Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4-Silver Spoon

Chapter Three

SI Walter na ang nagtuloy ng pagluluto. At katulad ng sinabi nito, attentive na pinanood ni Annika ang lahat ng ginagawa ng binata. Tumitilamsik ang mantika habang nagpi-prito ito ng tinapa kaya bahagya siya nitong pinalayo.

"Ang technique d'yan para hindi ka mag-shower sa kumukulong mantika, tatakpan mo nito," kumuha ito ng takip ng kaldero at itinakip sa kawali.

Tumango lang siya, ina-absorb ang lahat ng nakikita at sinasabi nito.

Everything was all new to her. Para bang nang matira siya sa bahay na iyon kasama nito ay parang napunta siya sa ibang mundo. Lahat ay bago sa kanyang paningin. She grew up with a nanny. Halos lahat ng pangangailangan niya ay inihahain na lang sa kanyang harapan. Nagka-interes man siya sa pagluluto, hindi siya kailanman pinahawak ng kanilang mga kasambahay ng mga kitchen utensils para makaranas ng pangungusina.

Ngayon lang. At si Walter, he seemed like a different person. He's far from the sweet and gentle guy that she met. Was it because of her? O dati na itong ganoon. She never saw this bad boy side of him. Hindi niya alam kung lalong maa-attract dito o matatakot. Oo, aminado naman siyang nagka-crush siya sa binata mula nang una silang magkita nang personal. Pero ang nakilala niyang Walter ay malambing, parating banayad magsalita at hindi nagmumura. Iyon nga yata ang dahilan kaya siya nagka-crush dito. Pero sa loob ng isang linggong iyon ay nakita niya ang ibang side ng pagkatao nito.

Will she like him more or fear him?

Napatingin siya sa kanyang daliri. Isang ngiti ang unti-unting nagkaporma sa kanyang mga labi saka palihim na sumulyap dito. He's still the same sweet guy that she knew. Maalalahanin pa rin ito sa kabila ng kasungitang ipinapakita nito sa kanya.

"Kakain na tayo."

Namumulang nagbawi siya ng tingin at naghanda na ng dalawang plato, baso at kubyertos.

"Mas masarap kumain ng tinapa kapag nakakamay."

Lagi nitong sinasabi sa kanya na masarap kumain nang hindi gumagamit ng kubyertos. But force of habit, lagi pa rin siyang naglalagay ng kutsara't tinidor. Noong una nga naghanap pa siya ng place mat. Pinagtawanan lang siya nito.

Nang maupo si Walter ay naupo na rin siya. Hindi niya alam kung anong isda iyong nakahain sa harapan nila. Ang kilala niya lang na isda ay tuna at lapu-lapu.

"Kain na," ipinaglagay siya nito ng tinapa sa kanyang plato.

Nagsandok na ng sariling kanin si Annika. Pasimple niya itong pinanood kung paano kumain.

"Kamatis at okra para lalo kang kuminis at gumanda."

Pinigilan ni Annika ang mapangiwi. Piling-pili lang ang kinakain niyang gulay. Mostly all the veggies on vegetable salad. But not okra, for heaven's sake. Madalas din siyang pilitin ng mga kapatid niyang kumain ng iba't ibang gulay. Lalo na ang kanyang Kuya Vincent. Sa dalawa niyang kapatid ay ito ang health buff palibhasa model. Kaso kapag ayaw ng bibig niya, ayaw din ng kanyang tiyan. Sumisipa ang sikmura niya.

Nakita niyang isinawsaw ni Walter sa kamatis na may asin ang steamed okra. Parang sarap na sarap nito iyong nginuya sabay subo ng kanin at kapirasong laman ng isda. Nakakamay lamang ito. Ang sarap nitong panooring kumain. Magana at walang kaarte-arte.

Naisip niyang gayahin na lang ito at baka magalit na naman sa kanya. Iisipin niya na lang na parte ng parusa nito sa kanya ang pagkain ng okra.

Kumurot siya ng isda. Pero mabilis na napaurong ang kamay niya nang mapaso.

Napapalatak si Walter saka kinuha ang plato ni Annika. Hinimay nito ang isda nang walang kahirap-hirap.

"Hayan, ayos na?"

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon," halos pabulong lamang na sabi ng dalaga.

"E, baka abutin na tayo rito ng almusal kung paghihimay lang ng isda ay hindi mo pa matapos-tapos."

Hindi na lamang siya kumibo at tahimik nang sumubo ng isda at ulam. It was her first time to eat tinapa or smoked fish. Masarap naman pala, lalo na kapag isasawsaw sa kamatis.

"Ayaw mo ng okra?"

Alanganin siyang umiling o tumango.

"Kung ayaw mo, okay lang. Paborito ko 'to. Ako na lang ang kakain."

Nakahinga si Annika nang maluwag. Akala niya talaga magagalit ito.

"Anu-ano bang gulay ang kinakain mo?"

"Uhm, carrots, broccoli, cabbage—"

"Teka, teka. Wala bang pang-masa?"

"Pang-masa?"

"Oo. Talbos ng kamote, talong, kangkong, sitaw o sigarilyas."

"Sigarilyas?" Ano ba ang hitsura ng gulay na iyon? Saloob-loob ng dalaga. Bukod sa bago lang sa pandinig ni Annika ang pangalan ay duda siyang nakatikim na siya ng ganoong gulay.

Umiling siya.

"Patay na. Paano kita bubuhayin n'yan?"

"Ha?" Did he mean what she thinks he means?

"Ibig kong sabihin," nilunok nito ang kinakain. "Sa liit ng sinasahod ko, kulang na kulang 'yon kung mga ganyang gulay lang ang kinakain mo."

"I-I can adjust."

"Kaya mo kaya?"

"You know what they say, if there's a will there's a way."

"Okay. Sabi mo, eh."

Nang matapos silang kumain ay magkatulong silang nagligpit. Ito na ang naghugas ng mga plato dahil bawal daw mabasa ang sugat niya sa daliri. Pinunasan na lang niya ang mesa at inayos ang ginamit nilang upuan.

Tapos nang maghugas ng mga plato si Walter nang may maramdamang kakaiba si Annika sa kanyang mga labi. Parang nangangati ang lips niya.

Naisip ng dalaga na kailangan niya lang sigurong magsepilyo. Inilabas niya ang kanyang mga toiletries at pumasok na siya ng banyo. Pagkatapos ng isang linggo niyang pagtira sa bahay ni Walter ay nasanay na siyang gumamit ng tabo at timba. Mabuti na lang at ang tubig sa bahay nito ay hindi iniigib katulad ng mga nakikita niya sa ilang kabahayan doon.

Nag-body wash lang siya. At gaya ng bilin ni Walter, iniwasan niyang mabasa ang daliring may sugat.

Sa mga pagkakataong ganoon ay nami-miss ni Annika ang bath tub sa kanilang bahay. Minadali niya ang pagbubuhos ng katawan nang pakiramdam niya ay nangangapal na ang kanyang mga labi. Doon na rin siya nagsepilyo. Ilang beses siyang nagmumog ng mouthwash para mawala ang after taste ng tinapa.

Pagkatapos mag-toothbrush ay medyo naginhawahan ang bibig niya. Lumabas na siya ng banyo habang nakasuot ng roba. Sa kuwarto na siya nagbihis. Kahit kurtina lang ang pinakapinto ng kuwarto ay hindi naman basta-bastang pumapasok si Walter kapag alam nitong nagbibihis siya. Oversized tee at pajama ang suot niya. Ipinusod niya ang buhok para maglagay ng moisturizer sa mukha. It is her nightly ritual. Dinampot niya ang maliit na salamin para tingnan kung pantay ang apply niya ng moisturizer nang bigla siyang magulat. Namamaga ang kanyang mga labi!

"Walteeer!"


NAGULAT si Walter sa biglang pagsigaw ni Annika mula sa loob ng kuwarto. Tarantang napasugod siya roon. Hindi na naisip kung hubad ito o ano.

"Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga.

Nakita niyang nakatakip ang dalawang kamay nito sa bibig.

"Annika?"

Dahan-dahan nitong ibinaba ang dalawang kamay.

Napamaang si Walter.

"Ano ang nangyari riyan?"

"I don't know," parang maiiyak na sagot nito.

Naupo siya sa tabi nito at sinipat sa malapitan ang namamagang mga labi ng dalaga.

"Tsk. Allergic ka sa isda? O sa tinapa?"

"It was my first time to eat tinapa."

Napapalatak siya. Bakit ba hindi niya naisip na ang katulad nitong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ay posibleng ma-allergy sa pagkain ng tinapa?

"Halika," kinuha niya ang kamay nito at hinila patungo sa kusina.

Pinaupo niya ito habang kumukuha siya ng asukal. Iyon ang ginawa sa kanya ng tatay niya noong bata pa siya at nakakain siya ng makating isda.

"Teka, hindi kaya bilasa na 'yong tinapang nakain mo?" iyong pinakamalaki pa naman ang ibinigay niya rito dahil tingin niya ay hindi talaga ito kumakain ng okra. Mukhang napasama pa.

"Bihasa?"

"Bilasa. Ibig sabihin hindi na fresh."

"Ah."

Gusto niyang matawa habang nakatingin sa bibig nito. Ang cute tingnan ng mapula at namamaga nitong mga labi.

"Heto, kainin mo," nagtakal siya ng kalahating kutsarang asukal.

"Lahat 'yan?"

"Oo."

"Wait. I think I have medicine for this."

"Ano?"

"Sorry. I overreact. May baon akong antihistamine. I think that will do."

"Ayaw mo lang kumain ng asukal."

"Nagtitipid. Mababawasan ang pangkape mo."

"Hindi ako kumbinsido. Pero sige na, uminom ka na kung meron kang gamot. Tinakot mo ako."

"Natakot ka?"

Natigilan siya at hindi kaagad nakasagot. Siyempre, natakot talaga siya. Akala niya ay kung ano na ang nangyari rito.

"Siyempre. Kargo kita, eh. Isipin ko pa lang ang magagastos natin kapag itinakbo kita sa ospital, para na akong aatakihin sa puso," biglang kambiyo niya kahit hindi naman iyon nagdaan sa isip.

Napansin niyang parang nalungkot ito.

"I'll take my medicine. Ihahanda ko na rin ang higaan mo."

Napahinga na lang siya nang malalim habang sinusundan ito ng tingin.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro