Ugat ng Kasalanan
Chapter Sixty-One
MATAPOS maglinis ng katawan at makapagbihis ng damit ay lumabas na ng kuwarto si Jethro. Inaasahan niyang nakabalik na ang asawa matapos nitong magpalamig ng ulo.
"Si Chan-chan?" tanong niya sa mga dinatnang tao sa komedor.
Naroroon na ang magkasintahang Marcy at Dison. Sina Marcy at Andeng ay naghahanda na ng mesa para sa hapunan katulong si Boogie.
"Di ba, kayo ang magkausap kanina?" tugon ni Boogie sa tanong niya.
"Maglalakad-lakad lang daw siya sa aplaya."
"Pero gabi na," ani Manoy Dison.
Nang sabihin iyon ng pinsan ay palabas na siya ng pinto. May takot na mabilis na sumipa sa dibdib niya dahil totoong latag na ang dilim. Ngunit hindi pa bumabalik ang kanyang asawa. Ang bilin niya rito ay bumalik ito kaagad.
"Si Callous?" tanong niya sa mga ito.
"Nagkakape riyan sa labas," sagot ni Marcy.
Wala roon ang lalaki. Ngunit nakita niya ang isang tasa ng kape na umuusok pa sa ibabaw ng wood railing ng sun deck. Hindi na siya nag-abalang hanapin pa ang lalaki. Mabilis siyang bumaba ng beach house at sinuyod ng tingin ang magkabilang direksyon ng aplaya.
Mahina siyang napamura. Hindi siya sigurado kung saang direksyon ang tinumbok ni Chantal. Marahas niyang naisuklay ang mga daliri sa mamasa-masa pang buhok. Ang malakas na pintig ng puso niya ay halos magpabingi sa kanya. Alam na nila kung sino ang mastermind sa mga tangka sa buhay ng asawa niya. Hawak na rin nila ang lahat ng ebidensya na makapagdidiin dito sa korte. Ngunit hangga't wala ito sa loob ng kulungan ay hindi siya makakampante na ligtas na ang asawa niya.
Habang malikot ang mga mata na kinikilala sa paisa-isang taong naglalakad sa aplaya ang pamilyar na pigura ng asawa ay kinapa ni Jethro ang cellphone sa magkabilang bulsa. Napaungol siya sa frustration nang ma-realized na wala siyang dalang cellphone, naiwan niya sa kuwarto.
"Chan-chan!" dala ng takot at pag-aalala sa asawa ay isinigaw niya ang pangalan nito. Tila siya tulirong magulang na hinahanap ang nawawalang anak. "Chan-chaaan!"
"Jet!"
Nakilala niya ang boses nina Manoy Dison at Boogie. May dalang flashlight ang mga ito.
"Tutulungan ka na naming maghanap," wika ng pinsan. Iniabot nito sa kanya ang ekstrang flashlight na dala nito. "May cellphone ka bang dala?"
"Wala. Naiwan ko sa bahay."
"Ako, Kuya Dison, may dala ako," ani Boogie.
"Sige. Kayo na lang ang magsama, balitaan niyo na lang ako kapag nakita niyo na si Chan-chan. Tatawag din ako kina Papa para maipaalam sa kanila ang nangyari at magpadala na rin siya ng makakatulong pa."
At ganoon na nga ang kanilang ginawa. Bandang kaliwa ang tinumbok nilang direksyon ni Boogie at sa kanan naman si Manoy Dison. Bihirang puntahan sa gawing duluhang iyon maliban sa mga parehang nagdi-date ng mga alanganing oras. Batuhan kasi sa bandang iyon. Mula sa aplaya ay may pataas na trail na ang taas mula sa aplaya ay may labinlimang talampakan. Kung hindi siya nagkakamali ay may naaksidente ng mahulog mula roon isang gabing masama ang panahon. Nadulas at bumagsak sa nasa ibabang batuhan. Patay na nang madiskubre ang bangkay.
Nang maalala iyon ay parang biglang pinanlakihan ng ulo si Jethro. Nadoble ang takot na naghahari sa dibdib niya.
"Boogie, maghiwalay tayo rito. Doon ka banda, dito ako," aniya sa kababata.
"Sige. Sigaw ka lang kapag kailangan mo ako."
Tinanguan na lang niya ang kausap bago binaybay ang trail. Sa bawat sandaling lumilipas pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa pag-aalala. Nakakagalit isiping kung kelan magkasama na silang mag-asawa ay saka pa malalagay sa peligro ang buhay nito.
Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano! galit niyang saway sa sarili. Sinapian lang ng selos ang asawa mo.
At marahil sa sobrang selos nito ay kung saan lamang nagpunta para pag-alalahanin siya. Pero siya na rin ang komontra sa iniisip. Hindi ganoong klase ng babae ang kanyang asawa. Kung galit ito ay kokomprontahin siya nito saka bibigyan ng silent treatment. Hindi gaya niyon na magdi-disappearing act na lang ito basta.
Ngunit saan naman ito posibleng magsuot gayong alam naman nito na nasa peligro pa rin ang sarili nitong buhay? Sa kalalakad niya ay may napansin siyang kumislap na bagay sa lupa. Yumuko siya at dinampot iyon. Panali iyon ni Chantal sa buhok. Tila lalong dumagundong ang pintig ng puso niya. Tuliro siyang nagpalinga-linga. Pagkuwa'y may narinig siyang ingay mula sa kanyang likuran. Tunog iyon ng tuyong siit na naapakan.
Ini-off niya ang gamit na flashlight. Pinakiramdam niya ang kanyang paligid. Maliban sa ingay ng mga panggabing insekto at banayad na hampas ng alon sa dalampasigan ay tila biglang napakatahimik ng paligid. Nakiramdama pa siya ng may ilang sandali. May pakiramdam siyang hindi siya nag-iisa ng mga oras na iyon. Maingat siyang nagkubli sa likod ng isang malaking puno at sinanay ang mga mata sa dilim.
"Jet, sa'n ka na?" di-kalayuan ay narinig niya ang boses ni Boogie.
Ngunit sa halip na lumabas sa pinagkukublihan ay inobserbahan niya ang paligid. Dalawang anino ang nakita niyang tahimik na nagsenyasan patungo sa kinaroroonan ni Boogie. Nang mapadaan sa kinaroroonan niya ang isa ay mabilis niya iyong hinampas ng hawak na flashlight sa mukha! Mahilo-hilo iyong bumagsak. Bago pa man ito makabawi ay kaagad niya iyong sinundan ng dalawang magkasunod na suntok. Mula sa karimlan ay sumulpot ang isa pang anino at dinaluhong siya nito. Kasamahan ito ng lalaking hinampas niya ng flashlight. At katulad noong una ay malaking lalaki ito at may maskuladong pangangatawan.
Nagpagulong-gulong sila sa lupa. Tulad niya ay mukhang nasanay na ang paningin ng lalaki sa dilim. Nang mapaibabaw ito sa kanya ay kaagad siya nitong inundayan ng suntok. Acquired instinct mula sa kulungan ang nagpangyari para mailagan niya ang atake nito. Nang makakuha ng buwelo ay gumanti siya ng suntok. Narinig niya ang malakas na paglagutok ng panga nito. Sinundan niya iyon ng upper cut. Kumawala ang ungol sa bibig nito. Ibinuwelo niya ang ibabang katawan at iniigtad ang sarili para mapaalis ito sa pagkakakubabaw sa kanya. Ngunit balewala ang lakas niya dahil hindi man lang ito natinag.
Sinaklot nito ng isang kamay ang kanyang leeg at mahigpit na hinawakan.
"Tomas," tawag ng kasama nito, bahagya pa iyong iniihit ng ubo. "B-bilin ni Boss huwag patayin at d-dalhin sa kanya nang buhay."
"E, putang inang 'to. Binangasan ako," gigil na tugon ng lalaking tinawag na Tomas.
"Hindi na rin naman magtatagal ang buhay niyan. Yayariin na 'yan ni Boss ngayong gabi kasama ng asawa niya," anang lalaki.
Sa narinig ay parang may nagsiklab sa kalooban ni Jethro. Ang asawa niya ba ang tinutukoy nito?
"Tara na. Dalhin mo na 'yan."
Umalis sa pagkakaupo sa dibdib ni Jethro ang lalaki. Ngunit sigurista itong pinanatili ang mariing pagkakadaklot sa kanyang leeg upang hindi siya makapalag. Tumayo ito at hinila siya sa leeg patayo. Pero kung sa akala nito ay magiging madali ang lahat, nagkakamali ito. Mariin niyang ikinuyom ang isang kamao at malakas iyong ibinira sa sikmura nito. Nahigit niya ang paghinga nang humigpit ang kapit nito sa kanyang leeg. Gayunma'y mahigpit niyang hinatak ang buhok nito patalikod atsaka ito sunod-sunod na binira sa leeg!
"Aaah, p-putang ina...!"
Nabitiwan ni Tomas ang pagkakasakal sa kanya. Nang sumugod ang lalaking kasama nito ay sinalubong niya iyon ng malakas na sipa. Bumalandra ang lalaki sa katawan ng isang puno. Sabay na napaungol sa sakit ang dalawang animal.
"Putang ina ka...!" sumugod si Tomas.
Nakita ni Jethro ang pagkislap ng matalas na bagay na hawak-hawak nito. Akmang susugurin siya nito ng saksak nang isang matining na tunog ang narinig niya. Nakita niya ang tila apoy na kumislap sa dilim nang tumama iyon sa patalim. Kasunod niyon ay biglang bumagsak si Tomas. Natigilan si Jethro. Ano ang nangyari?
"Tomas? A-ayos ka lang ba?"
Walang tugon. Nilapitan niya ang nakabulagtang lalaki may isang dipa mula sa kanya. Palibhasa madilim, hindi siya sigurado kung ano ang nangyari rito. Pero kung hindi siya nagkakamali ay may narinig siyang mahinang tunog bago ito bumulagta na lang basta. Noon siya may naamoy na pulbura. Bigla siyang naalerto. May bumaril sa kalaban niya!
"Tomas?"
Muli ay narinig ni Jethro ang mahinang tunog na iyon. Pagkatapos ay ang pag-igik ng lalaki at pagbagsak niyon sa lupa.
"Jet?"
"Callous?"
Nang tumapat sa direksyon niya ang isang flashlight ay noon din lumabas sa pinagkukublihan nito si Boogie kasama si Callous. May hawak na baril ang lalaki. At sa dulo niyon ay may nakakabit na suppressor kaya tahimik nitong napatumba ang dalawang lalaki. Hawak ang isang penlight ay sinuri nito ang dalawang bultong nakahandusay sa lupa. Parehong sa pagitan ng mga mata ang tama ng dalawang lalaki. Sa isip ay lihim na namangha na lamang si Jethro sa galing ng lalaki. Bagama't may gamit itong night vision para matukoy ang target, kailangan pa rin ng pambihirang kakayahan ang ginawa nito.
"Mercenaries," wika nito matapos suriin ang dalawang bangkay.
"'Langya, grabe ang takot ko kanina," ani Boogie nang lumapit sa kanya. "Akala ko kung sino na 'yong bigla na lang tumutop sa bibig ko. 'Yon pala si Pareng Kalyo. Huwag daw akong maingay at may mga kalaban. Ang lupit pala nitong kaibigan mo sa barilan, 'tol."
"Si Chan-chan?" nag-aalalang tanong niya.
"Alam ko kung nasaan sila," ani Callous. "But you need to switch off your flashlight."
"Paano natin makikita ang daan?" tanong ni Boogie.
"Sumunod lang kayo sa akin."
MATALIM na pinukol ng tingin ni Chantal ang nakangising si Gareth. May packing tape ang kanyang bibig at nakatali ang dalawa niyang kamay sa armrest ng nagagapok na upuan. Nasa loob sila ng isang halos nakahapay ng kubo. Malapit iyon sa talampas na nasa duluhan ng aplaya. Nang matiyempuhan siya ni Gareth kanina ay kinaladkad siya nito. Nang tangkain niyang magpumiglas ay naglabas ito ng baril at itinutok sa kanyang sinapupunan. Nanghilakbot siya.
Mula sa kung saan ay lumabas ang dalawa nitong henchman at pinagtulungan siyang kaladkaring paakyat ng talampas. Hindi pa sila masyadong nakakalayo nang marinig niya ang pagtawag ni Jethro sa kanyang pangalan. Hinahanap na siya nito. Inaasahan na niya ang agarang paghahanap ng kanyang asawa sa sandaling hindi kaagad siya bumalik.
I'm sorry, jellyboo.
Mula sa aplaya ay humantong sila sa abandonadong kubo na iyon. Nagsisisi siya ngayon na hinayaan niya ang sariling pagharian ng matinding selos. Ngayon ay hindi lang ang buhay nilang mag-ina ang nasa panganib kundi maging ang kanyang asawa. Matapos siyang maitali at malagyan ng plaster ang kanyang bibig ay iniutos ni Gareth sa dalawang tauhan nito na kunin din ang kanyang asawa.
"I have a good plan for your husband," nakangising sabi pa sa kanya ng buhong.
Nakakapagsisi na ang isang katulad nito ay minsan niyang binigyan ng pagkakataon na makapasok sa buhay niya. Ang tanging konsolasyon niya lamang ay hindi siya nahulog sa balatkayo nitong katauhan. Dahil kung nagkataong nagtagumpay itong mapaamo siya sa mga palad nito na tulad ng nangyari kay Ally, siguro ay matagal na rin siyang may kinalagyan.
Ito ang pumatay kay Ally, iyon ay base sa nakolektang ebidensya ng hacker na tumulong kay Jethro para matunton ang mastermind sa pagpapapatay sa kanya. At may isa pang tao na nasa likod ni Gareth para maisakatuparan ang lahat ng iyon. And that person entered the old shack the minute she thought about her. Yes. Her.
"Hello, Chantal," kaytamis ng ngiting bungad ni Lucille. "You don't look surprise to see me, my dear."
Bitch, ang nag-iisang salita na nais ibuga ng kanyang bibig kung wala lamang nakaplaster doon.
Base sa report ng hacker ay may dalawang taon ng magkalaguyo ang babae at si Gareth. Nagkakilala ang mga ito sa isang event. Palihim ang talastasan ng dalawa at very discreet ang bawat pagtatagpo ng mga ito. Habang pinagpaplanuhan ni Ally kung paanong makakamkam ang kayamanan niya, tahimik namang nagpaplano ang dalawa kung paanong masosolo ang lahat at sa huli ay ibubunton ang sisi sa stepsister niya. It was a well-laid out plan.
Sa sandaling mamatay siya ay mapupunta sa Uncle David niya ang malaking bahagi ng kanyang kayamanan dahil tanging ito na lamang at ang anak na si Kelly ang natitira niyang kamag-anak. Pero dahil may taning na rin ang buhay ni David, bandang huli ay kay Lucille mapupunta ang lahat. David Carlisle has a prostate cancer. Nasa critical stage na ang sakit nito at ilang buwan na lamang ang natitirang sandali sa buhay. Sa halip na sumailalim pa sa mahabang proseso ng gamutan, pinili na lamang nito ang bumiyahe at magbakasyon sa mga lugar na nais puntahan kasama ang mag-ina nito hanggang sa dumating ang huling araw nito sa mundo.
"I bet you have so many things you want to tell me," nakangising wika ni Lucille nang lumapit ito kay Chantal.
Isang pagkatalim-talim na sulyap ang ipinukol dito ni Chantal. Kung posible niya lamang itong tupukin sa tingin ay ginawa na niya. Napakaitim ng budhi! Kunsabagay, ano pa nga ba ang inaasahan niya sa isang katulad nitong social climber at gold digger? Wala naman itong pagkakaiba at si Gareth, parehong mukhang pera!
"Okay, let's hear it." Paglapit nito ay marahas nitong hinaklit ang plaster sa kanyang bibig.
Nasaktan siya ngunit tiniis na lamang niya ang hapdi.
"Oopsy," maarteng natutop ni Lucille ang bibig bago iyon binuntutan ng malanding pagbungisngis nito. "Sorry, my bad."
"I hope you rot in hell, bitch," puno ng pagkasuklam na sabi niya.
"Sorry, darling, but it will be a while. I still have so many things to accomplish here. First on my agenda is to get rid of you, pronto. Right, hun?" nilingon nito si Gareth na kaagad lumingkis ang isang braso sa beywang ng babae.
"Right," nakangising tugon naman ng buhong dito. "In fact, I already prepared the scenario. You and your husband had a heated argument over his ex who came earlier. You two argued and in the heat of the moment, he pushed you over the cliff. But of course, it was just an accident. He really didn't mean to hurt you. And luckily you were able to grab on some branch and hang on for dear life at the edge of the cliff. Your husband tried to save you but in the end you both fell and died--along with your unborn child."
Gumapang ang matinding kilabot sa buong katawan ni Chantal sa sinabi ni Gareth. Sinikap niyang paglabanan ang sindak at pinangibabaw ang galit. Hindi siya makapapayag na mangyari ang sinasabi nito. Lalaban siya hanggang sa huling hininga para maprotektahan ang kanyang mag-ama.
"You think everyone will buy that?" nakaismid niyang tanong dito. "The people around us are not as stupid as you think, Gareth. Especially my sister-in-law who will move heaven and earth to protect her brother."
"Oh, you mean that hot lawyer?"
Malakas na siniko ni Lucille ang kalaguyo.
"Ouch. Baby, you know there's no other woman who can be as hot as you."
"Shut up! Where are your useless henchmen, anyway? What's taking them so long?"
Noon sila may narinig na ingay mula sa labas ng kubo. Inangat ni Gareth ang maliit na rechargeable light na nakapatong sa pilay na mesita at dinala patungo sa pinto upang silipin kung ano ang meron doon.
"Hey, why don't you just use your phone? It's so dark in here."
"My battery is low. Just stay with her, I won't be long."
"Fine. Hurry up."
"Tomas, Diego," tawag ni Gareth sa dalawang tauhan.
"Useless bastards," mahinang pagmumura ni Lucille.
"Isn't it the other way around, though?" sarkastikong sabi niya sa babae. "What are you good at aside from using men for their money?"
She scoffed. "You think you're high and mighty just because you were born with a silver spoon? I don't think so. Without your family's fortune you are nothing."
Natawa siya sa sinabi nito dahil pareho naman nilang alam na hindi iyon totoo. Sa katunayan, magmula nang magsimula siya sa fashion industry ay higit niyang napalago ang ari-ariang naiwan ng mga magulang niya.
Napapitlag siya nang may maramdamang humawak sa likod ng braso niya. Pagkatapos ay may marahang tumutop sa bibig niya. It was pitch dark now inside the shack. Hula niya ay malayo na sa kubo si Gareth. At mula sa likuran ng kinauupuan niya ay may kung sinong nagtatanggal ng pagkakatali ng mga kamay niya sa upuan. Muntik na siyang mapahikbi nang maamoy niya ang pamilyar na amoy ng sabon sa balat ng taong iyon.
Jellyboo...
-
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro