Singsing
Chapter Thirty-One
"AYOS ka lang?"
"Ha?" Nilingon ni Chantal ang kasabay na si Marcy.
"You're limping. May tinik ba ang paa mo?"
"Uhm, o-oo. I accidentally stepped on something sharp last night. Probably some broken seashells," pagdadahilan niya habang sinisikap na lumakad nang tuwid at ikubli ang pamumula ng mukha.
Her feminine area is still sore. At pakiramdam niya naroroon pa rin ang panauhing pinapasok niya roon nang nagdaang gabi.
Sobrang tigas naman kasi, saisip-isip niya.
Tinanghali na siya ng gising at hindi na niya nagisnan sa tabi niya si Jethro. At bagaman bakante ang espasyo sa tabi niya, nalanghap niya sa unan ang pamilyar na amoy nito kaya sigurado siyang katabi niya itong natulog sa kuwarto.
"Kumapit ka sa akin," ani Marcy. Inilagay nito sa sariling braso ang kamay niya para maalalayan siya.
Tatanggi pa sana siya pero naisip niyang mag-aalala lang ito at baka magsimula na namang mag-usisa. Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa malaking bahay nina Pay Abel. Ilang dipa lang naman kasi ang layo niyon mula sa tinutuluyan nilang kubo. Half-wood at half-concrete ang bahay na ang bubong ay anahaw. Madalas na maraming tao roon dahil sa mga pamangkin at apo ng mag-asawa. Kailangan nilang pumunta roon lalo na kapag oras ng pagkain dahil iyon ang kusina nila. Nabanggit ni Marcy na gusto nitong mag-ambag sila sa pagkain. Ngunit ayon kay Andeng ay huwag na raw nila iyong alalahanin dahil naabutan na nito ng panggastos ang tiyahin.
"Dito ka na lang muna. Makipagkuwentuhan ka sa mga buntis," ani Marcy.
Ang dalawang buntis na tinutukoy nito ay mga pinsang buo rin nina Andeng. Medyo bata pa sa kanya kung huhulaan niya ang edad. May mga nilalala ang mga ito. Banig raw ang tawag doon. Katulad ng sapin na gamit nila ni Jethro sa higaan. And they were very fascinating to watch. Katulad ng ibang alagad ng sining, maituturing na isa ring art ang ginagawa ng mga ito.
Mula sa loob ng bahay ay lumabas si Andeng. May dala itong plato at may kung anong nakabilot sa dahon na pagkain.
"Ang tawag dito ay binutong," anito nang ibigay sa kanya ang pagkain. "Subukan mo. Try mo kung ayos sa'yo ang plain lang o mas gusto mo ang may asukal."
Inalok niya ang mga naroroon na kumain. Iyon ang isang kaugaliang napansin niya sa mga Pinoy. Anuman ang kinakain, kahit isang piraso pa iyong kendi ay nakagawian ng mag-alok sa mga taong nakapaligid. Unlike the American way. Ngunit magalang lang na ngumiti ang mga iyon at sinabing subukan niya ang pagkaing ibinigay ni Andeng. Masarap daw iyon.
Kinalas niya ang tali ng dahon at tumambad sa kanya ang isang glutinous rice delicacy na may naglalangis-langis na gata sa ibabaw. Hindi siya masyadong mahilig sa may gata. Ngunit napansin niyang isa iyon sa mga weakness na pagkain ni Jethro kaya naman dinampot niya ang kutsara at sumubo. It was creamy and chewy with a leafy flavor.
"Heto ang asukal. Try mo kung alin ang mas masarap," tila pang-i-engganyo pa ni Andeng.
Kumutsara siya ng kaunting asukal at nilagyan ang ibabaw ng malagkit na kanin at muling sumubo. Saglit niya iyong ninamnam sa bibig. Masarap.
"Ayos?"
Tumango siya at ngumiti. "Ayos."
"Pinakuluang kape ang perfect na kasabay niyan. Ikukuha kita."
"Thank you."
Nang magbalik si Andeng ay kasama na nito si Marcy. May kani-kanyang plato na rin ng binutong ang mga ito. Magkakasalo silang kumain sa isang pahabang mesa. Late breakfast daw iyon dahil tulad niya ay tinanghali rin pala ng gising ang mga ito. Nananakit daw ang mga punong-braso at binti ng dalawa dahil sa kasabikan ng mga ito sa pagsu-swimming ng nagdaang araw.
Habang kumakain ay panay ang kuwentuhan ng mga kaharap niya. Siya naman ay hati ang atensyon sa pakikinig dahil hinahanap ng kanyang mata si Jethro. Nasaan kaya ito?
"Ibig mong sabihin, kaya mo nabingwit si Wilson ay dahil sinadya mong magpabados?" ani Andeng sa kausap.
"Hindi naman talaga sinasadya, Ate. Aksidente lang. Pero ayon nga, natiyempuhan. Isang putok lang, ini na ang resulta," itinuro ng kausap ni Andeng ang malaking tiyan.
Nora ang pangalan nito, kung hindi siya nagkakamali.
"Pero sa totoo lang, limang taon na rin naman kami. Ang tagal ko ng hinihintay na mag-propose pero ni alambreng singsing, hindi pa ako binibigyan. Tapos iyo na ngani 'to. Inagda akong mag-celebrate kami kan panglimang taon mi. Akala ko kung saan ako dadalhin, sa motel pala. Ayaw ko sana noong una, takot ko lang kina Papa. Pero sabi niya, pananagutan naman daw niya kapag may nabuo. E, sharpshooter palan ang dipungal. After two months, confirmed."
Tawanan sila.
Bagama't hindi diretsong Tagalog ang usapan, naintindihan naman ni Chantal ang naging daloy o tema. Na kaya ito pinakasalan ng asawa nito ay dahil nabuntis ito nang hindi sinasadya. Naaaliw siyang napangiti. Kuwelang magkuwento si Nora, para itong female version ni Boogie. At lahat silang naroroon ay hook na hook sa mga pagbibida nito. Bagaman ang ibang salita na ginagamit nito ay pasimpleng itina-translate ni Andeng para maunawaan nila.
"Ay ta. Sabi ko ngani minsan, baka nagsasawa na sa akin. Wala man lang kalambing-lambing sa katawan. Kahapon nakita ko si Pading Roger, hinalikan ang asawa bago umalis. Sabi ko, hindi man lang gayahin ang kumpare namin. Laging may kiss sa misis niya kapag umaalis. Ang sagot ba naman sa akin, tano man daa ta mahadok siya kay Mading Crispina, e di nalamag siya nin sundang ni Pading Roger."
Hagalpakan ng tawa ang mga kakuwentuhan nila. Pero dahil hindi nila na-gets ni Marcy ang hulihang part, ipinaliwanag pa iyon ni Andeng.
"Nagrereklamo kasi itong si Nora sa asawa niya. Bakit daw hindi gayahin ang kumpare nilang si Roger na laging humahalik sa asawang si Crispina bago umalis ng bahay. Ang sagot ng kanyang asawa ay bakit naman daw siya hahalik kay Crispina, e di hinabol siya ng itak ng kumpare nila."
Saka lamang sila natawa ni Marcy.
"Bua-bua talaga," ani pa ni Nora.
Nagpatuloy ang masayang kuwentuhan nila. Namalayan na lamang ni Chantal, ubos na ang pagkain sa harapan niya. Simple at tila napakagaan lamang ng pamumuhay ng mga tao roon. Oo at minsan ay salat daw sa pera. Pero kung masipag sa pagbubungkal ng lupa at madiskarte sa ibang klase ng hanapbuhay, mapapakain ng tatlong beses o higit pa ang pamilya sa isang araw.
Contentment. Naisip niyang iyon ang susi para sa isang magaan na pamumuhay. Oo, maaaring sa iba ay sasabihing walang kapanga-pangarap at mararating sa buhay ang isang tao na ganoon lamang kababaw ang pananaw sa buhay. Ngunit para saan nga ba ang labis-labis na kayamanan o paghahangad ng magagarang bagay? Gayong kung iisipin hindi naman ito madadala ng tao sa kabilang buhay. Oo, puwedeng ilibing ka o ilagak sa isang mausoleum na tinubog sa ginto. O saplutan ang katawan mo ng mga ginto at brilyante at iba pang mamahaling hiyas. Ngunit ang isang alabok ay sa alabok din babalik.
Hindi siya relihiyosang tao, aminado siya roon. Occasional lang siya magsimba at hindi ganoon kalakas ang pananampalataya niya sa mga rebulto. Ngunit naniniwala siya sa Dios. Naniniwala siyang may isang makapangyarihan at mabuting Dios na hindi nakikita ninuman.
Nang sumapit ang pananghalian ay hindi na siya masyadong nakakain kahit halos seafood ang nakahain sa hapag. Nabusog kasi siya sa isang balot ng binutong.
"O, baka naman dahil wala si Kuya Jet kaya ka walang gana, Ate Chan-chan," pagbibiro ng katabing pinsan ni Andeng.
Napangiti siya.
"No. Nabusog ako sa binow-tong?"
"Nakakabusog nga 'yon," sabi naman ni May Azon. "Mabigat sa tiyan ang malagkit. May gata pa."
Matapos nilang kumain ng pananghalian ay tinanong niya sina Marcy at Andeng kung alam ng mga ito kung nasaan si Jethro.
"May bibilhin daw sa Pasacao," ani Andeng.
Tumango siya. Bumalik na sila sa kubo at magsisiyesta raw ang mga ito. Napansin din ni Andeng na medyo iika-ika siyang maglakad.
"Ano ang nangyari sa'yo?" pansin nito.
"Natinik daw," sagot ni Marcy na nakaalalay sa kanya.
"Natinik? Anong klaseng tinik?"
Hindi niya alam kung may ibang kahulugan iyon o siya lang ang nag-iisip niyon. Iba kasi ang tingin sa kanya ni Andeng. At hindi niya napigilang pamulahan ng mukha. Bigla itong napangiti at hindi na nagsalita.
"Ano 'yon?" walang kaide-ideyang tanong ni Marcy.
Kunwaring naghikab si Andeng para makaiwas sumagot. Nang bumaling naman ito kay Chantal ay pakunwaring nagkibit-balikta lang ang dalaga.
Nakarating na sila sa kubo. Nag-unahan pa ang dalawa sa duyan. Sa huli ay nagkasundong magtabi na lamang ang mga ito roon tutal ay malaki naman.
"Ang sarap ng buhay natin dito, 'no? Parang mga patabaing baboy," ani Marcy.
"Sinabi mo pa," sang-ayong sabi ni Andeng. "Sa tuwing magbabakasyon kami rito nina Tatay noon ay talagang nadadagdagan ang timbang namin pag-uwi."
"Ang sarap pa ng simoy ng hangin dito, sariwang-sariwa," sabi ni Marcy.
"Gusto niyong pumunta sa Daruanak?"
"Saan 'yon?"
"'Yong islang natatanaw natin sa beach kahapon."
"Ah, d'on? Maganda?"
"Matagal na mula nang huli akong makapunta ro'n, eh. Ewan ko lang ngayon. Gusto mong sumama, Chan-chan?"
Umiling siya.
"Ay, oo nga pala," parang nakaunawa namang sabi ni Andeng. "Pero puwede naman tayong pumunta sa ibang araw."
"I'll just take a nap," paalam niya.
"Sige. Kailangan mo ba ng gamot?"
"Nope."
"Kailangan mo 'yang inuman ng gamot at baka kung mapaano 'yang paa mo," ani Marcy.
"Hm, 'kay," sagot na lamang niya at tumalikod na.
Pagkapasok ng kuwarto ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tsinek kung may message ang nobyo. Walang message ngunit may dalawang missed call kani-kanina lamang. Tinawagan niya ito.
"Jellyboo."
"Wala ka raw ganang kumain. Masama ba ang pakiramdam mo?"
"No. I had binow-tong before lunch so..."
"Ah, binutong. Mabigat nga 'yon sa tiyan. Akala ko may masakit sa'yo."
"Uhm," mabilis niyang naitikom ang bibig bago pa masabi rito na meron ngang masakit sa kanya pero siyempre nahihiya siyang sabihin dito iyon. "W-where are you?"
"Pauwi na. Nagpasama lang si Manoy Dison, may binili sa bayan."
"Kumayen ka na?"
"Hindi pa. Akala ko nga magkakasabay tayo. Pero ayos lang, may binili akong pasalubong para sa'yo."
"Really? What is it?"
"Minatamis. Hindi lang ako sigurado kung magugustuhan mo."
"I'm sure I will," kinikilig na sabi niya. Napaka-thoughtful nito. "I'll see you in a bit."
"Sige."
"Drive safely."
"Siyempre, para sa'yo."
"Bye."
"Bye."
Wagas na naman ang ngiti niya nang mawala ito sa dulong linya. Lumabas siya sa balkonahe ng kubo upang hintayin ang pagdating nito. Nasasabik siya na makita ito. Na para bang isang buong araw na sila nitong hindi nagkita.
"O, akala ko iidlip ka?" tanong ni Andeng nang makita siya.
"Pauwi na si Jet."
"Ah." Bumangon na ito mula sa duyan. "Sige sa kuwarto ko na lang itutuloy itong antok ko. Kailangan kong mag-beauty rest para sa mga bisita mamayang gabi."
"Oo nga pala, ano?" Tumayo na rin si Marcy. "Dapat talaga hapon na tayo nag-swimming kahapon. Umitim tuloy ang mala-porselana kong kutis."
"Oo na lang, Mars," naghihikab na sagot dito ni Andeng.
Pinalitan niya ang mga ito sa duyan at nahiga roon habang nakalaylay ang mga paa sa sahig. Maririnig naman niyang tiyak ang ingay ng sasakyan pagdating nito. Nilibang niya ang sarili sa paglalaro sa kanyang cellphone para hindi mainip.
Ngunit lumipas ang isang oras hanggang sa maging dalawa, wala pa rin sina Jethro. Naisip niyang marahil ay malayo ang panggagalingan ng mga ito. Ipinasya niyang bumalik na lang ng kuwarto at ituloy ang planong pag-idlip.
~0~
"MAUNA na ako," ani Jethro sa dalawang kasama bago umibis ng sasakyan.
"Ayos lang, Noy. Kaya na namin 'to," sagot naman ni Manoy Dison.
Parang may pakpak ang mga paang naglakad si Jethro patungo sa kubo. Nang wala siyang madatnang tao sa balkonahe ay pumasok siya ng bahay at sumilip sa silid na ginagamit nila ng nobya. Napangiti siya nang makita ito roon na payapang natutulog. Maingat siyang pumasok ng silid at dahan-dahang inilapat ang pinto. Marahan siyang naupo sa gilid ng papag at may ilang sandaling pinagmasdan ito.
Ang mundo ko, saloob-loob niya habang nakatitig sa nahihimbing na kagandahan.
Inabot niya ang isang unan at maingat na dumapa sa tabi nito upang lalo pa itong mapagmasdan. Wala ito ni anumang bahid ng make-up sa mukha kaya kitang-kita ang malilit na mantsa sa mukha na ang ilan ay tila nagkumpol-kumpol paakyat sa bridge ng ilong nito.
Natutukso na siyang hagurin iyon ng hintuturo ngunit ayaw naman niyang istorbohin ang pagtulog nito. Mukha talaga itong anghel. Pero kapag nagtampo naman at sinumpong ay matindi. Napangiti siya. Bahagya siyang tumagilid at dinukot ang maliit na box sa bulsa ng pantalon niya. Special delivery iyon at sa airport ng Naga niya pinik-ap. Nagpakilala sa pangalang Ominous ang lalaking naghatid niyon.
"Jellyboo."
Nakangiting inabot niya ang kasintahan at hinagkan ito.
"What took you so long?" malambing na tanong nito bago sumiksik sa kanyang dibdib.
"Pasensya na po, medyo na-trapik," may nadaanan kasi silang libing kaya naipit sila sandali sa biyahe.
"Oh, you must be hungry. Let's get you something to eat." Mabilis itong bumangon. Ngunit kaagad ding napangiwi na tila nasaktan.
"Bakit? Ano ang nangyari?"
"W-wala."
"Anong wala? Naipit ka ba? May masakit ba sa'yo?"
Hindi ito sumagot.
Nag-aalalang bumangon na rin siya at ipinihit ang mukha nito paharap sa kanya.
"Ano ang nasaktan sa'yo?"
Nakakagat-labi itong yumuko.
"Chan-chan."
"My flower," mahinang sagot nito.
"Ano?" inilapit niya ang tenga rito.
"My vagina!" pigil ang pagsigaw na bulong nito.
Hindi siya kaagad nakasagot.
"It's not that serious, don't worry."
"Anong don't worry? Kung hindi seryoso bakit ka ngumingiwi. Patingin."
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Absolutely not!"
Natakpan niya ang isang tenga. Tumalsik yata ang dumi niya roon.
Apologetic naman itong ngumiti sabay yakap sa kanya. "Sorry. The pain is bearable, so, I guess it's okay, right?"
Nahahati ang kalooban niyang sumang-ayon.
"Jellyboo, I'm okay. I'm not gonna say I'm okay if I am not okay, okay?"
"Puro okay lang ang narinig ko."
Bumungisngis lang ito sabay subsob sa dibdib niya. Pagkatapos ay sa kanyang leeg. "You smell so good."
Parang biglang nag-init ang pakiramdam niya lalo pa at nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang balat. Napatikhim tuloy siya kahit wala naman talagang bara ang kanyang lalamunan.
"Kumander, huwag ka munang mapusok. Sa rupok kong 'to pagdating sa'yo baka kahit masakit pa 'yan, bigla na namang bumuga ang kanyon," mahinang bulong niya rito.
"You mean, your Womb Raider?"
"Ano?" natatawang bahagya niya itong inilayo sa katawan niya.
Hindi talaga siya nagbibiro, nag-iinit ang katawan niya sa kalambutan nito. Idagdag pang napakabango nito at napakasarap amuyin. Parang gusto na lang niyang magkulong sila sa kuwartong iyon at papakin ito nang walang kasawaan. Pero dahil nga ayon dito masakit ang flower nito, hindi naman niya siyempre magagawang lumusob na lang kahit anong oras niya gusto.
"Womb Raider."
Nagkatunog ang maikli niyang tawa.
"Ang ganda ng pangalan, ha?"
Ngumiti lang ito sa sariling kapilyahan.
"Teka, may ibibigay nga pala ako sa'yo. Heto, o."
Binuksan niya ang hawak na maliit na kahon at ipinakita iyon dito.
Tila ito napatulala sa nakita.
"W-where did you get that?"
Sa halip na tuwa ay pag-aalala ang nakita niya sa mga mata nito.
"Binili ko."
"What?" namilog ang mga mata nito. "These rings are very expensive, Jet."
Mahal nga ba iyon? Wala namang sinabi si Vengeance kung magkano ang halaga ng singsing na iyon. Basta sinabi niya lang dito ang kailangan niya. At kung puwede ay iyon namang hindi ikakahiyang isuot ng pagbibigyan niya.
"Ano naman kung mahal? Mas mahal ko pa sa singsing na 'yan ang taong pagbibigyan ko."
Mukhang natuwa naman ito sa sinabi niya. Pero magkaganoon man ay nasa mukha pa rin nito ang pag-aalala. At may umusbong na pagtatampo sa puso niya. Ano ba naman ang kaso kung bumili siya ng mahal na singsing? Para naman iyon dito.
"Ayaw mo ba?" nakatiim ang mga labing tanong niya.
Nang hindi ito kaagad sumagot ay isinarado niya ang box at ikinuyom sa kamay. Kaagad siyang tumayo at mabilis na tinungo ang pinto.
"Jet!" umiiyak na yumakap mula sa likuran niya si Chantal. "I'm sorry. I am so, sorry, Jellyboo."
Napatingala siya at marahas na napabuga. First time niyang nag-alok ng singsing, tinanggihan pa siya. Tangina!
-
sa akin mo na lang ibigay, Jellyboo. hindi ko tatanggihan.
your naughtiest author,
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro