Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mga Taga-Efeso 5:15-16

Chapter Fifty-Five

"BIBLE," mahinang wika ni Meredith na bahagya na lamang umabot sa pandinig ni Jethro.

"Iyon din ang naisip ko noong una."

"Nakita mo ba siyang humawak ng Bible?"

Saglit na nangunot ang kanyang noo. Naalala niya ang ilang pagkakataon na nakita si Mang Tasyo na may dala-dalang kuwaderno. Bibliya nga ba iyon?

"Oo. Minsan." Kaya sinasabi nga no'ng ibang inmates, baka raw kaya parang may sayad minsan si Mang Tasyo ay dahil nasobrahan sa pagka-banal.

"Patitingnan ko sa tao ko rito sa loob. Meanwhile, aalamin ko muna kung sino ang tarantadong nanakit sa'yo."

"Ang totoo niyan ay dalawa ang pinaghihinalaan ko."

"Give me their names."

Medyo nag-atubili siya. Pakiramdam niya ay bunsong kapatid na nagsusumbong sa Ate dahil merong nang-bully sa kanya sa eskuwelahan. Napangiwi siya. Ang sagwa.

"Well?"

"Ahm, sina Rex at Zandro."

"I'll look into it."

Nang matiyak na maayos na siya ay nagpaalam ito sa kanya para kausapin ang Warden. Babalik daw ito kaagad kapag nakausap na nito ang nangangasiwa roon.

Nang mapag-isa'y napaisip siya nang malalim. Sino ang nagtangka sa buhay niya? At bakit? Patagilid niyang isinandal ang likuran sa pader. Napamura siya nang kumirot ang kanyang sugat. Nabigyan na siya ng gamot ng doktor. Ngunit mukhang wala ng bisa ang pampamanhid na itinurok nito roon sa kanya kanina kaya ngayon ay ramdam na niya ang kirot.

Ilang oras din siyang naghintay. Nakapananghalian na siya nang bumalik si Meredith. Nasa mukha na naman nito ang pag-aalala nang makaharap siya.

"Ano ang balita?" tanong niya sa pinagagaang na tono.

"They were paid to kill you."

"Tama ba ako na sina Rex at Zandro ang gumawa nito sa akin?"

"'Yong Rex at Andro."

"Ah," mukhang napagpalit na naman niya ang pangalan. "Inamin nila?"

"With gentle persuasion, yep."

Napaangat ang dalawa niyang kilay. "Ipinabugbog mo?"

"Of course not, brother dear. But according to Al Capone: You can get much farther with a kind word and a gun than you can with a kind word alone."

Napamaang siya.

"The same blood runs in our veins, brother. Don't look so surprised."

Napakamot na lang siya sa kanyang batok. Hindi pa man niya nakakaharap ang kanyang bayaw ay naaawa na siya rito. Sa nakikita niya kasi sa kapatid, tingin pa lang nito ay titiklop na ang asawa.

Parang ikaw hindi? 

Lihim siyang napangiti nang maalala ang maamong mukha ng kanyang asawa. Hindi ito tulad ng Ate niya na nakakatakot ang aura. Pero kapag nanulis na ang nguso at nagtubig ang mga mata, wala na. Ligwak na ang tapang ng isang Jethro Duque.

"I need to get you out of here soon," seryosong sabi ng kapatid niya. "It's not safe for you to stay here any longer."

"May deal kami ni Vengeance. Hindi ko puwedeng sirain 'yon. Isa pa, siguro naman ay magagawan mo ng paraan na ibukod na lang ako ng selda sa dalawang 'yon."

"Are you fucking out of your mind? Alam mo bang nang dahil sa putang inang sikretong 'yan na sinabi sa'yo ni Amang ay puwedeng manganib ang buhay mo?" mariin ngunit halos pabulong lamang na sabi ni Meredith. "The hyenas will come out in their hiding place to take you down and ripped you to shreds. And I'm not gonna sit back and watch."

Natigilan siya. Saka matamang napatitig sa kapatid.

"Mukhang marami kang alam kay Mang Tasyo."

Napabuntong-hininga si Meredith bago ito naupo sa tabi niya. At sa mahinang tinig ay nagsimula itong magsalita.

"According to Vengeance, he was a powerful man during the dark era of his reign. And he holds so many secrets that may take down some of the most influential men in the world. He was dormant for so many years. He remained inconspicuous in the guise of a senile, old man. I was about to ask my PI to gather some information about him. But before I could, Vengeance told me not to do it. Only to find out that he sent you here because of Protacio Apostol. That bastard," tumiim ang mga labi nito. 

Napahinga siya nang malalim.

"Just what exactly is your deal with Vengeance?"

Naisip niyang wala na rin naman siyang maitatago sa kapatid kaya sinabi na niya rito ang totoo.

Napaawang ang bibig nito atsaka marahas na napabuga ng hininga.

"Hindi mo ba naisip na baka all along ay pinapapasok ka lang niya sa bitag para ipagawa sa'yo ang bagay na ito? He can be a good manipulator, you know."

"Alam ko. Pero ayaw ko rin namang tumanggap ng libreng tulong kaya gusto kong tapusin ang usapan naming dalawa."

"What about your wife? Kahit pa sabihing ginagawa mo ito kapalit ng proteksyon niya, sa palagay mo ba ay hindi ito ikasisira ng inyong pagsasama?"

"May tiwala ako sa pagmamahal niya."

"Tsk. We--women-- are very complicated creatures, brother dearest. So I am telling you now, quit while you're ahead."

"Meron pa akong natitirang tatlong linggo."

"Ano?"

"Pagkatapos ng isang linggo at hindi ko pa rin nagagawa ang misyon ko rito sa loob, ilabas mo na ako."

Matiim siyang tinitigan ng kapatid.

"Sigurado ka na ba talaga riyan sa desisyon mo?" anito.

"Oo. At sana'y huwag mong kalimutan 'yong pangako mo sa akin, Ate. Gusto kong alamin mo ang lagay ni Mang Tasyo."

Tila napilitan na lamang itong tumango.

Kinabukasan na siya pinabalik sa kanyang selda. Tila biglang naging ilag na rin sa kanya ang mga kasamahan doon. Sina Rex at Andro ay kasalukuyan daw nasa bartolina. Isang linggo ang parusa sa mga ito roon. Paglabas daw ng dalawa ay sa ibang selda na mapupunta ang mga ito. Ganoon pa man ay pinagdodoble ingat siya ng kapatid.

Tatlong araw matapos ang pag-uusap nila ay muli itong bumisita sa kanya. Sinabi nitong patawirin ang lagay ni Mang Tasyo at kasalukuyang nakaratay sa ICU. Fifty-fifty raw ang tsansa nitong maka-survive. May nahagip raw na vital organ sa loob ng tiyan nito. At dahil may-edad na rin ang pasyente, the chance of survival is very slim.

"Binayaran ko ang isa sa mga jail guard na hanapin ang Bible ni Mang Tasyo at dalhin sa'yo. I'm not sure what to look for kaya ikaw na ang bahala. You only have four days left. After that, you're out of here, got that?"

"Copy."

"Tsk."

Nang sumunod na araw ay isang nakabigting bangkay ang natagpuan sa paliguan. Si Negro. Ayon sa bulung-bulungan, ito ang sumaksak kay Mang Tasyo. Nang makita ni Jethro ang dalawang asungot ni Negro ay nakita niya ang takot sa mukha ng mga ito. Marahil ay naisip ng mga ito na sila na ang susunod.

Bago dumating ang ibinigay niyang taning sa usapan nilang magkapatid ay nilapitan siya ni Leandro sa prison yard. May iniabot ito sa kanyang kuwaderno. Natuwa siya at nabuhayan ng pag-asa na sa wakas ay hawak na niyang ang Bibliya na posibleng kasagutan sa mensaheng ibinigay sa kanya ni Mang Tasyo. Ngunit ganoon na lamang ang pagka-dismaya niya nang pagbuklat niya roon ay nawawala ang pahinang kailangan niya!

Mayroon ng ibang nakakaalam! At posibleng hawak na ng mga ito ang micro SD card na kailangan niya!

"O, ano ang problema?" tanong ni Leandro nang makita ang pagka-dismaya sa mukha niya.

"Saan mo 'to nakuha?"

"Sa mismong lagayan ng gamit ni Mang Tasyo."

"Ganito mo na 'to nakita?" ipinakita niya rito ang mga nawawalang pahina.

"Oo. Bakit, ano ba ang gusto mong basahin d'yan?"

"Wala," dismayadong sagot niya.

Maliban sa kanyang kapatid ay wala siyang ibang pinagsabihan ng mensahe ni Mang Tasyo. Sino pa ang posibleng nakarinig ng sinabi ng matanda? Posible kayang may pinagsabihang iba ang kapatid niya? Hindi siguro. Abogada ito. At ito pa mismo ang nagsabi sa kanya na namimiligro ang buhay niya dahil sa tila code na iniwan ng matanda.

Ilang beses pa niyang pinagbali-baliktad ang Bibliya. Sinalat-salat pa niya ang mga pahina at mismong pabalat. Wala. 

Mukhang lalabas siya roon nang bigo sa pakay niya. Laglag ang balikat na naglakad-lakad na lang siya. Kapag nasa prison yard sila ay malaya silang mag-ikot-ikot o kaya ay mag-ehersisyo. Puwede rin silang pumunta sa maliit na kapilya na nasa may duluhang sakop ng prison yard. Minsan sa isang linggo ay may nagtutungong pari roon para magmisa. Pumasok siya sa kapilya at naupo sa may bandang unahan.

Hindi siya relihiyosong tao. Maging ang Tiyo Narding niya ay hindi rin palasimba. Ganoon pa man, pinalaki siya nito na busog sa pangaral at paniniwala na may Dios. Na ang bawat kasamaang gawin ng tao sa lupa ay may katumbas na parusa pagdating sa kabilang buhay. Kaya palagi nitong sinasabi sa kanya na hangga't kaya niyang mabuhay sa matuwid na landas, huwag siyang gagawa ng bagay na makasasakit sa kapwa.

Lalabas na sana siya ng kapilya nang may mahagip ang kanyang tingin.

Mga Taga-Efeso 5:15-16

Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon.

Kusang kumilos ang kanyang mga paa at tinungo ang altar. Bigla niyang naalala na madalas nga palang tumutulong doon si Mang Tasyo sa paglilinis. Posible kayang may sulok-sulok doon na pinagtaguan ang matanda? It was a long shot. Pero wala namang masama kung magbabakasakali siya.

"Duque, ano pa ang ginagawa mo rito?" sita sa kanya ng jail guard.

"Ah, nagdadasal lang, tsip," aniya. Humipo siya sa naroroong santo na hindi niya alam kung ano ang pangalan atsaka nag-antanda.

"Balik na sa loob," anito.

Hindi na nito kailangang ulitin. Parang may pakpak ang mga paang lumabas siya ng chapel, may ngiting nakakubli sa isang sulok ng mga labi.


"CHANTAL."

Mabilis na pinalis ni Chantal ang namamalisbis na luha sa magkabilang pisngi. She forced a smile on her lips to hide the pain she's feeling. Magdadalawang linggo ng hindi tumatawag si Jethro. Napupuno ng takot ang puso niya sa pag-aalala rito. At kahit anong pilit na pang-aaliw ng mga kasama niya sa bahay na baka busy lamang sa trabaho ang kanyang asawa kung kaya't hindi ito makatawag sa kanya, ay hindi pa rin mapanatag ang kalooban niya.

Matindi ang kaba sa dibdib niya. Natitiyak niyang kahit busy pa si Jethro ay makakapagsingit ito ng tawag sa kanya sa loob ng dalawang linggong 'yon. Kaya ganoon na lamang ang pag-aalala niya. It was so unlike him. Not a single call within two weeks?

"Are you okay, Chantal?" concern na tanong ni Lucille.

Dumating ang Uncle David niya at ang pamilya nito may isang linggo na ang nakakaraan. Pero dahil nga nag-aalala siya sa kanyang asawa, hindi niya masyadong mapagtuunan ng pansin ang reunion nila ng pamilya ng tiyuhin. Balak sana ng mga ito na kumuha na lamang ng accommodation sa resort na malapit doon. Pero dahil na-impluwensyahan na rin siya ng hospitality culture ng mga Pinoy, nag-suggest si Andeng na ipagamit na lamang sa mga ito ang sariling silid. Ganoon na rin ang ginawa ni Boogie. Ang kuwartong ginagamit nito ay ipinagamit sa anak ng mag-asawa. Tutal ay pupuwede naman daw ito kahit saan. Itinabi na lang niya sa pagtulog si Andeng

"Y-yes. I'm okay, Lucille."

Ilang taon lang ang tanda sa kanya ng babae. Dati rin itong modelo. Ngunit nang ipagbuntis nito ang anak na si Kelly ay pinatigil na ito ng tiyuhin niya sa pagmomodelo upang matutukan ang pagpapalaki sa anak.

"So, have you made up your mind?" tanong ni Lucille.

Nabanggit niya rito ang planong pag-uwi ng America. Apat na araw na lang ang natitira sa taning na ibinigay niya kay Jethro. Sa pagsasama-sama ng tampo, kaba at hinanakit niya sa asawa baka hindi pa man sumasapit ang deadline niyang tatlong buwan ay mag-alsa-balutan na nga siya at iwan ito.

Paano siya nito natitiis? Ganoong ilang araw lamang na hindi sila magkausap ay para na siyang mababaliw sa pag-aalala?

"I'm still thinking about it," mahinang tugon niya na ikinatingin ni Andeng sa kanya.

Ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin. 

Natagpuan na ng mga pulis si Ally. At mukha nga raw talagang binalak nitong tumawid sa border patungong Mexico dahil malapit lamang doon natagpuan ang bangkay nito. There was no sign of foul play, either. According to the investigation, Ally died due to heroin overdose. Wala ring palatandaan na may kasama ito sa sasakyan kung saan natagpuan ang malamig nitong bangkay na may ilang araw ng patay. Lumutang na rin si Gareth na hindi naman talaga nawawala. Ayon dito ay plano ni Ally ang lahat. Pati na ang natagpuang history logs nito. Diumano'y tinakot lamang ito ng babae, pinangakuan ng kung anu-ano para mapasunod ito.

However, she was not convinced. Kaya naman sa tulong ng abogado ay sinampahan pa rin niya ng kaso ang lalaki. Gareth is currently out on bail.

"I hate to say this, but this is not your world," prangkang sabi ni Lucille na nagpabalik ng isip ni Chantal.

Hindi nalingid sa kanya ang masamang tingin na ipinukol dito nina Marcy at Andeng. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng babae.

"Let's face it, darling. You and your absentee husband belonged to different culture, different social standing. Even the color of your skin are different. You've been sheltered all your life, what do you know about the real world? You rushed into marriage without considering that it could be just a passing fancy. Give it a year or--"

"Lucille," matiim itong tinapunan ng tingin ng asawang si David. "Enough. Chantal is no longer a minor. She knows herself more than anyone."

"I am just telling her my opinion."

"Which is not needed," ani David.

Napatirik na lamang ang mga mata ng babae. Tila humihingi naman ng dispensang tinapik-tapik ni David ang kamay ng pamangkin sa ibabaw ng kinakainan nilang mesa. They were eating dinner. 

Ang pamimigat ng dibdib ni Chantal ay tila lalo pang namigat pagkatapos ng mga sinabi ni Lucille. Nang matapos ang hapunan ay saglit siyang nakipagkuwentuhan sa tiyuhin sa open deck ng kanilang bahay. Kalalatag lamang ng dilim. Sa skyline ay makikita pa ang unti-unting paglalaho ng kulay kahel na ulap.

Masaya nilang binalikan ng tiyuhin ang masayang alaala ng kanyang kabataan. Naputol iyon sa pagkamatay ng kanyang ina sa malubhang sakit. Dumalang ang pagkikita nila nang muling mag-asawa ang kanyang ama. Nang tanungin niya ang tiyuhin tungkol doon ay dahil nagalit daw ang Daddy niya rito. Sinabihan daw kasi nitong isang gold digger si Greta. Nagkasagutan daw ang dalawa na naging dahilan ng pag-distansya ng kanyang tiyuhin.

"But that's all water under the bridge now. I reconciled with your Dad before he passed away."

"I'm happy to hear that."

"I was sure back then that Greta was only after your Dad's money. But looking back how they stayed together for more than thirteen years, I think she loved your father."

Kaya ba kahit alam ni Greta na nasa panganib ang buhay ng kanyang ama ay sinamahan pa rin nito ang Daddy niya? Ayaw na niyang pakaisipin pa iyon. Dahil maaaring tama ang sinabi ng tiyuhin niya. Na sa kabila ng plano ng mag-ina na paikutin silang mag-ama, sa huli ay tinalo ng pag-ibig ang kasakiman ni Greta. Mas pinili nito ang Daddy niya kaysa pera. At marahil sa huli ay si Ally na lamang ang gumusto na makuha ang lahat.

Nagpaalam ng mauuna ang kanyang Uncle David. Inaantok na raw ito. Nagpaiwan na muna siya. Nahipo niya ang bahagyang umbok ng kanyang tiyan. Mahigit na iyong tatlong buwan. At sa tuwing nag-aalala siya kay Jethro, haplusin niya lamang iyon ay nababawasan ang kanyang mga alalahanin. 

Puwede na raw makita ang kasarian ng baby ayon sa kanyang OB. Pero tumanggi siyang magpa-ultrasound. Gusto niya magkasama sila ni Jethro para makita nito ang gender ng baby nila.

Where are you, jellyboo? I missed you so much. Please, come home.

Tumayo na siya para magtungo sa kanyang silid nang maulinigan niya ang tila nagtatalong dalawang boses. Pinakinggan niya iyong mabuti.

"Siraulo ka ba? Hindi puwede!"

Andeng...? 

Pero sino ang kaaway nito?

Ang balak niyang pagbaba ng bahay para alamin kung sino ang kausap ni Andeng ay naudlot. Bago pa man siya makababa ay nakita niya ang isang lalaki. Nakaakyat na ito sa landing bago umakyat sa susunod na baytang paharap sa direksyon niya.

"Who are you?" Matipuno at mukhang foreigner ang lalaki. Para itong 'yong mga modelo ng pantalon. Rugged, rough looking, manly and dangerous.

Tumahip ang dibdib niya at awtomatiko siyang napaatras nang magpatuloy ito sa pag-akyat sa mga baytang. Napatingin siya kay Andeng na kasunod nitong umaakyat ng hagdan.

"Good evening, Ms. Karan. Sorry for coming here like this, but you need to come with me."

"I-I don't know who you are. I--"

"My name is Callous Dubois. I've been keeping an eye on you for almost three months now ever since your husband left."

"You're my, uh..." guardian angel? sa isip na lamang niya naidugtong iyon nang maalala ang minsang sinabi sa kanya ni Jet nang magpadala ito ng Kobe Beef Steak. The man is hardly angel-like. More like a fallen angel, maybe? "Wait, you know where my husband is?"

"Yes. And I think he needs you."

"W-what do you mean?"

"He was in an accident while coming home to you."

Muntik na siyang gumiray sa pagkakatayo matapos sabihin iyon ng lalaki. Mabuti na lamang at kaagad siyang naalalayan ni Andeng.

"Gago ka talaga," sikmat dito ni Andeng. "Hindi ba uso sa'yo ang salitang gentle?"

"Paano bang gentleness ang gusto mo? 'Yong maraming adlib? Baka bago ko pa nasabi kay Ms. Karan na nabangga ang asawa niya at kasalukuyang walang malay sa ospital ay nalagutan na ng hininga si Jethro."

Parang nanlaki ang ulo niya sa narinig. Patawirin ang kanyang asawa?

"Um!" sinipa ni Andeng sa binti ang lalaki.

"The fuck, woman! What is wrong with you?!"

"T-take me to him. Take me to my husband," nanginginig ang mga kalamnang sabi niya.

"The car is already waiting."

hello, team tigang!

told ya, hanggang sa huli tigang😁😂🤣

uminom ka na lang malamig na buko juice😂😂 

always the naughtiest of them all,

frozen_delights


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro