Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Love, love, love

Chapter Fifteen

NAPATITIG si Julianna sa mukhang tumambad sa kanya nang magmulat ng mga mata. Ilang beses niyang ipinikit-dilat ang mga mata sa isiping baka imagination lang ang kaharap niya.

"Good morning, mahal na kondesa."

Napasinghap siya. Nagsasalita na ba ngayon ang imagination? Lumapit ito sa kanya at hinagkan nang may tunog ang kanyang noo.

"Mukhang nasa dreamland ka pa. Inaantok ka pa ba?"

"Sachi."

"O, bakit? Kailangan mo bang magbanyo?"

She raised her hand and touched his face.

"You're real."

"Oo naman. Ito ang pruweba," muli itong yumuko at binigyan siya ng matunog na smack sa labi.

Namula siya sabay tutop sa bibig. "Hindi pa ako nagto-toothbrush."

"Ano naman? Amoy-baby ka pa rin."

Bumangon siya at bumaba ng kama. Dire-diretso siyang pumasok ng banyo at naghilamos.

He's real! And what happened last night wasn't just a dream, wala sa loob na nadama niya ang impis na tiyan. I'm pregnant.

Natulala na naman siya. And last night, Sachi confessed he loves her. Pero kaya ba talaga nitong panagutan ang dinadala niya kahit hindi ito ang ama? At siya, magagawa niya bang ipaako rito ang sanggol na hindi naman dito nanggaling?

He said the baby in her tummy is a blessing.

"Mahal na kondesa, ayos ka lang ba riyan?" kumatok si Sachi sa labas ng banyo.

Bumuka ang bibig niya para sana sagutin ito pero isang hikbi ang lumabas mula roon. Mabilis niyang tinakpan ang bibig.

"Julianna."

"A-ayos lang ako."

He sounds panicky when she didn't reply right away.

"Ano ang gusto mong breakfast?"

"A-anything will do," aniya. Kinuha niya ang kanyang toothbrush at dali-daling nagsepilyo. Muli siyang naghilamos pagkatapos.

Paglabas niya ng banyo ay gising na gising na ang kanyang diwa. Wala na rin sa kuwarto si Sachi at maayos ng nakaligpit ang kanilang hinigaan. Napakagat-labi siya nang maalala kung gaano kahimbing ang tulog niya sa mga bisig nito. They didn't do anything sexual last night, but it was the most intimate moment they spent together.

Marahan niyang pinaraanan ng hair brush ang buhok. Sinipat niya ang sarili sa salamin bago lumabas ng silid. Medyo mugto pa ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim at hinanap si Sachi. Nasa kusina ito at busy sa paghahanda ng breakfast.

Parang may sariling isip na kumilos ang kanyang mga paa at lumapit dito. Iniyapos niya ang dalawang braso mula sa likuran nito at idinikit doon ang kanyang mukha.

"Good morning, mahal na konde."

Narinig niya ang mahinang tawa nito bago ito pumihit paharap sa kanya.

"Late pero tatanggapin ko pa rin. Good morning, mahal na kondesa," yumuko ito at kinintalan ng magaang na halik ang kanyang mga labi.

Boluntaryong ipinaikot ni Julianna sa batok ni Sachi ang dalawang braso. Ang magaang na halik ay unti-unting lumalim. Bahagyang napaangat ang mga paa ni Julianna sa sahig nang hapitin siya ng kasintahan sa ilalim ng kanyang puwetan. Pareho silang napaungol nang magtagpo ang kanilang mga dila at mainit na maglaro. She loves how he kissed. Gentle, sweet and hot. It makes her feel mushy and tingly. Bawat kaliit-liitang himaymay ng kanyang laman ay nabubuhay.

Hinabol pa niya ang mga labi ni Sachi at bahagyang kinagat ang lower lip nito nang tapusin ang halik. He was breathing hard. His hot and minty breath fanned her neck when he pulled her up and hugged her tight. Kahit hindi na halos makahinga sa higpit ng yakap nito ay hindi nagreklamo si Julianna. Sa halip ay tinumbasan niya ang higpit ng yakap nito.

"I love you," puno ng emosyong sabi nito.

Nagdulot iyon ng matamis na ngiti sa mga labi niya. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para mapigilan sa pagpatak ang mga luha. Parang sasabog sa sobrang kaligayahan ang puso niya. At kung posible lang i-freeze ang oras na iyon ay ginawa na niya. She would forever treasure that moment.

"I love you, too. So much."

Bantulot pa silang maghiwalay sa pagkakayakap nang maamoy nila ang nasusunog na kawali! Halos paigtad na napalayo si Sachi.

"Upo ka muna, mahal na kondesa. Aayusin ko lang itong niluluto ko, hindi kayo puwedeng kumain ng tutong ni baby."

Napaupo na nga lang siya sa dining chair na hinila nito para sa kanya. Habang busy ito sa pagluluto ay napaisip na naman siya nang malalim.

"Sachi, are you sure you know what you're getting yourself into?"

"Baby ko 'yan, baby nating dalawa. At ito na sana ang huling beses na pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan," hindi lumilingong sabi nito.

Parang nagkabikig ang lalamunan niya sa sinabi nito.

"D-do you need help?" aniyang pilit na hinamig ang sarili. 

Nasa likod man ng isipan niya ang takot sa sitwasyon nila ay pinilit niyang itaboy iyon. Sa ngayon ay kakapit na lang muna siya sa pagmamahal nila para sa isa't isa. Kung magpapatalo siya sa mga negative thoughts na tumatakbo sa isipan niya ay wala rin namang mangyayari. Sabi nga, worry does not empty tomorrow of its sorrow, it empties today of its strength. Sa ngayon ay magpo-focus na lang muna siya sa kaligayahang nararamdaman. Dahil iyon lang naman ang mahalaga, ang kasalukuyan. Siya at si Sachi. At ang kanilang baby.

"Hindi na, upo ka lang. Ako na ang bahalang mag-serve sa'yo, mahal na kondesa."

Napalabi siya. "Kaya ko naman. Hindi naman ako invalid."

Humarap ito sa kanya mula sa niluluto. Kinudlitan siya nito ng halik sa noo.

"Hindi ko naman sinabing imbalido ka. Gusto lang kitang pagsilbihan."

Hindi na lang siya sumagot. Dahil paano pa ba siyang sasagot kung ang bibig niya ay halos mapunit na pagkakangiti dahil sa kilig?

Naghain ito ng bagong init na tinapay, ginisang corned beef, sunny side-up eggs, freshly-squeezed orange juice at isang tasa ng kape para rito.

"Kain na," sabi nito. "Kung may kulang o hindi ka nagustuhan ay sabihin mo lang. Ipagluluto kita ng iba."

"No, this is enough. Thank you." 

Habang kumakain siya ay napansin niyang kape lang ang iniinom nito.

"Bakit hindi ka kumakain?"

"Hindi naman ako gutom."

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Eh, paano kang nabusog?"

"Kaharap ko 'yong energy booster ko, eh. Kaya paano akong magugutom?"

Namula siya. Ang lagkit kasi ng tingin nito.

"Hindi puwedeng kape lang ang laman ng sikmura mo. Kailangan mong kumain."

"Huwag na."

"Hmp, ano ba ang meron sa kape para mabusog ka?"

"Hindi naman 'yong kape ang nakakabusog sa akin. Ikaw."

Nakalimutan niya yatang huminga pagkatapos nitong sabihin 'yon.

"Kain nang kain. Aalis lang ako sandali pagkatapos mong kumain."

"S-saan ka pupunta?" ngayong nobyo na niya ito ay parang mas naging dudera siya.

"Uuwi lang po ako sa bahay," sagot nito sabay abot sa ilong niya at banayad iyong pinisil. "Kailangan kong magpalit ng damit, ang baho ko na. Nakakahiyang lumapit sa'yo, ang bango-bango mo."

Awtomatiko niyang inilapit ang ilong dito at sininghot ito sa leeg. 

"Hm, you don't smell so bad. In fact, I like it."

"Seryoso ka?"

"Uh-hm."

"Pero ang alam ko 'yong ibang buntis sensitive ang pang-amoy."

"Bakit? Ilang buntis na ba ang naging girlfriend mo?" pinaningkitan niya ito ng mga mata. Huwag lang itong magkakamali ng sagot at ibubuhos niya rito ang iniinom na juice.

"Sinabi ko bang girlfriend ko ang mga buntis na 'yon?" matawa-tawang sabi nito. "Puwede namang kapitbahay ko lang o kaya kakilala."

"Siguraduhin mo lang."

"Oo nga po, mahal na kondesa."

"Puwede ba akong sumama?"

"S-sasama ka?"

"Oo. Gusto kong makita ang bahay niyo."

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Ayaw mo yata, eh. May itinatago ka ba?"

Napakamot ito sa batok. "Wala akong itinatago. Ang inaalala ko lang ay baka hindi ka maging komportable sa lugar. Hindi subdivision ang tinitirhan namin."

"Alam ko naman 'yon," inirapan niya ito. Alam naman niya ang katayuan nito sa buhay kaya bakit pa ba ito mahihiya sa kanya?

"Sa ibang araw na lang. Promise, hindi ako magtatagal."

Tiningnan niya ito nang masama.

"May itinatago ka sigurong girlfriend doon, 'no?"

"Ano ka ba? Ikaw lang."

"Kapag hindi ka pumayag na isama ako 'yon ang iisipin ko."

Napapalatak ito.

Nakasimangot siyang nagpatuloy sa pagkain. Masama talaga ang loob niya rito. Gusto lang naman niyang makita ang lugar na tinitirhan nito. Natural lang naman siguro iyon dahil magkasintahan na sila. She wants to get to know him better. O, dahil ayaw lang nitong ipakilala siya sa pamilya.

Ang simangot niya ay nauwi sa disappointment. Siguro ay hindi pa handa si Sachi sa ganoon kalalim na commitment. Biruin mo nga naman, kung ipakikilala siya nito sa pamilya ay hindi lang basta girlfriend. May extra baggage pang baby.

"Huwag ka ng sumimangot. Isasama na kita."

"Totoo?"

"Oo. Sige na, kain nang kain. Nag-aalala lang kasi ako na baka mapagod ka sa biyahe. Mahilo ka na naman at magsuka. Tapos 'yong pupuntahan mo pang lugar ay hindi kagandahan ang paligid."

Ngumiti siya at muling inilapit ang sarili rito. Pinatulis niya ang mga labi bilang paghingi ng halik. Napangiti lang ito at napailing bago pinaglapat ang kanilang mga labi.

"Kain ka na rin, please? Hindi ko kayang ubusin ang mga ito, eh."

"Sige na nga."

Kahit mukhang napipilitan lang ay ibinuka nito ang bibig sa bawat subo niya. Sa huli ay ito halos ang nakaubos ng agahang inihanda nito para sa kanya.

-

late update. good morning! busy lang po.

mag-a-update rin po ako kay TJ, kaunting pasensya lang dahil marami akong extra curricular activities :)

frozen_delights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro