Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16-Rain

Chapter Fifteen

"HAVE you talked to her yet?"

Napahinga nang malalim si Walter saka ipinukol ang tingin sa labas ng sasakyan. Paglabas niya mula sa pinapasukang kumpanya ay sadyang nag-aabang na si Vincent, ang kapatid ni Annika.

"Puwede bang bigyan niyo pa ako ng sapat na panahon? Hindi ko naman siya puwedeng ipagtabuyan na lang para mapabalik siya ng Amerika," gusto niyang makaramdam ng paghihimagsik.

Kahit naipaliwanag na sa kanya ni Vincent ang dahilan kung bakit kailangang pansamantalang lumayo ni Annika ay naiinis pa rin siya. Ayaw niyang magkalayo sila. Siyempre naroon 'yong takot. Takot na kapag nagkalayo sila ay magbago ang damdamin ng kasintahan. O hindi kaya, ma-realize nito na isang malaking katangahan ang pumatol sa kanya. Mga ganoong isipin. Na marahil ay mababaw lang o masyadong negatibo pero nakakatakot.

"Hindi mo ba kayang sumugal?"

"Ano?"

"Lahat ng bagay sa mundong ito ay isang sugal. Mas malaki ang pusta, mas malaki ang talo. Hindi mo ba kayang ipusta ang pagmamahal mo sa kapatid ko para sa mas ikatatatag ng relasyon niyo?"

May ilang sandaling napatitig si Walter sa kausap.

"Naiintindihan ko kung ano ang ikinatatakot mo. Alam kong nasa legal age na kayo pareho ni Annika, pero napakabata pa rin kung iisipin para magseryoso sa isang relasyon. Sa sandaling magkalayo kayo, maaaring isa sa inyo ang mabaling ang atensyon sa iba. Or worst, ang makalimutan niyo ang isa't isa. Whichever the case, it will benefit you both. Time and distance will tell if you're really meant for each other."

Alam niyang may punto ang lahat ng sinasabi ng kausap. Pero, putsa, mabigat sa loob magpasya. Isipin pa lang niya na milya-milya ang layo ni Annika, na hindi niya ito puwedeng makita anumang oras na gustuhin niya ay para nang nagpapasikip sa kanyang paghinga.

"You can call and e-mail each other. Hindi ko iaalis sa inyo ang magkaroon ng communication. Ang gusto ko lang ay bumalik ng Amerika si Annika at tuparin niya ang nasa provision na iniwan ng Daddy niya."

"P-paano kung hindi pumayag si Annika?"

"It's up to you to convince her. And I hope you can do it, soon. She should be on the plane next month."

Wala sa loob siyang napatango.

Next month.

Parang may biglang bumara sa daluyan ng paghinga ni Walter. Bilang na bilang na lang pala ang mga araw.

"Kung nag-aalala ka sa safety niya, huwag kang mag-alala. I will be keeping an eye on her. May sariling dormitoryo ang campus na papasukan niya. Pero dahil malapit lamang sa eskuwelahan ang bahay ng Daddy niya, magiging hatid-sundo siya ng driver. And her bodyguard will always be close by."

"M-mabuti naman. Sige, uuwi na ako."

"Ihahatid na kita."

Pumayag na lang siya at hindi na umibis pa ng sasakyan.

"Graduating ka na this year, tama?" basag ni Vincent sa kumakapal na katahimikan sa loob ng sasakyan.

"Oo."

"Ano ang plano mo pagka-graduate?"

Tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi sa isang mapaklang ngiti.

"Interesado ka ba talagang malaman?"

"Let's just say, for the sake of conversation."

Ikinibit niya ang mga balikat at sinagot na lamang ito.

"Plano kong maghanap ng trabaho habang nagre-review. Kung papalaring magka-lisensya kaagad, gusto kong mag-abroad. Magtrabaho at mag-ipon para sa hinaharap." Para sa amin ni Annika.

Pero iyong huli'y sinarili na lamang ni Walter. Hindi siya sigurado kung ano ang opinyon ni Vincent tungkol sa kanya. Kung pabor ba ito o hindi sa relasyon niya kay Annika. Alam niyang ang habol nito ay isang secured na buhay para sa nakababatang kapatid. At magiging posible iyon kung makakapag-asawa ito nang kapareho nito ng estado sa buhay.

"To tell you the truth, naiinggit ako sa'yo. Bata ka kaysa sa akin pero magtatapos ka na ng kolehiyo. Samantalang ako, hanggang second year college lang ang inabot ko."

"S-seryoso?"

"Sa palagay mo ba nagbibiro ako? I was in high school nang ma-discover ako ng isang talent scout. Pumasok ako ng modeling at the age of thirteen. Since then, naging irregular student na ako. Nang pumasok ako ng kolehiyo, mas lalong hindi na ako nakapag-concentrate sa pag-aaral. Alam mo na, kaliwa't kanan ang, um, extracurricular activities."

Lihim siyang napangiti at napailing sa huli nitong sinabi. Hindi naman nakapagtataka 'yon dahil sa estado nito. Sikat, may hitsura at higit sa lahat, may pera.

Nang matanaw ang lugar na tinitirhan ay kaagad na isinukbit ni Walter ang kanyang bag. Squatter ang bungad ng lugar nila. Ang gara ng sasakyan ni Vincent, mukhang mamahalin. Nag-aalala siyang baka mapag-trip-an ng mga tambay ang sasakyan nito kaya naman ayaw niyang magtagal ito roon.

"Salamat," aniya bago bumaba ng sasakyan.

"Walter."

Nilingon niya ito.

"Hindi ako kaaway, okay?"

Isang tipid na ngiti at tango ang tanging itinugon ni Walter.

"Naiintindihan ko. Sige, ingat."

"Ikaw din. Let's have some beer sometime."

"Ikaw ang bahala."

Hinintay niya munang makaalis ang sasakyan nito bago siya pumasok sa eskinitang papasok sa kanilang lugar. Mga pribadong lupain kasi ang nasa likuran ng squatter. Mabuti na lamang at kahit dayo sila roon ay pinagbilhan sila nina Lolo Tiyago ng kapirasong lote. At nang pakiusapan ng kapatid niya na idagdag ang loteng katabi ng tinitirhan nila ay hindi rin ito nagdalawang salita.

Nakapangalan sa kanya ang bahay at lupa. Para raw anumang oras niya balaking mag-asawa ay meron silang bahay na mauuwian.

Nang malapit na siya ay binanat niya ang magkabilang gilid ng mga labi. Prinaktis niyang ngumiti nang makailang ulit. Ayaw niyang makahalata si Annika sa nangyayari sa kanya. May ilang hakbang na lang ang distansya niya sa bahay nang biglang umambon. Dali-dali siyang tumakbo.

"Baby ko, yu-hoo."

Sarado ang pinto. Iyon naman ang bilin niya sa nobya. Kapag mag-a-alas sais na at wala pa siya ay pumasok na ito sa loob ng bahay at mag-lock ng pinto.

"Just a sec, baby."

Mukhang nagluluto na ito dahil naaamoy niya ang iginigisang sibuyas at bawang.

"Hey," ang tamis ng ngiting isinalubong nito sa kanya. Mabilis itong humalik sa kanyang pisngi.

Bago pa siya nakaganti ng halik ay tumakbo na itong pabalik ng kusina.

"Baka masunog ang niluluto ko," paliwanag nito.

Nangingiting sinundan niya na lang ito sa kusina.

"Ano ba ang niluluto mo?" inusyuso niya ang ginagawa nito matapos niyang ilapag ang bag sa upuan.

"Stir fry kangkong with tofu. May natira pang adobo kaya gulay na lang ang niluto ko."

"Wow, sarap. Maghahanda na ako ng mesa."

"Wash your hands first at maghilamos ka na rin."

Ninakawan niya ito ng halik sa pisngi saka dinampot ang kanyang bag at inilagay sa ibabaw ng kanyang study table. Pagkatapos ay naghugas na siya ng kamay at naghilamos.

"Baby, the fresh towel is on the rack."

"Nakuha ko na. Thanks."

Nagpalit lang siya ng pambahay at siya na ang nagprepara ng mesa.

"Maghahain na ba ako ng kanin?"

"Yes, please. I'm almost done with the kangkong. Baby, pakihain na rin 'yong natirang chicken."

"Oki."

Nang makapaghain na sila ay ipinaghila ni Walter ng upuan ang nobya. Ipinaglagay na rin niya ito ng kanin at ulam sa plato.

"Thank you. How's your day?"

"Ayos naman. Ikaw?"

"I did some accounting. Ate Willa sent some files this morning and looks like our business is doing well. I know it's too early to tell but I think we're getting there. And who knows, maybe after a year or so, we could open another branch."

"Magandang balita 'yan. Congrats."

"It's all thanks to Ate Willa. She did all the hard work for Samantha's Sweet Bites."

"Siyempre dahil 'yon sa pagtutulungan niyo."

"We both know it's not true but thank you."

Pinisil niya lang ang kamay ng nobya. "Kain na."

Hindi niya alam kung paanong sisimulan ang paksa tungkol sa pagbalik nito sa Amerika. Pero naisip niyang after dinner na lang, kapag matutulog na sila.

Matapos nilang maghapunan ay siya na ang nagligpit habang si Annika naman ay nag-half bath. Paglabas ng banyo ay ginawa nito ang nakagawiang beauty regimen habang siya ay nakapuwesto sa harapan ng telebisyon at lagusan ang tingin sa pinapanood.

"Mukhang lumalakas ang ulan," narinig niyang wika ng nobya.

"Oo nga."

"It's cold."

Inilahad ni Walter ang braso, kaagad itong tumabi sa kanya. Isinandal niya ito sa kanyang dibdib at iniyakap ang mga braso sa baywang ng kasintahan.

"Baby ko."

"Hmn," bahagyang ikiniling ni Annika ang ulo para lingunin siya.

"Um, wala ka bang balak mag-aral?"

"What do you mean?"

"Naisip ko lang kasi, sayang naman ang sinimulan mo kung hindi mo ipagpapatuloy, di ba?"

"Are you suggesting o gusto mo akong bumalik ng school?"

"Hindi ba parang pareho lang 'yon?"

"Well," muli itong umayos ng puwesto sa pagkakasandal sa dibdib niya saka iniyakap ang mga braso sa mga braso niyang nakapalibot dito. "Pag-aaralin mo ako?"

"Kung puwede lang ba, eh. Pero bakit hindi ka na lang bumalik ng Amerika?"

Ramdam ni Walter nang tila manigas ang nobya sa mga bisig niya.

"Y-you want me to leave?"

Parang nagsikip ang dibdib niya nang mahimigan ang pagdaramdam sa tinig ng nobya. Pero dahil nabuksan na niya ang topic, itinuloy na niya ang dapat sabihin.

"Oo. Gusto kong bumalik ka ng Amerika."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro