
Sa Gitna ng Panganib, Pag-ibig
Chapter Twenty-Three
TINULUNGAN ni Marcy si Andeng na ibaba ang mga dala-dala nila matapos nitong mai-park nang maayos ang owner sa garahe ng talyer. Mukha talagang masama ang loob nito. Mula nang umalis sila ng pagamutan ay nanatiling tikom ang bibig nito. Gayong dati-rati naman ay madaldal ito, hindi nauubusan ng kuwento o anumang maipipintas sa kanya.
"Huwag ka ng magtampo. Hindi naman kami makapaglilihim nang matagal sa'yo. Nakita mo naman, di ba? Hindi nila mapigilang maglambing sa isa't isa."
"Kahit pa. Nagmukha akong tanga," mataray na sagot nito.
"Huwag ka ng magtampo, bes. Hayaan mo, kapag ako nagka-dyowa hinding-hindi ko ililihim sa'yo."
"Kahit 'wag na. Hindi ako interesado."
"Ang harsh mo talaga sa akin, kapag ako nawala mami-miss mo rin ako. Itaga mo 'yan sa bato."
"Ang drama mo," kinawit ni Andeng ang braso ni Marcy at nagmadali na sa paglalakad.
Napasabay sa mabibilis na hakbang nito si Marcy, napangiti. Hindi rin pala siya matitiis ni Andeng. Ngunit ang ngiti sa kanyang mga labi ay unti-unting napawi nang mamukhaan niya ang isa sa mga goons na humahabol sa kanila dati ni Chantal!
Mabilis niyang nahatak si Andeng at nagkubli.
"Ano ang problema mo?"
"Nakita mo 'yong lalaking panot na nakajacket na maong?"
Sinilip ni Andeng ang tinutukoy niya.
"O, ano'ng meron? Ex mo?"
"Ex? Oo nga't medyo luka-luka ako minsan pero hindi pa ako natutuluyang masiraan ng ulo para pumatol sa panot na 'yan, ano?"
"Haba ng pasakalye. Oo o hindi lang naman ang sagot."
"Isa 'yan sa mga nagtangkang dumukot sa amin Chantal."
"Ay, hala. Kuya, 'andito po si Marcy," pabirong sumigaw kunwa sa lalaki si Andeng.
Sinamaan ito ng tingin ni Marcy.
"Joke, joke, joke. Ito naman, ipapahamak ba naman kita? Siyempre hindi, ano?"
"Ano ang gagawin natin? Hindi nila ako puwedeng makita."
"Relax ka lang, ako ang bahala sa'yo." Inilabas ni Andeng ang alampay na nasa bag nito. Medyo malamig kasi sa hospital room ni Chantal kaya nagdala ito ng alampay nang malamang doon matutulog ng nagdaang gabi kasama ni Marcy.
Itinakip nito iyon sa ulo ni Marcy at inayos na katulad sa hijab na mata lamang ang litaw.
"O, hayan. Siguro naman hindi ka na mamumukhaan ni Koyang Panot."
Inayos niya ang pagkakabalot niyon sa kanyang ulo.
"Huwag mo ng masyadong galawin, baka masira pa ang pagkakaayos ko," ani Andeng.
Ibinaba naman niya ang dalawang kamay.
"Kumilos ka lang nang kaswal, huwag kang kabahan," bilin ni Andeng nang magsimula na silang maglakad. Wala kasi silang ibang madadaanan pauwi ng bahay kundi ang puwestong kinatatayuan ng lalaki kasama ng dalawa pang alipores nito.
Kahit parang binabayo ang puso ni Marcy sa takot, pinilit niyang umaktong normal. Palapit na sila nang palapit. May kausap si Koyang Panot sa cellphone. At naulinigan pa ni Marcy ang kaputol ng sinasabi nito.
"Magbakasakali na rin kayo sa ospital. Abangan niyo uli 'yong nars. Susuyurin naman namin dito at baka nga naririto sila tulad no'ng tip sa atin."
"Mga Miss."
Napatuwid ang gulugod ni Marcy nang mapansin sila ng kasama ni Koyang Panot.
"May kakilala ba kayong Andeng?"
Muntik ng mapasinghap si Marcy. Si Andeng naman bagama't halatang nagulat ay mabilis na naikubli ang ekspresyon.
"Andeng?" sagot nito. "'Yong anak ni Mang Andoy na kapatid ni Inday at pinsan ni Ador na ex ni Marimar?"
Parang naguluhan ang lalaki, napakamot ito sa ulo.
"Ah, oo. Siguro siya na nga 'yon. Andeng lang ang alam naming pangalan, eh."
"Tagarito ba kayo, Miss?" ani Koyang Panot na tapos ng makipag-usap sa cellphone.
"Aba oo naman, Koyang Panutsa--este, may pagawaan kami rito ng panutsa. Kami ang may pinakaunang pagawaan dito ng panutsa na itinayo ng Tatay ko noong panahon ng Martial Law."
"Kung gano'n ay kilala mo 'yong Andeng?"
"'Yong anak ni Mang Andoy na kapatid ni Inday at pin--"
"Oo, 'yon nga, 'yon nga," mabilis na putol ni Koyang Panot sa sinasabi ni Andeng.
"Tagaroon ho, 'yong looban," itinuro ni Andeng ang isang makipot na eskinita.
"Salamat, ha?"
Mabilis ng tinungo ng tatlong lalaki ang direksyong itinuro ni Andeng sa mga ito. Ang dalawa naman ay nagmamadali ng naglakad pauwi. Abut-abot ang hingal nila nang makarating ng bahay. Hindi pa man ganap na nakakabawi ng paghinga ay mabilis na tinawagan ni Marcy si Chantal.
"I hate to interrupt your sweet moment, love birds, pero may problema tayo," bungad ni Marcy.
"What happened?" tanong ni Chantal.
"Mukhang nakatunog ang mga naghahanap sa atin. Bumalik sila rito sa Purok 6, hinahanap nila tayo."
"What?"
"Ano ang problema?" biglang singit ni Jethro sa kabilang linya.
"Jet, 'yong mga goons na humahabol sa amin, 'andito. At mukhang may nagbabantay rin diyan sa hospital. Mag-iingat kayo. Palagay ko ay natunton na nila kami," worried na wika ni Marcy.
"Paanong nangyari 'yon?"
"May nakapagturo yata sa isa sa mga tagarito. O kung hindi man ay 'yong post ng nurse sa fb."
"Anong post?"
"May isang nurse d'yan sa ospital na kinunan ng picture si Chan-chan," hindi nakatiis si Andeng, sumabad na rin ito sa usapan.
Ini-loudspeaker ni Marcy ang cellphone para mas maging malinaw ang kanilang pag-uusap.
"Anak ng...! Sinasabi ko na nga ba, tama ang kutob ko."
"Alam mo?"
"Hindi ko eksaktong nahuli sa akto," at ikinuwento nito iyong araw na iniwan nito saglit si Chantal para pumunta ng flower shop. "Duda na ako noong una pero binalewala ko lang kasi nga hindi ko naman nahuli sa akto, masamang magbintang."
"Kinompronta ko na ang babaing 'yon. Ini-report ko na rin ang post niya kaya malamang wala na 'yon sa fb," ani Andeng.
"Mag-empake na kayo ng maraming gamit at umalis na kayo ng bahay," mabilis na desisyon ni Jethro.
"Alsa-balutan agad? Paano itong bahay at apartment, paano 'yong mga pahulugan ko?" kaagad na reklamo ni Andeng.
"Ano ba ang importante sa'yo: buhay o pera? Hangga't buhay tayo, madaling kitain ang pera."
Napakamot sa ulo si Andeng.
"Pareho kayong babae riyan. Kahit pasamahan ko kayo kay Boogie ay hindi tayo makasisigurong magiging ligtas kayo sa bahay."
At naalala ni Marcy, ang mga asa-asawang lalaki ng mga tenants doon ay lingguhan lang din kung umuwi. Ang tanging lalaki na puwedeng dumalo sa kanila sakali man at malagay sila sa panganib ay ang uugod-ugod ng asawa ng tenant doon na si Aling Lourdes.
"Aayusin ko na ang lahat ng gamit namin ni Chantal, Jet," pasya ni Marcy.
"Sige, tatawagan ko na rin si Boogie at bibigyan ng instructions kung ano ang gagawin."
Iyon lang at nagpaalam na sila sa isa't isa.
~0~
NAKITA ni Jethro ang takot sa mukha ni Chantal. Kaagad niya itong kinabig at masuyong ikinulong sa mga bisig para ipanatag ang kalooban.
"Huwag kang mag-alala. Kahit ano ang mangyari ay hindi kita pababayaan. Nangako ako, di ba? Aalagaan kita at po-protektahan."
"But I don't want you to get hurt."
"Hindi mangyayari 'yon. Bakal ang katawan ko, hindi 'to tinatablan ng kahit na ano."
"Don't joke. I saw your scars, marami-rami."
Natawa si Jethro at marahang bumitaw. Nang tunghayan niya ang mukha ng kasintahan ay nakita niya ang pangingislap ng luha sa mga mata nito.
"Binosohan mo nga pala ako kaya nakita mo ang maraming-marami kong pilat. Hindi marami-rami," pinisil niya ang matangos nitong ilong saka yumuko at hinagkan ang talukap ng mga mata. "Iyon ang pruweba ko sa'yo na malakas ang survival instinct ko."
"Binosohan means sinipli--uh, what's the other term again?"
"Sinilipan. Peeping Tom."
Nakalabing hinampas siya nito ng kamay sa dibdib. Tumawa lang siya. Hinuli niya ang kamay nito at hinagkan.
"I'm feeling better now, Jet. Puwede na siguro akong lumabas ng hospital. I don't feel safe here anymore."
"Sh, tapusin lang natin ang sabi ng doktor. Mahirap namang ilabas kita rito nang alanganin at baka kung mapaano ka pa."
"But I don't feel sick anymore. Puwede namang mag-take na lang ako ng meds paglabas natin ng hospital, di ba?"
"Depende kung ano ang sasabihin ng doktor mo."
"What if they find me?" puno ng pag-aalalang tanong nito.
Ikinulong niya sa dalawang palad ang mukha nito at masuyong hinagod ng magkabilang hinlalaki ang pisngi.
"Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo kung iyon ang makapagbibigay ng kapanatagan sa'yo. Babantayan kita, okay? Magtiwala ka lang."
Humilig ito sa dibdib niya.
"I hate this," kumuyom ang kamay nito sa suot niyang damit.
"Ayaw mo ng kulay ng damit ko?" pinagagaan ang tonong biro niya.
"No, I hate feeling like a fugitive. I have done nothing wrong. Pero bakit kailangan kong magtago, bakit kailangan kong matakot?"
Naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Wala nga naman itong kasalanan pero bakit ito pa ang nanganganib at nagtatago? Kung puwede niya lang bugbugin ang source ng frustrations nito ay ginawa niya na para matapos na ang lahat ng iyon.
"Magiging maayos din ang lahat, magtiwala ka. Hindi kita pababayaan, hindi kita iiwan."
"Promise?"
"Pangakong marangal, kumander. Hangga't buhay ako ay walang puwedeng manakit sa'yo."
Lumayo ito sa kanya at may pag-aalalang tinitigan siya. Namamasa ang mga mata.
"Don't talk like that," mabilis na nag-unahan sa paggulong ang mga butil ng luha nito. "Don't talk as if you're going to sacrifice yourself so you can protect me."
"Dahil 'yon naman talaga ang totoo," inabot niya ang pisngi nito at mabilis na pinalis ang pag-uunahan ng mga luha nito. Walastik, parang falls. "Tahan na, baka mabinat ka pa, eh."
"I just... d-don't want you to... d-do that," pahikbi-hikbing sabi nito. "I want us to be together."
"Ako rin naman. Kung puwede nga, for keeps na."
"You mean it?"
"Ha? Ano ba ang sinabi ko?" Tang juice! Ano ba mga pinag-iisip mo Jethro?!
"You said for keeps."
"May sinabi akong gano'n?"
"Ayaw mo ba sa akin?" tila nagkaroon ng insekyuridad at hinanakit ang boses nito.
"Ano bang ayaw? Hindi mailalarawan ng simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa'yo, Chan-chan. Mahal kita. At ako ang tipo ng taong kapag nagmahal, kahit wala ng matira para sa sarili ay isusugal ko ang lahat."
Humihikbing mahigpit na yumapos ang dalawang braso ni Chantal sa kanyang leeg.
"This is the first time I felt this strong connection with someone. And I want you to know that I will do anything for us to stay together. For keeps."
Bigla siyang naumid. Sa lakas ng impact ng sinabi ni Chantal ay parang saglit niyang nakalimutang huminga.
Hindi naman siya naghahangad nang labis-labis. 'Yong tipong sakto lang, 'yong tipong kahit temporary lang ang maging papel niya sa buhay ni Chantal ay masaya na siya. Dahil katulad ng madalas niyang sinasabi sa sarili, live for the moment. Hindi pa nakasulat ang bukas at marami pa ang puwedeng mangyari, marami ang puwedeng maging sagabal. Pero 'tangna, ano 'tong sinasabi ni Chantal?
"Jellyboo..."
Mahigpit niyang ginanti ng yakap ang yakap ni Chantal. Iyong yakap na makakalas-buto, iyong yakap na kung puwede lang ay hindi na niya ito gustong pakawalan. Dalawang babae na ang minahal niya. At wala siyang nagawa nang pareho siyang iwan ng mga ito. Sa pagkakataong 'yon ay gagawin niya ang lahat, manatili lang si Chantal sa tabi niya. Kahit pa nga ang buhay niya mismo ang maging kapalit.
Bahagya niya itong inilayo at pinagmasdan. Binakas niya ng hintuturo ang tila mga tuldok na mantsa sa balat nito. Sa tuwing pagmamasdan niya iyon ay hindi niya maiwasang mamangha. Maaaring para sa iba ay maikukunsidera iyong kapintasan sa halos perpekto nitong kagandahan. Ngunit para sa kanya, ang imperfection na iyon ang nagdagdag ng appeal sa mukha nito. Oo, weird nga sigurong pakinggan. Pero kasabihan nga, ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin.
At para sa kanya, perpekto ang kanyang Chan-chan.
"I'm melting," nakakagat-labing sabi nito habang namumula ang magkabilang pisngi.
Kinuha niya ang dalawang kamay nito at pinagsalikop ang kanilang mga palad.
"Ang totoo, ayos na sa akin kung hanggang saan lang ang kaya mong ibigay."
"What do you mean?"
"Ayos lang kung pagkatapos ng lahat ng ito ay bumalik ka na sa dati mong buhay at kalimutan ako."
"Y-you think I am not serious about this relationship? That this is just some kind of a summer fling that I can easily discarded at whim?"
"Chan-chan..."
"No! Manginig ka sa akin, and you better listen good, you hear? I love you. And whether you like it or not, you're stuck with me. You already promised that you'll take good care of me and that you'll protect me no matter what. And I will hold you to that. Kapag... k-kapag sinira mo ang pangako mo sa akin, I-I will sue you. I will have Ate Marcy and Andeng as my witnesses. And Boogie, too. I'm sure they'll vote in my favor. And... a-and I--I," hindi nito natapos ang gusto pang sabihin nang mangatal ang mga labi nito at muling umagos ang mga luha.
Banayad itong hinigit ni Jethro at hinagkan sa mga labi. Nalasahan pa niya ang luha nito ngunit binalewala niya iyon. Ninamnam niya ang mga labi nito, ang tamis at kalambutan niyon bago mapusok na nanghimasok ang kanyang dila sa loob ng bibig nito. Napasinghap ito at narinig niya ang mahinang ungol.
~0~
HE went on kissing her. At kahit pakiramdam ni Chantal ay sasabog na ang baga niya sa kawalan ng hangin ay hindi siya nagprotesta. She loves the feel of his tongue against her own. The way he explored the recesses of her mouth, how he nibbles and sucks her lips and tongue. Oh, it was delicious, heavenly and so divine. Her arms involuntarily went around his nape and pulled him close as though her life depended on it.
Hindi niya alam kung gaano katagal na naglapat ang kanilang mga labi. Basta't nang maghiwalay sila ay kapwa sila naghahabol ng paghinga.
"Mahal kita, kumander. At huwag mong pagdudahan 'yon," tinuyo ni Jethro ang kanyang mga luha. "Ang sinasabi ko lang sana, kung sakali man at dumating ang time na 'yon--"
"Jeth--" akmang mag-i-speech na naman sana siya ngunit mabilis nitong tinakpan ng hintuturo ang kanyang bibig.
"Sh, makinig ka muna. Patapusin mo ako."
Itinikom na nga lang niya ang bibig.
"Ang point ko lang, hindi ako selfish para itali ka sa isang relasyon kapag dumating ang oras na kailangan mong mamili. Dahil aminin na natin, magkaibang-magkaiba ang mundo nating dalawa. Magagarang damit ang dini-disensyo mo samantalang ako maruruming sasakyan naman ang araw-araw kong kinukutingting. Matataas na tao sa alta-sosyedad ang nakakabungguang-siko mo habang ako mga jeepney driver at mga ordinaryong tao lamang ang kaya kong pakibagayan."
"So, are you saying that you will not even put a fight?" maiiyak na naman yata siya. "Hindi mo ba naisip na puwede akong bumaba? Na puwede rin akong mabuhay nang simple just to be with you?"
"Chan-chan ko, mahal kita. At hangga't mahal mo ako, 'andito lang ako para sa'yo. Huwag mong kuwestyonin kung hanggang saan at kung gaano kalalim ang pagmamahal ko. Dahil kahit buhay ko ay ibubuwis ko nang walang pagdadalawang-isip alang-alang sa'yo. Kaya hangga't mahal mo ako at hangga't kailangan mo ako, hindi kita iiwan."
"I-I don't understand," naguguluhang umiling siya.
Kinuha ni Jethro ang kanyang kamay at inilapat iyon sa tapat ng puso nito.
"Hangga't tumitibok 'yan, hindi mawawala ang pagmamahal ko."
Hindi siya nakapagsalita. Ang anumang gusto pa niyang sabihin dito ay hindi na niya nasabi nang mapansin niyang wala na sa tamang lugar ang kanyang IV at dumudugo na ang bahaging kinakakabitan nito. Dali-daling tumawag ng nurse si Jethro at ipinaayos iyon.
-
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro