Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Yakap

nag-a-update po ako. hindi man araw-araw, at least every other day. yes, hindi po nagno-notify ang wattpad. depende kung updated ang wattpad apps sa phone niyo. you can join my fb group for updates--> Restricted Corner (frozen_delights' readers). doon niyo po malalaman kung may update ako. maski po kasi i-announce ko sa wattpad message board hindi niyo rin mababasa, especially kung hindi kita follower. only my followers can read my announcement on my message board. 

ganoon po kasimple😊😊😊


Chapter Fifty-Seven

"SO, you have a sister," masayang sabi ni Chantal sa asawa.

Tumango si Jethro, may ngiti sa mga labi.

"Maski ako, hindi rin makapaniwala. Magkapatid kami sa ama."

"I'm happy for you."

Dumausdos ito mula sa pagkakasandal sa sandalan ng hospital bed nito atsaka iniunat ang isang braso upang paunanan sa kanya. Hindi siya kaagad kumilos sa kinauupuan dahil nag-aalala siya na baka mahirapan ito.

"Kumander ko," malambing na ungot nito.

"Jellyboo, your wounds."

"Superficial lang naman ang mga ito. Mas malala pa nga 'yong nasa li..." mabilis nitong itinikom ang bibig. "Ahm, missed na talaga kasi kita at gusto kitang mayakap. Huwag kang mag-alala, nakapag-toothbrush na ako at nakapag-hilamos. Mabango na ako."

Siningkitan niya ito ng mga mata. Nadulas na ito, eh. Hindi ito makapagsisinungaling sa kanya.

"Don't think for one minute that you can trick me, jellyboo. Let me see your back."

Isang buntong-hininga ang marahang pinawalan ni Jethro bago pigil ang pagngiwing maingat na tumalikod. Bukas ang likuran ng suot nitong hospital gown at patali ang sarado niyon kaya kailangan lamang niyang kalasin ang tali para makita ang mga injuries nito roon. May ilang medyo sariwa pang mga galos doon, mga gasgas. Pero may isang particular na sugat siyang napansin na kahit mukhang papahilom na ay parang masyadong malalim kumpara sa iba nitong injury sa katawan.

Magaan niyang pinaraan ang mga daliri sa balat nito. Halos magsikip ang dibdib niya isipin pa lamang kung gaano kasakit iyon. "Did you get all this from the accident?"

"Oo."

She noticed the sound in his voice. "You're lying again. This one looks deep. Saan mo ito nakuha?"

"Sa loob ng kulungan."

She gasped in surprise. Bagama't may palagay na siyang may mga kakatwang ginagawa ang kanyang asawa sa mga nakalipas na araw ay nakakagulat malamang higit pa iyon sa inaasahan niya.

"Did you spend the last three months in prison?"

"Oo."

"Turn around and look at me." Gusto niyang nakaharap ito para matitigan niya ito nang direkta sa mata. Kapag ganoon ay hindi basta-bastang nakapagsisinungaling ang asawa sa kanya.

Marahan itong bumiling paharap. Tinanggal na ang IV nito kaya malaya itong kumilos.

"W-why? What did you do?" Diretsong nakatutok ang mga mata niya rito.

Kaya pala mula nang umalis ito ay hindi na talaga siya mapakali. May ginawa ba itong krimen na hindi niya alam? Did he kill someone? Pero kung ganoon nga imposible namang basta na lamang itong makalaya.

"Nakipagkasundo ako kay Vengeance. Kapalit ng pabor na hiningi ko sa kanya ay may kinailangan akong gawin sa loob."

May sumipang galit sa dibdib niya.

I knew it! Masama talaga ang kutob niya sa lalaking 'yon. At ngayon ay napatunayan niyang totoo ang hinala niya na hindi talaga katiwa-tiwala si Vengeance Liu!

Pero maliban sa galit na gusto niyang ibunton sa lalaki, gusto niyang magdamdam sa asawa. Bakit ito nakikipaglapit sa taong 'yon kung ikapapahamak naman nito? Hindi ba siya mahalaga rito? O iniisip ba nitong maghahanap siya nang higit pa sa kaya nitong ibigay kaya kahit illegal ay papasukin nito?

"Chan-chan..."

"Will it always be like this? Will you always put your life on the line?" puno ng pagdaramdam na tanong niya.

"Hindi. Siyempre'y hindi. Huli na 'to. Di ba nga, pangako ko sa'yo. Hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo."

"You lied to me."

"I'm sorry."

"What exactly is the deal between you and Vengeance?"

"Para sa proteksyon mo."

Napamaang siya.

"W-what protection?" naguguluhang tanong niya.

"Ang totoo, nang magpasya akong dalhin ka sa probinsya ang unang plano ko ay iwanan ka lang do'n. Pagkatapos ay hahanapin ko ang taong gustong pumatay sa'yo. 'Yong lalaki sa ospital, natatandaan mo?"

Wala sa loob siyang tumango.

"Pero masyado pala iyong kumplikado kaysa inaasahan ko. Nahanap ko ang taong 'yon pati na ang broker--o 'yong middle man na binabayaran ng mga taong may gustong ipapatay. Sinabi niya sa akin na bukod sa lalaking nagtangka sa atin noon sa ospital ay mayroon pang ibang binayaran ang taong nagpapapatay sa'yo. Sa tulong ng kaibigang hacker ni Zenith, sinubukan nilang alamin kung sino ang taong komontak sa broker. Pero masyado itong madulas, hindi nila ito kaagad na-trace."

"Let me get this straight, ito ba ang dahilan nang magpaalam ka sa akin na isang linggo kang mawawala noon?"

"Oo."

Natutop niya ang bibig. Nahahati ang loob niya sa inis at frustration sa mga pinaggagawa ng kanyang asawa.

"Ang gusto ko lang naman kasi ay tuluyan ng matapos ang banta sa buhay mo. Nakita ko kung gaano ka katakot sa nangyari noon. At para sa kapanatagan natin pareho kaya ko ginawa ang lahat ng 'yon."

"I get that. But not at the expense of your own life," pigil na pigil niya ang sarili na mag-alsa-boses. Gusto niyang pukpukin ang dibdib nito sa nadaramang inis kung hindi niya lamang inaalala ang mga injuries nito. "I told you before, remember? I don't want you to sacrifice yourself to protect me. Do you think I'd be able to live my life knowing you got hurt and worst... d-died because of me?"

"At sa palagay mo, kakayanin ko ring mabuhay sakaling may mangyaring masama sa'yo?"

Hindi niya napigilan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"Tapos na, okay?" wika nito na kaagad tumaas ang isang kamay sa kanyang pisngi at pinalis ang pag-uunahan ng kanyang mga luha. "Magtiwala ka na ito na 'yong huli. Hindi na ulit ako gagawa ng desisyong maglalayo nang matagal sa ating dalawa."

"I want you to stop associating yourself with the likes of Mr. Liu. Can you do that?" matigas ang tinig na wika niya.

May nabakas siyang tila pagdadalawang-isip sa mga mata ng asawa.

"Kung ipapangako ko sa'yong hindi ako gagawa ng anumang illegal, mapapanatag na ba ang loob mo?"

"You already broke your promise once. Sabi mo hindi mo ako iiwan pero umalis ka pa rin. How will I trust your word this time?"

"Hindi naman ako umalis nang walang mabigat na dahilan. At sa maniwala ka, napakahirap gawin para sa akin 'yon lalo at buntis ka. Kahit isang araw lang ay malaking parusa sa akin ang mapalayo sa'yo. Gusto kong sa bawat sandali ng paglilihi mo ay magkasama tayo. Na kapag may gusto kang kainin o werdong gawin ay nasa tabi mo lang ako. Pero mas importante ang kaligtasan mo at ng magiging baby natin. Alam kong isang sakripisyo 'yon para sa ating dalawa. Pero maliit na sakripisyo lang kung ikukumpara sa buhay mo at ng ating magiging anak."

"So, Callous and Zenith were part of the deal, too?"

"Oo. Si Callous ang nagbabantay sa'yo, si Zenith naman ang naghanap sa contract killer para ma-trace nila ang mastermind."

"Ally is dead."

"Alam ko, sinabi na sa akin 'yon ni Zenith. At may ilang bagay kang kailangang malaman."

Tahimik siyang nakinig sa asawa nang isa-isa nitong ilahad ang mga natuklasan ng hacker na kinuha ni Zenith. Ang sabihing nabigla siya ay kulang. Natutop niya ang bibig nang bigla na naman siyang napaiyak. Napilitang bumangon si Jethro at niyakap siya, hinagod nito ang kanyang likuran habang nakasubsob siya sa dibdib nito.

"He's my only living relative."

"Sh. Malalampasan mo rin 'to, at makakaya mo. Naririto lang ako. Sina Marcy at Andeng, sina Boogie. Parte na sila ng ating pamilya."

Family. Muling nag-init ang kanyang mga mata nang gumuhit sa kanyang alaala ang mukha ng tiyuhing si David. Then she thought about Kelly, and Lucille...

"Let's go home. I want to settle this once and for all."

Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa tuktok ng kanyang ulo.

Magkayakap pa sila nang humahangos na iniluwa ng pinto si Boogie.

"Jet, Chan-chan, tingnan niyo 'to!" Ipinakita nito ang hawak na cellphone.

Fake or real. Pregnant Chantal Karan was seen last night in Inamorada Medical Center.

Sa baba ng news caption ay ang kuha ni Chantal na bahagyang naka-side view at tinatakpan ng alampay ang kaumbukan ng tiyan. Ilang stolen shot iyon magkakaibang anggulo.

Pinoy ex-convict, jowa ng kilalang wedding designer na si Chantal Karan. Headline sa isang on-line tabloid.

Pamosong wedding designer na si Chantal Karan, nabingwit nga ba ng isang Uragong Pinoy? Mula naman sa isa pang tabloid na may malalaswang babasahin.

Nagulat man sa mga nabasa ay minabuti ni Chantal na hindi magpa-apekto. Lumaki siya sa liberated na bansa na hindi pinahahalagahan ang sasabihin ng ibang tao. She knows her worth and she doesn't live up to other people's opinion. Ngunit nang tingnan niya ang kanyang asawa ay nakita niya ang negatibong epekto ng mga nabasa nito.

"Jellyboo," inabot niya ang mukha nito. "You did your share in protecting me. Let me do mine."

"Chan-chan."

"I love you. And that is all that matters. Who the fuck are they, anyway. Hindi ka nila kilala at hindi rin nila ako kilala. And that goes vice versa."

"Ayokong maapektuhan ang career mo. Hin--" mabilis niyang inilapat ang mga labi sa bibig nito.

"Kapag lumayo ka pa ulit sa akin hindi na kita mapapatawad. I will leave you and you will never see me ag--umph."

Sinarhan nito ang mga labi niya sa isang mariin at mapusok na halik. Walang pakialam na iniyapos niya ang dalawang braso sa leeg nito at sabik na tumugon.

"Jet, Chantal," muling bumukas ang pinto at pumasok doon ang nag-aalalang si Meredith. "Alam niyo na ba ang...?"

"Alam na po nila, 'Torney," ani Boogie na kakamot-kamot na lang sa ulo na tumalikod sa mag-asawa na walang pakialam sa kanilang paligid.

"Oh."

Natitigilan pa sa may pinto si Meredith nang worried na pumasok si Andeng. Sa likuran nito ay nakasunod din sina Callous at Vengeance.

"May mga paparazzi sa labas," anunsyo ng dalaga.

Napilitang magbaklas ang pareha nang ma-realized na marami na silang kasama.

"Great," mapaklang reaksyon ni Meredith. "Magsasampa ako ng kaso sa mga pesteng tabloids na 'yan."

"We can use the helipad para hindi maharang ng mga paparazzi sina Ms. Karan at Jet," suggestion ni Callous.

"I'll settle the bill para makalabas na si Jethro," prisinta ni Vengeance.

"Don't bother," mataray na pakli rito ni Meredith. "Ako na ang gagawa no'n at baka kung ano na naman ang hingiin mong kapalit sa kapatid ko."

Bago pa nakapag-react ang kahit na sino sa kanila ay mabilis ng lumabas ng silid si Meredith. Exasperated na napabuga ng hangin sa bibig si Vengeance.

"Susundan ko lang si Attorney," anito na wala namang partikular na pinagpaalaman.

"Are they in a relationship?" inosenteng tanong ni Chantal sa asawa.

"Ang totoo ay hindi ko rin alam kung paano sasagutin 'yan."

"Oh," sandali siyang natigilan. Pagkuwa'y nagkibit ng mga balikat. "I think your sister can handle herself well."

"Sa palagay ko rin."

"Is that the reason why you can't cut ties with Vengeance, because of your sister?"

"Sa kabila ng lahat, utang ko pa rin sa kanya ang buhay ko, sa kanila ng mga kaibigan niya. Sa bingit ng kamatayan ay siya ang sumagip sa amin ni Ate nang ma-ambush kami. Kung tutuusin ay tapos na ang obligasyon nila sa akin. Pareho na naming nagawa ang aming mga napagkasunduan. Pero hanggang sa huling sandali ay hindi nila ako iniwan."

Pasimpleng tinapunan ng tingin ni Chantal sa kinatatayuan nito si Callous. Sa buong panahon na akala niya ay hindi nag-aalala ang kanyang asawa sa kalagayan niya, binabantayan pala siya nang lihim ng lalaking ito.

"Siya ba ang nagsasabi sa'yo ng mga gusto kong pagkain?"

Nang sundan ng tingin ni Jethro ang tinitingnan niya ay mabilis na nagsalubong ang mga kilay nito. Iniharang nito ang sarili sa kanyang line of vision. Nang magdaop ang kanilang mga mata ay pinaningkitan siya nito.

"What?"

"Buntis ka. Bawal sa'yong tumingin sa iba."

"Is that another superstitious belief?"

"Oo. Sa akin ka lang dapat tumingin dahil ako ang asawa mo. Ayokong maging kamukha ng iba ang magiging baby natin."

"That's silly."

"Makinig ka na lang sa akin."

She rolled her eyes. "I like his voice, though."

"Tsk. Mas maganda ang boses ko riyan," parang gigil na sabi ni Jethro.

"He looks military-ish."

"May appeal sa'yo ang mga gano'n?"

"They always do. I think most women digs men in uniform," pigil niya ang pagngiti. 

Natutuwa siyang asarin ang kanyang asawa. Ang cute tingnan ng pagsasalubong ng mga kilay nito. Namumula pa ang magkabilang tenga na halatang naaasar.

"Kung gano'n ay--"

Tumunog ang cellphone ni Callous. "Hello? Okay, I'll be right there."

Matapos ang maikling pakikipag-usap nito sa cellphone ay nagpaalam na ito sa kanila.

Matalim naman itong inihatid ng tingin ni Jethro.

Natatawang sinakop ni Chantal sa dalawang palad ang mukha ng asawa.

"Ang cute-cute naman ng asawa ko."

"Huwag mo akong utoin," pagsusuplado nito.

"What's utowin?"

"Bolahin. Bilugin ang ulo."

"Ah. Bilog naman talaga ang ulo, di ba?" nangingiting biro niya.

"Hindi. 'Yong iba patulis."

"Patulis?"

"Sharp," inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. "Katulad ng ulo ko sa baba. Very sharp, kaya nga nakabuntis kaagad."

Nang maintindihan niya ang ibig nitong sabihin ay namula ang buo niyang mukha.

"Kaya humanda ka sa akin. Masamang pinagseselos ang mga tulisan ang ulo."

-

ahem.

awesome and naughty,

frozen_delights









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro