Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Walk On Memories

Chapter Forty-Eight

"BUMALIK na ang alaala mo?" excited na tanong ni Julianna.

Umiling si Sachi. 

Biglang nawala ang katuwaan sa mukha ng dalaga.

"K-kung gano'n ay paano mong nalaman na sa'yo galing 'yong singsing? Nanghuhula ka lang?"

Muli siyang umiling.

"Nakita ko. Like a glimpse," nang sumakit ang ulo niya kagabi ay nagkaroon siya ng mga flashes. Hindi masyadong malinaw ngunit sapat para mabigyan siya ng ideya. At kinailangan niya lamang iyong kumpirmahin dito kanina. 

And when he kissed her, may na-trigger uling mga alaala. Bahagyang kumirot ang kanyang ulo ngunit pilit niyang pinaglabanan ang sakit. Dahil ayon nga sa kanyang doktor, maaaring may pumipigil lamang sa utak niya para ganap na makalaya ang mga nakakulong niyang alaala.

"W-what else did you see?"

"You were crying."

Natutop nito ang bibig. At hayun na naman, nakita na naman niya ang pangingilid ng mga luha nito. He saw longing and happiness in her eyes when they met last night. Na para bang kayrami nitong gustong sabihin na hindi nito magawa.

"Did I cheat on you?" he asked.

Mabilis itong umiling.

"Did you?"

"N-no. Never."

"Did we break up?"

"No," nagpakailing-iling ito.

"Nagkahiwalay ba tayo after the accident?" maingat niyang tanong. Ayaw niyang pangunahan ito sa pag-iisip na sa buong panahong nakaratay siya ay bakit wala ito sa kanyang tabi?

"Yes. But R-Rupert told me that you're d-dead."

Napamaang siya.

"So, all this time..."

"I was in mourning for six years," tuloy-tuloy na bumuhos ang mga luha nito.

Napapikit siya nang biglang gumuhit ang sakit sa kanyang sentido.

"Sachi!"

"I'm okay, I'm okay," pilit niyang pinaglabanan ang kirot. Natutop niya ng dalawang kamay ang ulo.

Narinig niya ang mga impit na hikbi ni Julianna.

"Don't... c-cry." Parang pinipiga ang puso niya sa mga hikbi nito. "Fuck!"

Gumuguhit ang kirot na parang gusto niyang panawan ng ulirat sa sobrang sakit.

"Y-your meds. Nasaan ang gamot mo?" natatarantang tanong ni Julianna.

Akmang bababa na ito ng kama ngunit mabilis niyang hinagip ang kamay nito.

"No. This will p-pass, dito ka lang."

Hindi na nga ito bumaba ng kama. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagyakap ng mga braso nito sa kanya. Marahan siyang kinabig ni Julianna hanggang sa mapahiga siya sa kandungan nito. He remained still on her lap. Banayad na sumuklay sa hibla ng kanyang buhok ang mga daliri nito. Iniyakap niya ang braso sa beywang nito. He willed the pain to go away. Napakarami pa niyang gustong malaman. Not necessarily to remember everything. Gusto niya lang tiyakin na tama ang sinasabi ng pakiramdam niya. The familiarity--her scent, her smile, the overwhelming tide of emotions she awakened in him, and the feeling of being at home. Right there, on her lap, in her arms.

Unti-unti ay nag-subside ang sakit. Nakatulong ang paghagod nito sa kanyang buhok at ang banayad na pagmasahe sa kanyang anit. Hanggang sa mamigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nakatulog siyang nakaunan sa kandungan nito. At mukhang napahimbing nang husto ang tulog niya dahil nang magising siya ay nasa unan na ang ulo niya, wala si Julianna.

"Julianna!" napabalikwas siya ng bangon at plano ng halughugin ang buong suite.

"Sachi," mula sa terrace ay pumasok ang hinahanap niya.

Kaagad niya itong nilapitan at mahigpit na niyakap.

"Akala ko umalis ka na," nagkaroon ng bahagyang garalgal ang kanyang boses.

"I'm not going anywhere," tugon nito na iniyapos ang mga braso sa beywang niya.

Grabe ang pintig ng puso niya. At sigurado siya, naririnig na iyon ni Julianna.

"I am not going to leave you. Nangako tayo sa isa't isa na walang bibitaw. And I thanked God na kahit hindi mo pa ako naaalala, tumupad ka sa pangako mo. Thank you for coming back into my life."

Bahagyang inilayo ni Sachi si Julianna. Pinalis niya ang mga luhang kaagad na namalisbis sa magkabilang pisngi nito.

"Stop crying. Baka maubusan ka na ng tubig sa katawan."

Natawa ito saka muling yumakap sa kanya.

"I've missed you so much."

Napalunok siya nang tila magbara ang kanyang lalamunan sa emosyon. Nang muli niya itong hapitin sa dibdib ay napansin niya ang bihis nito.

"Lumabas ka ba?" bago na kasi ang bihis nito. At sa pagkakatanda niya, wala namang damit ng babae sa suite niya kaya saan ito kukuha ng bihisan?

"Nope. I asked Max to bring me some clothes. Medyo matatagalan pa kasi kung o-order ako on-line."

"Max? Lalaki?"

"Uhm, Maxine. Makikilala mo rin siya, bff ko."

Bagama't duda pa rin siya sa tunog ng pangalan ay hindi na lamang siya nagsalita pa.

"Wait, this means I'm your boyfriend, tama?"

"No."

"Ano?" mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya, handa ng umalsa ang selos.

"You promised to marry me when you gave me this ring," itinaas nito ang kaliwang kamay na nasusuotan ng singsing. "So, that makes you my fiancé, not my boyfriend."

"Uh."

"Yes. Unless, nagbago na ang isip mo."

"No," natitiyak niya sa kanyang sarili na ang Sachi na nag-alok dito ng kasal bago ang aksidente at ang Sachi na kaharap nito ngayon ay pareho pa rin ang magiging desisyon para pakasalan ito. "I'll marry you."

Nang tunghayan niya ito ay para na naman itong maiiyak.

"Tsk, iyakin ka ba talaga?"

"Ikaw lang naman ang laging nagpapaiyak sa akin."

Bigla siyang na-guilty.

"I'm sorry."

"Pero siyempre hindi kita sinisisi dahil hindi mo naman ginusto ang lahat."

Yumuko siya at masuyo itong hinagkan sa mga labi. Mayamaya ay may bigla siyang naalala. Matagal niyang tinitigan ang nobya.

"What? You remembered something?"

"Yes. Extraordinaire." 

Napakagat-labi ito. Parang batang natakot bigla na mapagalitan.

"Anong naisip mo at nag-pose ka sa magazine na 'yon? Ano 'yon nananawagan ka na para humanap ng makakapalit ko? Six years na nga naman akong patay, di ba? Dapat ka na--fuck! Huwag kang umiyak!"

Iyong dapat ay sumbat na sasabihin niya rito tulak ng selos ay hindi na niya nagawa nang lumigwak na naman ang mga luha nito at nagsimulang humikbi. Napapalatak na kinabig na lang niya ito at inalo.

"Tsk, ikaw na nga itong may kasalanan..."

"S-sorry na, m-mahal."

Natigilan siya.

"Ano ang tawag mo sa akin?"

"M-mahal?"

Naramdaman niya ang tila bugsong pagdaloy ng dugo sa mga ugat sa kanyang utak. Mariin siyang napapikit nang gumuhit ang matinding sakit na halos magpadilim sa kanyang paningin kasabay ang pagbuhos ng mga alaala...  

"Sarap namang pakinggan. Isa pa nga."

"Ma-haaal."

"Ipinapaalala mo na naman sa akin ang pagiging bratty ko."

"Bratty ka naman talaga."

"Ikaw ang pinaka-bratty na nakilala ko. Ang bratty ng buhay ko."

"My beautiful bratty."

"Yes po, mahal na konde. So stop frowning, okay? Nababawasan ang hotness mo."

Napabitiw siya kay Julianna at halos sumusuray na lumapit sa kama.

"Sachi, oh, God. What do you want me to do?"

Umiling lang siya habang tutop ng isang kamay ang ulo at mahigpit na napakuyom ang isang kamay sa kubrekama. Sunod-sunod ang pasok ng mga alaala. Parang umiikot ang ulo niya sa biglang buhos ng mga eksenang matagal ng nakabaon sa kanyang memorya.

"Tss. Don't forget that I'm paying you."

"Babayaran mo nga ako pero hindi ibig sabihin no'n ay makokontrol mo kung ano ang nasasaloob ko."

"I know that. Pero sana ay hindi mo maisipang sumira sa usapan natin dahil masama akong kaaway."

"Pinagbabantaan mo ba ako?"

"Yes."

"Huwag kang mag-alala, mahal na kondesa. Meron akong isang salita."

"Mabuti naman."

"'Langya. Daig mo pa ang scripwriter, ah. Galing magplano ng utak mo."

"Don't mock me. Babayaran ko ang lahat ng pagod mo."

"Oo nga naman pala. Pero napapansin ko lang, ha, mahal na kondesa. Mukhang papatindi nang papatindi ang iniuutos mo sa aking gawin. Parang noong isang araw lang nang lumapit ka sa akin para utusan akong traydorin ang kaibigan ko. Ngayon naman ay gusto mong pagnakawan ko siya? Ayos ka rin, ha? Ano pa kaya ang susunod?"

"Madali naman akong kausap kung hindi ka interesado. Puwede akong kumuha ng ibang tao and I'm sure hindi pa ako mahihirapang makipag-usap sa kanila."

"Talaga? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Huwag na tayong magbolahan, mahal na kondesa. Kaya ako ang nilapitan mo bukod sa gipit ako sa pera, iyon ay dahil alam mong magkaibigan kami ni Walter. Kumbaga sa warfare, ako ang pinaka-best pawn mo to infiltrate the enemy's camp."

"Wow, ha? May utak ka rin pala. Bakit hindi na lang 'yan ang paganahin mo kaysa putak ka nang putak? Para kang inahing manok."

"I'm not a hen, dearest countess. I'm a cock."

"Walter..." mahinang numulas sa bibig ni Sachi ang isang pangalan kasabay ng paglitaw sa kanyang alaala ng isang pamilyar na mukha.

"Sino ang hinihintay mo?"

"Si Annie. Nakita mo ba siya?"

"Hindi pa. Kadarating ko lang, eh. Bakit? May usapan ba kayong dalawa?"

"Siya ang kumuha ng cellphone ko."

"A-ano? Bakit naman niya p-pag-iinteresan ang cellphone mo, eh, ang yaman-yaman no'n. May pruweba ka ba?"

"Put... sa!" mariin niyang nasabunutan ang sarili habang halos mamilipit na siya sa ibabaw ng kama.

"Sachi."

Hindi malaman ni Julianna kung lalapitan ang nobyo o ano.

"I'll call Rupert."

Bago pa ito napigilan ni Sachi ay muli na namang lumitaw ang mga alaala. It was a confrontation between Walter and Julianna...?

 "Ano ang kailangan mo?"

"Ikaw? Ano ang atraso ko sa'yo para sirain mo kaming dalawa ni Annika?"

"Sirain? Ikaw mismo ang gumawa ng bagay na ikasisira mo."

"Kung hindi ka lang babae..."

"Kung hindi lang ako babae ay ano--susuntukin mo ako? Go ahead. Tinitiyak ko sa'yo, walang matinong eskuwelahan ang tatanggap sa'yo sa sandaling saktan mo ako."

"Napakabulok pala talaga ng pagkatao mo. Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay muntikan ng mamatay si Annika?"

"K-kalokohan. Gusto mo lang akong k-kunsensyahin."

"Meron ka ba no'n?" 

"'Tol." 

"Tinangkang magpakamatay ni Annika dahil akala niya... a-akala niya pinagtaksilan ko siya."

"I-I saw you with my own two eyes."

"Puwes, hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo!"

"N-no. Gusto mo lang i-ibunton sa akin ang sisi sa nangyari kay Annika."

"Put...'na! Sana nga, sana nga ako ang may kasalanan. Sana nga guilty ako sa iniisip niyang ginawa ko. Pero, putsa. Malinis ang kunsensya ko. Missed na missed ko na siya. Kung puwede ko lang tawirin ang kinaroroonan niya araw-araw, ginawa ko na. Bawat araw na dumadaan ay bilang na bilang ko. Sa tuwing sasapit ang hapon ay natutuwa ako, dahil ibig sabihin malapit na namang gumabi. Panibagong araw na naman ang darating. Mababawasan na naman ng isang araw ang ipaghihintay ko sa kanya bago ulit kami magkita. Kaso ang lupit mo, muntik pang mawala sa akin ang babaing mahal na mahal ko..."

"Uh, shit...!" biglang nagluha ang kanyang mga mata. Iyon ba ang bahaging kinatatakutan niyang maalala?

"Walter, 'Tol. May kasalanan din ako. Ako ang kumuha ng cellphone mo."

"Pakiulit nga ang sinabi mo?"

"Ako ang kumuha ng cellphone mo. Kung galit ka kay Annie ay dapat ka ring magal--!" 

Sa bahaging 'yon ay tila nanariwa ang pisikal na sakit ng paglapat ng kamao ni Walter sa kanya. Sanay siya sa basag-ulo. Ngunit 'yong dalawang magkasunod na suntok na pinawalan nito ay nagpabiling sa mukha niya. Iniharang ni Julianna ang sarili para pigilan si Walter sa patuloy pa sanang pag-atake sa kanya. Sa puntong iyon ay sising-sisi siya at nakahandang tanggapin ang lahat ng pisikal na sakit mula sa matalik na kaibigan kung makababawas iyon sa sakit ng kalooban nito. Ngunit sa huli ay galit silang iniwan nito ni Julianna.

Mula roon ay parang roller coaster na dumaloy ang iba pang alaala.

Mahal, they are planning to take me away... 

"Julianna..." isang matinding emosyon ang biglang bumugso sa kaibuturan ng dibdib niya. Tuluyang nanlabo ang kanyang paningin.

Ngunit bago siya nawalan ng malay ay nakita niyang bumukas ang pinto at hangos na pumasok doon ang panganay na kapatid.

"Kuya Aki..."

-

ang ibang dialogues dito--'yong mga naka-Italic lines ay halu-halo, from previous chapters at ilang scenes sa story ng The Heiress and the Pauper (Walter and Annika's story).

frozen_delights 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro