Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Misteryo

Chapter Sixty-Three

"A PENNY for your thoughts."

Nakangiting hinarap ni Jethro ang asawa nang yakapin nito mula sa kanyang likuran.

"Have you talked to Andy?" malambing na tanong ni Chantal na kaagad inihilig ang ulo sa kanyang dibdib. 

Hinagkan naman niya ito sa tuktok bago iginiya sa lounger at naupo roon at kinabig itong paupo sa kanyang kandungan.

"Tungkol saan?" Dinala niya ang isang kamay sa umbok ng tiyan nito at marahan iyong hinagod. 

"I think it's better if you hear it from her."

"May boyfriend na ba si Andalusia?" naghihinalang tanong niya sa asawa.

"Hmm, I don't know. And besides, what if she has?"

"Kikilatisin ko muna siyempre."

Napatirik ang mga mata nito sa sagot niya.

Natatawang kinabig niya ito sa batok at inilapat ang mga labi sa bibig nito. Nagsalo sila sa banayad na halik. Tumaas ang dalawang kamay nito sa magkabila niyang pisngi at bahagyang iniawang mga mga labi para sa mas malalim at mapusok na halik. Napaungol siya nang magtagpo ang kanilang mga dila. Para iyong mitsa ng apoy na kaagad nagpainit sa kanya. Mula nang umuwi sila at mangyari ang tangka sa buhay ng kanyang asawa ay hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong magtalik. 

"Jellyboo..." 

"Lasang Anmum."

Mahina itong bumungisngis habang nakasubsob ang ilong sa leeg niya.

"I really love your scent," anito habang ikinikiskis ang dulo ng ilong sa kanyang balat.

Napalunok siya. Nagsisimula ng mag-iba ang temperatura ng kanyang katawan. Sabi nila ay likas daw na maiinit ang mga buntis dahil sa hormonal changes na nangyayari sa katawan ng mga ito. At ang tipo ng asawa niya ang walang kiyemeng magpakita ng nararamdaman kapag may gusto.

"I missed my husband," makahulugang bulong nito.

Maingat niya itong binuhat at kaagad na tinungo ang kanilang silid. Awtomatik namang pumaikot ang dalawang braso ng asawa sa kanyang batok. Tahimik ang buong kabahayan. Umalis na si Callous. Dahil katulad ng kanilang napagkasunduan, aalis lamang ito sa sandaling naiharap na nito sa kanya ang mga taong nagtatangka sa buhay ng kanyang asawa. At aminado siyang napahanga siya ng lalaki dahil higit pa sa inaasahan niya ang husay nito na bigyan ng proteksyon ang kanyang asawa.

Wala rin doon si Boogie dahil sumama itong pumalaot kay Manoy Dison. Ang pinsang si Andeng naman ay nagpaalam sa kanya na pupunta kay Marcy. Nakabukod na kasi ng tirahan ang PA ni Chantal. Nakaplano na rin ang pagpapakasal nito at ni Manoy Dison sa katapusan ng buwang iyon. At masaya silang mag-asawa para sa mga ito.

Maingat na ibinaba ni Jethro sa kama ang asawa nang makapasok sila ng silid. Kaagad niyang hinubad ang suot na muscle tee at inihagis sa paanan ng kama. Nakita niya ang pagkagat-labi ng asawa habang pinapanood ang pag-aalis niya ng saplot sa katawan. Kinindatan niya ito. Pilya naman itong ngumiti saka tila nang-aakit na binasa ng dulo ng dila ang mga labi.

Mabilis niyang tinanggal ang pang-ibabang saplot at ang tanging itinira ay ang kanyang Calvin Klein briefs na binili ng kanyang mahal na asawa. Nang lumuhod siya sa gilid ng kama ay kaagad na kumawit ang isang kamay nito sa kanyang batok. Muling naglapat ang kanilang mga labi, sabik na nag-eskrima ang kanilang mga dila. Hinaplos niya ang tagiliran nito. Bumaba ang kanyang kamay sa bilugang hita nito. Sumuot ang isa niyang kamay sa ilalim ng maternity dress nito at marahang pinisil ang umbok ng puwetan ng asawa.

"Hmm," ungol nito sa pagitan ng pagkakahinang ng kanilang mga labi.

Inabot niya ang hugpungan ng damit nito sa batok saka iyon marahang hinila pababa. Bahagya nitong iniangat ang sarili upang malaya niyang mahatak pahubad dito ang malambot na bestida. Nalantad sa kanya ang bilugang puno ng dibdib nito. Napangiti siya habang kagat-labing nakatunghay sa malusog na harapan ng asawa. Parang kamakailan lang nang magreklamo ito sa kanya na maliit ang dibdib nito kumpara sa mga babaing napaugnay sa kanya.

"They look bigger now," nakangiting sabi nito nang makita kung saan nakatutok ang kanyang tingin.

Yumuko siya at isiniksik ang ilong sa pagitan ng malulusog nitong dibdib. Sininghot niya ang balat nito. Nang hindi makuntento ay dinilaan niya iyon saka pinatakan ng maliliit na halik. Marahang umalon iyon sa malalim na paghinga ni Chantal. Bagay na bagay sa maputing balat nito ang kulay itim na lace bra. Anag-ag sa manipis na cup ang kambal na dunggot. Binasa niya iyon ng dulo ng kanyang dila at pinaikutan. 

Imboluntaryong napaliyad si Chantal kasunod ang mahinang halinghing. Palitan niyang ginawa iyon hanggang sa kusa ng abutin ng asawa ang hook sa harapan at palayain ang kambal na bulubundukin. Bahagya pa iyong umalog at nahantad sa kanya ang naninigas nitong mga nipples.

"Suck them now, jellyboo," paos na daing ng asawa.

At kailan ba naman siya sumuway sa kanyang kumander? Agad niyang sinakop ang isang tuktok ng nipple nito at sinipsip na tila sanggol. Isang ungol ang kumawala sa mga labi ng kanyang asawa kasunod ang marahang pagsabunot ng mga daliri nito sa kanyang buhok. Nagpalipat-lipat ang kanyang mga labi sa magkabilang nipples. 

"Oh, gad... they're extra sen--ooh, sitive. I feel so wet already."

Inipit niya sa pagitan ng mga ngipin ang nipple nito at marahan iyong hinatak.

"Jeeet..."

Magaslaw niyang pinaikutan ng dila iyon at muling sinipsip. Pasalit-salit. Ang isa niyang kamay ay dumausdos sa pagitan ng mga hita ng asawa. At katulad nga ng sinabi ni Chantal, basang-basa na ang pagkababae nito.

"Jellyboooo."

Hinagod niya ng gitnang daliri ang hiwa nito, baba-taas. Nang masalat niya ang naninigas nitong butil ay tiniinan niya iyon ng hinlalaki at paikot na hinagod. Lumakas ang mga halinghing ng kanyang asawa. Sa magkasabay na istimulasyon ay nanginig ang buong katawan nito. Isang malalim na ungol ang umalpas sa mga labi ni Chantal. Tila sa isang nilalagnat na humugot ito ng paisa-isang paghinga.

"Ooh... gosh."

Inabot niya ang mga labi nito. Nagsalo sila sa mainit na halik. Pagkatapos ay bumangon ito at hinagkan ang kanyang leeg at dibdib. Hinaplos nito ang kanyang katawan pababa sa matigas na niyang manoy.

"Aah...!" hindi niya napigilan ang malakas na daing nang magtaas-baba ang malambot na palad ng asawa sa kahabaan niya. Sinapol nito ang puno ng kanyang pagkalalaki at sinalat ng palad. Napakuyom na lang ang mga kamao niya sa bed sheets habang nakaluhod siya sa kama at hinahayaan ang asawa sa ginagawa nito.

"Let me taste you."

"H-ha?" tila lutang pa ang diwa niya sa request ng asawa.

"Baba ka ng kama."

May pagtataka man ay sumunod na lang siya. Naupo ito sa gilid ng kama habang siya ay nakatayo sa harapan nito. Hindi nagtagal at dumausdos sa paanan niya ang natitira niyang panloob. Medyo malaki na ang tiyan ng kanyang asawa dahil nasa second trimester na ito. Muling nagpatuloy ang pagbaba-taas ng kamay nito sa kanyang ari. Ang isa nitong kamay ay kinabig siyang palapit. Nang yumuko ito at sakupin ng mga labi ang ulo ng kanyang pagkalalaki ay muntik na siyang mapaigtad. Mainit at malambot. Iyon ang mga labing nakapalibot sa tigas na tigas niyang manoy.

"Chan-chan," napatingala siya. Kusang sumuot ang kanyang mga daliri sa hibla ng mahaba nitong buhok. Nag-igting ang kanyang mga panga nang paikutan nito ng dila ang tuktok ng kanyang pagkalalaki.

Napahalinghing siya, daig pa ang nagdidiliryo sa sarap na nilalasap. Kung hindi niya lamang pinipigilan ang sarili sa ilang labas-masok pa lang ng pagkalalaki niya sa bibig ng asawa ay sumabog na siya. Ganoon katindi ang pananabik niya. At kung sa akala niya ay wala ng hihigit pa sa ginagawa nitong pagpapalasap sa kanya ng nakababaliw na sarap, nagkakamali siya. Habang sakal-sakal nito ang kahabaan niya ay yumuko pa ito at siniil ang puno ng kanyang pagkalalaki. Dinilaan nito ang paligid ng malasutlang balat hanggang sa pakiramdam niya ay sasabog niya.

Bahagya niyang inilayo ang asawa at sinakop ang mga labi nito. Hinuli niya ang dila nito at sinipsip. Ginalugad niya ang bibig nito at buong alab itong hinagkan. Halos mamaga ang mga labi nito nang palitan niyang sipsipin iyon. Pagkatapos ay maingat niya itong inalalayang pahiga.

"Sabihin mo sa akin kapag hindi ka komportable," paalala niya sa asawa.

Tumango lang ito. Hinila niya ang natitira nitong panloob. Bumagsak iyon sa sahig kung nasaan ang iba pa sa mga kasuotan nilang mag-asawa. Kusang pinaghiwalay ni Chantal ang mga binti nang pumagitna siya roon at lumuhod sa gilid ng kama. Sinalat niya ang pagkababae nito at muling hinagod ang gitna.

"Take me now, jellyboo."

Ipinosisyon niya ang sarili sa bukana nito at saglit na pinadulas ang kahabaan sa madulas na kanal ng pagkababae ng asawa. Ilang atras-sulong ang ginawa niya na ikinaungol ni Chantal bago lalo pang pinaghiwalay ang mga hita. Sa muling pag-atras niya at pagsulong ay diretsong bumaon ang naghuhumindig niyang pagkalalaki sa lagusan ng asawa. Madulas, masikip, at mainit. Nagsimula siyang gumalaw. Sa bawat baon niya ay magkasabay na umaalpas ang masarap na ungol sa mga labi nilang mag-asawa.

"More," halinghing ni Chantal.

"Sigurado ka?" nangangatal ang tinig na tanong niya. 

"Yes, jellyboo."

Hinawakan niya sa magkabilang tagiliran ang asawa. Ang kanina'y banayad na ulos ay unti-unti niyang binilisan. Napaungol ito at napahalinghing. Habang binabayo ito ay inabot niya ang clit nito at sinabayan ng hagod doon ang bawat labas-masok.

"Jet!" napahiyaw ito.

Ipinagpatuloy niya iyon kasabay ang mabibilis na ulos. Papalapit na siya.

"Aaah, Jeeet...!" bigla ang pag-igtad ng katawan ng kanyang asawa tanda ng pagdating nito sa kasukdulan.

Nagpatuloy lang siya. Sinabayan niya ang pag-oorgasmo ng asawa. Hindi naman nagtagal at halos umikot ang diwa niya nang marating ang rurok.

"Aah...!" malalim na ungol niya kasunod ang pagbuhos ng init niya sa kaibuturan ng asawa.

Humiga siya sa tabi nito. At bagaman kapwa naghahabol ng paghinga ay may ngiting nakaguhit sa mga labi.

"I love you," bulong niya rito sabay halik sa noo nito.

"I love you, too." Pinalis nito ang pawis na gumigiti sa gilid ng kanyang pisngi.

Kinabig niya ito at pinaunan sa kanyang dibdib. Saglit nilang pinaraan ang nakakahapong sandali.

"Jellyboo, nagugutom na ako," mayamaya'y ungot ng kanyang asawa.

Natawa siya. "Nakakagutom talaga ang mag-exercise."

"And thirsty, too."

"Okay, sandali lang at ikukuha kita ng pagkain at inumin. Ano ba ang gusto mo?" Bumaba na siya ng kama at pinulot ang mga nagkalat nilang saplot sa sahig. Nagsuot siya ng briefs at pants.

"I want some ripe banana."

"Di ba kakakain mo lang ng saging?" pilyong biro niya.

"It was a raw German sausage, not banana."

Ang lakas ng tawa niya. Itinukod niya ang dalawang kamay sa kama at kinudlitan ito ng halik sa labi.

"Sandali lang ako, kumander. Ihahanap kita ng isang buwig na lakatan."

"Thank you."

Lumabas na ng kuwarto si Jethro para ikuha ng makakain ang nagugutom na asawa. Napangiti siya nang mapansin ang oras sa wall clock, magtatanghalian na pala. Naghanap siya ng makakain sa kusina. Sigurado siyang bago umalis ang pinsan ay nakapagluto na ito ng makakain nilang mag-asawa. 

May kanin sa rice cooker at wala pang bawas. Mayroon ding adobo at laing. Bigla siyang nagutom. Naalala niya ang prutas na nire-request ng asawa.

"Saging." Napangisi siya nang makita ang isang piling ng lakatan sa ibabaw ng kitchen island. Mabuti na lamang at parati silang may rasyon ng mga hinog na prutas.

Inilagay niya sa tray ang kanilang pagkain at inumin pati na rin ang isang piling ng saging. Halos umapaw sa tray ang mga dala niya sa dami ng nakalagay roon. Pagpasok niya ng kuwarto ay siya namang paglabas ng kanyang asawa mula sa banyo. Nakapusod na ang buhok nito at nakasuot ito ng maikling kimono robe.

Pilya itong ngumisi sa kanya saka hinawi ang lapel ng suot na robe para ipakitang wala itong suot na kahit anong panloob. Parang bigla na naman siyang nag-init.

"Grr."

Napabungisngis ito sa naging reaksyon niya.

"Kain na tayo at baka ikaw pa ang makain ko."

"I know you would. That's why I washed thoroughly."

Nauna na itong maupo sa kama at sinimulan ang pagkain ng saging--'yong saging na prutas.

"Hmm, yummy," ang tila nang-i-inggit na sabi nito.

"Huwag mo akong tuksuhin, kumander. Mag-recharge muna tayo at mahirap ng pareho tayong ma-drain."

Bumungisngis lang ito sa sinabi niya.

"Kanin, ayaw mo?"

"Subuan mo ako."

Napatikhim siya. Ibang subo kasi ang pumasok sa utak niya. Malala na yata siya. Inuna niya itong subuan ng kanin at ulam.

"I want some laing, too."

Napabilib na naman siya sa asawa. Diyata at kumakain na rin pala ito ng laing. Sa pagitan ng pagsubo niya rito ng kanin at ulam ay kumakain din ito ng saging. Napailing na lang siya sa kakaibang taste ng maybahay. Kunsabagay, 'yong iba nga nag-uulam ng hinog na mangga at saging sa kanin. Normal pa rin pala ang panlasa ng kumander niya katulad ng iba.

"You look amused," puna nito habang ngumunguya ng saging. "Do I look funny?"

Lumawak ang ngiti niya sabay dukwang ng halik sa nagsasalubong nitong mga kilay.

"Naaaliw ako sa weird mong panlasa hindi dahil sa kung anong iniisip mo."

"Talaga ba? At ano ang iniisip ko?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Na baka iniisip mong pinagtatawanan ko ang hitsura mo."

"At bakit mo naisip 'yan?"

"Nagbabasa ako ng mga articles tungkol sa pinagdadaanan ng mga buntis. May mga tips doon sa mga mister na dapat ay mas maging pasensiyoso kami dahil hindi madali ang mga pagbabagong nagaganap sa katawan ng isang babae habang nagdadalantao. Lalo na sa mga first time moms."

Parang namangha ito sa mga sinabi niya.

"O, bakit ganyan ang--" hindi niya natapos ang sasabihin nang hatakin siya nito sa batok at sakupin sa mainit na halik ang kanyang mga labi.

Tumayo siya habang hindi napuputol ang pagkakalapat ng kanilang mga labi at binuhat ito. Mula sa kama ay lumipat sila sa love seat na nasa may paanan ng kama. Isa iyon sa mga bagong muwebles na nadatnan niya nang siya'y umuwi. At mukhang isa sa magiging paborito niyang muwebles sa kanilang silid ang upuang iyon.

Umupong paharap sa kandungan niya ang asawa. Hinila niya ang buhol ng suot nitong kimono robe na may peacock design. Kaagad na tumambad sa kanya ang kahubaran ng asawa nang madulas na mahawi sa gitna ang lapel. Mabilis na sinapo ng dalawa niyang palad ang malusog na dibdib ng asawa. Sabay niyang piniga ang kabilugan ng mga iyon at salitan niyang sinamba ang magkabilang tuktok.

"Aah," napaliyad si Chantal. Nakaluhod ito at bahagyang nakaangat ang ibabang katawan habang nakapaibabaw sa kandungan niya.

Hindi niya tinigilan ang pagsipsip sa mga nipples nito hanggang sa para ng eraser ang mga iyon sa pagkakatayo, nangingislap ang mamula-mulang mga dunggot mula sa kanyang laway. Dumausdos ang isa niyang kamay sa pagitan ng mga hita nito. Mas lalong lumakas ang mga halinghing ni Chantal. Mula sa pagkakasandal ay dahan-dahan siyang dumausdos. Kaagad namang naunawaan ng asawa ang balak niya. Inihawak nito ang magkabilang kamay sa sandalan ng upuan hanggang sa mapagitna ang ulo niya sa pagitan ng mga hita nito.

"Oh, fuck," iyon ang mahinang umalpas sa mga labi nito sa unang sayad pa lamang ng dila niya. Na nasundan pa ng ilang salita na hindi niya akalaing lalabas sa bibig ng kanyang asawa.

Siniil niya ang pagkababae nito. Hinimod ang kahabaan ng pinid na guhit bago magaslaw na ginalugad ng dulo ng kanyang dila ang kanal. Nang matagpuan niya ang nakatagong hiyas ay pinaikutan niya iyon ng dila at sinipsip.

"Oh, gosh...! Jet, Jet. Aaah, fuck, fuck... aah, jellyboooo!"

Sinuportahan niya ng dalawang kamay ang pang-upo ng asawa nang mangatal ito. Mahigpit itong napakapit sa sandalan ng upuan habang patuloy na nangangatal. Nang muli niyang siilin ng mga labi ang pagkababae nito ay napaigtad ito na parang napaso. Sinapo niya ng magkabilang palad ang puwetan nito at hinapit itong palapit sa kanyang bibig.

"Jeeet."

Siniil niya ang pagkababae nito at muling sinipsip ang hiyas.

"Aaah, fuuuuck...!"

Muling nangatal ang katawan ng kanyang asawa. Hinimod niya ang tumagas na nektar sa pagkababae nito. Halos manlupaypay ito sa ibabaw niya. Nang bumalik siya sa dating posisyon ay kaagad nitong inabot ang kanyang pants. Pumihit din itong patalikod sa kanya. Hinayaan niya itong ibaba ang suot na pants kasama ng kanyang briefs. Matigas na matigas na ang kanyang manoy. Kumbaga sa mandirigma ay handang-handa na ito sa bakbakan. Nang itaas-baba ni Chantal ang dalawang palad doon ay kaagad niyang binulungan ang asawa.

"Bubuga na 'yan, kumander. Ipasok mo na."

Masunurin naman ang kanyang maybahay. Pahapyaw nitong ikiniskis sa bukana ang naghuhumindig niyang manoy saka iyon dahan-dahang binababaan.

"Aah," sabay pa nilang ungol.

At ang ungol na iyon ay mas lumakas pa. Sumabay ang mahinang ingay na nagmumula sa mamahaling love seat sa bawat baba-taas ng kanyang asawa. Inabot niya ang umaalog nitong dibdib at hinagkan ito sa batok. Impit itong napahalinghing. Hindi nagtagal at magkasunuran nilang naabot ang kasukdulan ng pagtatalik. 

Mahigpit na kinabig ni Jethro pasandal sa dibdib niya ang asawa. Hinagod niya ang ibabaw ng tiyan nito at pinatakan ito ng maliliit na halik sa balikat. May ilang sandali silang nanatili lamang sa ganoong ayos hanggang sa maramdaman niyang parang naiidlip na si Chantal. Hinayaan na lamang niya ito. Napagod yata nang husto.


MALALIM na ang tulog ng asawa nang maingat na bumangon si Jethro mula sa kama. Mula sa loveseat ay maingat niya itong inilipat sa kanilang kama at inayos ito sa komportableng posisyon. Patang-pata yata talaga ito dahil hindi man lang naalimpungatan nang punasan niya ang pagkababae nito ng basang bimpo at bihisan ito ng kanyang kamiseta. Hinagkan niya ito sa sentido at inayos ang kumot. 

Sinamsam niya ang kanilang pinagkainan para ilabas iyon sa kusina. Bago lumabas ay hinagip niya ang kanyang cellphone sa side table ng kama. Nang mailigpit ang mga pinagkainan nilang mag-asawa ay lumabas siya ng sun deck. Idinayal niya ang numero ng kapatid. Ilang araw ng gumugulo sa isip niya ang lalaking nakita niya sa airport nang araw na ihatid nila si David.

"Hello?" boses ni Meredith sa dulong linya.

"Ate."

"O, Jet, kumusta? Kumusta si Chantal?"

"Ayos naman. May itatanong lang sana ako."

"Kung tungkol sa lovelife ko wala kang makukuhang sagot."

Natawa siya nang pakahol sa sinabi nito. "Alam ko naman 'yon. Pero huwag kang mag-alala, hindi tungkol do'n."

"In that case, go ahead."

"Buhay pa ba si Mang Tasyo?"

Patlang. Nang may ilang saglit na lumipas ang katahimikan sa kabilang linya ay may palagay siyang tama ang kanyang hinala.

"Bakit mo naitanong?"

"Dahil nakita ko siya."

"Baka naman namamalikmata ka lang?"

Ganoon nga kaya? "Nakita mo ba mismo ang bangkay niya?"

"Yes. And he was very dead to me."

Kung ganoon ay sino ang nakita niya?

"I'll look into it just to be sure."

"Huwag na," aniya. "Kung tulad ng sinabi mo ay patay na siya, malamang talaga ay patay na siya. Siguro nga ay namalikmata lang ako."

-

Mang Tasyo's death will remain a mystery here in this story.

abangan niyo na lang po ang mga kasagutan sa upcoming series ko na The Untouchables.

about naman sa nanay at tatay ni Jet, siya na rin mismo ang nagsabi. para sa kanya patay na ang tatay niya. 'yong nanay niya naman, wait for the finale na lang.

ending na ba ang kasunod? yes, po. may special chapter? hmm, we'll see 😉😉😉

always the naughtiest,

frozen_delights


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro