Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Flower

wala akong maisip na title.

'wag malikot ang isipan wholesome 'yan :)

.

Chapter Fifty-Eight

ANG tagal nag-tantrums si Saschia. Kahit anong suyo ang gawin ni Julianna ay ayaw nitong makinig.

"Sweetheart, nothing will change. Whatever happens, ikaw pa rin ang kauna-unahang baby ni Mommy. Even to your Lolos and Lolas." 

Umingos lang ito. Kahit napipikon na sa inaasal ng anak ay nagbuntong-hininga na lamang si Julianna para hindi kumawala ang pagtitimpi.

"Ako naman," pasimpleng bulong ni Sachi sa kanyang tenga.

Kahit wala pang confirmation ng doktor ay dapat na rin nilang ihanda ang anak na sooner or later ay magkakaroon ito ng kapatid. Kung siya kasi ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng dalawa pang anak maliban sa kanilang panganay. Pero siyempre, kung ano ang kalooban ng Dios ay 'yon pa rin ang masusunod.

Binuhat ni Sachi ang anak.

"Pasyal lang muna kami sa labas, mahal."

Tumango na lang siya at wala sa loob na nahaplos ang impis na tiyan. Posible nga kayang nagdadalantao siya?

Naging abala sila sa mga nakalipas na araw kaya hindi na niya matandaan kung kelan iyong huling araw ng period niya. Ngunit kung magbe-base siya sa mga pagbabagong nararamdaman sa kanyang katawan, posible ngang buntis siya. At sa isiping iyon ay napupuno ng labis na kaligayahan ang puso niya. Magkakaroon na ulit ng bunga ang pagmamahalan nila ni Sachi.

~0~

 "MAHAL na mahal ka ni Daddy. And more than anyone in this world, mahal na mahal ka ni Mommy," masuyong wika ni Sachi sa anak. 

Ibinaba niya ito sa wooden bench. Pinahid niya ang luha nito sa magkabilang pisngi at hinawi ang mga hibla ng buhok na naligaw sa mukha. 

Naupo siya sa tabi nito at inalalayan din itong maupo paharap sa kanya.

"We never mentioned about this before. But before you were born, naaksidente ako. You know what's a car accident, right?"

"You were hit by a car?"

"Yes. I was in the hospital for a very, very long time. Kaya nang ipanganak ka ni Mommy, mag-isa lang siya sa pag-aalaga sa'yo. But you know what's worst, anak?"

"What?"

"Your Mommy thought I died. So, you see. She went through a lot. But she held on and remained strong because of you. Mahal na mahal ka ni Mommy na kahit madalas siyang malungkot at umiiyak ay hindi siya sumuko. Kaya huwag mong iisipin na kung magkakaroon man ng bagong baby ay matatabunan na ang pagmamahal namin sa'yo dahil hinding-hindi 'yon mangyayari. You are our first angel, the product of our love. And someday, when you're old enough to understand, ikukuwento namin sa'yo ni Mommy ang lahat ng hirap na pinagdaanan namin para lang mabuo ang ating pamilya."

"What's a tiyanak, Daddy?"

"Tiyanak?"

"Uh-huh. Jin said babies look like tiyanak. And they look very scary."

"Ah, kaya ayaw mong magkaroon ng baby brother or baby sister?"

"Well..."

"Tiyanaks are not real. Imagination lang sila ng mga writers at movie makers to scare their audience. However, new born babies' face looks pinkish or reddish and wrinkly. Kaya siguro sabi ng friend mo mukha silang tiyanak. But that's not suppose to mean they're scary. They're angels, too, like you. All babies when they were still inside their mother's tummy were covered by amniotic fluid for nine months before they were born. They're like water, you see. Di ba kapag matagal tayong nakababad sa tubig nagiging wrinkly ang mga paa at kamay natin?"

Tumango ito.

"Ganoon din ang mga babies," teorya lang ang mga sinasabi niya. Pero umaasa siyang sa pamamagitan niyon ay maipa-unawa niya sa anak na hindi nakakatakot ang magkaroon ng kapatid o ng bagong baby sa pamilya. "And babies are gift from God--like you. At kapag galing kay God, hindi sila dapat katakutan. Instead, you have to love and protect them because God entrusted you with that gift."

Tila malalim nitong pinag-isipan ang sinabi niya.

"You know Tito Aki, right? We didn't grow up together but he loved me and cared for me when I was sick. That's what older siblings do to their younger siblings. And that goes vice versa. Kaya magandang mayroong kapatid, may karamay ka at kakampi kapag meron kang problema. I know you're still young to understand all these things pero sana naiintindihan mo ang gustong sabihin ni Daddy."

"Yes, Daddy."

"You do?"

"Opo."

Napangiti si Sachi. Kinabig niya ang anak at mahigpit na niyakap.

"Gutom ka na ba?" Dahil sa pagta-tantrums nito ay hindi na ito nakakain ng pananghalian.

"Yes. I want chicken lollipops."

"Okay, let's order chicken lollipops," kaagad na binuhat ni Sachi ang anak at binagtas ang pathwalk leading to the clubhouse slash resto. "Ano pa ang gusto mo?"

"Pizza."

"Ano pa?"

"Hm, ice cream."

"'Yon lang?"

"Spaghetti with meatballs."

"That sounds delicious. Marami ka bang gutom?"

"Maraming-marami."

Amused na napangiti si Sachi. Kahit hindi siya inglesero ay napapa-English siya sa anak. Palibhasa nasanay sa exclusive school na pinapasukan. Pati nga pagta-Tagalog nito minsan slang.

Pagdating sa clubhouse ay kaagad silang inasikaso ng staffs. They were friendly and accommodating. Someone performed a little magic show that amused his daughter. Nalibang ito habang naghihintay silang maluto at i-serve ang mga gusto nitong pagkain.

~0~

HABANG wala ang kanyang mag-ama ay nagbalat ng mansanas si Julianna. Nang mabalatan iyon ay nagsimula siyang kumain. But after finishing one slice, parang may kulang. Tumawag siya sa room service at humingi ng ketchup at toyo. Pagdating ng hinihintay niya ay pinaghalo niya iyon sa maliit na lagayan at doon isinawsaw ang kinakaing mansanas.

"Hm, this is yummy."

Nakaubos siya ng tatlong mansanas bago dumating ang kanyang mag-ama.

"Mommy, I brought you something."

Tila nakahinga nang maluwag si Julianna nang makitang maaliwalas na ang mukha ng anak pagbungad nito kasunuran si Sachi. Nang sulyapan niya ang asawa ay nag-thumb's up sign ito. Natuwa siya.

"What is it. sweetie?"

"A flower."

"Oh, lovely."

"I want you to put it on your hair, Mommy."

"Sure, sweetheart," kinuha niya ang isang piraso ng bulaklak dito at isinuksok sa kaliwang gilid ng kanyang tenga. "There. What do you think?"

"You're very beautiful, Mommy."

"Aw, thank you, baby. And you are just as beautiful as Mommy." Niyakap ni Julianna ang anak at pinupog ng halik. "Have you eaten?"

"Yup. I ate chicken lollipops, pizza, spaghetti, ice cream and some mallows."

"Wow, that's a lot."

"I know. And I'm so full. What's that?" Napansin ni Saschia ang kinakain niya.

"Apples."

"You're eating apples with ketchup?"

"With soy sauce. It's yummy."

"Eww."

Natatawang pinupog ito ni Julianna ng halik sa leeg. Nakikiliting napahagikhik si Saschia.

"Wanna go for a swim?" aniya.

"Can we go?"

"Sure. I'm all up for it."

"Yey!"

"Let's change into our swimwear."

"Okay," lumabas ito ng silid para lumipat sa kabila kung nasaan ang sariling bihisan nito.

"Thank you." Nilapitan ni Julianna ang asawa at iniyakap ang dalawang braso sa beywang nito. "You really know your way around women."

"Parang may laman 'yang mga salita mo, mahal."

"I mean it in a good way."

"A, okay."

Tumingin muna siya kung nakasarado ang pinto bago tumiyad at inilapat ang bibig sa mga labi ng asawa.

Boluntaryong yumakap ang dalawang braso nito sa beywang niya at tila may pananabik na sinakop ang kanyang mga labi mula sa pagkakalapat sa bibig nito. Napatiyad siya nang husto at ipinulupot ang dalawang braso sa leeg ng asawa. He nibbled her lips before he captured her tongue and sucked it deep inside his mouth.

Sabay pa silang napaungol nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Parehong ayaw pa sanang maglayo pero alam naman nila parehong mabibitin lang sila.

"Lasang apple sauce."

"Apple sauce?"

"Tomato catsup, soy sauce and apple. Equals apple sauce."

"Tss."

"Masarap siguro 'yon," nakakagat-labing sabi nito habang may kakaibang kislap sa mga mata.

Nag-init ang mukha niya nang maisip kung ano ang naglalaro sa isip nito.

"You want to put some on my...?"

Pilyong nagtaas-baba ang mga kilay nito.

Now it was her turn to bite her lower lip. She could almost feel the growing moisture between her thighs in anticipation.

"Maybe later...?" she drew little circles on his chest.

"Absolutely. Huwag kang masyadong magpapagod."

"I won't."

-

-->CASTLES (screenshot mo ako😘😘)

matuloy na kaya ang honeymoon?

ang higpit ng guardia civil.

again, to those of you out there who wants to avail a self-pub copy of The Billionaire's Accidental Wife, just pm me for details :)

frozen_delights








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro