Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas. Naghuhugas ng plato si Sushi habang hinihintay na makabalik si Pierce. Tinawag kasi ito ni Kuya Bert kanina, nagpapatulong dahil mukhang hahagipin na nang malakas na hangin ang bubong ng bahay ng mga ito.

Sumilip siya sa bintana na malapit sa sink counter. Ang lakas ng hampas ng hangin sa mga puno. Tila hahaklitin pa yata ang yero ng bahay. Pero sabi naman ni Pierce ay matibay 'yon kaya 'di na rin siya masyadong nag-aalala.

This is the very first time na naramdaman niya ang isang bagyo. Away from the comfort and security of her well built mansion. Kinakabahan siya sa tuwing naririnig niya ang tunog ng yero at ang malakas na paghampas ng kung ano sa mga bintana.

"God, protect this place," she silently prayed.

Signal number two ang Guimaras sa bagyo. Kaya nga agad na nag-imbak si Pierce ng pagkain para sa kanila – good for a couple of days. Naging busy rin ito sa plantasyon ng mangga dahil tiyak apektado ang mga puno nito sa bagyo.

Pinupunasan na niya ang hawak na baso nang dumulas 'yon sa mga kamay niya. Nabasag 'yon sa sahig. Kasabay nun ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. She may seem like a person who thinks nonsense in superstitious beliefs, but she believes in signs.

Hindi niya alam kung bakit agad na pumasok sa isipin niya ang pangalan ni Pierce.

"Pierce!"

Iniwan niya ang ginagawa at kinuha ang malaking kapute sa kwarto ni Pierce. Umbrellas are no use in this kind of storm. Malapit lang naman ang bahay nila Kuya Bert at ayon sa balita sa radio kanina ay mamaya pa mag-la-landfall ang bagyo sa Guimaras. Sinigurado niya rin munang sarado na ang buong bahay bago siya umalis.

Sobra siyang nahirapan sa paglalakad. Isama pang malaki sa kanya ang bota at maputik na sa daan. Bumabaon ang paa niya sa putikan. Ang lakas pa ng hangin, halos tangayin siya nun. Ilang dahon na ang dumikit sa mukha niya. 

But damn, she didn't care! Bagyo lang ito, she's Sushmita Costales.

"Kuya Bert! Pierce!" sigaw niya nang makita na niya ang bahay. "Ate Lita!"

Agad na sumungaw ang ulo ni Gab mula sa bintana. "Ate Sushi?!" Nawala ito at pinagbuksan siya ng pinto. "Ate Sushi bakit ka sumugod dito?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

She's out of breath. Feeling niya may naka-lock na limang kilong metal ball sa paa niya. But relief will never reach her heart kung 'di niya masisigurong walang ano mang nangyaring masama kay Pierce.

"Ang Kuya Pierce mo?" hinihingal niyang tanong nang pumasok siya sa bahay.

Napakamot ito sa noo. "Nasa kwarto nila tatay, nahulog kasi siya kanina. Mukhang masama ang pagkakahulog dahil masakit daw 'yong kanang braso niya –"

"Pierce!" Iniwan niya si Gab at hinanap ang eksaktong kwartong tinutukoy nito. Tatlo lang naman ang pinto sa ibaba dahil wala na 'yong second floor. "Pierce!"

"Ate Sushi, relaks lang po. Okay naman na si Kuya Pierce."

Bumukas ang isang pinto at lumabas mula roon si Kuya Bert. "Sushi, nandito si Pierce." Tumabi ang matanda at hinayaan siyang makapasok sa loob. Magulong-magulo pa ang ayos niya at ang putik pa niya. But she didn't care how awful she looks at the moment. "Ginawan na muna ni Lita ng sling ang braso ni Pierce para hindi niya magalaw."

Nandoon si Pierce. Nakahiga sa kama, may arm sling ang right arm nito. He looks fine despite those few scratches on his right cheek and forehead. Halatang nagulat ito nang makita siya. Kumunot naman ang noo niya.

"Sinabi ko nang huwag ka nang lumusob sa ulan e! Pero matigas talaga ang ulo mo." Hindi niya maiwasang maisatinig ang inis niya. "Ang tingin mo yata sa sarili mo, superman!"

"Pasensiya na Sushi," ni Kuya Bert. "Sanay naman sa mga bagyo ang batang 'yan. Ngayon lang minalas."

"Malayo naman 'to sa bituka. Saka konting pilay lang nam –"

"What if it's worst than that, ha?" she cut him off. "Malayo ang ospital n'yo rito. And who knows, kung kailan titila ang ulan?" Napabuntonghininga siya. "Paano kung kailangan pala 'yan ng immediate surgery at hindi simpleng arm cast lang?!"

"Kuya Bert, Ate Lita, iwan n'yo muna po kami ni Sushi." Lumabas ang dalawa at iniwan sila. "At ikaw queen, bakit sumulong ka rito? Alam mo bang delikado 'yang ginawa mo?!"

"You're changing the topic!"

"But I'm okay. Kita mo nga, oh. Buhay pa ako. Konting galos at pilay lang."

"I was worried, okay?" Nagpupuyos pa rin sa inis ang puso niya. She was not sure why she's acting this way. Pero naiinis siya sa idea na madalas nitong ilagay sa delikadong sitwasyon ang sarili nito para sa ibang tao. "I can't help it."

Napatitig ito sa kanya. "Nag-aalala ka sa'kin?"

"Ano ba tingin mo sa'kin? Bato? Evil spirit? Walang konsensiya? Ano sa tingin mo ang iisipin ko kung aksidente kung mabasag ang baso?"

"At ako agad ang naisip mo?"

Kumunot ang noo niya lalo nang sumilay ang ngiti sa mukha nito.

"O, ba't nakangiti ka pa riyan?" asik niya rito.

"Wala naman, ang tingin ko kasi sa'yo, hindi ikaw ang tipo na naniniwala sa mga ganoong mga pangitain."

"Then Mr. Pierce Kyries Allede, you're wrong!"




NAKAUWI na sila ng bahay. Hindi na gaanong malakas ang buhos ng ulan pero mahangin pa rin. Walang kuryente kaya lampara lang ang gamit nila. Naging instant nurse pa siya ni Pier. Pinagluto, sinubuan at inasikaso.

Na hindi niya ugali talaga.

"Tutulungan na nga kita," insist ulit niya sa ilang beses na pag-a-attempt niyang tulungan itong mahubad ang suot nitong t shirt. "Ang OA mo naman. Wala namang mawawala sa'yo."

"Makikita mo ang gandang katawan ko."

"Nakita ko na 'yan. Loko ka! Lagi ka namang naghuhubad ng damit." Pinalis niya ang libreng kamay nito at siya na mismo ang unti-unting nagtaas nun. "Lakas mong rumampa sa bahay na walang pang-itaas pero pa virgin ka pala." Ingat na ingat siyang huwag masagi ang nasaktan nitong braso.

Natawa ito. "Hindi ako sanay na hinuhubaran ng babae."

"Ikaw?" Maniwala kamo siya. "Madami ka na sigurong naikamang babae."

"Ganoon ba tingin mo sa'kin?"

"Well, most men treat sex as leisure."

"Ibang klaseng trip 'yan. Saan ko naman gagawin 'yon? Sa damohan? Sa mga kubo? E wala nga akong girlfriend."

"Hindi n'yo naman kailangang magkarelasyon para gawin 'yon, duh!"

"So puwede nating gawin 'yon?" may malokong ngiting tanong nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Subukan mo lang!" Dinuro niya ito. "At dalawa na 'yang braso mong i-ka-cast ng doktor."

Tumawa ito. "'To naman 'di na mabiro. Takot ko lang sa Lolo  ko at ama mo. Baka 'di na ako abutan ng umaga kapag may nangyari nga sa atin."

Ipinasuot na niya ang bagong damit rito.

"May naghihintay sa'kin sa Manila. 'Yong gusto ni Papa para sa'kin. Kaya huwag kang ma-in-love sa'kin."

"Paano kung ikaw 'yong ma-in-love sa'kin?"

Nagtama ang mga mata nila. "I don't believe love is for me –" Bigla naman siyang napasigaw nang marinig ang malakas na pagsara at pagkalabog ng isa sa mga bintanang binuksan nila. Naipikit niya ang mga mata at napahilig sa dibdib ni Pierce.

Ramdam niya ang malakas ng tibok ng puso niya dahil sa gulat at kaba.

"Pero paano kung, I'm for you?"

Marahas na naiangat niya ang mukha kay Pierce. Sobrang lapit na pala ng mga mukha nila. Hindi na tuloy niya alam kung ang erratic heartbeat na 'yon ay dahil sa malakas na kabog ng bintana o dahil sa halos gahibla na lamang ang distansiya ng mga labi nila.

Napalunok siya. Sushi, focus!

"Alam mo, sa kagaganyan mo sa'kin Pier, hindi malabong ma-in-love ka sa'kin."

"Alam ko."

Pero parang hindi naman ito apektado.

"Masasaktan ka lang."

"Alam ko."

Lumayo siya rito. "Alam mo naman pala e. Bakit ganyan ka pa rin nang ganyan?"

"May mga bagay kasi rito sa mundo na kailangan mo pa ring i-treasure kahit na panandalian lang. At least, kung masaktan ka man, alam mong naging masaya ka pa rin."

"That's really a horrible logic. 'Yang mga taong ganyan. Sila 'yong naka lign up na barilin sa Luneta."

Natawa ito. "Pag-iisipan ko pa."

"Anong pag-iisipan mo?"

"Pag-iisipan ko paano gawing panghabang-buhay ang panandalian."

"It's like thinking of moving two maintains with your bare hands."

"Kaya nga we move mountains by faith."

"Whatever!"

Tumayo na siya at tinungo ang direksyon ng pinto. "Matutulog na ako."

"Sigurado ka bang kaya mong matulog mag-isa na madilim?"

"My faith is bigger than my fear of ghosts."

"Naks naman! Sana all."

Still, hindi niya napigilan ang mapangiti. Loko talaga!




UMUULAN pa rin kinaumagahan. Naabutan ni Sushi si Pierce sa sala na nakatingin sa labas mula sa nakabukas na bintana. Tumayo siya sa likod nito. Madami nang punong natumba at nagkalat na rin ang mga basurang tinangay ng malakas ng hangin sa kung saan-saang direksyon. Malaki talaga ang pinsala ng bagyo.

"Worried about your mangoes?" she asked.

Tumabi siya rito.

"Magiging busy pero makakabangon pa rin naman. Hindi naman natin hawak ang lagay ng panahon. May mga panahon talaga na nasusubok tayo," nakangiting sagot nito.

"I honestly admire your optimism. Parang 'di ka marunong magalit at mainis sa mga unfortunate things na ibinabato sa'yo ng mundo."

"Lumaki kasi akong maliit lang ang expectation sa mga bagay. Marunong akong mangarap pero may nilalagay akong limistasyon sa mga pangarap na 'yon. Hindi lang halata pero medyo pessimistic ako pagdating sa sarili kong gusto. Gaya nga ng sabi ko, magaling ako mag-advice pero hindi lahat nang mga 'yon na-a-apply ko sa sarili ko."

"Allergic ka yata sa salitang selfishness. Wala namang masama kung minsan gustuhin mong unahin ang sarili mo. Hindi mo naman utang na loob sa ibang tao ang kaligayahan mo. Hindi ka pinanganak sa mundong 'to para gawin ang gusto ng ibang tao para sa'yo. You don't let others abuse your kindness, but you're being too hard on yourself – abuse pa rin 'yong matatawag dahil masyado mong nililimatahan ang sarili mong piliin ang mga bagay na magpapasaya sa'yo."

Ilang segundo itong natahimik – malayo ang tingin.

"Mabuti kang tao Pierce, unfortunately." This time, bahagya itong natawa. Napangiti siya. Sa isang buwan niya sa Guimaras. Madami na rin naman siyang natutunan mula rito. Mas nakilala pa niya ito. "It's not in my nature to give compliments and advice. Pero kung ako sa'yo. Matuto kang ipaglaban ang mga bagay o tao na nagpapasaya sa'yo. Kasi kapag, 'di mo 'yon ginawa – mawawala sila. It's the same in business. Know your customer's wants and needs. Give what they need. Build a connection with them hanggang sa maging long term partners mo sila."

"I think that advice is for both of us." Sabay silang napatingin sa isa't isa. "I-apply mo rin 'yan sa mga empleyado mo. Know their needs. Give it to them if it's for the good. Build a connection, hanggang sa maging long term partners mo sila. I assure you, Sushi. If you make them feel appreciated with their hard works – loyalty at pagpupursige ang ibabalik nila sa Costales."

She gets Pier's point. May trust issues lang talaga siya. But she'll thoroughly give it a thought. It wouldn't be easy, but she will do her best to give it a try.

"Do your part and I will do mine."

Itinaas nito ang pinky finger nito sa kanya. "Deal?"

She links her pinky finger to his. "One step at a time, but yes, it's a deal."

Pagkatapos ay umangat ulit ang kamay nito sa kanyang ulo at masuyong hinaplos ang buhok niya. Hindi niya maiwasang mapatitig sa nakangiti nitong mukha. Hayon na naman ang pamilyar na irregular heartbeat niya. Bakit ganoon ang epekto nito sa kanya?

"Ano ba ang ideal mong babae?" bigla-bigla ay naitanong niya.

Damn it, Sushi! Seriously? You never ask those kinds of questions.

Bumaba ang kamay nito. Natuon ang atensyon nito sa kanya. "Bakit mo naman naitanong bigla?"

"Wala lang," she shrugged, "baka ko, may kilala akong puwede para sa'yo."

"Gusto ko 'yong mabait."

"Kung pareho kayong mabait, mamamatay agad kayong dalawa. Maagang kinukuha ang mga good grass."

Natawa ito. "'Yong, palaging nakangiti."

"Mapagkakamalan siyang baliw."

"'Yong parang crowd's favorite na lang, 'yong malapit sa tao."

"Feeling close."

"O, 'di isang katulad mo na lang, tutal ang ugali mo hindi naman pasok sa mga ideal na binanggit ko."

She glared at him. "It sounded as if napipilitan ka lang."

Lalo itong natawa. "Ewan ko sa'yo."

"Ewan ko rin sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro