Bad Dream
Chapter Two
PAWISANG napabalikwas ng bangon si Julianna. Natutop niya ang dibdib nang parang magkarerahan ang pintig ng kanyang puso. Tumulo ang kanyang luha. May mga gabing tila bangungot na dumadalaw sa kanya ang pangyayaring 'yon. Na para bang kahit nakalimutan ng utak niya ang gabing iyon ay kusa iyong nagre-resurface. Pinipilit na sana niyang kalimutan. Pero minsan ay hindi niya maiwasang mandiri. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya. Bukod doon ay naiisip niya kung si Drigs lamang ba ang gumamit sa kanya ng gabing 'yon.
Napasubsob siya sa dalawang palad at napaiyak. Siguro ay iyon na ang karma niya pagkatapos ng mga ginawa niya kina Walter at Annika. Hanggang sa mag-umaga na ay hindi na ulit siya nakatulog. Mabuti na lamang at sem break na. May ilang araw siyang pahinga bago ulit mag-umpisa ang klase.
Bumaba ang grades niya sa finals. And once again, she saw the disappointment on her father's face when he saw her grades. Kailangan niyang makabawi ngayong second sem. With those thoughts in mind, she got out of bed and took a shower. Nasa breakfast room na ang parents niya nang bumaba siya para mag-agahan.
"Good morning, Mom, good morning, Dad." Hinagkan niya ang mga magulang bago siya naupo sa tabi ng Daddy niya.
"What are your plans during sem break?" tanong ng Mommy niya habang nagpapahid siya ng strawberry jam sa kanyang tinapay.
"Ilang araw lang naman ang bakasyon, Mommy, so I'll probably just read some textbooks and do some advance study."
"That's good. Sana naman ngayong second sem ay makabawi na ang grades mo," medyo may pasaring na sabi ng Daddy niya.
"I will try my best, Daddy."
"Don't try. Do it."
"Yes, Dad."
"Akala ko pa naman makakasama ka namin sa biyahe ng Daddy mo," may bakas ng panghihinayang na sabi ng kanyang ina.
"Hayaan mo na siya, Evita. Mas mabuti nga 'yon para mas makapag-focus siya sa pag-aaral niya. This summer, kapag maganda ang performance mo sa school ay humiling ka sa akin ng kahit na ano. Sky is the limit."
"Is that a promise?"
"You know I never break a promise."
"Deal. I hope you won't regret this, Daddy."
"You know I don't make empty promises."
Nagpatuloy sila sa maganang pagkain. Naunang matapos ang kanyang ama. Papasok pa ito ng opisina kaya nauna na itong tumayo. Saka mabilis siyang hinagkan sa noo.
"I love you."
"I love you, too, Dad. Take care."
Sumunod na rin dito ang kanyang ina para ihatid ito sa driveway. Ganoon kadalasan ang senaryo ng mga magulang niya. And it's kind of sweet she wished one day she will have that kind of relationship with her future husband.
Her parents are not perfect. Dumating pa nga ang pagkakataong muntik ng maghiwalay ang mga ito. Naging maugong kasi ang usap-usapan noon na may babae ang Daddy niya. Habang ang Mommy naman niya ay parating laman ng mga social functions. But eventually, they tried to work things out. They had to, at least for her sake. They went to a marriage counselor, sinubukan nilang muling kilalanin ang isa't isa. At para sa dalawang taong gustong maayos ang relasyon, walang imposible. Bumalik sa dati ang mabuting samahan ng mga magulang niya.
And as the saying goes, love is lovelier the second time around. Muling nagdalantao ang kanyang ina. Sadly, her mother miscarried six weeks into pregnancy. At dahil nasa early forties na rin ang Mommy niya, hirap na talaga itong magdalantao. Ayon sa Daddy niya ay wala naman iyong kaso rito dahil kuntento na ito kahit siya lang ang anak ng mga ito.
"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa biyahe namin ng Daddy mo?" muling ungkat ni Evita nang magbalik ito sa hapag.
"I'm sure, Mom. Don't worry about me, I'll be fine. Besides, it's your alone time with Daddy. Makakaistorbo lang ako," may panunuksong sabi niya.
Her mother blushed. She giggled.
"By the way, how are you?" pag-iiba ng topic ng Mommy niya. "I heard Annika is okay now."
Napayuko si Julianna. Wala sa loob na nilaro ng dalaga ng tinidor ang bacon na inilagy sa plato.
"I'm glad," magaan sa loob na sabi niya.
"A piece of advice, anak. Kapag dumating ang pagkakataong magmamahal ka, huwag mo sanang kalilimutang magtira para sa sarili mo."
"Mom..."
Pinisil nito ang kamay niya. Ngumiti na lang siya.
"About your apartment, hindi pa iyon alam ng Daddy mo. I think it's best if you moved back before he finds out. Natitiyak kong hindi magiging maganda ang interpretation niya kapag nalaman niyang nagrerenta ka pa ng bahay gayong napakalaki nitong mansion."
"I-I like it there, Mom. I want to have my own space."
"You have your own room, ano pang space ang kailangan mo? Kung hindi ako nagkakamali ng kalkulasyon, 'yong apartment na tinitirhan mo ay halos kasinlaki lamang ng iyong kuwarto."
Hindi iyon exaggeration. Nakita na kasi ng ina ang apartment niya. Malapit lamang iyon sa campus. Malinis at safe naman ang neighborhood. But her mother is a typical rich who's used to grand things. Ang isang sixty meters squared na apartment ay maliit para sa standard nito.
"Just this one, Mom. I won't ask you for anything. I just want to try living out of my comfort zone."
"Is that all?"
"What?"
"Baka naman may inuuwi ka ng boyfriend doon?"
"Mommy," muntik ng matumbok ng ina ang totoo. Ngunit tinatagan ni Julianna ang sarili at tuwid na sinalubong ang tingin nito. "Wala pa po akong boyfriend, okay?"
"How about Maximus?"
Muntik ng mapabunghalit ng tawa si Julianna sa pangalang nabanggit ng ina. But then, she just smiled. Amused.
"Manliligaw mo?"
"No, Mom. He's just a friend." Pagkatapos ng nangyari ng gabing iyon ay iniwasan na niya ang barkada, maliban kay Maxine.
"Okay, magtitiwala ako sa'yo."
"Thank you."
"He's not a bad catch, though."
Napangiti na lang si Julianna.
Kung alam mo lang, Mommy. Lalaki rin ang type niya.
Two days after ay lumipad patungong Europe ang mga magulang ni Julianna. Matagal-tagal na mawawala ang mga ito dahil business and pleasure ang biyaheng iyon. May dadaluhang business convention ang Daddy niya. At sa mga libreng oras ay magkasama ito at ang Mommy niya para maglibot sa mga paboritong tourist spot ng mag-asawa.
Out of boredom ay tinawagan niya si Maxine.
"Hello, girl," bungad niya nang sagutin nito ang tawag.
"Ah, hi, babe."
Napaangat ang kilay niya. Babe? Inilayo niya ang cellphone para tiyaking hindi siya nagkamali ng numerong tinawagan.
Maxine. Tama naman.
"Sorry, babe. May pinag-uusapan kasi kami ni Papa, eh. Sa ibang araw na lang tayo lumabas."
Hayun, kaya naman pala.
Noon niya lang din na-realized na lalaking-lalaki ang boses nito sa kabilang linya.
"Okay, babe. Saka na lang tayo mag-usap," natatawang paalam niya bago tinapos ang tawag.
~0~
KASALUKUYANG nasa bilyaran si Sachi nang tumunog ang cellphone niya. Hindi na sana niya sasagutin iyon dahil crucial ang laban. Isang libo rin ang pusta. Pero nang makita niya kung sino ang caller ay awtomatik niyang sinagot iyon.
"Hello, Julianna? May problema ba?"
"Problema agad? Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makausap?"
Bigla siyang naumid. Ang pintig ng puso niya ay parang na-triple ang bilis.
"Hey, are you still there? Busy ka ba?"
"Ah."
"Sachi, p're. Ikaw na," tawag ng kakampi niyang si Rupert.
"Oh, sorry. Naistorbo yata kita."
"Hindi naman. Teka, titira lang ako. D'yan ka lang, ha?" ang lakas-lakas ng pintig ng kanyang puso habang kinukuskos niya ang tisa sa kanyang tako.
Pilit niyang pinakalma ang pintig ng kanyang puso habang sinisipat na mabuti ang mga anggulo kung paano niya maibubuslo ang mga bola nang walang mintis.
"Ano na? Ang tagal naman n'yan," reklamo ng kalaban nila.
Hindi na lang niya iyon pinansin. Ganoon talaga 'yong iba, nangdi-distract para hindi malamangan.
Pero sorry na lang. Mahigpit ang pangangailangan, saloob-loob ng binata.
Pomosisyon na siya at tumira. Masse trick shot. Parang may sariling isip na umikot ang puting bola at iniwasan ang numero 7. Tumama iyon sa numero 6 at pumasok sa pocket. Impit na napahiyaw si Rupert, tuwang-tuwa ito. Lamang na sila sa kalaban. Nang umikot ang bola ay naka-posisyon na ang cue ball sa harapan ng numero 7. Sinipat niya ang mga susunod na numero, 8 at 9. Mukhang mahihirapan siya sa dalawang huling tira. Pero kung gagamitan niya iyon ng kumbinasyon at maibuslo niya ang numero 9...
"Ano, titira pa ba?" parang asar na sabi ng kanilang kapustahan.
Julianna is waiting, iyon ang nasa isip niya. Baka mainip ito at magalit sa kanya.
Hindi na siya masyadong nag-isip. Kung ano ang unang planong nabuo sa utak niya ay iyon na lamang ang kanyang ginawa. Tinira niya ang numero 7, pasok. Pagkatapos ay bahagya niyang isinampa ang kanang tuhod sa tagiliran ng pool table at patayong tinumbok ng tako ang cue ball. Tumalon ang puting bola at mabilis na gumulong sa dulo ng pool table saka iyon bumalik at tumama sa numero 8 na malakas na komonekta sa numero 9. The impact propelled number 9 into the side pocket.
Ang lakas ng hiyaw ni Rupert.
"Ang galing mo talaga, p're. Woo-hooo!"
Sa halip na makipagsaya sa panalo nila ay mabilis na dinukot ni Sachi ang cellphone sa back pocket ng kanyang pantalon.
"Hello, Julianna?" Nang hindi kaagad sumagot ang kausap ay inilayo ni Sachi ang cellphone sa tenga para tingnan kung on-going pa ang tawag.
On-going pa naman pero mukhang wala na ang kausap niya.
"Sachi?"
"Julianna. Akala ko nawala ka na."
"May kinuha lang akong libro. Where are you, by the way?"
"Nasa billiard hall. Isinama ako ni Rupert."
"Looks like you've won."
"Oo, tsamba." Hinayaan na niyang si Rupert ang komolekta ng kanilang panalo.
Nang-aasar ang ngiti nito sa mga nakalaban nila. Napailing na lang siya.
"You're lying. Parang gusto ko tuloy makita kung paano kang maglaro."
Napangiti siya. "Ahm, may kailangan ka ba?"
"Tatanungin sana kita kung ano ang gagawin mo ngayong sem break."
"Maghahanap ng trabaho."
"Trabaho?"
"Oo. 'Yong trabahong hindi ko ikakahiya kahit kanino." Lalo na sa'yo, pero sa isip na lang niya idinugtong iyong huli.
"Marunong ka bang mag-drive?"
"Oo naman."
"My driver's license ka?"
"Meron."
"Then you're hired."
"Ano?"
"I need a driver. Takot pa kasi akong mag-drive lalo na kapag siksikan na ang mga sasakyan sa gitna ng kalsada."
"Pero di ba may driver ka?"
"Kay Mommy 'yon. Ipinapahiram niya lang sa akin no'ng pumapasok pa ako."
Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Naisip niya kasi na baka naaawa lamang ito sa kanya kaya inalok siya ng trabaho.
"P're, heto na 'yong kaparte mo," tinapik siya sa balikat ni Rupert. "Sino ba 'yan? Siyota mo?"
Umiling siya sabay tanggap ng perang ibinibigay nito. Nagtaka pa siya nang makitang buong isang libo iyon.
"O, wala bang barya?"
"Sa'yo na lahat 'yan. Wala naman halos akong nai-ambag sa panalo natin, eh. Sige, una na ako."
"Teka, ayaw mo bang uminom man lang ng sago't gulaman? Libre na rin kita ng fishball at isaw."
"Nah, next time. Mukhang importante 'yang kausap mo." Tumalikod na ito sabay taas ng isang kamay bilang pamamaalam.
Binalikan niya ang kausap sa kabilang linya. "Pasensya ka na. Si Rupert 'yon, 'yong sinasabi ko sa'yo. Bagong kaibigan."
"Lalaki?"
"Oo. Rupert nga, di ba? May babae bang nagngangalang Rupert?" biro niya.
"Meron. Ruperta kapag gabi."
Natawa siya sa biro nito.
"So, tinatanggap mo na ba ang trabaho?"
"Iisipin ko pa."
"Ayaw mo lang yatang magtrabaho sa akin, eh," may himig-tampong sabi nito.
"Hindi naman sa gano'n."
"Pero parang ganoon na nga."
"Hindi nga."
"Then prove it. Tanggapin mo na 'yong job offer ko."
Napahinga siya nang malalim. "Sige. One month, hanggang sa makakuha ka na ng permanente mong driver."
"Tss, fine. One month."
-
basta driver daw, sweet lover.
matanong nga si Julianna after one month ;)
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro