Smile On My Face
Chapter Fifty-Seven
"MOMMY, Mommy, wake up."
Patalon-talon sa ibabaw ng kama si Saschia.
"Anak, stop," inaantok pang dumapa si Julianna.
Kahapon lang sila dumating sa private island resort na iyon. May kasama silang isang yaya para siyang magbantay at tumingin-tingin kay Saschia. Pero kung dati'y hyper na ito, mas lalo yata iyong nadagdagan sa pagdating ni Sachi. Sa unang apak pa lamang nila sa isla ay paliligo na sa dagat ang inatupag ng kanyang mag-ama. Halos maghapong laro, kain at langoy sa tubig ang naging activity nila. Kaya pagdating ng gabi, pare-pareho silang plakda sa kama. At ngayon ay heto at maagang nang-iistorbo ang kanilang makulit na anghel.
"Wake up, Mommy. Punta na tayo sa beach."
"I'm still sleepy. Pasama ka na lang kay Yaya o kaya kay Daddy."
"Daddy wants you to come with us. C'mon, Mommy, the sun is already up. Let's eat breakfast then punta na tayo sa beach and pick up some shells. Yaya said she knows how to make necklace from seashells."
"She does?"
"Yep."
"Then can you just ask Yaya to come with you, sweetheart? I feel really tired and sleepy."
"Mommy, you're not listening. The sun is up na nga, we should eat breakfast. Yaya also said my skin will get tut-tong if we stayed too long under the sun kaya dapat early tayo sa beach to pick up some seashells."
Napilitang bumangon na si Julianna kahit namimigat pa ang katawan. Nanibago yata siya sa pagsu-swimming kaya parang binugbog ang katawan niya sa pagod. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha para alisin ang natitirang antok.
"Where is your Daddy?"
"He ordered breakfast."
Kahit private island iyon ay may ilang empleyado sa resort na nag-iintindi ng mga pangangailangan nila. It was optional according to her husband. Puwedeng solo nilang okupahin ang isla nang walang sinuman doon maliban sa kanila at puwede rin naman na may ilang bilang lamang ng tauhan para maglinis at maghanda ng kanilang pagkain.
"I'll just wash up my face then we'll go downstairs, okay?"
"Yes, Mommy."
Ngunit pagtayo niya ay bigla siyang nahilo. Tutop ang noong napabalik siya ng upo sa gilid ng kama.
"Mommy."
"I-I'm okay, sweetheart. I will just--huwark," mabilis niyang natutop ang bibig nang biglang sumikad ang kanyang sikmura. Napatakbo siya sa banyo.
Duwal siya nang duwal. Pero dahil wala pa namang laman ang kanyang sikmura, puro malapot na laway lamang ang kanyang isinusuka. Halos nakayupyop na siya sa lababo nang maramdaman niya ang banayad na paghagod sa kanyang likuran.
"Mahal," mangiyak-ngiyak siyang napatingin sa repleksyon niya sa salamin. Sa likuran niya ay naroroon ang asawa na may masuyong ngiti sa labi.
"Ayos ka lang?"
"No. I really don't feel well. Nangungulit lang 'yang anak mo at nagyayayang mamulot ng shell."
"Sh, ako na ang bahala."
Hinilamusan niya ang sarili atsaka namumog. Inabutan siya ni Sachi ng tuwalya.
"May dala na akong breakfast. Gusto mo na bang kumain?"
"I don't feel like eating. I just want to sleep."
"Okay, higa ka na lang ulit."
Inalalayan siya ng asawa at iginiyang pabalik sa kama.
"Are you sick, Mommy?" parang naiiyak na tanong ni Saschia.
"I'm just tired, sweetie."
"I'm sorry, Mommy, I was so makulit."
"It's okay, sweetie. I will just sleep it off, okay? Paggising ko, mawawala na ito. Just go with Daddy. Eat your breakfast at kayo na lang muna ang mamulot ng shell."
"Okay, Mommy," tila nagi-guilty itong yumakap at humalik sa ina.
Yumuko si Sachi at hinagkan siya sa noo.
"Pakakainin ko muna si Saschia. Babalikan kita, okay?"
"'Kay."
Nang pumikit si Julianna ay mabilis siyang hinila ng antok.
~0~
"IS Mommy sick, Daddy?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Saschia.
"No, angel. Di ba nga sabi ni Mommy, pagod lang siya?" banayad na tugon ni Sachi. Pinahid niya ang ketchup na nasa sulok ng bibig ng anak. "She'll be fine, don't worry."
Sumulyap ito sa natutulog na ina.
"Kain nang kain para makapunta na tayo sa beach."
Kumain na nga ito. Ngunit kapansin-pansin ang kawalan nito ng gana. Nang matapos silang mag-agahan ay bumaba na sila ng cottage. Naroroon na si Yaya Tere, ang magku-kuwarenta anyos na kasambahay ng kanyang ina na kinuha niyang tagapag-alaga ni Saschia.
"Kumain na po kayo?"
"Yes, Sir. Maghahanap na ba tayo ng shell, Saschia?"
Matamlay na tumango ang bata, nakahawak-kamay ito sa ama.
"Aba'y masama yata ang gising."
"Mommy is sick."
"May sakit ho si Ma'am?"
"Napasama lang ho ng gising," tugon ni Sachi.
"A, kailangan lang 'yong itulog ulit ni Mommy mo para mawala. Huwag ka ng malungkot, baby. Tara na at medyo mainit na sa balat ang araw."
Sumunod naman ang bata. Ngunit nanatili itong nakakapit sa kamay ng ama kaya sumama na rin si Sachi. May dalang maliit na lagayan si Yaya Tere. Mayamaya pa ay mukhang nalibang na si Saschia.
"Look, Yaya. Here's another one," masayang tumakbo si Saschia papunta sa yaya at inilagay sa maliit na timba ang napulot na shell.
Nakitulong na rin si Sachi sa pamumulot ng mga ito. Hindi nagtagal at pare-pareho na silang pawisan dahil mataas na ang araw. Nilapitan ni Sachi ang anak sinapinan ng bimpo ang likuran.
"Marami na ba tayong naipon na shell?"
"I think so, Daddy."
"Marami-rami na rin ito, Sir."
"Tama na ho siguro 'yan. Masyado ng mainit."
"My skin will get tut-tong. Right, Daddy?"
Natawa si Sachi. "Opo, anak. Tutong. Let's go?"
"Let's go!"
Binuhat na ni Sachi ang anak para mabilis silang makaalis sa initan. Kahit nakasumbrero ito ay namumula na ang mukha sa init.
"I'll make a shell necklace for Mommy. Do you want one, Daddy?"
"Siyempre. Basta galing sa'yo, gusto ni Daddy."
Nang malapit na sila sa cottage ay nagpababa na ito. Tumakbo ito nang may makitang kung ano sa lupa.
"I found another one."
"Let me see."
Inilahad ni Saschia ang munting palad. Natawa si Sachi nang makita ang kulay itim na shell. Ito iyong tinatawag na susong pilipit o tabagwang doon sa isang probinsya sa Bicol na napuntahan niya dati. Ginagataan iyon na may kasamang maraming sili.
"It's cute," natutuwang sabi nito
"You think so?"
"Uh-huh."
"Okay, if you say so," ngumiti na lang si Sachi at masuyong hinagkan sa tongki ng ilong ang anak. "Iwan muna kita kay Yaya Tere, ha? I'll check on Mommy."
"Yes, Daddy."
"Yaya, kayo na po muna ang bahala kay Saschia. Kapag nagutom kayo um-order na lang kayo ng makakain sa staff."
"Yes, Sir."
Muling hinagkan ni Sachi sa ibabaw ng ulo ang anak at umalis na. Ewan kung tama ang hinala niya sa nangyayari sa kanyang asawa. Pero sa nakita niyang sintomas ng paglilihi nito noon kay Saschia, may palagay siyang naka-bull's eye na naman siya.
Parang may pakpak ang mga paang inakyat niya ang cottage. Pagpasok niya sa kanilang silid ay nakita niyang himbing na himbing pa rin ang asawa. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama para hindi maistorbo ang tulog nito. His heart swell watching his wife sleeps so peacefully. Hindi siya makapaniwala na ang babaing ito na mahigit limang talampakan lamang ang taas ay kayang-kayang patigilin sa pag-ikot ang mundo niya. Dahil iyon mismo ang nangyari sa kanya ng mga panahong hindi pa niya ito maalala.
Yumuko siya at magaan itong hinagkan sa labi.
"Hm, mahal. Lumayo ka. I don't like your smell."
"Ha?" mabilis niyang inamoy ang sarili. At naalala niya, amoy-pawis na nga pala siya. "Sorry, mahal. Ligo lang muna ako. Nagugutom ka na ba?"
"Not yet. Gusto ko lang matulog. At kung puwede huwag kang lumapit sa akin. Nasusuka ako sa amoy mo."
"Oo na, aalis na ako. Nakakasakit ka ng damdamin."
Dumapa lang ito na parang walang narinig. Naiiling na lumayo na siya sa asawa at nagtungo sa banyo. Hindi naman talaga siya nagtatampo. Ilang beses siyang nagsabon at nagbanlaw ng katawan para siguradong hindi na siya amoy-pawis. Inamoy pa niya ang shampoo bago iyon ginamit. Organic, courtesy of the island.
Puwede sana silang pumunta sa isa sa mga hotel-resort ng Nuvuo na nasa labas ng bansa ngunit mas pinili niyang medyo pribado ang kuning lugar para sa kanilang mag-anak. Ang Kuya Aki na rin niya ang nag-suggest dahil nga masyado raw siyang seloso. Baka awayin niya ang lahat ng guests na magkamaling sumulyap sa kanyang asawa lalo na at resort iyon. Hindi naman puwedeng magpantalon at longsleeved ang asawa niya kapag gustong maligo sa pool o sa dagat. Napangiti na lang siya nang maalala iyon.
Pagkatapos magbanlaw ay tinuyo niyang mabuti ang buhok at nagsuot ng robe bago lumabas ng banyo. Nang sulyapan niya ang asawa ay tulog na tulog pa rin ito. Kahit sinabi nitong hindi pa ito nagugutom ay nag-aalala na rin siya na baka malipasan na ito ng gutom lalo at oras na ng pananghalian.
"Mahal."
"Yes, mahal?" alerto siyang napalingon sa tawag ng asawa.
"Gusto ko ng halo-halo."
"Ha? Pero hindi ka pa nag-aalmusal. Atsaka hindi ako sigurado kung meron silang halo-halo."
Napasimangot ito.
"Pero siyempre magtatanong ako." Kaagad siyang lumapit sa night stand para sa room service.
Bumangon na si Julianna at pumasok ng banyo. Siya naman ay kinausap na ang staff sa kabilang linya at nagtanong kung may halo-halo. Wala raw. Ngunit may mga available namang sangkap kung iyon daw ang gustong order-in ng guest.
"Mahal na kondesa, may gusto ka pa bang kainin?"
"Apples."
"Apples," um-order na rin siya ng pananghalian para sa kanilang apat.
"Where is Saschia?" tanong ni Julianna paglabas ng banyo. She was wrapping her hair in a messy bun.
Si Sachi na katatapos lamang makipag-usap sa staff ay saglit na napatitig sa asawa. Nakapaghilamos na ito at nakapusod sa tuktok ang alun-along buhok. Napangiti siya.
"Why are you smiling like that, Mister?"
"Para kasing mas lalo kang gumanda."
"Thank you."
Lumapad ang ngiti niya sa sagot nito.
"Puwede na ba akong lumapit? Mabango na ako."
"Sorry about that." Ito na ang kusang lumapit sa kanya at iniyakap ang dalawang braso sa kanyang beywang. "Masyadong sensitive ang pang-amoy ko ngayon."
"Mayro'n ka bang good news na sasabihin sa akin?"
"Good news?" bahagyang inilayo ng asawa ang sarili sa kanya at nakakunot ang noong tumingala sa kanya. "Ano bang good news?"
"Hindi kaya baby number two is on the way?"
Napamaang ito. Matagal itong hindi nakapagsalita. Nag-alala tuloy siya.
"Ayaw mo pa ba?"
Bigla itong napaiyak. Pagkatapos ay banayad siyang hinampas sa braso saka umiiyak na sumubsob sa dibdib niya.
"Of course not. I don't mind having another baby."
"Nooo...! Ako lang ang baby mo, Mommy, ako lang."
-
-->SAND (screenshot mo ako😘😘)
haha! patay, pumasok ang brattinella.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro