Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Cloud 9

Chapter Fifty-Two

PARANG nasa ulap ang pakiramdam ni Sachi habang kapiling ang kanyang mag-ina. At tila nakaunawa naman ang mga tao sa paligid nila. Tanging si Yaya Magenta lamang at si Reyes ang pasulpot-sulpot sa suite kapag may kailangan silang iutos. Ang mga magulang nila ay dadalaw na lamang daw kapag nakalabas na ng ospital si Saschia.

"Are you going to live with us, Daddy?" 

Kalong ni Sachi ang anak at kasalukuyan silang kumakain ng pananghalian.

"Of course, angel. Where else would I be but with you and your Mom."

"But our house is very small."

"Saschia," pinandilatan ni Julianna ang anak.

"But it's true, Mommy. Lying is bad, remember?"

"And I didn't say you have to lie about it. Besides, kahit maliit ang bahay natin kakasya tayo roon kasama ang Daddy mo."

"Do you want to live in a big house?" ani Sachi sa anak.

"Yes, Daddy. I want a big house like Grandpa's and Grandma's house."

"Ganoon kalaki ang gusto mo?" Bahagyang napangiwi si Sachi. Naalala niya kasi kung gaano kagara at kalaki ang mansion ng mga Madrigal.

"Uh-huh? Can you buy us a house like that one, Daddy?"

"Uh, puwede naman siguro, anak. Mag-a-apply na rin akong security guard at bellboy sa hotel ng Lolo mo." Binalingan ni Sachi ang nobya. "Paano ba 'yan, mahal, mukhang twenty-four-seven akong magta-trabaho para makabili ng mansion."

Umirap ito sa kanya. "Ayoko ng mansion. Tama na sa akin kung ano lang ang makakayanan mo. Saschia, do you want Daddy to work all the time so he can buy us a big house?"

"No, Mommy."

"Then don't ask for a big house. Because right now, we can't afford it yet."

"Hm, okay. But can we at least have a pool?"

Magsasalita pa sana si Julianna ngunit mabilis ng pumagitan si Sachi.

"Sure, angel."

Isang hindi-kompormeng ngiti ang ibinigay sa kanya ng nobya. Mabilis niya itong kinudlitan ng halik para mabura ang simangot sa mga labi nito. Wala siyang hindi gagawin para sa kanyang mag-ina. Gasino na ba ang mansion? But at the back of his mind he's cringing. Mukhang kakailanganin niyang maningil sa tatay niya para maibili ng mansion ang kanyang munting anghel.

After lunch ay dumating ang doktor ni Saschia. 

"Puwede na siyang lumabas bukas," nakangiting wika nito matapos suriin ang kanyang anak. "Her test are all clear at puwedeng sa bahay na lang din ituloy ang meds niya hanggang sa makumpleto niya ang seven days."

"Thanks, Doc."

Matapos ang ilang pleasantries ay nagpaalam na ito.

Nag-request si Saschia na manood ng Mirror Mirror. Kaagad itong pinagbigyan ni Sachi. Magkakatabi silang naupo sa mahabang couch na nakaharap sa 55" curved TV. Kung wala ang ilang medical equipments doon ay para lamang silang nasa marangyang sala ng isang bahay.  

Komportableng nakahiga si Saschia sa mga hita ng ama habang si Julianna naman ay nakasandal sa kabilang side ni Sachi. Paminsan-minsan ay hinahagkan ni Sachi ang ibabaw ng ulo ni Julianna at ito naman ay sinusubuan siya ng pop corn. Ipinabili pa niya iyon kay Reyes para may makukukot sila habang nanonood.

Comedy ang tema ng movie. At tawa nang tawa si Saschia. Pero siya ay medyo inaantok na. Nakakalimutan niya lang ang antok niya sa tuwing susubuan siya ni Julianna ng pop corn. Hinuhuli niya kasi ang kamay nito atsaka pasimpleng sinisipsip ang cheese flavor na nakadikit sa mga daliri nito. Impit itong napapaungol sa tuwing gagawin niya iyon. He missed her moans and cries of pleasure in the heat of their love making.

"Mahal," mahinang bulong niya sa kasintahan.

"Hm?"

"Pakasal na tayo."

Napalingon ito sa kanya, awtomatikong nagtubig ang mga mata. "You know my answer to that already."

"ASAP ang gusto ko."

"How soon?"

"How about tomorrow?"

Namilog ang mga mata nito.

"S-seryoso ka?"

Sunod-sunod ang naging tango niya.

"As much as I love the idea, that's not possible."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya.

"Bakit naman?"

"It would at least take two weeks to apply for a marriage license. Prior to that, may ilang mga documents pa tayong kailangang ayusin--like CENOMAR and such."

"Paano mong nalaman 'yon?"

Napaikot ito ng mga mata sa tanong niya.

"Isa sa mga managers namin ang nagpakasal thru civil ceremony. Nalaman ko lang sa kanya ang lahat ng procedure--and no, I didn't ask her about it," pinandilatan siya nito ng mga mata nang magsalubong ang mga kilay niya. "Kuwentuhan lang, gano'n. Hindi dahil nagbalak akong magpakasal sa kahit na sino tulad ng iniisip mo."

"Quiet, please. I'm watching," reklamo ni Saschia.

"Sorry, sweetie."

"Kung gano'n ay gaano kabilis tayo puwedeng makasal?" mahinang bulong niya sa nobya.

"A month?"

"Ang tagal naman." Kung siya ang masusunod, kahit kinabukasan din paglabas nila ng pagamutan ay diretso na sila sa huwes nang sa gano'n ay legal na niyang misis si Julianna habang sila'y nagsasama sa iisang bubong.

Isa iyon sa mga kinatakutan niya kaya parang nag-atras-sulong ang pagbabalik ng kanyang alaala. Ang takot niya na sa kabila ng matibay na pagmamahalan nila ni Julianna ay posible pa rin itong mawala sa kanya dahil sa maraming hadlang sa kanilang relasyon.

"But it's faster compare to a church wedding. Mas maraming requirements doon at napakahaba ng preparations."

"Pakakasalan pa rin naman kita sa simbahan. Pero gusto ko may legal na tayong buhol bago pa ang church wedding. Mahirap na, baka kung ano na namang aberya ang mangyari."

Tinampal nito ng hintuturo ang bibig niya.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Nakakainis ka," gumagaralgal ang boses na sabi nito.

Kinabig niya ito sa balikat at mabilis na kinintalan ng halik sa labi.  "Sorry, sorry. Basta, pakasal na tayo sa huwes. Pagkatapos ay paghandaan naman natin ang church wedding."

"Okay," naluluha itong tumango.

"Napaka-iyakin talaga ng aking mahal na kondesa."

Banayad siya nitong kinagat sa punong-braso.

"Mahal, naglilihi ka na ba?"

Natigilan ito pagkatapos ay namula. "Ang bilis naman."

"Ito nga, o. Isang gabi lang," inginuso ni Sachi ang anak na nakahiga sa hita niya.

Napakagat-labi ito habang tila pigil-pigil ang ngiti, namumula ang magkabilang pisngi. Hindi niya naawat ang sarili at mabilis na kinabig ang batok nito at buong init itong hinagkan sa mga labi. Kaagad namang tumugon ang nobya. Tulad niya ay naroon ang pananabik, ang init.

"Daddy, you are so malikot."

Kapwa pigil ang ngiting napilitan silang maghiwalay.

"Sorry, angel," malambing na hinagod ni Sachi ang buhok ng anak. "Saschia?"

"Yes, Daddy."

"Gusto mo na bang magkaroon ng kapatid?"

"Kapatid?"

"Oo. A little baby girl that looks like you or a little baby boy."

"I don't like," nakausli ang ngusong sagot nito.

Patay. "Bakit naman?"

"Just because."

"Ayaw mong magkaroon ng kapatid?"

"Ayaw."

"Ayaw mong magkaroon ng kalaro?"

"I have you now, Daddy. And Mommy, and Ninong. I have my classmates, too. I can also play with Jeon, Jin and Jimin."

"Sino naman ang mga 'yon?"

"Anak ng Ate ni Max," sagot ni Julianna.

"They're good to me, Daddy. Unlike Peter."

"Parang gusto ko ng makita ang Peter na 'yan at makutusan," sa madalas na pagkukuwento ng anak tungkol sa Peter na 'yon ay may palagay siyang binu-bully nito ang kanyang anak. At walang puwedeng mam-bully sa kanyang anak.

"Will you do that, Daddy?" Mabilis na bumangon si Saschia at nangingislap ang mga matang tumingin sa kanya.

"Tumigil nga kayong mag-ama."

"Aba'y dapat lang na mapagsabihan ang Peter na 'yan. Di ba may anti-bullying law na ngayon."

"For your information, Mister. Your daughter did the bullying first."

Mabilis na lumipat ang tingin ni Sachi sa anak.

"Totoo ba 'yon, anak?"

Napausli ang nguso nito.

"Because he always stares at me, Daddy. And I hate it."

"Ano ang ginawa mo?"

"I called him names."

"Names like?"

"Spookfish, tarsier and... mantis shrimp."

Napakamot sa ulo si Sachi. Sa pagkakaalam niya ay iyon 'yong mga hayop na halos luwa ang mata sa sobrang laki. At kahit sino kung alam ang mga nabanggit na pangalan ay mao-offend.

"Ganoon kalaki ang mga mata niya?" Naisip niyang siguro ay pangit ang bata kaya naaasiwa ang kanyang anak na matitigan nito.

Marahang umiling si Saschia.

"E, bakit mo siya tinukso ng gano'n?"

"He's creepy, Daddy."

"Nagagandahan lang siya sa'yo, anak," ani Julianna.

"I don't like it," nakasimangot na sagot nito saka muling umayos ng higa sa hita ng ama.

Nangingiting niyuko ito ni Sachi at pinupog ng halik ang buong mukha. Napahagikhik ito. Tila namana nito ang ilang ugali ng ina, bratty at minsa'y maldita.

"Kakausapin ko siya para mapagsabihang huwag kang masyadong titigan. Aba, baka maubos ang ganda ng anak ko, hindi puwede 'yon."

"Thank you, Daddy."

Naramdaman niya ang mahinang pagtampal ng nobya sa kanyang braso.

"Don't encourage her. Nakausap ko na rin naman ang Mommy no'ng bata, pinagsabihan na rin daw niya. Nagagandahan lang daw talaga kay Saschia."

"At dahil hindi niya makuha sa tingin, inaasar naman niya para magpapansin?"

"They are kids, what do you expect? Para kang hindi nagdaan sa pagkabata."

"Mabait kasi ako noong nasa ganito akong edad. Kaya nga naisip ko, mukhang sa'yo nagmana ng ugali," pilyong nagtaas-baba ang kilay niya.

"Ah, gano'n?"

Tatawa-tawang kinabig niya ito ng yakap. "Ikaw ang kauna-unahang bratty ng buhay ko. At tanggap ko ang lahat-lahat sa'yo, walang tapon."

Nawala ang simangot sa mga labi nito at napalitan ng matamis na ngiti.

"Same here."

-

frozen_delights










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro