Cry
Chapter Thirty-Six
"GUSTO mo ba ng mansanas?" habang hindi pa tumatawag ng mga pasahero ay tumingin-tingin muna sina Julianna at Sachi ng mga puwede pa nilang baunin sa biyahe.
Napadaan sila sa tindahan ng mga prutas.
"Gusto ko ng mango."
"Parang lipas na ang pamumunga ng mangga, eh."
Napasimangot si Julianna.
"Pero maghanap tayo," mabilis na sabi ni Sachi.
"Baka maiwanan tayo ng bus."
"Hindi 'yan, huwag kang mag-alala."
Mahigpit na hinawakan ni Sachi ang kanyang kamay. Inikot nila ang buong fruit stand maging ang pamilihan ng mga kakanin at pasalubong.
"Mango chips, ayaw mo?" ani Sachi nang madaanan nila ang tindahan ng mga pasalubong na home made chips.
"Ayaw. Gusto ko 'yong tunay na mangga."
"E, galing din naman sa mangga 'yon."
"Ayaw ko nga," napapadyak na siya sa inis.
Natatawang pinisil nito ang dulo ng kanyang ilong.
"Sige na, sige na. Maghahanap na tayo ng mangga."
Ngunit narinig nila ang pagbusina ng bus. Hudyat na aalis na ito.
"Let's go, maiiwan na tayo," natatarantang sabi ni Julianna sa nobyo.
"E, paano 'yong mangga mo?"
"Baka naman meron do'n sa pupuntahan natin, doon na lang tayo maghanap."
"Sigurado ka?"
"Opo. Keysa naman maiwan tayo ng bus, ano?"
Naglakad na sila patungo sa kinaroroonan ng bus. Tawid kalsada iyon mula sa kanila. Sunod-sunod na ang busina ng bus. Nagpalinga-linga muna si Julianna kung may paparating na sasakyan. Nang safe ng tumawid ay hinila niya ang kamay ng nobyo na tila natitigilan.
"Hey, let's go."
"Una ka na."
"Ano?"
"May nakita akong mangga. Go."
"Sachi."
"Sige na, para masabihan mo 'yong konduktor na naririto pa ang asawa mo."
Napangiti siya. Asawa mo. Ang sarap pakinggan.
"Huwag kang magtatagal, ha?"
"Siyempre naman. Hindi kita puwedeng iwan nang matagal dahil mukhang crush ka no'ng driver ng bus. Baka bigla kang itakas, wala na akong pakakasalan."
Tinawanan niya lang ang biro nito. Tumawid na siya ng kalsada. Pagdating niya sa kinaroroonan ng bus ay nilingon niya ang nobyo. Tumakbo iyon sa puwesto ng isang fruit stand. Akalain mo nga naman, kung saan-saan pa sila pumunta eh, meron naman pala sa malapit.
"Kuya, may binibili lang po 'yong asawa ko," aniya sa konduktor.
"Sige, Misis. Pasok ka na. Sa loob mo na lang hintayin ang Mister mo. Kayo na lang ang kulang."
Atubili si Julianna nang tumalikod. Nang muli niyang lingunin ang nobyo ay pabalik na ito ng bus. Ngiting-ngiti pa nitong itinaas ang isang supot na hula niya ay naglalaman ng manggang binili nito. Natuwa siya at parang biglang naglaway na naman sa mangga.
Ngunit ang katuwaan niyang iyon ay kaagad na napalis nang mula sa kung saan ay makita niya ang isang sasakyan na matuling humahagibis at tinutumbok ang kinatatayuan ni Sachi!
"No! Sachiii...!"
Kitang-kita niya nang humampas ang katawan ng nobyo sa bumper ng sasakyan at tumilapon iyon na parang papel sa gilid ng daan!
"Sachiii!" Mabilis siyang tumakbo para daluhan ang nobyo.
"Ay, 'sus ginoo. Ano ang nangyari?"
"'Yong mama, nasagasaan."
"'Yong babae, pigilan niyo at baka siya naman ang mahagip ng mga nagsasalubungang sasakyan."
"Misis, sandali!"
Ilan lamang iyon sa reaksyon ng mga tao sa paligid ni Julianna. Ngunit parang wala siyang naririnig sa komosyon ng mga tao. Nanlalaki ang ulo niya sa sindak. Nagsagitsitan ang gulong ng mga sasakyan nang dire-diretsong tumakbo si Julianna sa kinabagsakan ng katawan ng kasintahan.
"No, no. Sachi," mabilis siyang lumuhod sa tabi nito. Hindi niya alam kung hahawakan ito o kakalungin. "Oh, God, oh, God."
Mabilis na nanlabo sa luha ang kanyang mga mata.
"Sachi, Sachi," napahagulhol siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. "Help, help! Tulungan niyo kami!"
"Ma... hal."
"Oh, God," maingat niya itong kinalong sa kanyang kandungan. "Mahal, andito lang ako. Nangako ka sa akin. Nangako ka, okay? At pinanghahawakan ko 'yon. Tulungan niyo kamiii!"
Halos manikluhod siya sa mga taong nag-uusyoso sa kanila para madala sa pagamutan ang nobyo.
"Oh, God. Don't close your eyes," hinaplos niya ang mukha ni Sachi. Naramdaman niya ang malapot na likido sa kanyang kamay na sumusuporta sa ulo nito. Nangatal ang kanyang mga daliri nang makita niyang tigmak iyon ng dugo. "Stay with me, please, stay with me. Dadalhin kita sa ospital. Tulooong!"
"Ru... pert," iyon ang mahinang lumabas sa bibig nito.
"I will call him. Just hang in there, okay?"
Sumingit sa pulutong ng mga miron ang dalawang lalaki. Mukhang EMT ang mga ito. Medyo nabuhayan ng loob si Julianna. Kahit ayaw niyang bitiwan ang kamay ng nobyo ay napilitan siyang lumayo rito nang suriin ito ng lalaki. Mabuti na lamang at mukhang may malapit na ospital doon. Mabilis na nakapagpadala ng tulong ang sinumang nagmagandang-loob na tumawag ng ambulansya.
Matapos ma-assess ang lagay ng pasyente ay magkatulong na inilagay ng dalawang EMT ang pasyente sa gurney at isinakay sa naghihintay na ambulansiya. Parang nakalutang ang pakiramdam ni Julianna. Ang puso niya ay para ng sasabog sa takot. Ang mga luha niya ay hindi maampat-ampat kahit matulin ng itinatakbo ng ambulansya ang pasyente sa malapit na emergency department. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Sachi.
You'll be okay, you're gonna be okay, paulit-ulit niyang sinasabi habang panay ang tulo ng luha.
Pagdating sa ospital ay kaagad na inasikaso ng mga doktor ang pasyente. Kahit natutuliro ay natatarantang hinagilap niya ang cellphone ng nobyo at tinawagan si Rupert.
Sa unang ring pa lang ay sinagot na iyon ng binata.
"Hello."
"R-Rupert."
"Hey, kumusta ang biyahe?"
"S-Sachi, si Sachi," kaagad na nabasag ang boses niya at hindi kaagad maipaliwanag sa kausap ang sitwasyon dahil masyado siyang nalulunod ng emosyon. Takot na takot siya at hindi niya alam kung paano iha-handle ang sitwasyon. "Si S-Sachi, n-nabangga siya."
"What?! Nasaan kayo?"
"I-I don't know," nang may dumaang hospital attendant sa tabi niya ay tinanong niya iyon kung anong lugar ang kinaroroonan nila.
"Gumaca po, Ma'am."
"C-can you please tell him w-where exactly we are," pakiusap niya sa attendant. Muntik na niyang mabitiwan ang cellphone nang siya'y gumiray sa pagkakatayo.
"Ay, Ma'am, upo po muna kayo."
Inalalayan siya ng attendant na maupo sa pahabang bangko na nasa corridor ng ospital. Hinayaan na niyang ito ang makipag-usap kay Rupert habang pinalilipas niya ang liyo. Pakiramdam niya ay hindi siya kayang suportahan ng mga binti niya kapag pinilit niyang tumayo. Pagkaraan ng may ilang sandali ay ibinalik sa kanya ng babaing attendant ang cellphone.
"Pipilitin daw hong makarating dito kaagad ng kaibigan niyo," wika nito.
"Thank you," nanghihinang tugon niya.
"Sino po rito ang guardian no'ng pasyenteng kapapasok lang sa Emergency Room?" tanong ng isang nurse.
"T-that would be me," mabuway na sagot niya. "I'm his wife."
~0~
NG mga sandaling iyon ay malayo na ang narating ng kotseng bumangga kay Sachi. Hindi aksidente ang nangyari rito dahil sinadya iyon ng driver ng sasakyan. Na walang iba kundi si Rodrigo de Guia.
"Take that, asshole. Bagay lang 'yan sa'yo. Fuck you ka, fuck you ka!" Parang baliw na hinampas nito ang manibela.
His hands were shaking. Mula sa pinaghalong nerbiyos at epekto ng droga. Kagagaling lamang nito sa rantso nila nang aksidenteng makita nito ang magkasintahang Julianna at Sachi sa bus terminal. Ngitngit ang nagtulak sa kanya para sundan ang mga ito. Gusto niyang gumanti sa pang-iinsulto at ilang beses na pagyurak ni Sachi sa kanyang pagkalalaki. Bukod sa nabulilyaso ang plano niya na makuha si Julianna, na-bad shot pa siya sa parents niya dahil nasira ang plano ng mga ito sa relasyon ng dalawa.
Ngayon ay nakaganti na siya. At sobra-sobra pa. Kung hindi man maging imbalido ang lalaki, malamang sa malamang, patawirin na ang buhay nito sa mga sandaling iyon.
Napahalakhak siya nang malakas. Parang baliw na hinampas-hampas niya ang manibela sa labis na katuwaan.
Ngayon ang gagawin na lamang niya ay magpalamig ng sitwasyon. Medyo madilim na nang mangyari ang insidente kanina. At sigurado siya, walang makapagtuturo sa kanya sa ginawa niyang krimen. Pero para mas makasiguro, magtatago muna siya. At alam na alam niya kung kanino siya puwedeng magtago. Kay Hendrix.
~0~
GAMIT ang Cessna ng Daddy niya, kaagad na nagpahatid si Rupert sa Gumaca. May tinawagan na rin ang kanyang ama na kakilala nito roon para sunduin siya at ihatid diretso sa ospital na kinaroroonan ng kapatid. He came as fast as he could. Nakakaawa ang hitsura ni Julianna nang maabutan niya sa corridor. Mugto ang mga mata at may mga bahid pa ng dugo ang suot na damit. She almost breakdown when she saw him. Pinayapa niya ito at pinilit na konsolahin sa kabila ng aandap-andap niyang pakiramdam.
"How is he?" aniya.
"He's still in the OR."
Nahagod niya ang mukha sa labis na pag-aalala.
"What happened?" aniya.
"P-patawid na siya ng kalsada nang i-isang kotse ang basta na lang b-bumangga sa kanya," pahikbi-hikbing sagot ni Julianna.
"A hit and run?"
"I-I don't know. The car just came out of nowhere. And it happened so fast."
"What do you mean out of nowhere? Bigla na lang sumulpot?"
"I'm sure hindi siya galing ng kalsada," tinutop ni Julianna ang noo na tila pilit na inaalala ang mga pangyayari. "I think the car came from the side lot."
"Wait here, may kakausapin lang ako." Tinawagan niya ang ama.
"Hello, son. Kumusta ang lagay ng kapatid mo?"
"I'm not yet sure, Dad, he's still in the OR. Hindi ko pa nakakausap ang doktor na tumitingin sa kanya. Dad, can you ask your friend a personal favor? Gusto kong pa-imbestigahan niyo ang nangyaring aksidente kay Sachi."
"May kaduda-duda ba sa nangyari?"
"Sa kuwento ni Jules ay parang sinadya ang pagbangga sa kanya."
"Okay, kakausapin ko ngayundin si Hepe. Anything else?"
"That would be all for now."
Binalikan niya si Julianna matapos ang pakikipag-usap sa ama. Her face looks ashen at halos tulala lamang ito na nakatingin sa kawalan.
"Jules, I think you need to change your clothes."
"No. Dito lang ako, hihintayin kong lumabas si Sachi. He's going to be okay, right?"
"Yes, of course," tinabihan niya ito sa kinauupuan.
"It was my fault."
"Don't say that."
"No, it's true. Kung hindi ako nagpabili sa kanya ng mangga ay hindi siya mababangga. Nasa biyahe na sana kami ngayon. Safe sana siya. I am such a brat," puno ng pagsisising sabi nito.
"Sh, it's not your fault. Knowing Sachi, gagawin niya ang kahit na ano basta hiniling mo."
"Oh, God. Kasalanan ko, kasalanan ko," parang walang narinig na sabi nito.
Naaawang niyakap niya ito. "Sh, hush. Everything's going to be okay. He's strong, he'll pull through for sure."
May ilang sandali pa silang naghintay. Nang lumabas ang doktor ay sabay pang napatayo sina Rupert at Julianna para salubungin ito.
"How is he, Doc?" ani Rupert.
"I have to be honest with you, his condition is not stable. He has a severe head concussion. At malaki rin ang pinsalang nangyari sa spinal cord niya. I'm afraid, only a miracle can save him."
Bumigay ang mga binti ni Julianna sa narinig. Kung hindi sa maagap na pag-alalay ni Rupert ay naupos na ito sa kinatatayuan.
"I'm sorry," malungkot na wika ng manggagamot.
"No, he's okay. Mabubuhay siya, mabubuhay siya. Kailangan ko siya, kailangan siya ng baby namin. He promised me, he promised..."
"Jules!"
Lumungayngay ang katawan ni Julianna sa mga bisig ni Rupert. Kaagad silang dinaluhan ng doktor at sinuri ang lagay nito.
"I think she's bleeding."
-
hala, nanganganib pati si Baby Saschia.
pahirap talaga 'to si Author. maregaluhan nga ng bomba.
haha!
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro