Boomerang I
Chapter Twenty-Nine
"COME back to me, please. I'll do anything para bumalik ka sa akin."
Naihilamos ni Sachi ang isang kamay sa mukha. Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Cristina ang pinagta-trabahuhan niya. Pinuntahan siya nito sa bar ni Rupert at nagmamakaawang makipagbalikan sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na nagbagong-buhay na ako? Tumigil na ako sa trabahong 'yon kaya please lang, tigilan mo na ako."
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa akin."
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang ayoko na? Tama na, hindi na puwede. Magiging tatay na ako at mahal na mahal ko ang babaing magiging nanay ng anak ko."
"Wala naman akong balak na agawin ka sa kanya. Ang gusto ko lang ay makasama ka, katulad noon. Kahit mga nakaw na oras lang, ang mahalaga'y magkasama pa rin tayo."
"Cristina," nauubusan ng pasensyang nahagod ni Sachi ang buhok.
"Luluhod ako kung kinakailangan. Please, buma--" ang akmang pagluhod ni Cristina ay maagap na pinigilan ni Sachi.
Sapilitan niya ring inilabas ng bar ang babae dahil tumatawag na sila ng pansin ng ilang kustomer na naroroon. Mabuti na lamang at hindi niya kasama ang kasintahan sa mga oras na iyon dahil pinagpapahinga niya ito sa bahay. Kung kasama niya ito ay pihadong malaking gulo na naman ang mangyayari. Napaka-sensitive pa naman nito. Magkamali lang siya ng tono ng pagsasalita akala ay sinisigawan niya na.
"Marami namang iba riyan. At marami ka ring pera, sila na lang ang alukin mo."
"Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang nakapagbibigay sa akin ng satisfaction na hindi kayang ibigay ng kahit na sinong lalaki."
"Any man can satisfy a woman in bed, Cristina. Kung kulang ang isa ay kumuha ka ng dalawa, o kahit sampu. Layuan mo lang ako dahil hindi na talaga puwede. Respetuhin mo naman sana ang desisyon ko," may halo ng pakikiusap ang sinabi niya.
Kahit pa bayaran siya ng milyones ay hindi na siya babalik sa dating trabaho. Kung kinakailangang mag-triple kayod siya para hindi na balikan ang gawaing iyon ay gagawin niya. Ayaw niyang dumating ang panahong ikakahiya siya ng kanyang anak. O ang mapupulaan ang babaing mahal niya dahil pinasok niya ang prostitution. Tama ng naiapak niya ang dalawang paa sa putik. Pero iyong tuluyang magtampisaw siya roon ay hindi niya gagawin.
"Is that your final answer?" biglang tumigas ang mukha ni Cristina. Nawala ang kanina lamang ay maamo at naninikluhod na anyo ng babae.
"Yes."
"Sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mo. If I can't have you, then no one else can."
Ayaw niyang isiping may laman ang bantang iyon ni Cristina. Gayunma'y may umahong kaba sa dibdib niya sa salitang binitiwan nito. After all, hell hath no fury like a woman scorned. At kahit pa naging intimate sila sa isa't isa ay hindi niya masasabi kung hanggang saan ang kakayahan nitong makapanakit ng iba.
Nang pumihit siyang pabalik sa loob ng bar ay nalingunan niya si Rupert na iiling-iling sa isang tabi. May naaaliw na ngiti sa labi. Pagkuwa'y sumalubo ito na obvious na may kasamang pang-aasar.
"Salute!"
"'Tado."
"Pagdating talaga sa babae, hand's down ako sa'yo, brod."
"At parang ikaw hindi? Tigilan mo nga ako." Kahit boss niya ito ay hindi siya nag-aalangang sagutin ito, sanggang-dikit sila, eh.
"Pero wala pang babaing gustong lumuhod sa harapan ko para lang makipagbalikan sa kanya," sabi nito sa tonong may pang-aasar. "Sayang pala. Dapat nakunan ko ng picture para naipakita ko kay Jules."
"Subukan mo lang. Susunugin ko 'tong bar mo."
Napahalakhak ang loko.
"Ang laki talaga ng takot mo sa iyong mahal na kondesa."
"Kung alam mo lang. Terible kapag nagsasalubong na ang mga kilay ng kondesa ko."
"Kaya nga ba ayaw kong ma-in love, eh."
"Loko mo. Kapag pinag-trip-an ka ni Kupido wala kang magagawa."
"Huwag siyang magkakamali, babasagin ko ang mukha niya."
Natawa na lang siya sa kabaliwan nito.
~0~
NAGING abala na ang mga sumunod na araw para kina Julianna at Sachi. May ilang professors ang maagang magbibigay ng midterm exams before Christmas vacation kaya panay ang review ng magnobyo. At ipinagpapasalamat iyon ni Julianna. May excuse siya sa mga magulang para hindi umuwi ng mansion. Kapansin-pansin na kasi ang pamimilog niya. Ang lakas niyang kumain lately. Ang nobyo niya naman, sa halip na awatin siya ay kung anu-ano pa ang inuuwi nitong pagkain na gustong-gusto niya.
"Mahal, what do you think?" Itinaas niya ang suot na racerback top at bahagyang tumagilid para ipakita rito ang umbok ng kanyang tiyan.
She's ten weeks pregnant. According to her OB, first-time mothers don't usually show on their first trimester. Pero siya dahil na rin siguro sa katakawan niyang kumain kaya obvious na ang umbok ng tiyan niya.
Hinagod ng tingin ng nobyo ang kanyang kabuuan.
"Sexy."
Napalabi siya. Tumayo ito at iniwan ang reviewer, lumuhod sa harapan niya at hinagkan ang munting umbok sa kanyang tiyan. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Simula ng kumpirmahin nitong ito talaga ang ama ng batang ipinagbubuntis niya ay mas lalo niyang minahal ang batang nasa sinapupunan niya.
"Hindi pa naman ganoon kalaki, eh. Mukha ka lang busog."
"Ikaw kasi. Lagi mo akong inuuwian ng pagkain."
"Dapat daw ibinibigay ang cravings ng Mommy para hindi laging naglalaway ang baby."
"Says who?"
"Sabi ni Mama. Kasabihan daw 'yon ng matatanda."
"But babies drool naman talaga, di ba? Especially when they're teething."
"Mas mabuti ng sumunod sa pamahiin, wala namang mawawala."
"Wait, you told Tita Nathalia that I'm pregnant?"
"Oo."
"W-what did she say?"
"Nagulat noong una. Pero sa huli ay na-excite nang malamang magiging Lola na siya."
"Hindi ba siya nagalit?"
"Bakit naman magagalit si Mama?"
"Well, you know. Ayokong isipin niya na magiging hindrance ako para makatapos ka ng college."
"Tsk," tumayo ito at ikinulong sa dalawang palad ang mukha niya. "Huwag kang mag-iisip ng ganyan. Si Mama ang kahuli-hulihang tao na kokontra sa relasyon nating dalawa. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi para niya na rin akong pinutulan ng hininga."
Biglang nag-init ang kanyang mga mata. Saglit pa at sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha.
"Tsk, iyakin naman talaga ang aking mahal na kondesa."
Banayad niya itong hinampas sa dibdib. He chuckled then he wiped her tears away. Mahigpit niyang ipinulupot ang dalawang braso sa beywang ng nobyo at inilapat ang pisngi sa dibdib nito.
"Mahal kita," he said, softly.
"Mahal din kita."
Maglalapat na sana ang kanilang mga labi nang abalahin sila ng buzzer sa labas ng kanyang apartment unit.
"Ako na," ani Sachi.
Mabilis niyang inayos ang suot na top at sumunod sa nobyo para tingnan kung sino ang dumating. Binuksan nito ang pinto.
"Who are you? And what are you doing in my daughter's apartment?"
Natulos sa kinatatayuan si Julianna. Nang bahagyang gumilid si Sachi sa pinto ay nakita niya kung sino ang nakatayo sa labas ng pinto. Ang kanyang ina na si Evita.
"M-Mommy."
Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan ni Sachi bago ito tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng apartment.
"I can't believe this. Pagkatapos ng sobra-sobrang kalayaan na ibinigay namin sa'yo ay ganito pa ang gagawin mo?"
"Mom, I can explain."
"Explain what?!" inihagis ni Evita ang isang folder sa ibabaw ng coffee table.
Napasinghap si Julianna nang makita ang mga larawan nilang magkasintahan. Mayroong kuha sa school, sa iba't ibang lugar sa labas ng campus, sa coffee shop at sa bar kung saan nagta-trabaho si Sachi.
"You lied to us. How could you?"
Nangilid ang mga luha ni Julianna. Hindi niya masalubong ang tingin ng ina na puno ng panunumbat. Naramdaman niya ang paghawak ni Sachi sa kanyang kamay. Banayad nitong pinisil iyon na tila gusto siyang bigyan ng assurance. Na anuman ang mangyari ay hindi siya nito pababayaan.
"Mahal ko po ang inyong anak."
Her mother made a scoffing sound. "And you think that's enough, young man? Tell me something, magkano ang kinikita mo sa loob ng isang araw? Can you even afford her shampoo? Or the clothes she wears?"
"Mommy," nahahati ang loob ni Julianna sa pagsasanggalang sa damdamin ng kasintahan at sa nararamdamang galit ng kanyang ina. "I'm sorry. Alam kong napakalaking disappointment ang nagawa ko. But I love him, Mom. I love Sachi."
"Love? Hah! Ano ang alam mo sa salitang 'yan? And you didn't just disappoint me, Julianna. You broke my heart. At alam mo ba kung ano ang mararamdaman ng Daddy mo sa sandaling matuklasan niya ang lahat ng ito? It will destroy him."
Napayuko si Julianna at mabilis na pumatak ang mga luha.
"For the last time ay pagtatakpan kita sa Daddy mo. Pero gusto kong ngayundin ay tapusin mo na ang relasyon niyong dalawa."
"I-I can't, Mommy. I love him."
"Punyetang pagmamahal 'yan! Mas matimbang ba talaga sa'yo ang lalaking 'yan kaysa sa Daddy mo?"
"I-I'm p-pregnant, Mommy."
Napatigalgal si Evita. Daig pa nito ang hinagisan ng bomba sa katatapos lamang sabihin ni Julianna.
"Oh, God. What have you done?"
Impit na iyak na lang ang nagawa ni Julianna nang tila nanghihinang napaupo sa sofa ang kanyang ina. Tutop nito ang noo at halata ang labis na panlulumo sa natuklasan.
"I'm sorry, Mommy. I'm so sorry..."
"Sorry won't fix this mess, Julianna! My, God."
-
simula na ng kalbaryo.
slight lang 'to.
promise, parang kagat lang ng langgam.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro