Lucky One
Chapter Twenty
UNANG araw iyon ng kanilang klase. Nagtaka si Julianna dahil hindi pa nadi-dismiss ang una niyang klase ay nasa labas na ng classroom niya si Sachi.
"Beshie, may pogi. Kilala mo?"
Kinikilig na comment mula sa likuran niya. May dalawang babae roon na nakaupo at nagbubulungan. Kanina pa nga siya naiinis sa mga ito kasi hindi niya masyadong maintindihan ang lecture ng Prof nila dahil parang mga bubuyog na ewan. Ang hina pa naman ng boses ng Prof nila dahil medyo may katandaan na.
"Oo nga, ang pogi. Mukhang taga-Engineering Department 'yan."
Dukutin ko na kaya ang mata ng mga 'to, gigil na saloob-loob ni Julianna.
Ayaw niyang lingunin ang dalawang babae dahil natatakot siyang maging kamukha ng mga ito ang baby niya. Hindi naman masasabing mga pangit, nasobrahan lang sa make-up kaya mga nagmukhang clown. Mas gusto niyang si Sachi lagi ang tinititigan paggising sa umaga. Mukha ngang napaglilihihan niya ito.
"Mukhang may sinisilip dito."
"Baka ako?"
Patuloy ang bulungan sa likuran niya. Hindi niya napigilan ang sariling lingunin ang mga ito para naman makahalata. Pero sa halip ay irap ang natanggap niyang reaksyon mula sa dalawa. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa na parang inuuri ang kanyang pagkatao.
"Don't look at me like that. I bet you can't even afford my bath soap," hindi napigilang sabi niya .
It sounds petty and vaunting. Pero masyadong maiksi ang pisi niya para magpa-intimidate sa katulad ng mga ito. They don't even know her.
"'Kalokah. At ano naman ang pake namin sa bath soap mo, aber?"
"Wala ka ngang pake kaya kung puwede itikom niyo 'yang mga bibig niyo dahil hindi lang kayo ang tao sa room na 'to, gets niyo? Kung gusto niyong magtsismisan, doon kayo sa labas. Bumalik na lang kayo kapag interesado na kayong mag-aral. And by the way, that rouge lipstick doesn't look good on you. It clashes with your skin tone."
Their reactions look so comical. Parang biglang pinutulan ng dila ang mga ito na sandaling hindi nakaimik bago sabay ring nanlisik ang mga mata na gusto na siyang sunggaban. But she just ignored them. Wala namang magagawa ang mga ito sa kanya.
Nag-vibrate ang cellphone niya. Naka-silent iyon dahil may klase siya.
Mahal, ibinili na kita ng miryenda mo.
Napangiti siya. Kinilig. Kanina pa nga siya nagugutom. Ang bilis-bilis niyang magutom. Nag-aalala nga rin siya na baka bigla siyang lomobo, mahahalata kaagad ang tiyan niya.
Thank you, mahal. I'll be out in a while.
Tumagal pa ng fifteen minutes ang klase niya. Nang lumabas ang prof ay sumungaw ang ulo ni Sachi at sinilip siya. Kaagad na nabahiran ng ngiti ang kanyang mga labi. Sinamsam niya ang kanyang mga gamit. Patayo na sana siya nang may biglang humila sa buhok niya.
"Ouch!"
"Hey!"
Dali-daling pumasok ng classroom si Sachi para protektahan ang nobya.
"Ang arte mo! Akala mo kung sino ka, ha?"
"Hindi mo kami kilala kaya huwag mo kaming babanggain."
"Awat na, awat na," mabilis na ikinulong ni Sachi sa mga braso ang nobya para hindi ito masaktan.
Ang iba namang kaklase ni Julianna ay umawat na.
"Ginger, tama na."
"Teray, awat na. Mahiya naman kayo."
"Ang babaing 'yan ang dapat mahiya. Baguhan lang siya rito sa section natin, 'tang-na! Lakas ng loob bumangga."
"Square na lang tayo, ano?"
"At sa palagay mo hindi kita papatulan?"
"Mahal," tinapik-tapik ni Sachi ang likuran ni Julianna at pasimpleng binulungan. "Chill."
"Hmp," napairap na lang si Julianna. Nawala sa isip na buntis nga pala siya.
Para namang natauhan ang dalawang babae atsaka lamang napansin ang binatang nakayakap kay Julianna.
"'Yong pogi sa labas," disimuladong bulong ni Teray kay Ginger.
Parehong umayos ng tayo ang dalawang babae sabay finger-combed sa kani-kanyang buhok.
"Siya naman kasi ang nauna, eh," katwiran ni Ginger.
"Maingay talaga kayo," sabi no'ng isang umawat sa mga ito.
"Pero tama bang laitin niya ang kulay ng lipstick ko?"
"I'm just--ump," hindi natapos ni Julianna ang pagsasalita dahil mabilis na tinakpan ni Sachi ang bibig niya. Alam nitong kapag umiral ang pagka-bratty at katarayan niya ay lalong malaking gulo.
"Pasensya na," ani Sachi sabay hila sa kamay ng nobya palabas ng classroom.
"Why did you apologise?" salubong ang kilay na tanong ni Julianna nang makalayo na sila. "Kinakampihan mo ba sila?"
"Ha, may sinabi ba akong gano'n? Humingi lang ako ng pasensya. Hindi dahil kinakampihan ko sila kundi para hindi na lumala ang away niyo. Atsaka kung napaaway ka ro'n, paano na si baby Saschia?"
Napahawak siya sa kanyang tiyan.
"I'm hungry na pala."
"Kitam?"
Napanguso siya.
"Heto na ang miryenda mo," ipinakita nito ang brown paper bag na dala.
"Baked mac ba 'yan?"
"Opo. Saglit muna tayo sa canteen para komportable ka."
"I still have class. Punta na lang tayo sa susunod kong klase. Kakain muna ako habang wala pa si Prof."
"Sige."
"Ikaw, ang aga mo yatang na-dismissed?"
"May emergency ang Instructor ko. Pero papasok na rin ako mayamaya."
"Huwag mo na akong bantayan. I'm okay."
"Paano kung maka-encounter mo na naman ang mga kaklase mong 'yon?"
"So? Dalawa nga sila pero halos magkakapareho lang kami ng height. Nag-aral ako ng kick boxing kaya kayang-kaya ko sila."
"Si Baby Sachia."
"But of course, hindi naman siguro aabot sa gano'n," nginitian ni Julianna nang matamis ang nobyo.
Nang makarating sa susunod niyang klase ay wala pang professor kaya kaagad silang humanap ng puwesto. Inilabas naman ni Sachi mula sa paper bag ang biniling pagkain at inayos sa harapan niya.
"Kain na."
"Thank you, mahal," kahit may mga tao sa paligid nila ay hindi siya nahiyang kudlitan ng halik sa labi ang nobyo.
Para itong babae na biglang namula. Napabungisngis siya.
"Kain na. Baka dumating na ang Prof niyo hindi ka na makakain," sabi nito.
Sumubo na nga siya. Gutom na si Baby Sachia. Nakakalimang subo pa lang yata siya ay dumating na nga ang Prof nila.
"Aalis na ako. Text ka lang kapag may kailangan ka," sabi nito nang tumayo.
"Kiss mo muna ako."
Para itong magnanakaw na luminga-linga muna sa paligid bago yumuko at mabilis siyang binigyan ng smack. Napangiti na lang siya.
"Bye, mahal."
"Bye."
"Bye-what?"
"Mahal na kondesa," ubod ng lambing na sabi nito.
Lumapad nang husto ang ngiti ni Julianna. Kung wala lang ibang tao sa paligid nila ay hihingi na naman siya ng halik. He looks so handsome talaga. At hindi niya masisisi ang iba sa mga kaklase niyang babae kung may paghanga man sa tingin ng mga ito habang nakasunod ang mga mata kay Sachi.
Sorry, ladies. He's already taken, she thought with a smile.
Wala siyang kakilala sa mga classmates niya. Pang-umaga kasi ang kinuha niyang klase at lahat ay 'yong halos kapareho ng oras ni Sachi para sabay silang uuwi at papasok ng school.
"Is that your boyfriend?"
Nilingon ni Julianna ang babaing naupo sa vacant seat sa tabi niya. Mukha naman itong mabait at hindi bitchy na katulad nina Ginger at Teray. She is also very pretty. Hindi nga lang siya 'yong tipong mapapansin kaagad. Pero kapag ngumingiti ito ay napaka-aliwalas ng bukas ng mukha.
"Yes."
"You're lucky. Mukhang malambing at thoughtful."
"Oh, he is. At suwerte rin naman siya sa akin."
"Of course. Bagay kayo."
"Thank you. I'm Julianna, by the way. Julianna Madrigal."
"Ella, short for Elizabeth Lafferty."
Nag-handshake sila.
Nang magsimula na ang klase ay tumahimik muna sila.
Classmate sila ni Ella sa tatlong subjects. Irregular student ito na katulad niya at transferee rin mula sa ibang school. Masarap itong kausap at sa tingin niya ay magkakasundo sila kahit pa nga mukhang exact opposite ang personality nila.
"Ikaw, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Julianna kay Ella nang matapos ang kanilang klase.
"Hm, MU."
"MU? Uso pa ba 'yon?"
"Malabong usapan."
Napabungisngis siya.
"I like you na."
"Same here."
Sa palagay niya ay magkakasundo ito at si Max. Parehong may sense of humor.
"Do you have Irish blood?"
"Yes, my great grandpa. How did you know?"
"Lafferty is an Irish surname."
"Oh, right. I thought it was my good looks."
"And that, too."
They both giggled.
~0~
MABILIS na lumipas ang unang linggo ng klase. Julianna met a new friend and new enemies. Parang lalo pang na-imbiyerna sina Teray at Ginger nang malamang boyfriend niya ang lalaking pinaglalawayan ng mga ito.
Well, no one could get any luckier. Hindi rin siya natatakot sa mga ito. Another week passed and her parents came home. Nagulat na lang si Julianna nang bigla siyang tawagan ng ina at pauwiin ng mansion. May sorpresa raw ang mga ito sa kanya.
Gusto niya sanang sagutin ang ina na siya rin ay may sorpresa sa mga ito. Malibang ang sorpresang iyon ay natitiyak ikaka-shock talaga ng mga ito. Para na niyang nakikita ang galit ng kanyang ama.
"What's the surprise, Mom?"
"We'll be having some guest for dinner. I heard you two are well-acquainted."
"Who?"
"It's a surprise, remember?"
She rolled her eyes ceilingwards.
"C'mon, Mom, kelan pa kayo naging secretive?"
"Nah-uh. I have a question, by the way. May boyfriend ka na ba?"
Hindi kaagad nakasagot si Julianna sa tanong.
"Well?"
"M-meron na po, Mom," wala siyang balak na itago ang relasyon nila ni Sachi. Pero ang gusto niya sana ay unti-untiin ang pagsasabi sa mga ito ng tungkol sa kanyang nobyo.
"Oh," halatang nagulat ang kanyang ina. And she looks a bit disappointed.
"I'm sorry, Mom. It just happened. I love him. And you'll understand why once you meet him. He's a good man and he loves me."
"I'm disappointed for a lot of reasons. But I'm sure mas lamang ang magiging disappointment ng Daddy mo."
"Hindi naman po ako magpapabaya sa pag-aaral ko, Mommy. I promise."
"We meet a couple during our side trip to Paris. And we invited them over for dinner."
"And?"
"You'll know later."
"Should I get worried?"
Her mother just smiled and tapped her hand.
"Get some beauty rest. Titingnan ko lang kung ready na ang mga lulutuin para sa hapunan."
Puzzled man sa iniakto ng ina ay hindi na lamang siya nagsalita pa.
An hour before seven PM ay dumating ang kanyang ama mula sa opisina. Kagagaling lamang nito sa biyahe pero pumasok na kaagad ito. Tuwang sinalubong ni Julianna ang ama.
"Daddy, I missed you."
"I missed you, too, sweetheart. How's school?"
"Good."
Sinalubong ni Evita ang asawa at hinagkan sa pisngi.
"Dinner is almost ready. Go and change your clothes. Nakakahiya naman kung darating sila na nakapang-opisina ka pa."
"Okay."
Bago mag-ikapito ng gabi ay dumating ang mga bisitang hinihintay ng mga magulang ni Julianna. Parang ipinako sa kinatatayuan nito ang dalaga nang ma-realized kung sino ang mga taong 'yon.
"Hello, Julianna. It's been a while."
Parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ng dalaga makita ang taong kinamumuhian niya. Ang taong nagsamantala sa kanya ng gabing iyon.
Si Drigs.
"Pia, Benedict, come in," magiliw na sinalubong ni Evita ang mag-asawang de Guia.
Nag-beso ang mga ito habang si Julianna ay gustong-gusto ng sugurin si Drigs at burahin ng kalmot ang ngising nakaguhit sa mga labi nito.
Bastard!
-
shoot to kill order para kay Drigs :)
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro