Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sa Ilalim ng Buwan

Chapter Twenty-Nine

"HUWAG niyo ng masyadong painumin 'yang si Jethro. Kita niyo, o, pulang-pula na ang mukha," ani May Azon habang magkakasalo silang naghahapunan sa baybayin.

Simple lang ang ulam nila kumpara noong pananghalian ngunit maganang kumain ang lahat. Masaya ang kuwentuhan at biruan. Ang mga kabataan ay nangaka-paikot sa bonfire habang kumakain, hindi nakikisalo sa usapan ng matatanda.

"Ganyan talaga ang mestizo, 'Ma," ani Pay Abel sa asawa. "Kaya pa 'yan, di ba, 'Noy?"

"Parang umiikot na nga yata ang paningin ko, Pay," tugon naman ni Jethro na bahagya pang sumandal sa katabing nobya. Pero ang totoo ay ayaw na talaga niyang uminom. Tuba kasi ang tinitira ng mga ito, hindi niya masyadong gusto ang lasa.

"Huu, nagdadahilan ka lang yata, eh," kantiyaw ng isa nilang pinsan.

"Sosyal na kasi ang panlasa niyang si pinsan," ani Manoy Dison. "Hindi na sanay sa tuba."

Nagkatawanan ang mga ito.

"Hindi naman sa gano'n, Manoy. Nakakapanibago lang. Matagal-tagal na rin muna nang huling masayaran ng tuba ang lalamunan ko."

Kung saan-saan pa nadako ang magaang na kuwentuhan. At naisip ni Jethro, ilang taon man ang lumipas hindi nagkaroon ng pagbabago ang magandang pagtanggap ng pamilya sa kanya. Minalas man siya sa totoong pamilya na dapat ay kumupkop sa kanya, masuwerte naman siya sa angkan ng napangasawa ng Tiyo Narding niya.

"Siyanga pala, Boogie. Sasama ka ba mamaya?" untag ng isang pinsan sa lalaki.

"Oo naman, 'tol. Baka ito na ang pagkakataon ko para magka-lablayp."

"Malamang. Sa galing mong mag-gitara, baka mapa-oo nang wala sa oras si Agnes."

"Manghaharana kayo?" tanong niya sa mga ito.

"Oo. Pagkakataon ko na 'to, Jet, para magka-lablayp."

"Ay, marumduman ko, nabanggit na rin lang ang paghaharana. Nagpasabi palan si Pading Igme na kung puwede ilusyonan ining satuyang mga bisitang daraga," ani May Azon.

Nabulunan si Pay Abel sa sinabi ng maybahay nito. Nagtawanan ang mga kasalo nila, lalo na ang mga anak ng tiyuhin.

"Sino ba 'yon?" tanong ni Jethro sa katabing si Manoy Dison.

"Dating kapitan dito," tugon ng pinsan. "At sino naman ang balak niyang akyatin ng ligaw?"

Ang tanong ay idinirekta ng lalaki sa ina.

"Sinu-sino ba ang bisita nating dalaga?" sagot naman ng ginang.

Napatingin ang lahat sa magkatabing sina Andeng at Marcy.

"Sina Andeng at Marcy?" 

"Oo. Alangan namang si Chantal?" may panunudyong ngumiti si May Azon.

Mahigpit namang iniyapos ni Jethro ang isang braso sa beywang ni Chantal. Basa pa ito dahil hindi pa natatagalang umahon sa dagat ang kasintahan nang tawagin niya ito para kumain ng hapunan. Kaagad niya itong binalot ng sarong dahil puti ang kamisetang suot nito, bakat ang bra at katawan. Kahit gusto niyang sitahin iyon ay hindi na lamang niya ginawa. Ang importante'y hindi nito isinuot ang two piece na binili nito noong mamili sila. At iyon ang kabilin-bilinan niya kina Marcy at Andeng nang ipasundo ito sa kubo. Aniya ay magwawala siya kapag nakita itong naka-swimsuit na kaparis ng dalawa. Mabuti naman at sinunod ng mga ito ang bilin niya.

"Hindi na 'to puwedeng ligawan, May. Akin na 'to."

"Kaya nga, di ba?"

"Ilang taon naman 'yon si Kap? Baka uugod-ugod na?" aniya pa.

Natawa si May Azon. "Hindi naman si Kap ang manliligaw, 'yong dalawang anak niya."

"Sina Rigor at Balthazar?" tanong ni Manoy Dison. "Di ba't 'yon na lang ang mga anak no'n na binata?"

"Oo, sila nga."

"Nakow, 'yong isa addict, 'yong isa sugarol. Walang kinabukasan ang mga dalaga natin ro'n," mabilis na pagkontra ni Pay Abel.

"Ini man. Ma-ilusyon pa man sana. Harayuon na ang inabot kang isip mo."

"Mabuti na 'yong advance," katwiran ng esposo.

Si Marcy ay bumaling kay Andeng at ipina-translate kung ano ang na-missed nito sa pinag-uusapan.

"May gusto raw umakyat sa atin ng ligaw."

"Ay, talaga? Exciting yata 'yan, bes. May harana? Hindi ko pa nararanasang maharana, eh."

"Ihanda mo na ang sarili mo, Marcy," ani May Azon. "Baka umarkila pa ng banda ang magkapatid na 'yon para haranahin kayo."

"Wow, bet na bet ko po 'yan, Tita."

Nagpatuloy ang pagtatalo ng mga ito kung dapat pa raw bang hayaang umakyat ng ligaw ang mga nabanggit na kabinataan. Anang tiyahin ay magiging kabastusan iyon sa partido nila kung itataboy nila. Nagpasabi naman nang maayos ang mga ito. Ganoon naman talaga sa kanilang probinsya. Kapag may dayong dalaga, madalas na inaakyat ng ligaw. 

"Isa pa hindi naman magtatagal dito ang ating mga dalaga. Hayaan niyong sila ang magpasya kung magugustuhan nila ang mga kabinataang 'yon o hindi."

Pumalatak si Manoy Dison na parang hindi aprubado rito ang mungkahi ng ina.

"Huwag kang mag-alala, Manoy," ani Andeng sa panganay na pinsan. "Tiyak namang hindi madadagit ang matamis na oo ni Marcy dahil ikaw ang type niya."

Nagtawanan at tudyuhan ang magpipinsan.

"At kung ikaw ang manghaharana, Kuya, hindi ka pa man dumidiga oo na kaagad ang sagot ko," mabilis na dugtong ni Marcy sa sinabi ni Andeng.

Muling napuno ng tudyuhan at tawanan ang tagpong iyon. Habang si Manoy Dison ay obvious namang pinamumulahan ng mukha bagaman hindi masyadong halata dahil sa malamlam lang ang liwanag na nagmumula sa sulo na nagsisilbing ilaw nila.

Matapos ang hapunan nagkanya-kanya ng balik sa dagat ang mga kabataan. Ang mga mas nakatatanda naman ay nagligpit muna ng mga kalat. Mahigpit daw na ipinagbabawal doon ang pag-iiwan ng mga basura kaya hindi sila bastang nagtatapon kung saan-saan.

Ang ibang kalalakihan kabilang na si Boogie ay naghanda na para sa gagawing panghaharana ng mga ito. Habang sila namang mga naiwan ay ipinagpatuloy na ang inuman.

"Ubusin na lang natin 'to," ani Pay Abel sa may kalahating pitsel ng iniinom nilang tuba.

Tumango na lang si Jethro. Nang muling magyaya sa dagat si Andeng ay sumama na rin dito sina Chantal at Marcy. Nasundan na lamang ng tingin ni Jethro ang kasintahan.

"Muuton ka talaga, Noy," natatawang kantiyaw ni Manoy Dison.

Natawa lang ang binata saka tinapik-tapik ang dibdib.

"Kunsabagay, magayon na, maboot pa."

"Sobra," sagot niya.

"Paano niyo nga pala nakilala si Marcy?" tila pinakakaswal ang tonong tanong ni Manoy Dison. "O, o. 'Yong ngiti mo."

Hindi napigilang mapahalakhak ni Jethro sa reaksyon ng pinsan. Pati naman ang mga magulang nito na sina May Azon at Pay Abel ay napangiti rin. Nakantiyawan pa ito ng dalawa nilang kainumang pinsan.

"Magkatrabaho sila ni Chan-chan," sagot niya. Hindi man iyon ang buong katotohanan, hindi na rin maituturing na pagsisinungaling dahil totoo namang magkasama ang mga ito sa trabaho.

"Sa Maynila?"

Alanganin siyang tumango. "Mga bakasyunista sila."

"Kung gano'n ay hindi rin pala sila magtatagal dito," tila dismayadong sabi ni Manoy Dison.

"Kung bibigyan mo ng dahilan para magtagal dito, bakit naman hindi?" pagpapalakas ng loob niya rito.

"Loko ka. Huwag mo nga akong ibinubuyo." 

"Bakit naman hindi? Dalaga siya, binata ka. Ano ang masasabi niyo, May, Pay? Kayo, mga 'insan?"

"Sabi nga nila, 'insan. May point ka. Mukha rin namang mabait."

"Ako na ang maggagarantiya, sobrang bait. Alaga lang asarin niyang si Andalusia."

"Wala namang problema sa akin," tugon ni May Azon. "Kahit sino pa ang mapusuan nitong si Manoy niyo, ayos lang. Silang dalawa naman ang magsasama habambuhay. Ano ang masasabi mo, Papa?"

Dalawang hinlalaki ni Pay Abel ang tumaas. "Kung sa pakikisama naman, sa tingin ko ay marunong siyang makibagay. Itong binata lang talaga natin ang dapat na kumilos. Aba, alangan namang babae pa ang manuyo sa kanya? Hayon nga at hayagan ng sinabing ikaw lang ang hinihintay."

"Si Papa. Biro lang 'yon," ani Manoy Dison saka nagtagay sa baso.

"Biro nga. Pero may laman. Ikaw rin, baka maunahan ka pa ng iba," wika pa ng ama.

Wala ng isinagot si Manoy Dison at tinungga na lamang ang baso.

Nang maubos ang iniinom nilang tuba ay kusa ng nagyaya pauwi si Pay Abel. Matutulog na raw ito dahil maaga pa itong pupunta sa koprahan.

"Kung gusto niyong manguha ng buko, sumunod na lang kayo nina Andeng, Jet," wika pa nito bago sumunod sa maybahay.

"Opo. Sasabihin ko sa kanila."

Nagpaalam na rin ang dalawa pa nilang pinsan dahil tulad ng tiyuhin ay may kani-kanya rin iyong gawain sa bukid kinabukasan. Sila naman ni Manoy Dison ay sandali pang nanatili muna roon at nagkuwentuhan. 

"May pag-asa naman kaya ako?"

"Aba, Manoy, sa gandang lalaki mong 'yan, nagdududa ka? Kamukhang-kamukha mo si Loco Martin."

"Loco Martin?"

"'Yong bida sa Probinsyano."

"Tarantado. Di ba't si Kuko Martin 'yon?"

"Kuko Martin ba? Oo nga yata."

Natawa ito.

"Kaso aanhin mo naman ang gandang lalaki kung isang kahig, isang tuka?"

Napangiti si Jethro nang hindi niya namamalayan. Halos ganoon din kasi ang sentimyento niya kay Chan-chan.

"Case to case naman 'yan. Hindi dahil niloko ka noong una, ganoon na rin ang mangyayari sa pangalawa."

Napabuntong-hininga ito.

"Tsk. Alam kong mahirap sumugal. Pero mas mahirap namang hindi ka nagbakasakali tapos sa huli magsisisi ka," aniya.

"Sabagay nga."

Mayamaya pa ay nagpaalam na rin ito. Mag-iipon daw muna ito ng sapat na lakas ng loob. Siya naman ay pinuntahan na sina Chantal. Hindi niya kaagad ito na-locate dahil tanging liwanag lang ng buwan ang tanglaw ng payapang dagat.

"Si Chan-chan?" tanong niya kina Andeng at Marcy na nagkukuwentuhan na lamang sa pampang.

"Hayun," itinuro nito ang isang pigurang nagpo-floating.

"Bakit hindi niyo sinamahan?" may pag-aalang tanong niya.

"Pagod na kami kalalangoy. Tutal, andito ka na rin lang mauuna na kami sa inyo," ani Andeng.

"Sige," mabilis na siyang naghubad ng kanyang kamiseta para samahan ang nobya sa paglalangoy.

"Uy, Jet. Baka lasing ka, ha?" tila may pag-aalalang sabi ni Marcy.

"Hindi. Alalay lang ang inom ko kanina."

"Mabuti naman. Mauna na kami, ikaw na ang bahala kay Chan-chan."

Pagtalikod ng dalawang babae ay naghubad na rin siya ng pantalon dahil naka-shorts naman siya sa loob. Kaagad siyang sumisid patungo sa kinaroroonan ni Chantal. Nagulat ito at lumubog sa pagpo-floating nang yapusin niya sa beywang. Napaubo ito nang makainom ng tubig-alat.

"You...!" galit itong pinaghahampas siya sa dibdib nang makilala siya. "Nakakainis ka!"

Tumatawang niyakap niya lamang ito. Saka niya napansin na wala pala itong damit na pang-itaas.

"Aba-ba-ba, Miss. Nasaan ang damit mo?"

"May damit naman ako, ah," pilosopong sagot nito. Ang tinutukoy ay ang pang-itaas ng two piece bikini na binili nito sa Dimas.

"Pero di ba ang sabi ko huwag kang magsusuot n'yan? Konserbatibo ang mga tao rito at masyadong ex--ump," hindi niya natapos ang sasabihin nang mabilis na ipulupot ni Chantal ang dalawang braso sa kanyang leeg at sarhan ng mga labi nito ang kanyang bibig.

Naipulupot na lamang ni Jethro ang mga braso sa beywang ng nobya. Nang bumaba ang kamay niya sa balakang nito ay na-realized niyang hindi na rin ito naka-short. Gigil niyang pinisil ang magkabila nitong pang-upo na nasasaplutan lang ng kakarampot na bikini. Napaungol nito. At bilang ganti sa ginawa niya ay kinagat nito ang kanyang lower lip. Medyo masakit ngunit kaagad ding napalitan ng ibang pakiramdam nang sipsipin nito iyon.

"I love you, jellyboo."

Nahapit niyang padikit sa katawan ang nobya. At dahil halos pantay dibdib ang lalim ng tubig, madali nitong naipulupot ang mga binti sa beywang niya. Napaungol siya at mapusok itong hinagkan sa labi. Nagduwelo ang kanilang mga dila. Nang mahuli iyon ay walang habas niyang sinipsip. Ganoon din ang ginawa niya sa mga labi nito, walang kasawaan.

"I want to taste you," sabi nito habang sakop niya ang lower lip nito.

At kahit hindi nito pangalanan kung anong parte niya ang gusto nitong tikman ay mabilis iyong natukoy ng kanyang utak.

"D-dito?" nagpalinga-linga siya sa kanilang paligid. 

Mukhang sila na lang ang naiwan doon at wala na ang mga pinsan nila na kanina'y nagsu-swimming. Bilog na bilog ang buwan ngunit kung malayo ang tao ay wala masyadong makakapansin sa mainit nilang eksena ng nobya.

"Yes. Right here, right now."

Mula sa kanyang batok ay gumapang pababa ang isa nitong kamay  sa pagitan ng kanyang mga hita. Dama niya ang biglang dagsa ng excitement sa puno ng kanyang pagkalalaki. At nang kalungin iyon ni Chantal sa isang kamay ay parang bigla iyong tumigas.

"Tangina," mahinang mura niya.

Sa sandaling mabitin siya sa mga oras na iyon ay makakapatay na talaga siya.

Kumalas ang mga binti at braso ni Chantal na nakapulupot sa kanya. Lumubog ito sa tubig at nagtungo sa harapan niya. Na-doble ang excitement at antisipasyon niya. Mabuti na lamang at payapa ang dagat ng mga oras na iyon. Kung nagkataong maalon ay hindi niya papayagan si Chantal na gawin iyon kahit atat na atat din siyang maranasan ang sandaling iyon sa kanyang nobya.

Ibinaba ni Chantal ang shorts niya kasama ang kanyang panloob. Napahawak siya sa batok nito. Magaan lang para kung kakailanganin na nitong sumagap ng hangin ay kaagad itong makakaahon. Nang dumantay ang bibig nito sa ulo ng pagkalalaki niya ay bahagya siyang napaatras. Mainit at masikip. Kung malamig man ang hangin na dumadampi sa balat niya ay hindi niya iyon masyadong maramdaman dahil parang literal na nagliliyab ang katawan niya sa bibig na nagpapala sa kahandaan niya.

"Tangina." Nahahati ang loob niya sa sarap at pag-aalala na baka nahihirapan na si Chantal. 

Sa isip ay nakailang malulutong na mura pa siya bago niya naramdaman ang matinding sensasyon na gumuhit sa puno ng pagkalalaki niya. Umahon ang ulo ni Chantal at mabilis na napalitan ng kamay nito ang pagbaba-taas sa ari niya. Isang ungol ang kumawala sa kanyang mga labi. Bagong record iyon sa buong bahay niya magmula nang mamulat siya sa aspetong sekswal.

"Did you cum?"

Nangangatal pa yata ang buong katawan niya nang kabigin ang nobya.

"Sorry. I couldn't hold my breath that long," apologetic na sabi nito.

Hinagkan niya ito sa sentido. "The best 'yon para sa akin. Pero aaminin ko, ito 'yong pinakamabilis na record na nilabasan ako."

Mukhang natuwa naman ito sa sinabi niya.

"Pero mukhang nai-divert mo lang ang atensyon ko. Bakit ka naka-two piece?"

"It's already dark. No one will even notice. Don't you like it?"

Bumaba ang isang kamay niya sa pagitan ng mga hita nito at sumuot iyon sa gilid ng suot nitong bikini.

"Gustong-gusto," mapanghibong tugon niya.

-

your naughtiest author,

frozen_delights



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro