Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Videoke

sa lahat po ng mga naapektuhan at dinaanan ng nangyaring pagsabog ng Bulkang Taal, ang chapter pong ito ay isang munting handog. sana po kahit papaano makaaliw sa inyo ang pagbabasa ng chapter na ito. stay safe, everyone. love lots and God bless you all.

.

Chapter Seven

"ALAM ko na." Napapitik ng daliri si Andeng na parang biglang na-excite sa ideyang naisip nito.

Nagtataka namang napatingin dito sina Marcy at Chantal, hinihintay na sabihin ng babae ang ideyang pumasok sa isip nito.

"Mag-videoke tayo para mahasa ang dila mo."

"Videoke?" parang bigla namang na-excite si Marcy sa suggestion ni Andeng. "Sige, sige. Bet ko 'yan."

"Hindi para sa'yo, para sa kanya," pambabasag ni Andeng sa excitement na biglang naramdaman ni Marcy.

"Ang bait mo naman talaga sa akin. Sana kunin ka na ni Lord."

"Inuuna raw ni Lord 'yong mas mababait," nakangising sagot dito ni Andeng. Pagkuwa'y binalingan si Chantal. "Ano, Chan-chan? Videoke tayo?"

"Videoke? You mean, like Karaoke?"

"Tsk. Videoke nga kasi hindi karaoke. 'Yong kakanta ka habang nagbabasa ng lyrics sa tv."

Napahalakhak si Marcy.

"'Anyare sa'yo, teh? Nakasagap ka ng masamang hangin?"

"Malamang. Kasi kanina ka pa dakdak nang dakdak, biglang nagkaroon ng imburnal flavor ang oxygen na nalalanghap namin."

Napabuga ito ng hininga sa bibig, pagkuwa'y sininghot-singhot iyon. "Hindi, 'no? Amoy-Surf kaya."

"Surf ang brand ng gamit mong toothpaste?"

"Oo. Kaya nga isa-suggest kong gano'n na rin ang gamitin mo para umayos ang tabas ng dila mo."

"Hindi ko kailangan 'yon dahil maayos ang tabas ng dila ko. At para na rin sa kaalaman mo, karaoke ang tawag nila sa mga kilalang bar na may mga private rooms kung saan kayo puwedeng kumanta kasama ng mga kaibigan mo. 'Yon ang alam niyang videoke."

"Mga sosyalin naman kasi ang alam niyang kaibigan mo. Pero maalala ko lang, magkaibigan ba talaga kayo? Ang tingin ko kasi sa inyong dalawa, mag-amo. At obvious na obvious naman kung sino sa inyo ang amo."

"Amo? Hindi, ah. Hindi kami mag-amo, we're friends, right? We're very, very good friends."

"Yes, we're friends," nakangiting sang-ayon ni Chantal.

"Para ko na kasi siyang bunsong kapatid kaya ganon na lang ang pag-aalaga ko sa kanya," dahilan pa ni Marcy.

"Ah," tumango-tango si Andeng habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Mukhang duda pa rin ito.

"O, simulan na para makarami," ani Marcy.

"Sige. Sandali at kukunin ko lang ang aking Magic Sing," tumalikod na si Andeng para kunin ang gamit na kakailanganin nila sa silid nito.

"You missed going to karaoke," aniya kay Marcy.

"Alam mo, tatak na ng pagiging isang purong Pinoy ang pagkahilig sa videoke. At tama si Andeng, para matuwid 'yang baluktot mong dila bumirit ka ng mga kanta ng Aegis at ni Regine Velasquez."

"Bakultot?"

"Baa-look-thought."

"Baloktowt?"

"Yown, nakana mo, batang-bata."

"What's baloktowt?"

"It's curved, bent--in short, not straight."

"Maybe because I grew up in the States," nakangusong sagot niya rito, with a hint of sarcasm.

"Kaya nga tuturuan ka naming mag-Tagalog. Iba pa rin kasi 'yong marunong kang magsalita ng Tagalog kaysa nakakaintindi lang, gets mo?"

"Gets kow."

"Good."

Nang bumalik si Andeng ay kaagad na inayos nito ang kanilang mga gagamitin. Tumulong na rin si Marcy upang madaling mai-set-up ng mga ito ang Extreme Magic Sing. Tiningnan ni Chantal ang mikropono. Mukhang bago pa iyon at parang selyado pa nga.

"Ay, teka. Wala pala tayong baterya," ani Andeng.

"Bumili ka na," udyok dito ni Marcy.

"Bakit, kaya mo bang ayusin itong mag-isa? Ikaw na ang bumili."

"Ayoko nga. Baka ma-rape pa ako no'ng bungal na tambay riyan sa kanto."

"'Sus, choosy ka pa. Ayos lang na bungal, kumpleto naman ang makinarya."

"E, di ikaw na lang. Tutal ayos lang naman pala sa'yo."

"Ayoko nga. Pretty ako kaya may karapatan akong magpaka-choosy. Ikaw, hinde."

"Uy, uy, uy. Huwag mong nilalait itong beauty ko. Maraming nagkakandarapang Kano rito."

"Malamang bulag ang mga 'yon."

"Anong bulag? Hindi, 'no? Ang guguwapo kaya ng mga 'yon. Kahit tanungin mo pa itong si Chantal."

"Yeah, she has a lot of suitors," kaagad namang sagot ng dalaga nang mapatingin dito si Andeng.

Tila nagmamalaki namang napangisi si Marcy.

"O, di ikaw na. Sa'yo na ang korona kaya lumabas ka na at bumili ng baterya."

"Ayoko."

"I'll buy. What do you need?" Mabilis na boluntaryo ni Chantal upang matigil na ang pagtatalo ng dalawa.

Dahilan upang mabilis na mapatayo sa kinauupuan si Marcy.

"Ako na, upo ka lang d'yan," wika nito.

Napabalik na nga lang siya sa kinauupuan nang tunguhin na ni Marcy ang pinto.

"Apat na double A, salamat!" pahabol na sabi ni Andeng. Mukhang tuwang-tuwa itong aasarin si Marcy.

At naisip niya, mami-miss niyang tiyak ang tandem ng mga ito kapag umalis sila roon.

"'Yong totoo, Chan-chan. Prinsesa ka ba?"

"Ha?" nagulat si Chantal sa nakaka-sorpresang tanong ng kausap. 

Iyon ba ang ideyang naglalaro sa utak nito na hindi madirektang itanong sa kanilang dalawa ni Marcy? Sa tingin niya ay taktika lamang ni Andeng na pabilhin si Marcy para ma-corner siya at mapaamin.

Ngumiti siya at umiling.

"No, Andeng. I'm not royalty if that's what you're implying."

"Naisip ko lang kasi. Baka 'kako isa kang runaway bride na tumakas sa araw ng kasal dahil ang prinsipeng ipapakasal sa'yo ay mukhang palaka. At para hindi ka kaagad matunton ng mga taong naghahanap sa'yo, itong lugar namin ang naisip mong pagtaguan."

Nagpakailing-iling siya saka amused na napangiti.

"No. My life is very far from that," aniya.

Hindi pangit na groom o isang loveless marriage ang tinakbuhan niya kundi kamatayan.

"Someone wants me dead."

Napamaang si Andeng. Matagal itong napatitig sa kanya. Pagkatapos ay bigla itong humalakhak.

"You, ha? Muntik mo na akong mapapaniwala."

She just smiled and didn't comment further. Naisip niyang ipagtapat na sana rito ang totoo tutal naman ay mukhang trustworthy ang babae. Pero inakala nitong nagbibiro lang siya. Siguro nga ay hindi pa iyon ang tamang oras para malaman nito ang totoo.

Ipinagpatuloy na ni Andeng ang pag-aayos ng Magic Sing. Nakitulong na rin si Chantal para mas mapadali.

"May alam ka bang kantang Tagalog?" ani Andeng nang iabot nito sa kanya ang isang maliit na kuwaderno.

"Hm, konte." At karamihan sa mga kantang 'yon ay paboritong kantahin ni Marcy kaya nalaman niya. 

"Sige, pili ka na ng kakantahin mo."

"Me?"

"Oo. Wala naman tayong ibang kasama rito, kaya oo. Ikaw nga."

"You sing first," aniya habang binabasa ang mga nakalistang title ng kanta sa song book.

"Oo, bah."

Nadaanan ng tingin niya ang isang title ng kanta. Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Paboritong kanta iyon ng Mommy niya.

"Alam mong kantahin 'yan?" tanong ni Andeng.

"I'm not sure. It's been a while since the last time I heard it from my Mom."

"Filipina ang Mommy mo?"

"Both sides of my parents have Filipino blood. One-fourth, at least."

"Ah, kaya pala hindi ka mukhang Pinay talaga."

Ngumiti lang siya at muling ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga kanta.

"Nasaan na kaya ang babaing 'yon? Ang tagal naman, napapakanta na ako, eh," inip na sabi ni Andeng.

Tila hindi nakatiis na nagpunta sa may pinto si Andeng.

"Chan-chan, iwan muna kita, ha? Susundan ko lang si Masyang. Baka nga na-rape na ni Dagul 'yon, kawawa naman si Dagul."

Napailing na lang siya. Kaya lagi itong nagka-clash at si Marcy, parehong mapang-asar.

Nawiwili na siya sa pagbabasa nang bumungad si Boogie. May ilang sandali na rin mula nang umalis si Andeng.

"Hi, Chantal!"

Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasa. Agad na nabahiran ng ngiti ang kanyang mga labi pagkakita rito. Bahagya pa siyang humilig ng tingin at hinanap ang binatang expected niyang kasunuran nito. Ngunit wala.

"Nasaan si Jet?" tanong nito sa kanya.

Naguguluhang napailing siya. Dahil kadalasan na ay ang dalawa ang magkasama. "Wala pa."

"Ha? Nauna pa sa akin 'yon, ah. Nakakapagtaka nga ang taong 'yon parang laging nagmamadaling umu--aray!" muntik na itong masubsob nang may bumatok dito mula sa likuran. "Uy, Jet. Nariyan ka lang pala. Saan ka galing?"

"D'yan lang sa tabi-tabi."

Nang magsalubong ang tingin nito at ni Chantal ay napansin ng dalaga na parang bad mood na naman ito. Naiilang na nagbawi siya ng tingin at muling pinagtuunan ng pansin ang song book.

"Uy, magbibidyo-oke kayo?" ani Boogie na excited na naupo kaagad.

"Oo. Para mahasa ang baloktowt kong dila."

"Ayos yan, maganda ngang ideya," nag-thumb's up pa ito na parang natutuwa. "In pernes, Chantal, nag-improb ka na mula nang dumating kayo rito."

"Really?" natutuwa naman siya. 

Mahigit na silang isang linggo sa bahay na iyon. Sala sa lamig sala sa init ang pakikitungo sa kanya ni Jethro. Pero ayos na rin, kasi hindi naman siya nito masyadong sinusungitan na katulad noong una.

"Really."

Dumiretso ng komedor si Jethro. Katulad ng usual routine nito kapag dumarating mula sa talyer, diretso kaagad ito sa ref. Kukuha ng malamig na inumin at magsasalin sa baso atsaka straight iyong iinumin. Madalas ay nagnanakaw siya ng tingin dito. Ang hot kasi nitong tingnan kahit simpleng pag-inom lang naman ng tubig ang ginagawa. Makinang sa pawis ang litaw na biceps at triceps na may mantsa pa ng motor oil at makikita ang subtle na paggalaw ng mga kalamnan sa mumunting pagkilos nito sa komedor. Sa tuwing palihim niyang pinagmamasdan ito ay para siyang nanonood ng isang nakakatakam na commercial.

"Baka matunaw."

Namula siya sa halos pabulong na sabi ni Boogie.

Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa song book.

"Hay, naku. Ang bigat ng baterya, ha?" bungad ni Andeng pagpasok ng bahay.

"Dapat kasi ikaw na ang bumili para hindi ka nagrereklamo," sagot ni Marcy mula sa likuran nito.

"Ang alam ko kasi bibili ka lang, hindi makikipagtsismisan."

"Ayaw ko namang maging bastos."

"What happened?" usisa ni Chantal kay Marcy na naupo sa tabi niya.

"Naharang ako ng mga tsismosa."

"The Pointer Sisters?" ani Boogie.

"Mismo," ani Andeng.

"Nakow, mga tsismosa talaga 'yon. Hindi ka pakakawalan hangga't walang napipigang tsismis sa'yo. Simula na tayo para makarami," ani Boogie.

Kinuha ni Andeng ang mic at nilagyan iyon ng baterya.

"Hello, hello, tinatawagan sina Mike at Tess," testing ni Andeng sa mikropono.

"Nagtanan na no'ng isang linggo," biro ni Boogie.

"Gago!"

Tawanan ang mga ito dahil nag-echo pa iyon sa mic.

"Ayos na. Chan-chan, ikaw na mauna."

Nagpakailing siya. "No, you go first. Sabi mo kanina, you will sing first."

"Sige na nga," pumindot ito sa keys ng hawak na mikropono. Halatang saulado na ang kailangang pindutin.

"Parang alam ko na kung ano 'yan," kantiyaw ni Boogie.

"Tse, manahimik ka riyan," tumikhim si Andeng para bumuwelo.

Nang um-intro na ang kanta ay napahalakhak si Boogie.

"Sabi na nga ba."

"Konting sundot, tuwina. Akin na ang puso mo.
Konting gusot, sa'yo angkin ang pag-ibig mo.
Sa kawalan, natagpuan. Walang hangganan.
Pag-iibigan, pag-ibig ko sa'yo."

Napapalakpak si Chantal. Ang ganda pala ng boses ni Andeng.

"Ang taas mo, giliw. Abutin ang puso ko.
Perlas ako, itim puti rin ang buhay ko.
Sa kawalan, natagpuan. Walang hangganan
Pag-iibigan, pag-ibig ko sa'yo.

"Ang galeng." Para siyang nakikinig ng professional singer. Maging si Marcy ay mukhang napabilib dito. Medyo husky at malambing ang boses ni Andeng. Kabaliktaran kapag nagtataray ito.

"Konting sundot, tuwina. Akin na ang puso mo.
Perlas ako, itim puti rin ang buhay ko.
Sa kawalan, natagpuan. Walang hangganan.
Pag-iibigan, pag-ibig ko sa'yo..."

Ang lakas ng palakpak ni Chantal. Bilib na bilib kay Andeng. Totoo nga palang ang mga Pinoy ay mahuhusay na singer

"You sound like a pro," puri ng dalaga.

"Thank you. Nasa lahi namin 'yan, magaganda ang boses. Di ba, pinsan? Isa namang kanta d'yan."

"Tss."

Kumabog ang dibdib ni Chantal nang ma-realize na nakatayo lamang malapit sa likuran niya ang pinsang tinutukoy ni Andeng.

"Mamaya na ako. Si Chantal muna ang pakantahin niyo."

"Ha? Uh, ahm..." napalunok siya ng ilang beses. Kanina ay ayos lamang na kumanta siya kasi wala pa si Jethro. Pero ngayon, isang linya lang yata ng kanta ay pipiyok na siya. Nakakatakot. Baka bigla siya nitong batuhin ng kaldero. O di kaya ay bigla silang ipagtabuyan ni Marcy.

"Chantal, Chantal," sabay na pagtsi-cheer nina Boogie at Andeng. "Kakanta na 'yan. Chantal, Chantal!"

"Si Ate Marcy. Ate Marcy, you sing. Susunowd akow seyo." 

Tatanggi pa sana si Marcy ngunit nakita yata nito ang pagmamakaawa sa mga mata niya. Kulang na lang ay maglupasay siya roon para lang saluhin nito.

"Sige, ako na muna. May alak ba kayo riyan para may pampalakas-loob?" natatawang sabi nito.

"Bibili ako," boluntaryo ni Boogie. "Gusto niyo?"

"Joke lang."

"I'll choose a song for you," aniya.

She chose the song Halik by Aegis. Paborito kasi iyon ni Marcy.

"Naks, naman," kantiyaw ni Boogie pagkakita sa title.

Tumayo si Marcy at bumuwelo. (Imagine Kakai Bautista)

"Ayoko sana na ikaw ay mawala
Mawawasak lang ang aking mundo.

"Wooo! May katapat na si Andeng," sigaw ni Boogie.

Binusalan ito ni Andeng ng bimpo sa bibig.

"Ngunit ano'ng magagawa, kung talagang ayaw mo na.
Sino ba naman ako para pigilin ka?

Lumayo ka man ay maiiwan
Ang bakas ng ating pagmamahalan
Ang awiting ito ay ala-ala na hindi kita malilimutan
Pagka't ikaw ang tanging laman ng aking mundo
Ng aking puso, ng aking buhay."

Hindi naman mukhang intimidated o nasapawan ang aura ni Andeng. In fact, parang amazed pa nga ito sa nakikitang husay ni Marcy. Hindi kasing-husay ng Aegis ang rendition nito ng kanta ngunit hindi OA o trying hard ang pag-abot sa mataas na note.

"Ang halik mo, na-mi-miss ko
Ang halik mo, na-mi-miss ko
Bakit iniwan mo ako

Bakit iniwan mo ko...
Ang halik mo!
Namimiss ko bakit iniwan mo ako..."

Pabirong nag-bow si Marcy matapos ang kanta. Malakas ang palakpak nina Andeng at Boogie. Kita ang pagka-bilib sa kanyang PA.

"Hayan si Chantal na," parang nai-excite na sabi ni Boogie.

Pasimpleng lumingon si Chantal sa likuran niya. Wala na si Jethro. Medyo nawala na ang kaba niya at pagkailang. Tinanggap niya ang mic at humugot pa ng ilang ulit na paghinga dahil parang magha-hyperventilate ata siya. She doesn't sing well. Or to put it simply, her voice is cringe-worthy. Kahit silang dalawa nga lang ni Marcy ang nagka-karaoke ay gusto niyang magtakip ng tenga dahil talaga naman, makapanindig-balahibo sa pangit ang singing voice niya.

"Ikaw, ang tenglaw sa'king buhay.
Chugon sa'king desel.
Upang se lehet ng panehon,
Bewet pegkaka-tsa-on
Ang ibegen ko'y ekaw."

Kanta iyon sa kasal nina Annika at Walter. Nagustuhan niya dahil napaka-meaningful ng lyrics. At gustong-gusto niya rin ang pagkaka-kanta roon ni Summer Monasterio.

"Ekaw, ang tenglaw sa'king mudo.
Kabeyek nitong puso ko.
Wala ni kaheteng seglet, ne seyo papalet
Ngeyown kalanmey ekaw.

Ang lehet, neng aking gelaw
Ang sahi, ay ekaw. (piyok) 
Kumay, bukas man tenatanaw
Dahil, may e-sang ekaw.
Kuu--"

Blag!

Pare-pareho silang nagulantang sa pagbagsak ng kung anong bagay mula sa kusina. Pare-parehong napokus doon ang kanilang tingin. Isang pusa ang nakita nilang tumalon mula sa lababo.

"Ikaw talaga, Samin. Umeeksena ka, ha? Pero salamat na lang, este, lumabas ka pala muna," ani Boogie. "Kilabot na kilabot na kami sa kanta ni Chantal, pabibo ka."

Napangiwi si Chantal at halos magtago na sa silong ng upuan. Ang buong akala niya talaga ay si Jethro na ang nagwawala. Halos inaasahan na niya ang pagsigaw nito para palayasin sila. Kung bakit naman kasi sa lahat ng talent na ibinigay sa kanya ng Dios, hindi kabilang doon ang pagkakaroon ng boses na maganda.

"Araykup...! Jet, ha? Kumokota ka na."

"Bakit? May reklamo?"

"Hindi, ayos lang. Pero bukas naman 'yong iba."

Nang masalubong ni Chantal ang tingin ni Jethro ay lalong namula ang dalaga. Mabuti na lamang at mukhang habang ngumangawa siya sa mic ay nasa loob ito ng banyo. Bagong hilamos na kasi ito at nakabihis na rin ng damit na pambahay.

"Pinsan, kanta ka na rito," yaya ni Andeng.

"Uy, teka. Ako muna," protesta ni Boogie na mabilis na bumalik sa puwesto. Pumunta kasi ito ng kusina para ibalik sa lagayan ang bumagsak na takip ng kaserola. "Ayos 'to. Parang saktong-sakto ro'n sa kakilala ko."

Umehem-ehem pa si Boogie bago sinimulan ang pagkanta.

"Hindi ko na sana pinagmasdan
Ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa
Bawat ngiti mong may gayuma.
Dahil sa akala ko, hindi ako iibig sa 'yo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko."

Tumayo si Boogie. Humawak ito sa ulo at inikot-ikot iyon na parang naguguluhan.

"Kaya ngayo'y laging gulong-gulo
Ang puso ko't isipan
Araw-gabi ay pangarap ka
At sa tuwina'y nababalisa

Dahil ba ang puso ko'y
Labis na umibig sa 'yo?
Hanggang kailan matitiis
Ilihim ang pag-ibig ko?"

Inikutan nito si Jethro na noo'y naupo sa single seater sa kanan niya. 

"Ahem!" malakas na tikhim ni Boogie. "Ano ang gagawin sa utos ng damdamin? Para bang hangin na kay hirap pigilin. Sana'y unawain ang pusong sa 'yo'y baliw. Nais kong malaman mo na iniibig kita."

Nagpatay-malisya lang si Chantal sa makahulugang tingin na palipat-lipat na ipinupukol ni Andeng sa direksyon niya at ng pinsan nito. May bahid ng panunukso naman ang mga ngiti ni Marcy habang panay ang bundol sa balikat niya ng balikat nito.

"Hindi ko na sana pinagmasdan
Ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa
Bawat ngiti mong may gayuma."

"What's gayuma?" tanong niya kay Marcy. Hoping against hope na mag-slow down ang mabilis na tibok ng puso niya. Nakadagdag pa sa tila pagwawala ng puso niya ang mabangong amoy ng binatang malapit lamang sa kanya. 

"Dahil sa akala ko, hindi ako iibig sa'yo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko."

"Love potion," sagot ni Marcy.

"Ah."

"Ano ang gagawin sa utos ng damdamin?
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana'y unawain ang pusong sa 'yo'y baliw
Nais kong malaman mo na iniibig kita
Nais kong malaman mo, na iniibig kita.
Nais kong malaman mo, na iniibig ki-taaaa..."

"Tama na," inagaw ni Andeng ang mic mula kay Boogie.

"'To naman. Pamatay-saya. Damang-dama ko na, eh. Naro'n na."

"Maupo ka na at baka tamaan ka na naman," ani Andeng dito. "O, pinsan. Banat na. Ready na 'yan."

Tinanggap naman ni Jethro ang mic.

Buwan. Iyon ang title na nabasa ni Chantal. She's not familiar with the song at halos pigil hininga pa siya nang magsimulang kumanta si Jethro.

"Ako'y sayo ikaw ay akin."

Goosebumps run through her veins. Not because he sounds bad but the opposite. Ang ganda ng boses nito. 

"Ganda mo sa paningin."

Her cheeks heat up nang dumaplis ang tingin nito sa kanya.

"Ako ngayo'y nag-iisa, sana ay tabihan na..."

Ipinokus niya ang mga mata sa television screen. Pakiramdam niya kasi ay uusok na ang magkabila niyang pisngi sa labis na init.

"Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Ayokong mabuhay ng malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina't tayo'y humiga.

(Saan kaya?)

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan."

Awtomatikong nag-sway ang kanyang ulo. Maganda ang kanta, pero mas masarap pakinggan ang boses nito. Ang boses nito ang tipong masarap pakinggan sa gabing umuulan ng snow. She smiled with that thought.

"Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik, dito sa akin
Ikaw ang mahal, ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso't damdamin
Damdamin aking damdamin."

Wala sa loob na nilingon niya ito. Her heart beats like a madman when their eyes locked while he keeps on singing. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi niya nagawang bawiin ang kanyang tingin. 

Am I falling for him? Or this is just a physical attraction?

-

sa mga curious po, maganda talaga ang boses ni Ji Chang Wook. listen to his song "I'll Protect You" on YouTube :)

frozen_delights











































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro