Going Crazy
Chapter Forty-Three
A WEEK earlier...
TAMANG-TAMA namang humupa na ang pananakit ng ulo ni Sachi nang dumating ang driver ng panganay na kapatid dala ang magazine na hinihingi niya rito. Kaagad niya iyong dinala sa kanyang silid at binuklat. To be fair, magandang klase talaga ang magazine na iyon. Hindi pipitsugin. Kaagad niyang hinanap ang featured model for the month. May maiksing article na kasama iyon.
The Goddess Inside the Gilded Cage.
Most people only know her as the future heiress of the largest chain of neighborhood supermarket in the Philippines. With an impressive vital stats of 34-25-34, this twenty-six year-old lady is a bombshell. But there's more to this goddess than meets the eye. Not only did she graduated with honors, she also topped the CPA Board Exams. A perfect combination, beauty and brains. She is every man's walking fantasy, including yours truly. But don't hold your breath, gentlemen. She's still single but her heart is already taken. And she intends to keep it that way.
Nang buklatin ni Sachi ang mga sumunod na pahina ay hindi napigilan ng binata sa pagtitiim ang mga labi.
Her heart is already taken pero nagawa niya pang mag-pose ng ganito? nag-isang linya ang kanyang mga labi at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata. If I were her boyfriend I will never let her pose to any men's magazine.
Natutop niya ang ulo nang tila may pumintig na namang ugat doon.
Fuck! This woman will be the death of me.
Naiinis siyang hindi niya maintindihan habang binubuklat ang magazine at nakikita ang kaakit-akit nitong mga pose. Tulad din kaya ng naiisip niya ang naglalarong ideya sa utak ng mga lalaking tumitingin doon?
Shit!
Nasapo niya ng dalawang kamay ang ulo nang tila mas tumindi pa ang pagkirot niyon. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na papaglinawin ang isip at damdamin. Hindi niya alam kung bakit masyado siyang apektado. May ilang babae rin naman na nagpakita ng motibo sa kanya lalo pa nga at alam ng mga ito kung sino siya. Mula sa mga nurses na nakakasalamuha niya sa ospital hanggang sa mga babaing nakilala niya at nakakadaupang-palad sa mga social functions na kasama ang ama. Ngunit ni isa man sa mga ito ay hindi niya pinatulan. Ano ang meron sa babaing ito na kahit larawan pa lang ay naliligalig na ang kanyang katinuan?
Bago pa niya maunawaan kung ano ang kanyang ginagawa ay muli niyang tinawagan ang kapatid na si Rupert.
"Yo, brother dear," tila hinihintay talaga nito ang pagtawag niya.
"You can't date her."
"What?"
"Julianna Madrigal. I want her. Can you make the arrangement for us to meet?"
"Wait. Arrangement like, a date?"
"Yeah, whatever you want to call it."
"Uh, can you give me a week?"
"Ganoon katagal? Akala ko ba kilala mo?"
"What makes you think na magkakilala kami?"
"The way you said it a while ago. Plano mo siyang yayain, quote and unquote."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya.
"I was just messing with you, brother dear. 'Yong mga ganyang tipo hindi 'yan basta-bastang makikipag-date sa kung kani-kanino lang."
"Tss. And yet she posed for a men's magazine."
"Disente naman ang mga pose niya, ah."
"Disente? Hah! Ilang kopya ba ang inilabas sa market ng magazine na 'yan?" May bahid-iritasyong tanong niya. Naiinis siya sa ideyang marami ang tumitingin sa larawang iyon at pinagpapantasyahan ng kung sino-sinong lalaki ang babae sa picture.
"Bakit? Bibilhin mo?"
Natigilan siya. Bibilhin niya? Nasisiraan na ba siya ng bait? Mag-aaksaya siya ng salapi dahil lamang sa babaing ni hindi pa niya nakikita sa personal? Kalokohan. Isang napakalaking kalokohan.
"Can you?"
"Ano?"
"Puwede bang ma-trace sa market ang lahat ng bumili ng magazine na 'yon?"
Biglang nawala ang kausap niya. Pero bago iyon ay may narinig siyang tila bumagsak na bagay sa kabilang linya.
"Hello? Kuya Aki, nariyan ka pa ba?" Nang tingnan niya ang kanyang cellphone ay on-going pa naman ang tawag niya.
"Hello."
"Ano ang nangyari?"
"Nabitiwan ko 'yong remote, bumagsak sa paa ko."
"So, can you buy it off the market? Ibawas mo na lang sa suweldo ko."
"It's a two-year worth of your salary, brother."
"I don't mind."
"Damn, you're serious."
"I am." Hindi na lang niya idinugtong na may pakiramdam siyang magkakaroon ng malaking parte sa buhay niya ang babaing 'yon. At gagawin niya ang lahat para mapansin nito. Kung kinakailangang gamitin niya ang impluwensyang nakakabit sa kanyang pangalan upang makuha ang atensyon nito, so be it.
He is, after all Sachi Sanada.
"I'll see what I can do. I'll talk to Sean Machts."
She's still single but her heart is already taken, ayon sa nabasa niyang artikulo sa magazine.
We'll see about that, he thought.
~0~
MALAKAS na itinaas ni Julianna ang baba ni Max na tila hindi pa rin maka-get over sa katatapos niya lamang ipagtapat dito.
"Aray ko naman, baks."
"Baka kasi pasukin ng langaw 'yang bibig mo. Kanina ka pa nakanganga."
"Sino namang hindi mapapanganga sa mga sinabi mo. Si Sachi, buhay? Imagine, six years ka ng nagluluksa. Tapos 'yong taong ipinagluluksa mo ay buhay na buhay naman pala. Buti hindi ka nagalit kay Rupert?"
"Dahil itinago niya sa akin ang totoo?"
"Oo."
"The thought that Sachi is still alive is enough to make me feel happy and grateful. Bakit naman ako mag-iinarte pa sa mga negative emotions?"
"Mature ka na nga, baks. Pero teka, hindi kaya sinapian ng ibang kaluluwang ligaw ang jowabels mo? You know, kaya hindi makaalala kasi nga--aww!"
Sinipa niya ito. Pasalamat ito at naka-flats siya.
"Ginawa mo pang horror ang story naming dalawa," nakairap niyang sabi rito.
"Ayaw mo no'n? Parang ala-Demi Moore at Patrick Swayze ang drama niyo? Classic."
"Puro ka talaga kalokohan."
Tatawa-tawa lang ito na sumipsip sa straw ng iniinom na juice. Nasa Nuvou Mall sila tulad ng hiling ng kanyang prinsesa. Nabanggit na rin niya kay Rupert ang sinabi ng kanyang anak na nakita nito ang ama sa mall. Ayon sa binata ay posible ngang si Sachi ang nakita ni Saschia dahil kasalukuyang nag-iikot ang mga ito roon for annual inspection.
"Dapat bongga ang bihis mo, baks," ani Maxine. "'Yong tipong luluwa ang mga mata ni Sachi kapag nakita ka. Tapos magso-short circuit ang mga wirings sa utak niya at boom, bigla ka niyang maaalala."
"Iyon nga ang inaalala ni Rupert, baks. Mahirap ding biglain ang pagbabalik ng memory niya at baka hindi niya kayanin."
"Ano ka ba? Hindi naman ganoon kahina ang jowabels mo. Natawid niya nga ang kabilang buhay para makabalik sa inyong mag-ina, iyon pa kayang babalik lang ang memory niya?"
Kunsabagay. At sana nga tama ito.
"Let's go shopping. Kailangan mong magpabongga."
"Si Saschia."
"Don't worry, naririyan si Ate. Mapapabayaan no'n ang sariling mga anak pero hindi si Saschia."
Sinulyapan niya muna ang kinaroroonan ng anak bago nagpahila kay Max at sumama na rito. Pansamantala kasing naka-close ang arcade kaya nasa isang palaruang-pambata ang kanyang anak kasama ang kapatid at mga pamangkin ni Max. May bodyguard at yaya naman iyong kasama kaya medyo napanatag na rin ang loob niya.
Pumunta sila sa mga kilalang boutique. Matagal-tagal na rin mula nang huling beses siyang mamili ng sariling damit. Mula kasi nang ipanganak niya si Saschia ay panay pangangailangan na lamang nito ang iniintindi niya.
"Ito, baks. I'm sure babagay ito sa'yo. Isukat mo."
Nakita ni Julianna ang tila nadismayang ekspresyon sa mukha ng saleslady nang ilapat sa kanya ng kaibigan ang napili nitong damit. Mukhang hindi nito ini-expect na ang kasama niyang poging binata ay isa ring mujer. Pigil ang ngiting pumasok siya ng fitting room at isinukat ang damit.
"Let me see."
Alanganin siyang lumabas ng fitting area para ipakita kay Max ang magandang lapat ng damit sa katawan niya. Medyo asiwa lang siya dahil hindi niya iyon puwedeng suotan ng bra.
"Wow. I knew it, bagay sa'yo. Turn around."
Bahagya siyang pumihit. Kita ang malaking bahagi ng likuran niya dahil haltered ang style ng damit at hakab sa katawan ang malambot na tela.
"Sexy."
"Wala akong bra," she just mouth the words para hindi marinig ng ibang shoppers.
"So? Ayaw mo ba noon, aksyon kaagad."
Namula ang kanyang mukha sa ipinapahiwatig nito. Bumalik na siya sa fitting room at nagpalit ng suot. Pero in fairness, gusto na rin niya ang damit na napili ni Max. Bagay sa kanya. Bibili na lang siya ng breast pad. Hindi kasi siya komportableng magsuot ng damit nang walang bra. Mabuti sana kung nasa bahay lang siya.
"I'll take it," aniya sa saleslady.
Namili na rin siya ng ilang lingerie. Kumpleto na kasi roon. Hindi na nila kailangang lumipat pa ng ibang boutique para sa ilang necessities.
"Iba talaga kapag may pinaghahandaang digmaan," makahulugang sabi ni Max. Nakatingin sa binili niyang lingerie.
Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ni Julianna. Matagal na silang magkaibigan pero hindi pa rin siya nasasanay sa mga kahalayan nito.
"Tse. Bumili ka rin para hindi ka naiinggit."
"We don't need it whenever we're together," tukoy nito sa misteryosong kasintahan.
"Ikaw na ang may mainit na lovelife."
"Ha-ha-ha," ginaya nito ang OA na tawa ng isang kilalang socialite at tv host. "Pero aminin, kinakabahang-nai-excite ka na sa date niyo."
"Tell me about it."
"Don't forget to share the juicy details," dagdag pang panunudyo nito.
"No way."
"No way raw, o. Nag-i-expect talaga siya ng juicy outcome."
"Baliw."
Kinuha na niya ang mga pinamili. Sa totoo lang ay nagpapaligsahan ang kaba at excitement niya sa nakatakda nilang pagkikita ni Sachi. Curious na rin siyang makita kung ano ang mga naging pagbabago sa hitsura nito sa ilang taon nilang pagkakalayo. Ayon kay Rupert ay napakalaki ng ipinagbago nito. Lalo na sa ugali. Kaya sana raw ay siya na ang umunawa sa kalagayan nito. Aniya ay hindi na nito kailangang sabihin iyon. She's willing to do anything to be with Sachi. At kahit pa ito ang taong pinakamahirap pakisamahan ay hindi siya basta-bastang susuko.
Kinabukasan ng gabi ay maingat siyang nag-ayos para sa date niya. Nasa apartment niya ang ina at si Yaya Magenta. Ipinagtapat na niya sa mga ito na buhay si Sachi. Na nagkaroon ng malaking diperensya sa memorya nito kaya hindi na ito nakabalik sa kanilang mag-ina. Tulad ng reaksyon ni Max ay gulat na gulat din ang kanyang ina at ang butihing yaya. Sinabi niya sa mga ito na nakahanda siyang gawin ang lahat para bumalik ang alaala ng nobyo. At iyon ang simula, makikipag-date siya rito.
Isang kulay itim at bagong-bagong BMW ang humimpil sa harapan ng apartment niya. Mula roon ay umibis ang isang naka-unipormeng driver na ipinadala ni Rupert para sunduin siya. Ito ang maghahatid sa kanya sa lugar kung saan sila magdi-date ni Sachi. Kung saan iyon ay wala pa siyang idea.
Humalik siya sa ina. Si Saschia ay maagang nakatulog dahil napagod ito sa maghapong paglalaro.
"Good luck."
"Thanks, Mom. Huwag niyo na po akong hintayin."
Pagsakay ng kotse ay ramdam niya ang pagtahip ng dibdib. At kahit malamig sa loob ng sasakyan ay nagpapawis yata ang kanyang mga kamay sa nerbiyos. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Sachi sa sandaling magkita sila?
-
ano nga kaya?
sa totoo lang, hindi ko rin alam, Jules.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro