Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14-2U

Chapter Thirteen

"ANO ang gusto mong ulam?" tanong ni Walter.

"Ikaw ang magluluto?" nangingislap ang mga matang tanong ni Annika. Napagod siya sa pamamalengke nila ni Walter. Kahit ito halos ang nagbuhat ng mga pinamili nila ay nahapo siya sa paglalakad at pakikipagsiksikan sa dami ng mga mamimili. Ang lagkit na rin ng pakiramdam niya dahil na rin siguro sa halu-halong amoy na dumikit sa kanya at sa kapwa mga mamimiling nakakakiskisan niya sa siksikang hugos ng mga tao.

"Siyempre naman. Service de luxe para sa Baby Nik-Nik ko. Buong weekend wala kang ibang gagawin kundi ang maupo at magpahinga. Ako ang magluluto, maglilinis at magdidilig ng mga tanim mo."

Matamang tiningnan ni Annika ang nobyo.

"Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?"

"Siguro may ginawa ka talagang kasalanan sa akin, 'no?" siningkitan niya ito ng mga mata.

"Anong kasalanan naman?"

"Isipin mo."

"Hm, wala akong maisip."

"Sigurado ka?"

"Wala nga. Peks man, mamatay man ang bago nating kapitbahay."

Pinandilatan ni Annika ng mga mata ang nobyo.

"Bakit ka ba galit na galit do'n sa tao? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo."

"Tsk. Magluluto na nga lang ako," parang nagtatampong sabi nito.

Napangiti si Annika. "I want chicken adobo with pineapple."

"Oki."

"Can I make a request?"

"Oo, bah."

"Can you sing for me while you cook?"

"Wow, napaka-demanding naman ng Baby Nik-Nik ko."

"Hindi mo kaya?"

"Ano bang hindi kaya? Sisiw."

Tumikhim ito nang makailang ulit. Tila bumubuwelo.

"No limit in the sky that I won't fly for you.
No amount of tears in my eyes that I won't cry for you, oh no."

Naramdaman ni Annika ang kilabot na unti-unting naglakbay sa kanyang mga braso. Sa unang linya pa lang ng kanta ay may kung ano ng mainit na emosyong humaplos sa puso niya. Idagdag pa ang matiim na pagkakatitig ni Walter sa kanyang mga mata habang kumakanta ito. It felt as if he was singing it from the heart, as if he owned the song. And his voice, well, it doesn't sound bad. Malambing at may emosyon ang rendition nito ng kanta.

"With every breath that I take,
I want you to share that air with me.
There's no promise, that I won't keep.
I'll climb a mountain there's none too steep.
When it comes to you, there's no crime.
Let's take both of our souls and intertwine.
When it comes to you, don't be blind.
Watch me speak from my heart, when it comes to you."

Confirmed. She is madly in love with Walter Ocampo.

Nakangiting nilapitan ni Annika ang nobyo at mahigpit na niyakap.

"I love you so darn much, Walter Ocampo."

"I love you, too, Baby Nik-Nik ko."

"Sige, luto ka na. Nagugutom na ako. Pero teka, di ba sabi ko sa'yo you will sing for me while you cook?"

"Oo nga, 'no? Uulitin ko na lang."

"Wait. I got another idea."

"Akala ko ba nagugutom ka na?"

"I just wanna know how talented you are."

"Tsk. Lalo kang mai-in love sa akin kapag natuklasan mo ang mga hidden talents ko."

Nagdududang tiningnan ni Annika ang nobyo.

"Sige nga. Show me kung paano akong—"

"I want to break free," itinaas ni Walter ang laylayan ng suot na tee at gumiling na parang macho dancer. "I want to break free."

"Oh, my God!" ang inisyal na gulat ni Annika ay nauwi sa malakas na pagpalakpak. Daig pa niya ang nanonood ng floor show! "More, more, more!"

"Haist. Sabi ko na nga ba, maaakit ka sa mga pandesal ko."

"Stop talking. Dance some more, baby. Please, please, please?"

"I've fallen in love.
I've fallen in love for the first time,
and this time I know it's for real.
I've fallen in love, yeah.
God knows, God knows I've fallen in love."

Parang kinikilig na ewan ang pakiramdam ni Annika habang pinapanood ang mahusay na pagsayaw ng nobyo. Ang lambot ng katawan nito at ang galing gumiling. Then she remembered what they say about men who were good at dancing. That they, too, were excellent in bed.

Natutop niya ang magkabilang pisngi nang biglang mag-init iyon.

"Okay, stop," biglang sabi niya sa nobyo.

"Sigurado ka?" gumiling-giling pa ito habang iniikutan siya sa kinauupuan. "Ayos lang sa akin kahit maghapon kitang sayawan."

"I said stop already," natakpan niya ang mga mata dahil iba na talaga ang naglalaro sa utak niya.

Kahit sinasabing mapusok ang generation nila, may natitira pa rin naman siyang inhibitions sa katawan. At pagkatapos ng gabing iyon na muntik nang may mamagitan sa kanila ni Walter, naging maingat na siya sa kanyang mga actions. Isa pa, kahit naman magkasama silang natutulog sa iisang kama ay yakap at halik lang naman ang kadalasang namamagitan sa kanila.

"Okay. Napatunayan ko nang magaling kang sumayaw, so stop already," aniya pa sa nobyo.

"Sige na nga. Sinabi mo, eh."

Ibinaba na niya ang mga kamay.

Pero mukhang iyon lamang ang hinihintay ni Walter. Muli itong gumiling at parang nang-aakit siyang sinayawan.

"Oh, stop," idinaan niya na lang sa halakhak, kahit ang totoo ay akit na akit siya sa panghaharot nito. "I'm really hungry, baby. Magluto ka na."

Nakangisi itong lumapit sa kanya at saka mabilis siyang ninakawan ng halik.

"Sige, mabilis lang 'to kaya sit back and relax."

"I will."


KATULAD ng pangako ni Walter, siya ang gumawa ng lahat ng gawaing-bahay sa buong araw ng Sabado at Linggo. Paggising ni Annika sa umaga ay kakain na lang ito. Ni ang pagliligpit ng hinigaan ay si Walter na rin ang gumagawa. Kulang na lang ay paliguan at pakainin niya ang kasintahan. Gusto niyang i-spoil ito sa lahat ng sandaling magkasama sila.

"This is very nice," nasisiyahang pinagmasdan ni Annika ang duyan na ikinabit ni Walter.

Duyan iyon dati ng pamangking si Samantha. May isang taon din iyong natambak sa taguan dahil nagkaroon ng malaking butas sa gitna. Hindi kaagad naremedyuhan ni Walter kaya hindi na nagamit. Isa iyon sa mga pinagka-abalahan niya habang walang pasok. Pagkatapos niyang magdilig ng halaman ay tinahi niya ang duyan at ikinabit sa pagitan ng magkaharap na puno ng kaimito at mangga.

"Puwede na ba?" excited na tanong ni Annika.

"Teka," binanat ni Walter ang magkabilang gilid ng duyan. "Hayan, sakay na."

Parang batang sabik itong naupo sa duyan. "Kaya ba nito ang dalawa?"

"Oo naman. Pang-heavy duty yata 'to." Naupo siya sa tabi ng nobya. Iniakbay niya ang isang braso sa balikat nito at magkasabay silang nahiga sa duyan. Sabay rin nilang isinikad ang mga paa sa lupa para umugoy iyon.

"Sing it to me again, baby."

"Alin do'n? 'Yong kanta ni Freddie Mercury?"

"Freddie Mercury? Hindi ba si Justin Bieber ang kumanta no'n?"

"Justin Bieber? Baka nga hindi pa fetus si Justin nang mauso ang kantang 'yon."

"The song goes something like this: No limit in the sky that I won't fly for you."

"Ah."

"Sing it to me again, please?"

"Cupid ain't a lie got your name on it, oh yeah.
Don't miss out on a love and regret yourself on it, oh.
Open up your mind, clear your head,
share my life it's yours to keep.
Now that I give to you all of me, oh."

Inihilig ni Annika ang ulo sa balikat ng nobyo saka ipinikit ang mga mata.

"When it comes to you,
there's no crime.
Let's take both of our souls and intertwine.
When it comes to you, don't be blind.
Watch me speak from my heart
when it comes to you, comes to you."

"I love this song. It's going to be our song."

"Oo, bah. Sinabi mo, eh."

"Sing it again and again."

"Alin ba ang mas gusto mo, 'yong boses ko o 'yong kanta?"

"Your voice, of course. Your voice gives life to it. At nagkataong maganda rin ang lyrics."

"Good answer."

Itinuloy ni Walter ang pagkanta. Itinaas naman ni Annika ang mga paa at isiniksik ang sarili sa mga bisig niya.

"When it comes to you,
 there's no crime.
Let's take both of our souls
and intertwine.
When it comes to you,
don't be blind.
Watch me speak from my heart
when it comes to you, comes to you..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro