Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'll Be There

Chapter Forty-Nine

NAWALAN ng malay si Sachi. Minabuti ng doktor nito na ipadala na sa pagamutan ang binata upang mas ma-evaluate ang lagay ng kalusugan. Binabayo ng matinding takot ang puso ni Julianna. Nag-aalala siya na baka kung mapaano na naman ito. Hindi na niya kakayanin kapag may nangyari pang masama sa kanyang nobyo.

Panay ang balong ng kanyang luha habang mahigpit na hawak ang kamay ng kasintahan patungong ospital. Gusto na niyang mainis sa sarili dahil wala na siyang ginawa kundi ang umiyak.

"Don't worry. He's going to be okay," ani Rupert na kasama niya sa ambulansya.

"He will. He should," pigil ang paghikbing tugon niya. "Our daughter needs him, gustong-gusto na siyang makita ni Saschia."

"And she will meet him."

Pagdating ng ospital ay kaagad na inasikaso ng mga doktor si Sachi. Habang kabado siyang naghihintay sa resulta ng ginagawang pagsusuri sa kasintahan ay tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ina.

"Hello, Mom."

"Anak, umuwi ka muna. Si Saschia, napakataas ng lagnat!"

Parang may dumakot bigla sa puso ni Julianna sa ibinungad ng kanyang ina.

"I'll be right there, Mom."

"Sa IMC na lamang tayo magkita," tukoy nito sa ospital kung saan resident doctor ang pediatrician ni Saschia.

"Natawagan niyo na po ba si Dr. Graciela?" worried na tanong niya sa ina.

"Yes. Mabuti na lamang at nasa IMC siya ngayon. We're almost there."

"Sige po, papunta na ako." Nang matapos ang tawag ay natutop niya ang ulo nang maalala si Sachi.

"May problema?" tanong ni Rupert nang makita ang distress sa mukha niya.

"Si Saschia, may sakit."

"Ha? Puntahan mo na. Ako na ang bahala kay Sachi."

Nahahati ang loob niya sa kanyang mag-ama.

Kaagad namang tinawagan ni Rupert ang driver nito. Mayamaya pa ay hinawakan siya nito sa siko at iginiya na sa entrance ng ospital. Naroroon na at nag-aabang ang kanyang sasakyan.

"Keep me posted," aniya sa binata.

"I will. At balitaan mo rin ako kung ano ang lagay ni Saschia."

Tumango na lamang siya.

"Saan po tayo, Ma'am?"

"Sa IMC ho, Mang Fred."

Mahigit isang oras din ang biyahe niya. Panay ang dasal niya na sana ay maayos lamang ang lagay ng anak. Nagi-guilty siya na nagkasakit ito kung kelan wala siya. Maya'tmaya ang pahid niya sa magkabilang pisngi. Kahinaan niya talaga ang anak niya. At ngayon ay si Sachi. Kung puwede niya lang hatiin ang katawan para sabay niyang makasama ang kanyang mag-ama ay ginawa niya na.

Pagkaraan ng kainip-inip na biyahe ay nakarating din sila ng pagamutan. Nagmamadaling umibis ng sasakyan si Julianna at kaagad na tinungo ang information. Kapapasok lamang daw sa private room ng pasyente. Tinungo niya ang elevator para umakyat sa floor na kinaroroonan ng silid ng kanyang anak. 

Bihirang magkasakit nang malubha si Saschia. Kung magkasakit man ay hindi kailangang i-confine. Mahusay ang pediatrician niya. Unless maselan ang lagay ng pasyente, saka lamang ito magsa-suggest na i-confine. At iyon ang nagpapakabog sa dibdib niya. Kung anu-anong masasamang isipin ang nagpapasalit-salit sa utak niya.

Paglabas niya ng elevator ay tamang-tama namang nakasalubong niya ang magandang doktora, si Dr. Graciela Innamorada-Machts.

"Hi, Jules," nakangiting bati ng doktora.

"Hell, Doc. Good thing I caught you. How is my daughter?"

"She has acute otitis media, it's a middle ear inflammation." Maingat na hinimay ng doktora ang kalagayan ng kanyang anak. Nakita marahil nito ang labis na pag-aalala sa mukha niya kaya ipinaliwanag nitong mabuti ang lahat nang mabawasan ang takot niya. "She'll be fine, don't worry. I just advise your Mom to let her stay here for forty-eight hours dahil nakikita kong sobra ang pag-aalala niya."

"Thanks, Doc. Hindi na kasi sanay si Mommy na mag-alaga ng bata."

"Not to mention, Saschia is her first grandchild. Mahal na mahal ng Lola."

"Naku, sinabi niyo pa."

Nagkatawanan na lang sila.

"I'll go ahead," nakangiting paalam ng doktora nang bumukas na muli ang lift.

"Sige, Doc. Thanks for your time."

Mabilis niyang pinuntahan ang private suite na kinaroroonan ng anak.

"Mommy."

"Hello, sweetheart," sa anak kaagad dumiretso si Julianna at hindi na nilibot ang tingin sa mga taong nasa loob ng silid. Masuyo niyang hinaplos ang mukha nito. May lagnat nga ngunit mas malala roon ang naiisip niyang sitwasyon kanina kaya medyo kumalma na ang nerbiyos niya. "How are you feeling, sweetie?"

"It hurts--here," itinuro nito ang kaliwang tenga.

"Don't worry, Mommy's here. I will kiss the pain away." Yumuko siya at banayad na dinampian ng halik ang tenga ng anak. "There. Mamaya, wala na 'yan."

"Where did you go? I missed you last night."

"Uh, I-I was with," your Daddy. Pero hindi niya nagawang ituloy dahil natitiyak niyang mangungulit ito na makita ang ama sa sandaling mabanggit niya. "I was with a friend. He's also sick so I had to look after him."

"Is he okay now?"

"I hope so. We took him to the hospital, too."

"Oh. What's his name?"

"Uhm, can I keep it a secret for now? I promise, once he gets better I will tell you his name."

Saglit na tila nag-isip muna ito bago sumagot. "Okay."

Naglalambing itong yumakap sa kanya.

"Don't leave me again, Mommy."

"I won't, sweetheart. I promise." Tinabihan niya ito ng higa sa kama. Mabilis na yumapos ang braso nito sa kanyang leeg. 

Saka niya lamang inilibot ang tingin sa mga kasama nila sa silid. Natigilan siya nang makita ang taong kausap ng Mommy niya. Wala roon si Yaya Magenta, ang dalawa lamang ang kasama ni Saschia sa hospital suite. 

"Grandpa's here," mahinang bulong ni Saschia sa kanyang tenga.

Nagulat man ay nakaramdam din ng tuwa si Julianna sa isiping naroroon ang Daddy niya dahil nag-aalala ito sa apo.

"I know, sweetie."

"Grandpa said, I should get well soon 'cause he will take me to Disneyland," muling bulong ng kanyang anak.

"He said that?"

"Uh-huh."

"Then he probably will."

"Will you come with us, too?"

"Of course."

Napangiti ito.

"Sleep and get some rest so you'll get better soon."

Masunurin naman itong pumikit. Tulad ng nakagawian, banayad niyang hinagod-hagod ang likuran nito hanggang sa makatulog. Nang nahihimbing na ito ay maingat siyang bumaba ng kama at inayos ang pagkakakumot dito.

Lumapit siya sa kanyang mga magulang.

"H-hello po, Daddy," nag-aalala man na baka iwasan ng ama ay ginawa pa rin ni Julianna ang nakagawiang pagbati rito. She kissed her father on the cheek.

"Saan ka ba nagpupunta at nagkakasakit na ang anak mo, wala ka?" bagama't tonong naninita ay hindi naman maramdaman ni Julianna ang totoong galit sa tinig ng ama.

"I... I-I was with Sachi, Daddy," ayaw na niyang maglihim pa rito ng kahit na ano kaya sinabi na niya ang totoo.

Inaasahan niyang magugulat ito ngunit hindi iyon nangyari.

"I already told your father," tila tugon ng kanyang ina sa pagtataka niya.

"May sakit ba talaga siya o baka naman nagdadahilan lamang ang lalaking 'yon para takbuhan ang pananagutan niya sa'yo?"

"Dad."

"Diomedes."

Sabay pa sila ng Mommy niya.

"Siya, siya. Dalawa kayo. Ang mabuti pa siguro ay bumalik na kayong mag-ina sa mansion. At least kahit umalis ka man ng bahay ay maraming mag-aalaga at titingin sa apo ko. Katulad na lamang niyan, baka hindi mo masyadong natututukan ang pag-aalaga kaya napasukan ng mikrobyo ang tenga."

Her mother rolled her eyes ceilingward. 

"Yes, Daddy," tugon na lamang niya at hindi na komontra.

"Alam niya ba na nag-pose ka sa magazine na 'yon?" he asked with obvious displeasure.

"Y-yes, Daddy."

"At ano ang reaksyon niya?"

"H-he got mad and jealous. Binili niya ang lahat ng copy ng magazine."

"He did?"

"Opo."

Tumango-tango ito, tila nasiyahan sa narinig.

"Men and their territorial and possessive nature," naiiling namang reaksyon ng kanyang ina.

"We are territorial and possessive when it comes to the woman we love. 'Yong ibang lalaki siguro ay ayos lang na pinapantasya ng iba ang kanilang nobya, katwiran nila ay sa kanila naman. But not me. And obviously, the same thing goes to that man."

Naisip niyang mukhang magkakasundo ang Daddy niya at si Sachi pagdating sa ganoong bagay. Ganoon din kasi ang katwiran ng nobyo.

"Ayaw ko lang na pinagpipiyestahan ng iba ang pag-aari ko." Naalala niyang sabi nito.

"But I thought he lost his memories?" tanong ng kanyang ama.

"That's the funny thing, Daddy. He couldn't remember our past but he's extremely territorial and possessive."

"It's because the heart remembers what the mind forgets," anang kanyang ina.

"That's according to a romanticist."

Tinaasan ng kilay ni Evita ang asawa. 

"And do you have a better explanation about it?"

"Sweetheart, hindi ko naman sinasabing komokontra ako sa sinabi mo," natatawang sabi ni Diomedes sa asawa sabay lambing dito.

Napangiti si Julianna. Na-missed niya ang ganoong eksena ng mga magulang. At nami-miss na rin niyang maglambing sa mga ito. Dasal niya lang sana ay iyon na ang simula ng lahat para manumbalik sa dati ang magandang relasyon niya sa mga ito.

Tumunog ang cellphone ng Daddy niya. Sumimangot ang kanyang ina. Alam na kasi nito kung ano ang ibig sabihin niyon. Tawag iyon mula sa opisina.

"I have to go. Pero babalik ako mamaya," mabilis na humalik ito sa kanilang mag-ina bago tinungo ang pinto.

"Daddy," humabol si Julianna sa ama bago pa nito marating ang pinto.

"Yes?"

"Thank you for being here."

"You know I will always be here for you no matter what."

Napangiti siya. In not so many words, tila nakapaloob na roon ang lahat ng kailangan niyang marinig. Lumabas na ito. Mayamaya pa ay dumating naman si Yaya Magenta, dala ang paboritong stuffed toy ni Saschia na paborito nitong yakapin kapag natutulog. Kasinlaki iyon ng isang regular na unan.

"Mabuti at naririto ka na. Panay ang hanap sa'yo ng bata," ani Yaya Magenta.

"Alam niyo naman pong hindi 'yan sanay nang hindi ako nakikita sa loob ng isang araw."

"O, eh, kumusta naman si...?"

Hindi na iyon nasagot ni Julianna dahil tumunog ang kanyang cellphone. Si Rupert ang tumatawag. Naunahan lamang siya nito. Balak na rin sana niya itong tawagan para kumustahin ang lagay ni Sachi.

"Rupert, how is he?"

"He's still unconscious. But his doctor assured me that there's nothing to worry. It was his body's survival mechanism, once the blood and oxygen level in the brain hits low the body shuts down. That's why he fainted. Kumusta si Saschia?"

Medyo nakahinga siya nang maluwag.

"She has ear infection. But with proper medication she'll be fine."

"She must have missed you."

"Yes," nakangiting sinulyapan niya ang anak at hinagod ang buhok nito.

"Tumawag lang ako para hindi ka na masyadong mag-alala. At para alamin na rin ang lagay ni Saschia."

"She'll be okay, her Mom is here."

Narinig niya ang maikli nitong pagtawa sa kabilang linya.

"Mukhang ikaw ang gamot ng mag-ama."

Natawa rin siya.

"By the way, I have something to confess."

Bigla yata siyang kinabahan.

"W-what is it?"

"Ako ang nagsabi kina Max at Elizabeth na kumbinsihin kang mag-pose sa Extraordinaire."

"A-ano?"

"Kasi na--aw! The fuck, Sachi!"

The line went dead. Nang muli niyang subukang tawagan si Rupert ay hindi na niya ito muling nakontak.

What just happened? Tama ba ang narinig niya, gising na si Sachi?

-

frozen_delights  





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro