Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Portrait of You

Chapter Forty-One

THE moment he opened his eyes he wanted to close it again. He slept dreamlessly. Then he woke up feeling like shit because his head felt empty. Sino ba talaga siya? Ano bang klaseng tao siya bago ang walang memoryang nilalang na iyon na nakahiga sa loob ng isang magarang silid at napaliligiran ng karangyaan?

Nahagod ni Sachi ng dalawang kamay ang mukha saka lagusang tumitig sa kisame ng kanyang silid. His name is Sachi Sanada.

Sachi Sanada. 

Tuwing umaga kapag nagigising siya ay binibigkas niya ang pangalang 'yon. Umaasang kahit isang hibla ng alaala ay may makanti sa kanyang memorya. Pero wala.

Sachi Sanada y Andrada, iyon ang buo niyang pangalan. Ayon sa pagkukuwento ng kanyang mga magulang lumaki siya at nagkaisip sa pangalang Sachi Andrada dahil nagkahiwalay ang mga ito bago pa man siya isinilang. Lumaki raw siya at nagkaisip sa isang iskuwater. Bagaman ang kanyang inang si Nathalia ay nagmula sa isang nakaririwasang pamilya. Nagkakilala ito at ang kanyang ama na nagbabakasyon lamang noon sa probinsya ng Mama niya sa paghahanap ng magandang lokasyon sa itatayo nitong negosyo. Nagkamabutihan daw ang dalawa at nabuntis ang kanyang ina. Subalit nang ipagtatapat na ng Mama niya ang kalagayan nito sa kasintahang si Ken Sanada, natuklasan nitong may pananagutan na ang lalaki. Nagalit ang kanyang ina at nagkahiwalay ang dalawa. Nang matuklasan ng mga magulang ng kanyang ina ang pagdadalantao nito, itinakwil ito at pinalayas ng pamilya.

Meanwhile, walang ideya si Ken Sanada na nabuntis nito si Nathalia. Nalaman lamang nito ang lahat nang ipahanap na ang dating nobya. Natagalan daw ito na gawin iyon dahil naging abala ito sa muling pagpapalago ng natupok nitong negosyo. Mula sa import-export business, nag-shift ito sa pagtatayo ng malls at condominium, hotels and resorts. Within the span of two decades, nagtagumpay naman ito at napalago ang negosyo. He now owns a large conglomerate, Sanada Corporation. Na may tatlong naglalakihang malls sa Pilipinas, ilang sangay ng hotel resorts sa mga naglalakihang tourist capital sa Asya at apat na condominium buildings sa ilang commercial area sa bansa.

Si Rupert o Akira Sanada, ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Mas matanda ito sa kanya ng apat na taon. Lumaki ito sa ibang pamilya dahil sa abusive nitong ina. Ipinagkatiwala ito ng kanilang ama sa nakababatang kapatid nito na si Marga--o Tita Marga. Si Tita Marga at ang asawa nitong si Tito Jack ang tumayong mga magulang ng Kuya niya hanggang sa ito ay magbinata. Nang makatapos ito ng pag-aaral ay nai-groom ito ng kanilang ama bilang kanang kamay nito sa pagpapatakbo ng itinatag nitong emperyo. At ngayong magaling na siya, gusto ng mga itong ipasa ang ilang responsibilidad sa kanya. Ngunit paano niyang gagawin iyon kung sa palagay niya ay wala siyang sapat na pinag-aralan sa responsibilidad na gusto ng mga itong iatang sa kanya?

Nakapag-kolehiyo raw siya. Sa katunayan ay graduating na siya kung hindi nangyari ang kanyang aksidente. Isa iyon sa mga ikinaiirita niya. Pinipilit niyang alalahanin ang bahaging iyon ng kanyang buhay dahil pakiramdam niya naroon ang pinakamalaking parte ng nakaraan niya na kailangan niyang maalala. Ngunit kahit anong pilit niya ay walang nangyayari. Sumasakit lang ang kanyang ulo. At kapag pinupuwersa niya ang sariling alalahanin iyon ay parang binibiyak ang kanyang bungo hanggang sa mawalan siya ng malay.

Bumangon na siya at nagtungo sa banyo. Naligo at nagbihis. Napatingin siya sa labas ng kanyang silid. Mataas na ang sikat ng araw. Mag-iisang buwan pa lang mula nang magbalik sila sa bansa. Habang nagpapagaling siya sa Minnesota ay ikinuha siya ng Papa nila ng guro para maturuan siya ng ilang basic knowledge sa pangangasiwa ng mga negosyong ipinundar nito. At siyempre pa, nasa tabi niya at umaalalay ang panganay na kapatid. Ganoon din ang kanilang ama at si Secretary Hiroyushi.

Mapalad siya sa pagkakaroon ng pamilya na umaalalay at umu-unawa sa lahat ng mga shortcomings niya. And he knows he should be thankful. Lalo pa nga at maituturing na pangalawang buhay na niya iyon. Ngunit paano niya gagawin 'yon kung mismong sa sarili niya pakiramdam niya ay isa siyang estranghero?

You can't give something you don't have or feel. At pakiramdam niya may isang napakalaking kulang sa buhay niya na kailangan niya munang matagpuan para muling mabuo ang pagkatao niya. He hoped and prayed that it will happen soon before he completely loses his mind. 

"Sachi, anak. Gising ka na ba?"

Lumayo siya sa bintana at nilingon ang babaing kapapasok lamang ng kanyang silid. Ang kanyang ina. Napakaganda nito. Marami ang nagsasabing kuhang-kuha niya ang ganda ng mga mata nito. Habang ang height niya naman at muscular frame ay sa kanyang ama.

"Breakfast is ready. Halika na, para sabay-sabay na tayong mag-agahan ng Papa mo bago siya pumasok ng opisina."

"Si Kuya?"

"Nami-missed na raw ng Mommy niya, hayun at mukhang doon muna siya sa White House matutulog."

White House ang tawag sa mansion ng mga Perez. Bukod kasi sa malaki ang bahay na iyon, puti rin ang pintura ng mala-palasyong bahay ng mga ito.

Lumapit ang kanyang ina at hinagod ang kanyang mukha. Dati ay umiiwas siya kapag gagawin nito iyon. There was even a time na tinabig niya iyong palayo. At nasaktan niya ito. Hindi kasi siya komportable. Sino ba ito? Pero kahit ganoon ay hindi ito nagsawang iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga rito. At na mahal na mahal siya nito.

"Kumusta ang tulog mo?"

"Ayos lang po," he lied, of course. Ayaw na niyang pag-alalahanin pa ito.

"Let's go, baka lumamig na ang agahan," malambing nitong ikinawit ang dalawang braso sa bisig niya at sabay na silang lumabas ng kanyang silid.

They live in a private village in Tagaytay. Malapit sa Nuvou Hotel and Resort na nais ng kanyang ama na pamahalaan niya. Ang Kuya Rupert niya kasi ang hands-on sa pangangasiwa ng mga malls nila. At noong isang araw nga ay isinama siya nito sa pag-i-inspection sa Nuvou 1 o ang kauna-unahang sangay ng kanilang mall na itinatag sa Pilipinas. Ang ikalawa at ikatlo nilang sangay ay nasa Cebu at Davao.

"Good morning," nakangiting ini-off ni Ken Sanada ang kaharap na tablet at pasimpleng ibinigay kay Secretary Hiroyushi nang pumasok sila sa komedor.

"Irog, nakalusot ka na naman. Nalingat lang ako ng kaunting oras."

Mahigpit na ipinagbabawal ni Nathalia sa hapag nito ang anumang klase ng gadget. Lalo na kung may kinalaman iyon sa trabaho.

"It was an important video call, irog. Hindi na mauulit, promise." Kaagad itong tumayo at ipinaghila ng upuan ang asawa.

His parents got married twice. Una ay sa huwes noong mga panahong nakaratay pa lamang siya. Ikalawa ay nang matapos ang rehabilitasyon niya at nakapaglalakad na siya ng maayos. Siya ang naghatid dito sa altar nang magpakasal ang mga ito sa simbahan. They had a very intimate and simple wedding in a small church in Minnesota. Siya ang naghatid sa kanyang ina sa altar at si Rupert naman ang nagsilbing bestman ng kanilang ama habang ang pinsan naman niyang si Rialyn ang tumayong maid of honor ng ina. Dinaluhan iyon ng mga piling business associates ni Ken Sanada at ng mag-asawang Marga at Jack Perez.

"Gusto mo bang sumama sa akin sa office? You know, maybe you can share some of your thoughts regarding the management or the accommodation in our hotel," suhestyon ng kanyang habang sila'y kumakain.

Walang Japanese accent ang kanyang ama dahil kahit half-Japanese ito ay sa Pilipinas ito lumaki at nagkaisip. Nang makilala nito ang napangasawang si Yoko ay saka lamang ito nanirahan sa Japan. Ngunit sandaling panahon lang din 'yon. Dahil nang magsimula ng lumawak ang negosyo nito ay kung saan-saang bansa pa sa Asya ito nanirahan. Then he later on, he decided to establish his main base in the Philippines. 

"I'll drop by later, 'Pa. Tatanungin ko na rin si Kuya at baka may ipapagawa siya sa akin."

"Okay. Nasa opisina lamang ako maghapon."

Tumango lang siya at tahimik ng ipinagpatuloy ang pagkain.

"Anak, ito, o. Paborito mo ito. Daing na galunggong," inilapit ni Nathalia ang platong kinalalagyan ng ulam.

Kinuha niya iyon at naglagay ng isang piraso sa plato niya. Napansin niyang tila may hinihintay na reaksyon ang kanyang ina. Pumiraso siya ng isda at nginuya iyon.

"Masarap."

Ngumiti ito. Ngunit parang may kulang sa reaksyon nito dahil parang hindi iyon ang inaasahan nitong sasabihin niya.

"Paborito niyo 'yan ni..." napayuko ito at hindi tinapos ang sinasabi.

"Sino ho?"

"Si Ju--ahm, si Rialyn. 'Yong pinsan mo. Kumusta na kaya ang batang 'yon? Mukhang nawiwili na siyang tumira sa Japan," tumikhim si Nathalia na tila nag-alis ng bara sa lalamunan.

"If you missed her we can fly there next week," ani Ken sa kabiyak.

"Mabuti pa nga siguro. Kaya lang nag-aalala ako kay Sachi. Mga katulong lang ang makakasama niya rito."

"I'm okay, 'Ma," pigil ang iritasyong wika ni Sachi sa ina. "Hindi naman ako batang munti na kailangan niyong bantayan sa lahat ng oras."

"Anak."

"Sachi," matiim siyang tiningnan ng ama.

"I'm fine, I am completely healed so stop fussing over me like I'm some kind of an invalid. Na-reformat lang ang utak ko, pero hindi ako bulag na nangangailangan ng tagaakay."

"Sachi, enough," galit ng wika ng kanyang ama.

Inabot niya ang baso ng tubig atsaka uminom. Pagkatapos ay tumayo na siya at nagpasintabi. Dinala siya ng kanyang mga paa sa likod ng malaking bahay, sa tabi ng pool. Ilang malalalim na paghinga ang pinawalan niya para pakalmahin ang sarili. Alam niyang hindi tama ang ginawa niya. Pero hindi niya lang talaga mapigilan ang hindi mairita. 

Oo, naroroon na siya sa nag-aalala ang mga ito sa kanya. Ngunit memorya lang naman ang nawala sa kanya. Kumpleto ang lahat ng parte ng kanyang katawan at makakapag-function siya ng normal. Ang ikinaiinis niya ay 'yong pati buhay ng mga tao sa paligid niya ay naaapektuhan dahil sa pag-intindi sa kanya. And he hates that. He's perfectly capable of taking good care of himself. Wala naman sigurong papatay sa kanya dahil lang hindi niya maalala ang mga ito. Kaya ano ba ang dapat ipag-alala sa kanya? Hindi naman siya bata. At lalo namang wala siyang kapansanan para lagi pang alalayan.

Nahagod niya ng dalawang kamay ang buhok. Nang marinig niya ang ugong ng lumabas na sasakyan ng ama ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Didiretso na sana siya sa kanyang kuwarto nang makita niya ang ina na tahimik na nagpapahid ng luha sa pisngi. Hindi siya nito napansin kaya naman pumanhik na siya sa kanyang silid at hindi na ito nilapitan pa. 

Tinawagan niya ang kapatid.

"Yo!" bungad nito.

"Nasa office ka na rin ba?"

"Nasa bahay. Nagbo-beauty rest ako. May date ako mamaya."

"Tss." Minsan ay naa-amaze siya sa hitsura ng kapatid. Para itong webtoon character, pretty boy. At kung pagbabasehan ang kanilang mga hitsura, mas mukha siya ritong panganay at ito ang bunso. 

"May kailangan ka?"

"Wala."

"C'mon, spill it."

"Sinong ka-date mo?"

"'Yon ang kailangan mo sa akin?"

"Aside from your betrothed, may idini-date ka pang iba?"

"At sino naman ang nagsabi sa'yong nagdi-date kami ni Elizabeth?"

"Hindi ba?"

"Nope. We are planning to break off the engagement. Humahanap lang kami ng tiyempo."

"That's good to hear."

"Why, you like Elizabeth?"

"Fuck, no. Hindi ko ugaling manulot."

Natawa ito sa kabilang linya.

"So, who are you dating?" seryosong tanong niya sa kapatid.

"Plano ko pa lang siyang yayain. I'll send you her picture. And tell me what you think."

Saglit lang siyang naghintay. Nang mag-vibrate ang phone niya ay kaagad niyang tiningnan ang picture na ipinasa ng kapatid.

Natigilan siya. May kung anong pumitlag sa loob ng rib cage niya na hindi niya maipaliwanag.

"Hello? Bro, are you still there?"

"Who... is she?"

"Her name is Julianna. Julianna Madrigal. The Madrigal's heiress." 

"Is she a model?"

"Nope. But she posed for Extraordinaire."

"'Yong magazine na may exclusivity ang subscription."

"Bingo. She's pretty, right?"

"No."

"No?"

"She's very alluring."

Halos ayaw niyang kumurap habang pinakatititigan ang picture.

"Can you send me a copy of that magazine?"

"Sure brother. Ipapadala ko ngayundin kay Mang Fred."

Julianna. Julianna Madrigal.

Natutop niya ang ulo nang bigla iyong kumirot.

"God damn it. Not again," napahawak siya sa bureau nang gumuhit ang matinding kirot.

Pilit niyang pinaglaban ang pagdidilim ng paningin. He took long, shallow breaths. Halos pasuray-suray siyang naglakad patungo sa kanyang kama. Nang marating iyon ay halos mamilipit siya sa sakit ng ulo.

Fuck, fuck! pinagsusuntok niya ang kama dahil sa hindi mapapantayang kirot. Who the fuck is she? 

May pagka-witch ba ang babaing 'yon at ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya? O dahil pagkatapos niyang maka-recover sa aksidente ay saka lamang niya napatunayang normal din siyang lalaki? He looks at the bulge between his legs. Another stream of expletives came out of his mouth.  

-

nagsisimula na kayang makaalala si Daddy Sachi?

frozen_delights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro