Sakto Lang
wengya, ilang beses yata akong nagpalit ng title. wala, eh. kaya heto, sakto lang talaga.
Chapter Thirty-Six
KAUSAP ni Chantal ang kanilang abogado. Binigyan siya nito ng update tungkol sa stepsister niya. May development na raw. Dahil natunton na ng mga ito ang mechanic na sumabotahe sa sasakyan ng kanyang ama na naging dahilan ng ilang aksidente nito. At iyong huli nga ay ang naging sanhi ng kamatayan nito kasama ng kanyang madrasta.
Gusto niyang pagbayaran ni Ally ang ginawa nito and at the same time, gusto niyang matapos na ang lahat ng iyon. Ayaw niyang mabuhay sa takot at pag-aalala. At higit sa lahat, gusto na niyang magsimulang bumuo ng sariling pamilya kasama ni Jethro. Kasama ang mga taong itinuturing niyang parte na ng kanyang buhay. Marahil ay hindi masama kung pagkatapos nilang makasal ni Jethro ay sa Pilipinas na muna sila manirahan.
Yes, that would be perfect, saloob-loob niya.
"Are you really serious about this?" untag ng abogado na nagpabalik ng isip niya.
"Yes. I was hoping you could pull some strings in the US Embassy to secure my affidavit. I wanna get married ASAP."
"Why the rush? I know this is not my business, but--"
"I love him."
"Oh," iyon lamang at hindi na nagsalita pa ang may-edad na abogado. Tila kaagad nitong naunawaan ang ibig niyang sabihin. "Alright, I'll get back to you as soon as I talk to an old colleague."
"Thank you."
Hindi pa nila napag-uusapan ni Jethro kung ano ang gusto nitong kasal. Ngunit para sa kanya ay ayos lamang ang civil wedding. Hindi rin naman siya nag-i-excpect ng marangyang kasal dahil ayaw niyang ma-pressure ito na gumawa na naman ng isang bagay na puwedeng pagsimulan ng hindi nila pagkakaunawaan. Magkagayunman ay inihahanda na niya ang mga kakailanganin niyang dokumento para anumang oras na yayain siya nito ay handang-handa na siya. Um-order na rin siya ng singsing para sa kasintahan. Alam niyang posibleng magalit ito pero pangungunahan na niya ito na binili niya iyon as a wedding present. Gusto niya kasi magka-match ang mga singsing nila.
"Chan-chan!"
Mula sa hawak na cellphone ay nag-angat siya ng tingin at nakita niya sina Andeng, Marcy, Boogie, at Manoy Dison. Nasa padaong na bangka ang mga ito at kumakaway sa kanya. Nakangiting kumaway rin siya. At akmang hahakbang na siya palapit upang salubungin ang mga ito nang isang braso ang pumulupot sa beywang niya. Napangiti siya nang makilala kung kanino iyon.
"Jellyboo."
Hinagkan nito ang sentido niya saka pinagsalikop ang kanilang mga palad. Sabay na silang naglakad patungo sa dalampasigan upang salubungin ang mga sakay ng bangka na galing sa pamamasyal sa nasa di-kalayuang isla. Nang umagang iyon na magising silang wala ang kanilang mga kasama ay sinabi sa kanila ni May Azon na ipinasyal ang mga ito ni Manoy Dison pagkagaling sa pangingisda.
"Gusto mo rin bang makapunta ro'n?" tanong sa kanya ng nobyo sabay turo sa natatanaw nilang isla.
Umiling siya. "Nope. But if you want, I'm okay with it."
"Baka lang kasi gusto mo ring makarating doon tulad nina Marcy."
"I'm okay. As long as we're together."
Isang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. At ewan kung imagination niya lamang iyon, parang may nakita siyang lungkot sa mga mata nito bago nag-iwas ng tingin at kumaway kina Boogie na bumaba na ng bangka.
"Kumusta ang pamamasyal?" tanong ni Jethro sa mga bagong dating.
"Masaya," mabilis na sagot ni Marcy na kita ang kislap sa mga mata.
Masaya si Chantal para kay Marcy. Hindi pa nila lubusang kilala si Manoy Dison ngunit sa nakikita naman niyang treatment nito sa kaibigan niya ay mukhang seryoso ito sa PA niya. Parang si Jethro lang ang galawan ng lalaki. Suwabe pero ipinakikita ng mga kilos ang sinseridad at pag-aalaga.
"Chan-chan, Jet, si Maribeth nga pala," pakilala ni Boogie sa tsinitang babae na kausap nito.
"Hi," nakangiting naglahad sa kanila ng kamay ang babae.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito, ganoon din si Jethro. Maputi ito at mukhang hindi Filipina. O kung Filipina man ay posibleng may halong ibang lahi.
"Turista rin siya rito," ani Boogie. "Kasama namin siyang pumunta sa Daruanak."
"The view up there was great," wika ng babae.
Pahapyaw na sinabi ni Boogie na sa isang resort doon tumutuloy ang babae. May accent itong magsalita ng Tagalog, parang Japanese. At sa nakikita niya ay natutuwa ito kay Boogie. Habang naglalakad sila patungo sa malaking bahay ay ang dalawa ang parating magkausap. Iyon nga lang, madalas ay may kasamang senyas ang mga sagot ni Boogie dahil hirap itong magsalita ng English.
Banayad na pinisil ni Jethro ang kamay niya.
"Yes? Were you saying something, Jellyboo?"
"Date tayo."
"Date? You mean, go somewhere?"
"Oo. May iba pa bang meaning ang date?" biro nito.
"Silly. Where?" Bigla siyang na-excite.
"Secret."
Napalabi siya. Sa kabilang banda, wala namang kaso sa kanya kahit saan pa siya nito dalhin. Kahit nga sa bundok sasama siya rito.
"What should I wear?"
"'Yong maganda pero simple lang."
"Okay."
ALAM ni Jethro na may isang disente at magandang resort slash restaurant doon. At kahit alam niyang hindi magde-demand ng anumang luxury sa kanya si Chantal, ay entitled pa rin ito na minsan sa buhay nila ay mai-date niya man lang ito sa isang de-klaseng restaurant. Kaya bago gumabi ng araw na iyon ay nagpareserba siya ng table for two para sa kanilang magkasintahan. At kahit hindi niya nakasanayang magsuot ng medyo pormal ay naghanap siya ng maayos-ayos na isusuot maliban sa nakasanayan niyang t-shirt at kupasing maong.
Habang nagbibihis ito ay sinabi niyang hihintayin niya na lamang ito sa labas. Mukhang excited na excited ito. Naisip niyang marahil ay hindi lamang nito masabi na missed na rin nito ang makipagsosyalan sa mga maharlika. O ang makipag-party sa mga kilalang personalidad sa Hollywood. Minsan ay napapaisip talaga siya kung tama bang pangarapin niya ang isang tulad nito. Kahit saang anggulo tingnan ay para silang mismatched na sapatos.
Palakad-lakad siya sa tabi ng makinis na kalsada. Walking distance lamang mula roon ang resort ngunit naisip niyang dalhin na rin ang sasakyan para naman hindi pagpawisan ang ka-date niya. Nang mangawit ay iniupo niya ang puwetan sa gilid ng konkretong bakod. Hindi nagtagal at natanawan niyang lumabas ng kubo ang kasintahan.
Dahan-dahan siyang napatayo mula sa kinauupuan. Hindi niya mapigilang mamangha kung gaano ito kaganda.
At madalas ay gusto niyang mapakanta ng You Take My Breath Away. Pakiramdam niya kasi ay literal na hinihigop ang kanyang hininga sa tuwing mapagmamasdan niya kung gaano ito kaganda.
"Ahm, do I look okay?" parang naaasiwang tanong nito nang tumigil sa harapan niya.
Ang suot nito ay sleeveless na bestida na malambot ang tela at above the knee lamang ang haba. Simpleng-simple lamang ang make-up nito at wala rin itong suot na ibang alahas sa katawan maliban sa singsing na bigay niya. Ang sapatos nito ay may apat na pulgada marahil ang taas at manipis na manipis ang takong. Lalong na-highlight ang magandang pares ng makinis at maganda nitong legs.
"Perfect," tugon niya.
Lumikha ng pinong tunog ang mahina nitong pagtawa. Mahinhin nitong inipit sa likuran ng tenga ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa pisngi nito. Inilahad niya rito ang isang kamay na kaagad nitong inabot. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan para rito saka siya lumigid sa driver's seat.
Nilingon pa muna niya ito at saglit na pinakatitigan bago binuhay ang makina ng sasakyan. Inabot niya ang kamay nito at paminsan-minsang hinahagkan habang nagmamaneho. Bukod sa gusto niya talagang i-date ito, may iba pa siyang dahilan sa pagyayaya ritong lumabas.
"Jellyboo, is there something you want to tell me?"
Hindi niya ikinubli sa kasintahan ang pag-iling saka nakangiting nag-side glance rito. Ang lakas talaga ng female intuition.
"Mamaya na lang natin pag-usapan." Hindi niya na lang idinugtong na baka magalit o magtampo na naman ito sa kanya, masisira ang mga inihanda niya.
Hindi na ito nagsalita.
Saglit lang at narating na nila ang resort. Magkahawak-kamay silang pumasok ng restaurant. Nang salubungin sila ng isang empleyado roon ay sinabi niyang meron na silang reserbasyon. Nakakapanibago. Iyon pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa niya iyon, ang magpa-reserba ng kakainang restawran para mai-date ang kanyang nobya.
Inihatid sila ng naka-unipormeng waiter sa medyo dulong bahagi ng restaurant at nakatanaw sa dagat. Lubog na ang araw. At kita ang paglalaro ng magandang kulay sa langit. Ipinaghila niya ng upuan ang nobya.
"Thank you," napakaganda ng ngiti nito.
"Boss, 'yong..." may isinenyas siya nang pasimple sa waiter.
"Ah, sandali ho, Sir."
May pagtataka sa mukha ng nobya nang maupo siya.
"What was that?"
Ngumiti lang siya. Hindi naman nagtagal at bumalik ang waiter, dala nito ang bagay na sinabi niya. Isang bouquet ng kulay pulang rosas.
"Oh," bumadha ang gulat sa mukha ni Chantal. "Thank you. You really shouldn't have--"
Hind nito tinapos ang sinasabi nang mag-iba ang ekspresyon niya.
Binigyan sila ng parihabang kuwaderno ng waiter. Pinasadahan niya ng tingin ang mga pagkaing naroroon. Seafood ang specialty roon ngunit meron din namang mga American cuisine dahil ang mismong may-ari ng resort na iyon ay isang Amerikanong nakapag-asawa ng Pinay. Kaya niya alam ay dahil kilala niya ang napangasawa ng may-ari ng restawrang iyon.
"I'll have lobster roll with fried onion rings on the side and orange juice."
"Kayo ho, Sir?"
"Ito na lang, buffalo chicken wings at orange juice na rin."
"Ayos lang ho ba kung maghintay kayo ng fifteen minutes, Sir?"
"Ayos lang. Wala naman kaming ibang lakad, eh," pabirong tugon niya.
Natawa ang waiter at tumalikod na.
Pinagmasdan ni Jethro ang nobya. Hindi yata siya magsasawang titigan ito sa buong magdamag.
"Stop staring, Jellyboo."
"Hayaan mo na lang ako."
Umirap ito. Napapalatak siya. Ang ganda talaga. Gusto niyang hilahin ito palapit sa kanya at panggigilan ng halik ang mga labi. Pero inawat niya ang sarili dahil gusto niyang maging espesyal ang gabing iyon para sa kanilang dalawa. Kakain muna sila bago magkainan para pareho silang may lakas.
Kinuha niya ang dalawang kamay nito at hinagkan ang mga iyon.
"Mahal kita," hindi siya masalitang tao pagdating sa nararamdaman niya. Ngunit pagdating kay Chantal ay hindi niya mapigilan ang sariling ipahayag ang nararamdaman para rito, kahit paulit-ulit.
"Mahal din kita."
"Jet."
Napataas siya ng tingin sa direksyon ng tumawag. Nagulat siya at napangiti nang makita ang isang pamilyar na mukha ng babae.
"Jessa."
Masayang lumapit sa kanila ang babae. Tumayo siya at balak sanang kamayan lang ito ngunit niyakap siya ng babae na parang tuwang-tuwa ito na makita siya.
"Akala ko talaga namalikmata lang ako. Ikaw nga. Kumusta ka na?"
"Heto, ayos naman. Balita ko milyonarya ka na?" birong-totoo niya rito.
"Hindi naman. Medyo sinuwerte lang makatagpo ng mabait na asawa at ito, nakapag-umpisa ng maliit na negosyo. Ikaw, ano na ang balita sa'yo?"
Kaagad na nilapitan ni Jethro ang nobya na kita niya ang pag-iisang linya ng mga labi. Ayaw niyang isiping nagseselos ito pero parang ganoon nga. Ginagap niya ang kaliwang kamay ng kasintahan.
"Kumander ko nga pala, si Chan-chan. Chan-chan, si Jessa Bellega."
"Smith. Jessa Bellega-Smith," nakangiting dugtong nito sa apelyido ng asawa.
Kahit mukhang napipilitan ay sibilisadong ngumiti si Chantal at nakipagkamay sa babae.
"Nice to meet you."
"Same here. Your face looks familiar," ani Jessa. "What's your surname?"
"Ka--"
"Duque," mabilis na sagot ni Jethro. Mahirap na at baka katulad din ng nurse na iyon si Jessa, mag-post din ito ng kung anu-ano sa social media kapag nalaman nito ang buong pangalan ng kanyang nobya.
"Duque? Di ba't apelyido mo 'yon?"
"Oo. Asawa ko na siya."
Napaawang ang bibig nito na parang hindi makapaniwala.
"Hindi nga?"
"Tsk, mahirap bang paniwalaan 'yon?"
Tumawa lang si Jessa. "Sige na nga. Ikaw pa ba?"
Hindi naman nagtagal at dumating na ang kanilang order.
"Enjoy your dinner," 'ika ni Jessa. "And it's a pleasure meeting you, Chan-chan."
Iyon lang at iniwan na sila ng babae.
Tahimik silang nagsimulang kumain. Napansin ni Jethro na parang gigil na gigil ang pagkakahawak ni Chantal sa tinidor nito. At bawat tusok nito sa kinakain ay lumilikha iyon ng ingay sa plato. Napangiwi siya at wala sa sariling nadampot ang nagpapawis sa lamig na baso ng juice. Iniiwasan pa naman sana niyang makipagtalo rito sa gabing 'yon. Pero mukhang nagbabanta ang masamang panahon base sa madilim na aura ng kasintahan. Paano ba siya magsisimulang magpaliwanag? Pero may dapat ba siyang ipaliwanag? Sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang ginawang masama.
Sige, Jethro. Kumbinsihin mo lang ang sarili mo, aniya sa sarili.
"Who is she?"
Heto na po, saloob-loob niya. "Ah, si Jessa?"
"May iba ka pa?"
"Wala," mabilis niyang sagot. "Si Jessa, ano 'yon. Kaibigan lang. Narinig mo naman, di ba? May asawa na siya."
"But she's your ex?"
"Ex? Parang wala lang naman 'yong sa amin, eh. Hindi seryoso. Nakita mo nga at kaswal lang kami pareho. Wala 'yon."
Hindi na ito nagsalita. Hanggang sa matapos silang kumain ay wala pa rin itong kibo.
"Dessert. Order pa tayo," aniya. Pilit na pinagagaan ang atmosphere sa pagitan nila.
"I'm full. Let's go."
Wala na nga siyang nagawa kundi ang tawagin ang waiter para magbayad.
"On the house na raw po, Sir, sabi ni Ma'am Jessa."
Magsasalita pa sana siya ngunit hindi na niya nagawa nang tumayo si Chantal at nagpatiuna ng lumabas.
"Pakisabi kay Jessa, salamat," aniya sa waiter at mabilis na sinundan ang nobya.
Naghihintay na si Chantal sa parking. Siguro kung nahuli-huli siya ng kaunti lalayasan na rin siya nito. Walang kibong kinuha niya ang bouquet ng roses mula rito. Binuksan niya ang sasakyan at ipinasok doon ang bulaklak. Bago pa makapasok ng sasakyan si Chantal ay kinabig niya ito sa beywang at mabilis na sinakop ang mga labi nito. Nanatiling pinid ang bibig nito. Ngunit matiyaga niya itong sinuyo at pahapyaw na pinaraanan ng dila ang nakatikom nitong mga labi. Bumaba ang isang kamay niya sa pang-upo nito at banayad itong pinisil. Napasinghap ito. Iyon ang hinihintay niya at kaagad na sinuyod ang loob ng bibig nito at hinuli ang mailap na dila.
"Hm."
Kung protesta iyon o pagpapaubaya mula rito ay wala siyang pakialam. Taas-baba niyang hinaplos ang tagiliran nito. Pinisil niya ng isang palad ang dibdib na nagpalakas ng ungol nito.
"Jet."
Ikinulong niya sa dalawang palad ang mukha nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Ikaw ang mahal ko. Huwag ka ng magselos, hm?"
"Ang ganda niya. At... at malaki rin ang..."
Hindi napigilang mapahalakhak ni Jethro nang maisip niya kung ano ang tinutukoy nito. Malaki rin ang hinaharap ni Jessa katulad ni Maita.
"Hanggang ngayon ba hindi pa rin malinaw sa'yo?"
"What?"
"Na hindi ako mahilig sa malaki. Ang gusto ko 'yong," tumaas ang dalawang kamay niya sa harapan nito. "Sakto lang. Ayaw ko ng umaapaw."
Napakagat-labi ito. Hindi niya naawat ang sarili nang muling yukuin ang mga labi nito at mapusok na hagkan.
-
may hinihintay kayo?
next!
your naughtiest,
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro