Mariel na 'yan.

But wait! Naikiling niya ang ulo sa kaliwa niya. Why is she acting like a jealous girlfriend? Napamaang siya. God, she must be out of her mind. Siya? Si Sushmita Costales, nagseselos sa isang Pierce Kyries Allede? No! No! That's absurd.

She just doesn't like Mariel that much. And she can feel it too – hindi rin siya gusto ng babae. Mariel sees her as a threat. Come to think of it, threat naman talaga siya. Mas maganda siya. Mas sexy. Mas matalino. Mas mayaman. Name it, Sushi has it all.

"Gutom ka na yata e. O, 'to, mag-saging ka muna." Pinahawak sa kanya ng ginang ang saging.

Ibinaling niya ang tingin kay Ate Lita. "Simula ba pagkataba, magkasama na sila Pierce at Mariel?" tanong niya. Fine, she's curious.

"Classmate sila since kinder pa. Nagkahiwalay lang noong mag-kolehiyo na si Pier. Saka matagal nang gusto ni Mariel si Pier. Kaso nga lang mukhang wala namang balak manligaw 'tong si Pierce. Ewan ko ba sa batang 'yan. Sinabihan na namin na wala namang masama kung susubukan niya. Mabait naman si Mariel saka masipag."

Binalatan niya ang saging at nagsimulang kumain. "Ah ganoon ba?" Naisip niya bigla 'yong mga ideal na sinabi sa kanya ni Pierce. Kung iisipin niya, talagang pasok sa criteria si Mariel. Pero bakit 'di nilagawan ni Pier?

Choosy?

Oh! Baka bakla ito?

"Oy pakagat!" Pagbaling niya ng tingin ay halos maubos ni Pierce ang saging. Pawis na pawis ang mukha nito at amoy sikat ng araw pero kataka-takang hindi man lang siya nandiri. Rather, she liked his scent. Kaso mukhang hindi naman bakla ang 'sang 'to. So choosy lang talaga. "Patulong ako, queen." Inabot nito sa kanya ang puting bimpo. "Papunas ako ng likod. Okay lang ba?"

"Ano ka bata?"

Natawa ito sa kanya. "Minsan lang naman ako magpatulong. Sige na."

"Ba't di si Mariel utusan mo?"

Nasa malayo ang babae. Tinutulungan si Kuya Bert.

"Busy e. Saka wala ka namang ginagawa." Kumuha pa ito ng mga snacks na inihanda ni Ate Lita. "Nagutom ako bigla. Sige na, punasan mo na."

"Umayos ka!" Pinatalikod niya ito bago ipinasok ang bimpo sa pawisang nitong damit. "Magpalit ka nga ng damit."

"Mamayang lunch. Pahinga lang ako nang saglit."

Napansin naman niya ang kakaibang ngiti sa mukha ni Ate Lita. Panay ang pagbaling-tingin nito sa kanila.

"Bagay pala talaga kayong dalawa," hindi nakatiis na komento nito.

"Oo nga e," sagot naman ni Pierce. "Kaso may naghihintay na prince charming sa kanya sa Maynila." Bahagya niya itong itinulak pagkatapos mailagay nang maayos ang bimpo sa likod nito. Natawa ito at umayos ng upo. "Saan lulugar ang isang poor charming na katulad ko?"

"Kapag ikaw na fall sa'kin Pierce, hinding-hindi kita sasaluhin."

"Ouch." Umakto itong nasaktan.

Natawa lang ang ginang sa kanilang dalawa. "Kapag kayong dalawa nahulog sa isa't isa, ewan ko na lang sa inyo."

Naibaling niya ang tingin kay Pierce. He was still smiling but he was no longer looking at her. May something sa expression ng mukha nito na hindi niya mabigyan ng kahulugan. Or was she just thinking too much?

Pierce would never fall in love with her.




NATAGPUAN ni Sushi si Pierce na mag-isang nakaupo sa kawayang upuan sa labas. Katabi nito ang isang lumang itim na radyo na madalas nitong dalhin sa kung saan man ito. Mula sa second floor ay naririnig niya ang kanta mula sa radyo.

Bumaba siya para samahan ito.

Naupo siya sa tabi nito. "Gusto mo?" alok nito sa kinakaing marshmallow.

"Strawberry ang packaging pero hugis puso ang marshmallow?" Kumuha pa rin siya. She like strawberries anyway. "It doesn't make sense."

Natawa ito. Ipinakita sa kanya ang packaging nun. "Strawberry flavor," basa nito sa nakasulat sa plastic. "Hindi naman sinabing strawberry rin ang shape." Kumuha ito ng isang hugis pusong marshmallow at ibinigay 'yon sa kanya. "'Yan, puso ko. Matamis 'yan."

"Ewan ko sa'yo."

Pero kinain pa rin niya 'yon. "Ingatan mo puso ko, ha?"

"Ida-digest ko lang 'yan," she chuckled.

Ilang segundo silang binati ng katahimikan maliban sa tugtog mula sa radyo.

"So queen, hindi ka ba naliligawan?"

"Are you even allowed to ask me those personal questions?"

"Well, it's part of our getting to know each other. Madami na akong na-i-kwento sa'yo. It's your time to shine."

"Ano bang makukuha mo kapag ikinuwento ko sa'yo?"

"You'll feel better?"

Naibaling niya ang tingin dito. "Really?" taas kilay niyang balik tanong.

"Oo naman, sometimes, you have to let go of those bad things in your life, so you'll be this fat-free." Turo pa nito sa malaking print nung FAT-FREE sa packaging ng marshmallow. Natawa siya. Loko talaga! "Pero may 100 calories pa rin." Binaliktad nito ang plastic. "Mabigat pa rin sa katawan."

"Hindi ko alam kung seryoso ka o hindi."

"Seryoso ako," nakatawang sagot nito. "So ano nga? Spill the beans? Bago ako dumating sa buhay mo. Sino nauna?"

"Wow, ha?" She paused for awhile. Hindi niya alam kung tama ba na mag-open-up siya kay Pierce. Kahit na sa mga magulang niya ay hindi siya naging vocal sa mga pinagdaraanan niya. This would be her first. "Sigurado ka bang gusto mong malaman?"

"Oo naman. You can share it with me."

"Well, how do I start?" She paused for a moment. "Noong college ako, may nagustuhan akong lalaki. He was the definition of my Mr. Right, but he turned out to be an asshole." There was a bitterness in her smile. "Sa tuwing naiisip ko na na minsan ginusto kong suwayin ang ama ko dahil sa kanya, para akong nandidiri sa sarili ko. Growing up, my parents have instilled me the idea that someday, when I'm old enough, I'll have to marry the man they've chosen for me. Dahil 'yon ang ikabubuti ko at ng kompanya namin. Pero 'di nila alam, minsan sa buhay ng isang Sushmita Costales, ginusto niyang kumbinsihan ang mga ito na hayaan na lamang siyang mahalin ang taong gusto niyang mahalin."

"I didn't grow up in a kind of family na vocal sa nararamdaman ng isa't isa - 'yong may close bond talaga; like Kuya Bert's family and yours. My parents were too busy with our family businesses. I never had real friends plus I'm an only child. Yaya ko lang madalas kasama ko. At para pansinin nila ako, I must excel in school or let them buy everything I need and didn't need. Para kasi sa kanila, okay na 'yon. Sapat na 'yon. So having someone, na medyo weird na laging nakabuntot sa'yo at pinaparamdam sa'yo na kailangan ka nila or you're special in their lives, parang ang sarap sa feeling."

"Anong ginawa ng lalaking 'yon sa'yo?"

"Skeptical ako sa maraming bagay pero feeling ko, mahina ako pagdating sa pag-ibig. God, I can't believe I'm sharing these things to you."

"Hindi naman kita huhusgahan. Marupok din naman ako," he chuckled.

"Pierce!" she groaned, ashamed already by her confession.

Tumawa ito at inisang yakap siya sa braso. "It's okay, queen. Our flaws do not define our worth as a person. Mahal tayo kapag ibenenta tayo ng chop-chop sa black market."

"What a terrifying comparison," she chuckled.

Muli lang siya nitong tinawanan. "Mabalik tayo, niloko ka ba niya?"

"Well, pinagmukhang tanga at niloko. Sobrang sipag niya sa panliligaw niya. I thought he really cared for me. Na tanggap niya kahit ang masama kong ugali. Pero may ulterior motives pala siya. He wanted an internship in Costales kaya ibinigay niya sa'kin ang CV niya para ako ang personal na mag-recommend sa kanya. Mahirap kasi na makapasok sa Costales."

"Sushmita?!" Namilog ang mga mata ni Pierce.

"I know! I know! I was naïve at that time, okay?"

"Did he get the internship?"

"Of course! I threatened the HR Manager."

Amuse na amuse ito sa kwento niya. Siya naman, gusto niyang kutusan ang sarili. She hate that part in her life. She's too naïve, stupid and vulnerable.

"I did that because I love him – well, loved."

Natawa ito. "I can't believe you did that. I didn't expect that from you."

"You can't blame me if I have trust issues. Feeling ko kasi lagi lumalapit ang tao sa'kin kasi kaya kong ibigay sa kanila ang gusto nila. I'm not really like this back then. Well, masama na ugali ko but it got worst after that jerk used me for his own gain."

"Ilang taon ka noon?"

"Eighteen pa lang."

"At nasaan na 'yong lalaking nanloko sa'yo?"

"I fired him when I became the Vice President of Costales."

"Wow! So the jerk got his own medicine?"

"Ayoko lang nang mga ganoong tao sa kompanya ko. Baka mahawa ang iba at maging katulad din niya."

"Savage."

This time, proud siyang ngumiti kay Pierce. "Sushi's sweet revenge. But please take note that it wasn't just because of a personal grudge. I discovered something about him – dirty work inside his department. I gathered all proofs and used those to make him resign on his own."

"That sucks! Pero ang lakas ng loob niya na lumapit sa'yo kahit alam niyang anak ka ng may-ari ng Costales."

"'Yan ang mga klase ng tao na nasa results lang ang focus at hindi sa consequences. Inisip siguro niya na tanga ako. Well, he did a terrible mistake with that."

"Tanga ka lang sa pag-ibig."

"Don't start!"

"Ako rin tanga sa pag-ibig. Bagay tayo." Tawang-tawa ito pagkatapos.

"Loko ka! Sa tanda mong 'yan wala ka talagang naging karelasyon?"

"May niligawan naman ako dati. Kaso 'di talaga nag-work. Kaya hayon, inalay ko na lang ang buhay ko sa mga puno ng mangga."

"Buti sana kung mabibigyan ka ng anak ng mga punong 'yan."

"Nagbubunga naman sila –"

"Ng mangga," dugtong niya.

"Kapag nanligaw ako sana ipaglaban niya ako."

Kumunot ang noo niya. "Bakit 'di ka niya ipaglalaban?"

"Nasaktan na siya e. Susugal pa kaya siya sa'kin?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro