(I Think About You) 24/7
Chapter Seven
"YAYA Magenta," naglalambing na inihilig ni Julianna ang ulo sa may-edad na yaya. Sa lahat ng kawaksi, ito lamang ang hindi nangingilag sa dalaga. Palibhasa halos kapamilya na nila kung ituring ang mahigit singkuwenta anyos na yaya.
"O, naglalambing yata ang alaga ko," naghahanda ito ng paborito niyang home made garlic bagel chips.
Pinadamihan niya na dahil balak niyang mag-uwi sa kanyang apartment. Tatlong magkakasunod na araw ng parating nasa apartment niya si Maxine. Her gay friend's company is more than welcome in her house. Bukod sa nalilibang siya sa mga antics nito ay pansamantala niyang nakakaligtaang isipin ng bente-kuwatro oras si Sachi.
"May tanong lang po ako."
Tumingin ito sa kanya na tila puno ng pagtataka ang mukha.
"Bakit niyo ako tinitingnan ng ganyan?" nakasimangot na tanong niya sa may-ead na ring tagapag-alaga.
"Matagal-tagal na akong may napapansin sa'yo."
"Ano naman kaya 'yon?" nakalabing sabi niya.
"Ikaw ba'y may boyfriend na?"
Napasinghap siya saka madramang natutop kunwa ang dibdib.
"Paano niyo naisip 'yon?"
"Ibang-iba kasi ang glow mo. Parang inspired. Atsaka..."
"Atsaka ano po?"
"Para kang laging may katabing anghel dela guwardya."
"Meaning?"
"Ang bait-bait mo."
"Mabait naman talaga ako, ah," nanunulis ang ngusong sagot niya.
"Oo naman. Pero siyempre ang madalas lang makita ng tao ay 'yong katarayan mo at pagiging suplada."
Lalo ng nanulis ang nguso ni Julianna. Natatawang hinagod ng yaya ang likuran ng dalaga.
"Siyanga pala, salamat daw sa regalong ipinadala mo sa anak ni Nita," ang pangalang binanggit ng yaya ay isa sa kanilang mga maid.
Nagdiwang ng ikapitong kaarawan ang bata. Narinig niya lang ang pag-uusap ng mga kasambahay. Kalalabas lamang sa ospital ng bata at halos naubos na raw ang savings ni Nita kaya naman mukhang isisimba na lamang nito ang anak dahil wala na itong panghanda. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili. Tinandaan niya ang petsa ng kaarawan ng bata. Nang sumapit iyon last week ay inutusan niya ang kanilang family driver na um-order ng isang bilaong pancit, cake, dalawang buong fried chicken at lobo. Ipinahatid niya iyon sa bahay ni Nita.
"Gusto niya sanang personal na magpasalamat sa'yo kaya lang parati ka namang wala sa bahay nitong mga nakaraang araw."
"Wala po 'yon," halos bulong lang na sagot niya. Maliit na halaga lamang iyon kung tutuusin. At hindi rin siya naghihintay ng pasasalamat, maiilang lang siya. "Malapit na po ba 'yan?"
"Oo, malapit na ito," naiiling na sagot ng yaya.
Kilala nito ang ugali niya kaya humigit-kumulang ay alam niyang naiintindihan nito ang nasasaloob niya.
"Yaya, may tanong nga ako, eh."
"Ano nga ba 'yon?"
"Promised me you won't get offended," naupo siya sa high chair at nangalumbaba sa harapan nito.
Mataman siyang tiningnan ng tagapag-alaga.
"Aba'y puwede ba 'yon?"
"Sige na, yaya."
"Lekat. Ano ba 'yon? Tungkol ba sa sex?"
Napahalakhak nang wala sa oras si Julianna!
"You, yaya, ha?"
"Eh, malamang kasi 'yon lang naman ang ikakailang na itanong sa akin ng kahit na sino."
Yaya Magenta is an old maid. Tumandang dalaga na ito sa pag-aalaga sa Mommy ni Julianna. Nang magkapamilya si Evita ay isinama ito ng Mommy niya hanggang sa isilang siya at ito na rin ang mag-alaga sa kanya.
"O baka naman itatanong mo sa akin kung virgin pa ako?"
"Are you?"
"Aba'y hindi na."
Napaawang ang bibig niya. Hindi niya inaasahan iyon.
Itinaas ni Yaya Magenta ang baba niya sa pamamagitan ng hintuturo nito. "Baka kabagan ka."
Gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi.
"So, who's the lucky guy who popped your cherry tomato?" pilyang tanong niya sa yaya.
"Secret."
Hindi na lang niya inalam. "How old were you when it happened?"
"Disisais."
"Sweet sixteen." Tingin ni Julianna ay nag-blushed ang yaya.
"Ikaw talagang bata ka. Iyan ba ang itatanong mo?"
"Nope, but close. Bakit hindi na kayo nag-asawa?"
"Na-indespair ako, eh."
"What happened?"
"Pinapili niya ako. Ang magpakasal at manatili sa probinsya o magtrabaho dito sa Maynila. Pinili ko ang magtrabaho."
"Ganoon lang, yaya, nagkahiwalay na kayo?"
"Pagbalik ko sa probinsya may-asawa na siya. Ano pa ang magagawa ko?"
"Aw, that's sad."
"Ganoon talaga."
"Did you regret your decision?"
"Minsan. First love ko, eh. At kasabihan nga, first love never die."
"Yii," kinilig siya.
Napailing si Yaya Magenta. "Nasagot ko na ba ang tanong mo?"
"Yes, yaya. And don't worry, we'll take good care of you like you took good care of me and Mom."
"Napamahal na kayo sa akin. Kaya nga kahit na-indespair ako sa una kong nobyo ay hindi ko na rin masyadong dinamdam dahil naririyan kayo. Ipinaramdam niyo sa aking hindi na ako ibang tao sa inyo."
Habang pinapanood sa ginagawa ang yaya ay naisip na naman ni Julianna si Sachi. He's probably wondering kung bakit hindi niya ito tinatawagan para ipag-drive. Iniisip din kaya siya nito katulad ng ginagawa niya? O baka busy ito sa kung sinu-sinong gustong magpa-book dito?
Sa mga naiisip ay napabusangot siya.
He's just my driver, paalala niya sa sarili.
Yes, he's just your driver. Pero bakit affected ka kung lumabas man siya para makipag-date sa iba?
Napasubsob siya sa mesa. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Alam niyang kahit papaano ay nagkagusto si Sachi sa kanya. Dati. Pero alam niyang ang lahat ng 'yon ay posibleng nabura na nang pakitaan niya ito ng magaspang na ugali. Now, the tables are turned. She's falling helplessly to Sachi.
She groaned in frustration.
"Mabilis lang maluto ito," 'ika ng yaya. Iniisip marahil na naiinip na siya.
"It's okay, yaya. May iniisip lang po ako."
"Boyfriend mo?"
"No. Wala po akong boyfriend."
At wala rin akong grilfriend, a familiar voice echoed inside her head.
Paano ba niya itong hindi maiisip kung sa bawat kibot niya ay ito ang kanyang maaalala?
~0~
HUSTONG isang linggo ang nakalipas nang makatanggap ng tawag si Sachi mula kay Julianna. Muntik pa niyang mabitiwan ang cellphone nang makita ang pangalan ng kanyang caller. Isang bagay kaagad ang pumasok sa isip niya. Tumawag kaya ito para i-terminate ang usapan nila na maging driver siya?
Sa isip ay napamura ang binata.
"Hello."
"Uh, did I call at a bad time?" parang alanganing sagot ni Julianna sa kabilang linya. "Sorry, mukhang naka--"
"Hindi, wala akong ginagawa," mabilis niyang sabi dahil mukhang magpapaalam na ito.
Ang gaspang yata ng dating ng pagkakasagot niya. Hindi naman niya intensyong iparating dito na napu-frustrate siya sa sitwasyon dahil sa iniisip niyang nagbago na ang isip nitong i-hire siya.
Shit naman kasi. Sa loob ng nakalipas na isang linggo ay para siyang tangang naghihintay ng tawag mula rito. Ayaw naman niyang maunang tumawag dahil ang sabi nito'y ito ang tatawag sa kanya, baka makulitan.
"Libreng-libre ako. May lakad po ba tayo, Ma'am?" dire-diretsong sabi niya.
Narinig niya itong pumalatak sa kabilang linya. "I told you not to call me that."
Napangiti siya.
"Enrollment na bukas. Mag-i-enroll ka na ba?"
"Hindi pa, eh."
"Why? Oh, I forgot. Tumawag nga rin pala ako para ibigay ang kalahati ng sahod mo."
Para siyang nakahinga nang maluwag. Hindi naman sa nag-aalala siyang wala na siyang makikita pang ibang trabaho o dahil nanghihinayang siya sa malaking pasuweldo nito. Pero kasi...
Naihagod niya ang mga daliri sa buhok. Suntok sa buwan. Si Julianna ay tulad sa isang matayog na pangarap na sa panaginip niya lang puwedeng matupad. Pero kahit ganoon, naisip niyang wala naman sigurong masama kung mapapalapit siya rito.
"S-Sachi, are you still there?"
"O-oo, 'andito pa ako. Ah, ano bang time kita pupuntahan sa apartment mo?" Doon niya ito inihatid pagkatapos nitong mag-shopping.
Naisip niyang pambihira talaga ang mga mayayaman. May bahay naman ang mga ito pero nagrerenta pa ng sariling bahay. Nang tanungin niya ito tungkol doon, gusto lang daw nito ng may privacy. Ang maging independent at hindi umaasa sa mga kasambahay.
"Can you come here by nine in the morning?" ani Julianna.
"Ayaw mo ng mas maaga para mas mabilis tayong matapos?"
"I don't mind. Anong oras ba sa palagay mo?"
"Around seven. Pero gising ka na kaya no'n?" may bahid-birong sabi niya.
"Oo naman, 'no?"
"Sige, before seven naririyan na ako."
"Great, see you tomorrow!"
"See you."
Ilang sandali ng dead air pero hindi pa rin maalis ni Sachi ang cellphone sa kanyang tenga. Ang babaing twenty-four-seven ng nakatira sa panaginip niya ay makikita na niya bukas.
"Uy, pinsan. Nahanginan ka na yata riyan," anang titibo-tibo niyang pinsan na si Ria.
Ibinaba niya ang cellphone at kaagad na ibinulsa.
"Inlababu ka, 'no?" sabi nito na sinipat na mabuti ang kanyang mukha.
"Hindi, ah."
"'Sus! Sige, mag-deny ka pa. Para kang si Coco Martin. Hindi na lang umamin, tsk."
"Puro ka TV. Magtinda ka na ng isaw ro'n sa labas."
"Huu, umiiwas ka lang," kantiyaw pa nito.
Pumatok ang maliit na negosyong sinimulan nito at ng kanyang ina, ihaw-ihaw. Nakapuwesto ito at ang Mama niya malapit sa tabing-kalsada, walking distance mula sa barung-barong nila.
"Aalis muna ako," paalam niya.
"Saan ka na naman pupunta?"
"Magkikita kami ni Rupert."
"Ano 'yan, lalaki o nagkukunwaring lalaki?"
"Sira. Para kang si Julianna."
"A-ha! At sino naman 'yang Julianna na 'yan?"
"Kailangan ba talaga marami pang interview? Dinaig mo pa si Mama," magkasing-edad lamang sila nito. Pero minsan ay para talaga itong nanay kung umasta sa kanya.
"Tsk. Lalaki talaga 'yong Rupert, ha?"
"Lalaki nga. Baka kapag nakita mo 'yon bigla kang maging babae."
"Ulol!"
Tatawa-tawa siyang lumabas ng kanilang bahay. Seven years old si Ria nang iwanan ng isang malayong pinsan ng kanyang ina sa kanila. Hindi na ito binalikan ng nanay nito. Alam niyang malaki ang tampo nito sa ina dahil para nga naman itong ipinamigay ng magulang. Pero hindi naman nila ito itinuring na iba. Madalas nga itong mapagkamalang kapatid niya. Pinag-aral din ito ng kanyang ina kahit paglalaba at plantsa lang ang hanapbuhay nito. Ngunit pagkatapos ng high school ay tumanggi na itong magkolehiyo. Hindi raw para rito iyon. Pero duda siya roon, sa palagay niya ay nahihiya lang ito. Kung hindi nga lang marami na rin itong isinakripisyo at ang Mama niya ay tumigil na siya ng pag-aaral para ito na lang ang mag-aral.
Ito at ang Mama niya ang parati niyang iniisip. Kaya kahit minsan ay tinatamad na siyang mag-aral ay itinutuloy pa rin niya. Lalo na ngayong nadagdagan na ang kanyang inspirasyon. Napangiti siya nang wala sa loob.
Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng kahibangan niya kay Julianna. Crush lang naman iyon noong una. Paghangang kaagad na naglaho tapos biglang bumalik. Nang bumalik ay tila mas malala pa. Kumbaga sa cancer, nasa stage three na ang kaso niya. Kapag umabot iyon ng stage four ay baka hindi na siya makabangon.
-
naku, iba na 'yan, Sachi-baby. meron ka ng Julianna virus :)
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro